Chapter 38
THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 38
A N D R E I
––
Pagdating ko sa bahay, lahat ng gamit na makita koʼy tinapon ko lahat. Iyong mga flower vase, binuhat ko paʼt pinagbabasag. Wala akong itinira. Pati mga katulong ay pinalayas ko. Dahil sa galit. Pinaghalong galit at inggit.
Kumuha rin ako ng mantika at ibinuhos iyon sa bawat sulok ng bahay at saka ko 'to sinindihan.
Chariz!
Kailan pa mag-aapoy ang kandilan? Ulo ko lang ang nag-aapoy sa galit. Kung puwede ko nga lang gawin ang mga iyon, e di sana kanina pa sunog itong bahay ni Sir Henry. Pero never, bebs! Hindi pa ako ganoon kasama. Kinikimkim ko na lang ʼyong nararamdaman ko dahil para saan pa?
Para saan pa ang galit ko kung alam ko, alam naming dalawa na nagpapanggap lang kami sa harap ng mga magulang niyaʼt byanan?
Pagkatapos kong ilagay sa mesa ang mga pinamili koʼy agad kong tinungo ang aking kuwarto. Doon ako naglupasay at nagtatalon-talon sa inis. Chour! Naupo lang ako sa kama habang umiinom ng isang litrong softdrinks. Nakatingin sa kawalan.
"Bwesit! Hindi man lang ako nalalasing dito?!" inis kong turan pagkatapos kong maubos ang iniinom ko. "Nakakainis kasing lalaking ʼyon! Ginagawa niya akong tanga."
May pa-request-request pa siyang kiss tapos wala naman pala siyang paninindigan.
'Di ba ngaʼy ikaw na rin ang nagsabi na huwag maging tanga lalo naʼt tuwid ang pagkatao niya?' ani ng limang porsiyento ng matino kong isip.
Bumuntonghininga ako. Tama. Ako lang pala ang nag-iilusyon ng sarili kong love story–na kahit kailan ay hinding-hindi mangyayari. Ako lang pala ang nag-iisip na lahat nang pinapakita niyang motiboʼy may ibang ibig sabihin.
Gusto kong umiyak pero walang luhang gustong lumabas. Nahihiya siguro sila dahil sa katangahan ko. Umirap na lang ako sa kawalan.
Napangiwi ako nang maamoy ko ang sarili. Ang baho ko na pala. Agad akong kumilos. Kinuha ang tuwalyaʼt lumabas ng kuwarto. Maliligo na lang ako kaysa isipin iyong hinayupak na Henry'ng iyon!
Hindi siya kawalan!
--
Pagkatapos naming mananghalian ay naisipan kong maligo na lang sa swimming pool. 'Di kasi ako nakaligo kanina dahil naliligo si Auntie Dolly, kaya tinamad na ako. Ngayon lang ulit ako sinapian nang kasipagan sa pagligo.
Kinuha ko ang swimsuits na ginamit ko pa noon sa gaypor—gay pageant na sinalihan ko. Oo! Magsusuot ako ng two piece at walang makakapigil sa ʼkin. Sa kuwarto ko na ako nagpalit at saka ako rumampa palabas bitbit ang lalagyan ko ng sabon, shampoo, at toothbrush. Habang nakabalot naman ang tuwalya ko sa aking katawan.
"Pft! Bakla, sa'n punta mo?" Taas noo akong lumingon dito, iyong kasamahan kong katulong na may hawak na mop.
"Sa impyerno, sasama ka? O mauuna ka?"
Tumawa ito. As if naman nakakatawa talaga iyon sinabi ko. What if, paunahin ko na siya sa impyerno? Ang daming segway!
Iniwan ko na lang siya roon at saka nagpatuloy patungong pool area. Walang tao roon nang makarating ako. Sakto ring maganda ang sikat ng araw. Ibinaba ko na muna sa may bench iyong hawak koʼt bumalik sa kusina. Pagdating ko roo'y saktong naroroon si Auntie Dolly na nakaupo lang habang hawak niya ang cell phone. Aba! Binabayaran siyaʼt bakit cell phone ang inuuna?
"Wow naman! Iyan ba ang nagpapasweldo sa inyo, 'te?" Nagulat ito't muntikan pang mahulog sa kaniyang kinauupan.
"Ano ba, Drei! Nakakagulat ka naman–"
"Bakit po? Nanonood ba kayo ng bold?"
Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi, ʼno–" Napansin ko ang pamumula ng pisngi niya. “E kasi ʼtong asawa ko, inayaya akong mag-soc!" sabi niya na tila ba bulateng binudburan ng asin.
Wow, a! May asim pa ang Lola niyo.
Inirapan ko na lang at saka tinungo ang refrigerator. Bala ko sana siyang utusan na gawan ako ng meryenda kaso ʼwag na, baka mabitin siya sa ginagawa. Kaya ko naman na ang sarili ko. Kumuha ako ng isang pitsel ng orange juice at saka mga chichirya na binili ko kanina. Sinamahan ko rin ng cookies at saka nung mga nabalatan ng prutas.
Naalala ko kasi sabi ni Auntie Dolly noong unang linggo ko na hindi naman daw nagagalit si Sir Henry kapag kami ang nakakaubos ng stocks. Dahil para sa kaniya, pamilya na ang turing nito sa 'min. Feel at home kumbaga. Siyempre, abusado tayong mga Pinoy kaya tinodo ko na. Baka kasi dumating sina Senyorito maya-maya. Yayayain ko na lang.
Nang mailapag ko sa mesang gawa sa semento rito sa pool area na may payong ang mga dala ko. Hinubad ko na rin ʼyong tuwalyang nakabalot sa katawan ko. At hetoʼt exposed na ang aking curved body. Umawra pa ako kahit wala namang camera. Feeling ko kasi ang sexy-sexy ko sa suot kong puting bikini. Alagang-alaga ko kaya itong katawan at mukha ko.
Napaharap ako sa likuran ko–kung saan ang pinto papasok sa loob–nang may sumipol doon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Marlou roon, nakatayo at nakapamulsang nakatingin sa aking gawi.
Dali-dali akong umatras at tumalon sa pool. Nang umahon akoʼy nasa gilid na ʼto ng pool.
“A-Ano'ng ginagawa mo ritong hayop kaʼt bigla-bigla ka na lang sumusulpot?”
Napansin ko ang pagngisi niya. Mabuti na lang at nakatalon ako kaagad para wala siyang pagkakataong suriin ang katawan ko o kanina pa ba niya ako sinusuri?
"Chill, Dude!"
"Dude mo mukha mo! Kita mo nang naka-bikini tatawagin mo niyan?"
Tumawa siya. Naningkit tuloy ang mga mata niya. "I'm sorry."
Umirap na lang ako at saka lumangoy papunta sa may hagdan. Umahon akoʼt nagulat na lang nang hawak na nito iyong tuwalya ko na agad niyang isinampay sa aking balikat.
"Wow! Ang gentleman, a?"
Ngumisi na naman siya. Kinikilabutan ako pagngumingisi ʼto. Iniisip ko na lang na kamukha niya si Xander Ford para matawa ako. Pero kasi ang layo-layo ng itsura nito sa social media influencer na ʼyon. Guwapo ito pero mas poge si Sir Henry.
“Akala ko noong una babae ka pero nung humarap ka na, may bukol ka pala sa gitna ng mga hita mo,” sabi nito.
Dahil sa inis koʼt mabilis ko siyang naitulak sa swimming pool.
"Hala! Akala ko kasi sa ʼyo salbabida," ani ko sabay irap. "Pero maligo ka na muna. Baka naiinitan ka."
"Fck! Andrei! Did you know that this shirt is the most expensive shirt in the world?!"
Arte!
Hindi ko na lang siya pinansin. Naupo ako sa bench at saka sinimulang kainin iyong meryendang kinuha ko. Napansin ko ang pag-ahon nito sa pool. At hindi rin nakawala sa paningin ko ang paghubad nito sa expensive kuno niyang polo. Naitunga ko iyong isang pitsel ng orange juice nang tumambad sa ʼkin ang kahubdan niya.
Teka lang naman!
Hibuhad din niya ang suot na pantaloon at ngayoʼy naka-brief na lang siyang puti. Tapos iyong bukol sa gitna ng mga hita niyaʼy sobrang laki. Tumor ba iyon? O baka cyst?
Umiwas ako ng tingin nang tumingin ito sa akin.
"Look what have you done," aniya. "O baka sinadya mo iyon para makita ang katawan ko?"
Nanlaki ang mga ko sa gulat sabay tumingin sa kaniya. Ang lapit-lapit nito sa ʼkin at mas lalong nangingibabaw ang perfume nito nang siyaʼt mabasa. Napalunok ako.
"U-Ulol!" ani ko't sabay iwas ng tingin. Ano ba, Drei! Pigilan mo'ng sarili mo. May Henry ka na ngaʼt gusto mo pa ng isa.
Bakit ba nasasali iyong lalaking iyon dito? Mayroon ng bago iyon! At saka walang kami. Kingina niya!
Tumawa siya at saka naupo sa bakanteng upuan sa harapan ko. Nakatalikod siya sa pinto ng bahay habang kaharap ako. Hindi ako makatingin sa kaniya nang deretso. Mahirap na, baka isipin pa nitong pinagnanasahan ko siya.
"B-Ba't ka ba nandito?" tanong ko, habang nginunguya iyong junk foods sa bibig.
"Mom asked me to visit my nephew," sagot niya. "Wait... Nasaan na iyong juice?"
Tumingin ako sa mesa. Wala na pa lang juice sa pitsel dahil naubos ko na. Nagkibit lang ako ng balikat at saka tumingin sa kaniyang likod–kung saan nakatayo roon ang isang dragong masamang nakatingin sa amin.
Umirap ako. Pakialam ko? At ano namang problema niya? Dapat iyong babae niya pinoproblema niya, hindi kami!
"A-Alam mo, kung ako lang sa katayuan mo. Umuwi na ako kanina pa," bigla kong sabi nang mapansin ko ang pagkawala ni Sir Henry sa paningin ko.
"What? Nandito na ako. Basang-basa na ako. Might as well enjoy the rest of the time, right?"
Napaka-bobo! "Wala akong pakialam, basta umuwi ka na lang."
"What's your problem?" Tumingin ako sa kaniya at saka umiling. "Then let me join you. Tutal wala pa naman si Finley, dito na muna ako."
"B-Bahala ka nga sa buhay mo!" sabi ko't tumayo. Tinanggal ko na muli ang tuwalya't nilagay iyon sa tabi.
Saktong pagtingin ko sa likuran ni Marlou ay naroroon na si Sir Henry at tanging brief na rin ang suot. Tapos iyong disenyo ng brief niya'y si Ben 10. Chariz! Kulay green iyon na hapit na hapit din sa kaniyang baywang na halos pumutok na dahil sa laki ng sawang nakakulong doon.
"S-Sir!" ang biglang lumabas sa matabil kong bibig na siyang ikinalingon ni Marlou rito.
Magkasalubong ang mga kilay niyang nakatingin sa akin. "I didn't know you invited someone to hangout inside of my house," sabi nito na 'di ko naintindihan kung ano'ng ibig sabihin.
"It's not what you think–"
"Hindi ikaw ang kausap ko, Marlou. I'm talking with my wife. Could you please leave us alone?" ani sir Henry na nakapagpatigil kay Marlou sabay tingin dito nang masama.
Hindi ko mawari. Hindi ko alam ano'ng nangyayari sa mga oras na 'to. May hindi ba ako alam? Kinakabahan ako. Mayroon ba silang hindi pinagkakaintindihan sa isa't isa? Tumahimik na lang ako't nakikiramdam.
Bakit hindi na lang sila magsuntukan? Char!
*****
Almost 40k reads na tayo! Maraming-maraming salamat po.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top