Chapter 35
THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 35
-
A N D R E I
Kalalabas ko pa lang sa ʼking lungga ngunit ang buwesit na Sir Henryʼng ʼto agad ang bubungad sa 'kin. Ayoko sanang aminin ʼto pero ang presko niya ngayon. Palagi naman siyang fresh pero ibang-iba ang aura niya ngayon. Iba ang dating nito sa suot na puting shorts, tapos naka-blue siya na collared T-shirt na inserted sa short niyang pangmalakasan, at puting cup. Hulaan ko, mag-go-golf ito ngayong araw.
Alam ko na, e. Ganito kasi mga nakikita kong suot ng mga taong naglalaro nun.
“Good morning, Sir!” masigla kong bati, sabay lawak nang pagkakangiti ko ngunit ang puso koʼy gusto nang sumabog.
Ano ba, Drei! Ilang beses ko nang ipinapaalala sa ʼyong amo mo iyan. Huwag kang feeling at mag-day dream ng happy ending ninyong dalawa.
“We're going out today,” sabi nito imbes na mag-good morning din sa 'kin. Aba nakakatampo iyon, a.
"Saan po tayo pupunta?" tanong ko, kahit na alam ko naman kung ano'ng klaseng lugar ang pupuntahan namin.
"We're playing golf today, Ande!"
Mabilis akong lumingon dito nang sumulpot si Senyorito Finley. Yes opo! Ande talaga tawag nito minsan sa 'kin kapag good mood. Pero kapag trip naman niyaʼy 'bakla', 'yaya', 'panget', at kung ano-ano pa ang tawag niya. Dedma na lang dahil hindi naman totoo mga sinasabi nito. Iyong saliyang bakla at yaya, totoo. Pero panget? Mukhang ʼto?
Tiningnan ko naman ang suot nito at yes oo ulit, magkapareho sila ng suot ng ama. Ngayon ko nga lang din napansin ang check sa mga T-shirt nila. Ibinalik ko ang tingin kay Sir Henry. Nagtaka pa ako bakit bigla itong napaayos ng tayo. Problema niya?
"May sinalihan po ba kayong dance contest?"
Kunot-noo ako nitong tiningnan. "What?"
Bumuntonghininga ako. Ang hirap naman mag-joke sa lalaking ʼto. Walang rumor sa katawan.
"Wala po! Sige po't magpapalit lang ako," sabi ko't agad na siyang tinalikuran.
-
Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Ang tamlay-tamlay ko. Simula pa 'to kahapon nang mag-usap kami tungkol ni Sir Henry sa sinabi ng ama niya. Aminin ko man o hindi pero nababahala ako sa puwedeng mangyari.
Papaano kung malaman nitong ang pinakilalang girlfriend ni Sir Henry sa kanilaʼy hindi tunay na babae? Alam kong peke lang iyon ngunit trabaho ko ang nakasalalay. Hindi ko lubos na kilala ang tatay ni Sir Henry at natatakot ako sa possible nitong gawin.
Kaya kagabi, habang nanonood ako ng bold, napag-isip kong dapat na namin itong itigil. Nasa ibang bansa naman na ang mga biyanan niyaʼt wala na kaming problema. I-ta-tape ko na lang ang bibig ni Marlou para hindi 'to makapagsumbong sa mga magulang.
Ayoko nang magpatuloy sa pagpapanggap lalo paʼt may nararamdaman na akong kakaiba. May kumekerengkeng na sa puso ko.
"We're here," narinig kong sabi nito nang tumigil ang kotseng sinasakyan.
Tumingin ako sa labas. Isang puting mataas na gate ang bumungad sa akin. May nakasulat na pangalan ng lugar sa may itaas nito. Foreign City. Hindi ko naiintindihan ang ibig sabihin ngunit nang tuluyan kaming makapasok ay roon nasagot ang katanungan ko.
"N-Nasa America ho ba tayo?" tanong ko dahil kahit saan ako lumingon ay may mga nakikita akong kano. Oo bebs! Mga foreigner ang mga nandito. Mula bata hanggang sa matanda na.
Tumingin ako kay Sir Henry. "Nope. We are here at Foreign City. Lugar ʼto ng mga foreigner," aniya.
"Ah. Kaya pala foreign city dahil lugar ng mga kano," sabi ko. Tumango-tango pa ako.
Alam kong corny pero narinig kong tumawa si Sir Henry. Nagimbal naman ang puso koʼt bumilis ang pagtibok. Napahawak ako sa dibdib, sinusubukang pigilan iyon. Ano ba, Heart Evangelista! Stop it!
Tumingin akong muli sa paligid. May mga nakikita naman akong iilang Pinoy na naririto ngunit halos siyamnapong porsiyento ng papulasyon ay mga amerikano. Baka rito ko na makita ang Afam ng buhay ko!
Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Senyorito Finley dahil nanggigigil ako. Pinipigilan ko lang ang sarili kong huwag iwan itong mag-ama para lang hanapin ang Afam ng buhay ko.
"Why are you holding into my dadʼs hand, Ande?"
"Hah?" Nilingon ko ito at nasa kanan ko nga si Senyorito habang nasa kaliwa ko naman si Sir Henry. Natigilan kaming tatlo sa paglalakad.
Sandali!
Tiningnan ko kung totoo ba ang sinabi ng bata. Lumingon ako sa kamay ko sa kaliwaʼt totoo nga. Nakahawak ako sa kamay ni Sir Henry. Papaano? Hawak ko ang kamay ni Senyorito nang lumabas kami sa kotse kanina a? Papaanong hawak ko na ngayon ang kamay ng tatay niya?
"Well I don't mind it, Mr. Arellano." Nagulat ako nang hinawakan nito ang kamaʼy ko't pinag-intertwined. "You can hold my hands for as long as you want," sabi pa nito.
Tumingin ako sa paligid para tingnan kung pinagtitinginan ba kami pero walang pakialam sa amin ang ibang mga naririto. Agad ko rin namang binawi ang kamay koʼt lumipat sa kabila ni Senyorito at ang kamay nito ang hinawakan.
"Ikaw kasing bata ka, kung saan-saan ka pumupunta!" sabi ko rito na sinimangutan lang ako. Narinig ko lang ang tawa ni Sir Henry pero ʼdi ko na binigyan pa ng atensiyon.
Nasa puso ko ang buo kong atensiyon. Naghuhurumintado ito sa pagtibok–na parang may kung sinong pakshit na humahabol. Nakakatakot! Para akong hihimatayin. Hindi ko ʼto naramdaman noong nagkaroon ako ng relasyon. Dahil alam ko namang ang buwakanang lalaking iyon ay hindi naman ako minahal.
"Mr. Alcantara, I'm glad you accepted my invitation." Napalingon ako rito kung saan isang lalaking amerikano ang sumalubong sa amin.
"I'm also grateful that you invited me here, Sir Hughes," sagot ni Sir Henry. Nagkamayan silang dalawa.
Napatingin naman iyong foreigner sa direksiyon namin ni Senyorito. "And who's these cute little boys with you today?"
Naramdaman ko ang paghigpit nang hawak ni Senyorito sa kamay ko. Natakot siguro sa laki nitong foreigner na kaharap namin.
"This is my Son, Finley and–" Napasinghap ako nang umakbay sa akin si Sir Henry. "My boyfriend, Andrei."
Nakalimutan ko yata ang sarili dahil sa sinabi ni Sir Henry. Parang sasabog ang puso ko sa pinaghalong kilig at pangamba. Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa labi ng Afam na kaharap namin.
"Bagay kayong dalawa," anitoʼt ikinagulat ko ng husto hindi dahil sa sagot niya kundi dahil nagtatagalog naman pala siya. "Oh! I'm sorry. You must be shocked that I could speak in Tagalog–" Sabay tawa nito. "I'm actually half Filipino, half American," dagdag pa niya.
-
Hanggang ngayoʼy tumatakbo pa rin sa isipan ko ang mga sinabi ni Sir Henry kanina. Kung papaano ako nito ipinakilala kay Sir Januard. Hindi ko ʼto nakitaan nang pandidiri dahil nalaman kong may boyfriend din pala ito nang dumating naman ang isa pang lalaking guwapo rin.
Wala ako sa sariling nakaupo rito sa may bench na may malaking payong habang nakatingin sa malaking oval kung saan abala sina Sir Henry at Sir Januard sa paglalaro. Kasama ko naman si Senyorito Finley na kagagaling lang sa ama nito.
"Your eyes are sparkling, Ande." Tumingin ako rito kung saan kaharap kong nakaupo si Senyorito na abala sa chuckie nito. Nakatingin ito sa akin.
"Ano'ng sabi mo?"
"Ang sabi ko po, lumiliwanag ang mga mata mo habang nakatingin kay Daddy," paglilinaw niya.
Inirapan ko siya. "Hindi kaya! S-Sa langit ako nakatingin, 'no. P-Para kasing ang ganda mapunta roon."
"Tss! Tss! You're unbelievable, Ande. You really know how to deny your feelings, ha."
"Tse! 'kaw bata ka, kung ano-ano pinagsasasabi mo. Gawin kitang golf ball dyan e."
Hindi na lang niya ako sinagot. Kaya naman tumingin na ako sa malayo.
Hindi talaga ʼto tama. Kailangan kong ilugar ang sarili ko sa mga buhay nila. Kailangan kong pigilan ang sarili ko ngunit papaano?
Magpakamata–chariz! Mag-iisip na lang ako nang paraan. Hindi pa naman malaki ang puwang na nagagawa niyaʼt kaya ko pa iyong pigilan. Kaya ko! Kakanin ko!
*****
31K reads and counting! Salamat-salamat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top