Chapter 33
THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 33
--
A N D R E I
“Tangina mo, bakla! Manok na ang lumalapit sa palay. Grab mo na ʼyan!”
Nailayo ko nang kaunti ang cellphone ko sa tainga dahil sa matinis na boses ng kausap ko. Walang iba kundi ang baklang pinagsisihan ng mga magulang bakit pa iniluwan, si Berting. Nakakarindi ang boses niyang pilit itinatago ang pagkalalaki. As if naman kaya niya! Naiisip ko pa lang ang mukha niyang nagpupumilit maging boses babae, nasusuka na 'ko. Huwag ko lang makita ʼto kapag naglihi ako sa unang anak namin ni Sir Henry.
Chariz!
Iyon na nga. Tinawagan ko si Bakla at ibinalita ko sa kaniya ang lahat-lahat. Wala akong pinalampas. Sumobra pa nga ako sa pagkukuwento dahil sinabi kong may nangyari na sa amin ni Sir Henry tapos may lima pang lalaking pakiramdam ko, pag-aagawan ang ganda ako rito sa Manila.
At nang sabihin kong niyayaya ako nitong magpakasal, iyan ang naging sagot niya. Ang bobo pa ng kasabihan. Ewan ko ba bakit natuto pa 'tong magsalita.
"Gaga! Palay na kamo ang lumalapit sa manok. Nag-aral ka ba? Papaaralin kita ulit," inis kong sagot. "Siya nga pala, kumusta ang inay at ang kapatid ko?"
Narinig kong tumawa ito. Ano'ng nakakatawa sa kabobohan, beh?
"Ayos lang naman, friend. Iyon nga lang may maliit na problem–"
"Ano'ng problema?! Hoy, Berting sinasabi ko sa ʼyo, sasakalin talaga kita via phone call!"
"Puwede patapusin mo na muna ako?" anito sa kabilang linya.
Napapikit ako nang mariin at saka humugot nang malalim na hininga. "Okay fine. Spill it," sabi ko.
"Ay wow! Natututo ka ng mag-English, 'teh. Tinuro ba iyan ng amo mong kalagu–"
"Sasabihin mo ba sa akin ang problema o mawawalan ka ng allowance para sa mga lalaki mong kapareho mo ng genes?"
Naiinis na talaga ako. Pakiramdam ko'y may malaking problema pero itong taong ito, ayaw pang sabihin at ang dami pang sini-segway. Kung hindi lang talaga ako malayo sa kaniya, kanina pa siya nakatikim sa akin nang mahigpit na yakap sa leeg. At kung hindi lang dahil sa mahina si Mama at masyado pang bata si Andrea, hindi ko sila iiwan kay Berting. Pero ika nga nang nakakarami, no choice.
"Eh kasi–" Tumigil ito saglit ngunit agad din nitong sinundan na ikinadagundong ng puso ko. "Nandito iyong magaling mong ex-boyfriend."
Natigilan ako saglit ngunit agad ding napabalik sa reyalidad. "Ano'ng ginagawa niya riyan?" seryoso kong tanong. "Bahay niya ba ang bahay nina mama para diyan siya tumira? Paalisin mo," dagdag ko.
"Pero–" Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil agad kong pinatay ang cellphone ko at tinapon iyon sa pader pati ang flower–charut. Binulsa ko iyon at saka lumabas na ng aking kuwarto.
Ayokong malaman kung ano'ng dahilan ng gagong iyon na pumunta sa bahay. Ang kapal din pala ng mukha niya? Kasing kapal ng encyclopedia sa library nitong bahay. Ang liit-liit namang ng pagkalalaki!
Ang huling naaalala ko nang umalis siya noon ay hinding-hindi siya magpapakita sa akin o pupunta sa bahay. Tapos ngayon, naroon siya't ano? Ah, dahil nalaman nitong may trabaho na akoʼt malaki-laki ang kinikita?
Bumuntonghininga ako. Ayokong masira ang araw ko ngayon. Kay ganda-ganda na parang ako ang sikat ng araw tapos sisirain ng butanding na iyon. Nagsisisi tuloy ako ng slight bakit tumawag pa ako sa kaniya kanina paggising ko.
-
Kanina pa ako tulala. Oo, bebs! Buwesit kasing Berting iyon, bakit niya ba kasi sinabi pa sa akin iyon? Gusto ko tuloy umuwi sa Mindanao at ako mismo kakaladkad sa lalaking iyon papaalis ng bahay. Dagdag pasakit sa ulo!
"You looked like not in yourself today, Andrei."
Nilingon ko ito at tumambad sa akin ang nakapolong sky blue na bagay na bagay sa kaniya. Hapit na hapit din ito. Tapos palagi pa siyang nakangiti. Ang poge-poge talaga ni Sir Saul, bakit hindi na lang siya naging jowa ko? Siguro kahit saktan niya ako, ayos lang! Poge naman e.
Tumawa siya na nagpabalik sa akin sa reyalidad at sa muntikan nang pag-i-imagine na pumapasok kami sa SOGO para mag-check in. Umiwas na lang ako ng tingin.
"May problema ka ba? Makikinig ako sa ʼyo," sabi pa nito. Feeling close rin.
"Ah e, Sir. Mawalang galang na po pero hindi niyo naman po ako estudyante," sabi ko.
"Bakit estudyante lang ba ang dapat kong pakinggan? You know, estudyante ko na rin ang mga yaya ng mga estudyante ko," sabi nito kaya kunot noo ko itong nilingon.
"Edi daddy niyo rin po si Sir Henry kasi Daddy siya ni Senyorito?"
Tumawa ito nang malakas. Mukha ba akong nagbibiro? E kung estudyante niya si senyorito tapos estudyante niya rin si Sir Henry. Puwede niya rin itong tawaging Daddy kasi Daddy siya ng estudyante niya? Bigla akong napaisip. Ang gulo kasi nitong si Sir Saul! Dadagdag pa ito sa iisipin ko e.
"May nakakatawa po ba?" tanong ko nang hindi na siya natigil kakatawa. E kung sikuin ko kaya para maiyak naman siya? Kaso poge, kahinaan ko ang mga guwapo.
"Yes, Andrei. You made my today," aniya at tumawa na naman.
Inirapan ko na lang at saka tumingin sa malayo pero sana ʼdi ko na ginawa dahil isang nakakabuwesit lang na tao ang masisilayan ko sa malayo. Ano na namang ginagawa nito rito? Bakit pagala-gala na naman ʼtong Marlou na 'to.
Nakangising lumalapit ito sa direksiyon namin ni Sir Saul. Kasalukuyan kaming nasa labas ng building nitong elementary at ʼdi ko alam bakit ako tinabihan ni Sir Saul. Tumigil din ito sa pagtawa nang makalapit ang nakakabuwesit na mukha sa balat ng lupa.
"Marlou, dude!" mabilis na sabi ni Sir Saul at nilapitan si Marlou. Nag-bro hug silang dalawa. Humarap naman si Sir Saul sa akin habang nakaakbay sa lalaki.
Kumunot ang noo kong nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
"Magkakilala kayo?" tanong ko, as if naman may pakialam ako. Pero dahil nga hindi ako tsismosa at curious lang na tao, nagtanong ako.
"Yes. We're college friends, actually. Magkakilala kayo?" sagot at tanong naman pabalik ni Sir Saul.
"Hindi!" sagot ko.
"Yes. We're also friends." Na taliwas sa naging sagot ni Marlou.
Si Sir Saul naman ngayon ang nagpalipat-lipat ang tingin sa amin. Kaya muntik na akong matapon sa gulat nang hindi ko namalayang nasa tabi ko na si Marlou at nakaakbay sa akin.
"Nagkakilala lang kami ni Andre-i dahil kay Henry. He introduced this funny guy to me," ani Marlou sabay hapit sa akin papalapit.
Ano raw? Funny? Ginawa pa akong clown. Kailan pa ako nakakatawa? Sa pagkakaalam ko, realtalk lang mga sinasabi ko't hindi iyon nakakatawa. Sikmuraan ko siya e.
Sasagot na sana ako ngunit bigla na namang may nanghigit sa akin. Dahilan para mapalayo ako kay Marlou. Nang tingnan ko kung sino itoʼy dumagundong na naman ang puso ko sa kaba.
A-Ano'ng ginagawa nito rito? At beh, kung makatingin ito ay parang papatay ng tao. Napalunok ako bigla - na sana tamod na lang iyong nilunok ko.
"Didn't I warned you that don't touch what is mine?"
"Henry-"
Hindi natapos ni Sir Saul ang sasabihin nito nang tumalukod si Sir Henry habang hawak ako nito sa braso. Kaya nakaladkad tuloy ako hanggang sa makarating kami sa parking lot. Binuksan nito ang pinto ng kotse kung saan naroroon na si Senyoritoʼt naghihintay. Sandali, hindi pa naman nila uwian a?
"Get in the car, we're going home," anito at saka ako iniwan, at umikot upang sa driver's seat siya pumasok.
Naestatwa ako sa inakto nito saglit pero nang tumingin ito sa akin nang masamaʼy mabilis akong pumasok. Nakakatakot siya! Bakit ba kasi siya biglang umaakto ng ganito? Paki-explain! Wala akong naiintindihan. May hindi ba ako alam?
Tumingin ako kay Senyorito at tila ba nakuha nito ang mga tanong sa isipan ko nang magkibit siya nang balikat. Umalis din kami roon ng walang nagsasalita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top