Chapter 31

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 31

-

A N D R E I

Sa panahon ngayon, alam ko na may iilan nang tumatanggap sa relasyon ng magkaparehong karasarian. Iilan. Ibig sabihin, hindi pa buong isang daang porsiyento iyon. Marami pa rin sa kanila ang sarado ang isipan–na ang babae ay para lang sa lalaki.

No! Mali sila dahil ang lalaki ay para lang sa lalaki at ang babae, bahala na kayo kung kanino niyo gusto.

Pero wala na rin naman akong magagawa. Hindi ko kayang pakiusapan ang lahat na tanggapin ang ganoong klase ng relasyon. At, sandali nga... Bakit ba itong iniisip ko?

Mabilis akong bumangon. Umaga na pala. Hindi ko man lang namamalayan ang oras. Halos wala akong tulog. Ang laki nga ng eye bags ng mga mata ko pero hindi pa rin nababawasan ang ganda ko. Ngumiti ako sa salamin at saka ginaya ang mga supermodel na nakikita ko sa magazines.

"Ang ganda mo, drei! Kahit wala kang tulog at wala kang ligo." Ngumisi ako.

Tatlong sunod-sunod na katok ang pumukaw sa atensiyon ko. Mabilis kong nilapitan ang pinto ng aking kuwarto at saka iyon binuksan. Kay aga-aga nang-iistorbo itong si Bellat.

"Bakla, anyare sa mga mata mo?!" eksaherada niyang tanong sabay takip ng bibig at ilong. Gulat na gulat?

Inirapan ko siya. "Gaga! Bagong uso ʼto," sabi ko at saka siya tinalikuran. Pagod akong makipag-bardagulan sa kaniya ngayon. Huwag niya akong sinisimulan.

"Uyy teka lang!" Mabilis ako nitong napigilan gamit ang kinakalyo niyang kamay na humawak sa braso ko. Masama ko siyang nilingon dahil naiinis talaga ako!

"Ano ba, beh! May trabaho pa ako," inis kong turan.

"May tanong kasi ako–" Kumunot ang noo ko't tinaasan siya ng kilay. "What if mamatay ka kakapuyat mo? Tapos hindi ka pa naliligo."

Oo nga, ano? What if mamatay tayo kakapuyat?

"Tse! Huwag mo 'kong pakialam." Tinalikuran ko na siya. Ang aga-aga naiimbyerna ako sa babaeng iyon. Kina-career na ang pambabasag trip sa akin. E kung basagin ko kaya bungo niya pati kaluluwa?

" 'to naman hindi na mabiro. Nga pala pinapatawag ka ni Sir Henry sa opisina niya. Now na raw," anito at saka ako naman ang nilampasan niya.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Kasabay niyon ang pagpintig ng puso ko nang mabilis.

Ano ba, Heart Evangelista! Pumirmi ka. Trabaho lang ang lahat. Walang katotohanan, peke lang. Pagpapanggap. Iyan ang isipin mo. 'Wag assuming. Pinatawag ka nito dahil pipilitin ka na naman niya sa pansarili niyang kagustuhan.

Bumuntonghininga ako.

-

Kumatok ako nang marating ko ang opisina ni Sir Henry. Nang walang sumagot ay agad ko nang pinihit ang door knob at saka iyon binuksan. Ang bubungad sa ʼyo pagpasok mo ay ang malawak na library. May sofa set, mga flower vase na mukhang hindi na napapalitan ang kulay, at sa dulo ay ang mismong mesa ni Sir Henry.

Pumasok ako nang tuluyan. Kinakabahan akong naglakad papalapit sa kaniyang mesa kung saan kasalukuyan siyang nakaupo at nakatingin sa papel na hawak niya. Ngunit nang mapansin ako nito, agad niyang ibinaba ang papel na tumatakip sa mukha. Kaya agad na nagsalubong ang mga mata naming dalawa.

Kumislot na naman ang puso ko maging ang puk—char!

"P-Pinapatawag niyo raw po ako."

"Yes. Dad called me and said he wants us to have dinner with them."

Iyon tatay na naman niyang pinaglihi sa kawalan ng preno sa bibig. Gustuhin ko mang umayaw ngunit wala akong magagawa. Trabaho ito. Pumayag akong tutulungan ko siya para hindi ilayo ng mga biyanan niya ang anak. Pero hindi sumagi sa isip kong darating kami sa puntong ito.

Umiwas ako ng tingin. "Sige po, maghahanda lang ako."

Tatalikod na sana ako nang pigilan niya ako. Kaya tumingin ulit ako rito ngunit hindi sa kaniyang mga mata kundi sa kaniyang labi. Bigla akong napalunok. Ano kaya pakiramdam nang mahalikan ni Sir Henry? May kiliti kaya? Kasi naman, iyong balbas nitong tumutubo na ay parang ang sexy-sexy'ng tingnan.

Rawr dragon! Rawr!

"Mr. Arellano, are you listening?!"

"Ay dragon!" Napatalon ako sa gulat nang medyo napalakas ang boses nito. Shuta! Nawala ako sa sarili.

Shet ka, Andrei! Dapat naiinis ka sa kaniya kasi puro trabaho ang iniisip. Dapat nagtatampo ka kasi pinapaasa ka niya. Pero buwakanang shit, bakit mo siya pinagnanasahan?

"What about the dragons? You wanna see a dragons?"

Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kaniyang mga mata. May gumuhit ding kakaibang ngisi sa kaniyang labi. Mabilis din akong umiwas ng tingin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi dahil sa kahihiyan.

What if sabihin ko sa kaniyang hindi dragon ang gusto kong makita kundi sawa? Iyong sawa na nakita ko noong nakaraan? Ipapakita ka niya?

"N-Naku hindi po, Sir! Ano kasi–" Napakagat ako ng labi. "Ayoko po sa mga dragons. Mas gusto ko po ng sawa, iyon malalaki po."

Narinig ko itong tumawa. Napansin ko ang pagtayo nito at tumungo sa harapan ko kung saan sumandal siya sa mesa. Nang tumingin ako rito ngayon ko lang napansin ang suot niya. Nakapambahay lang pala si Sir; isang manipis na pajama, at itim na damit. Nakasuot doon siya ng reading glasses.

Bakit ang guwapo niya?

Mas lalong nag-init ang pisngi ko. Pakiramdam ko'y buong mukha ko ang namumula dahil sa hiya.

Ano ba, bebs! Kumilos ka! Huwag kang matukso! O tukso, layuan mo ako.

"I thought you are so full of confident. Ang cute mo pa lang tingnan kapag nahihiya."

-

Hanggang ngayon ay parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa isipan ko iyong mga binigkas niya. Gusto kong sampalin ang sarili ko pero mas gusto kong sampalin si Sir Henry. Gusto ko siyang magising–na ang mga sinabi nitoʼy nagbigay nang malaking impact sa puso ko.

Gusto kong sabihin sa kaniya na huwag siyang magpakita ng motibo dahil hindi malabong ang tangang ako ay aasa. Iyon ang totoo. Hindi ko iyon itatago dahil kilala ko ang sarili ko. Madali lang akong utuin. Bigyan mo lang ako ng chocolates o stuff toys, tuwang-tuwa na ako't iisipin kong may pagtingin ka sa akin. Pero iyon pala, inutusan ka lang pala na ibigay iyon sa ibang tao.

Mabilis akong mahulog pero sana ganoon ako kabilis makalimot.

Gusto ko iyon ipaalam sa kaniya pero iniisip ko pa lang na sasabihin ko iyon. Baka pagtawanan ako ni Sir Henry. Baka sabihin niyang masyado ko nang kina-career ang pagiging payaso.

Kaya hangga't kaya ko pa. Pinipigilan ko ang sarili kong huwag mahulog. Kung puwede nga lang i-stapler ang puso ko'y ginawa ko na.

Pero hindi... Hindi ganoon kadali.

"We're here."

Tumingin ako sa labas. Sa isang kilalang restaurant dito sa syudad kaming pumunta. Ito ang ibinigay na lokasyon ng kaniyang ama. Kasama ko ngayon si Sir Henry, dalawa lang kaming dalawa at habang si Senyorito namaʼy naiwan sa bahay. Naaawa nga ako sa bata. Gusto ko siyang pasamahin pero sinabi ni Sir Henry na kami lang dalawa.

At as usual, naka-disguise na naman ako. Isang white na dress ang suot ko't pinares sa gold na takong. Mahabang buhok at make up. May suot din akong bra na may foam. Kaya kung titingnan, mukha talaga akong babae pero alam namin ni Sir Henry na sa likod nang magandang damit na ito'y nakatago ang lawit ko sa pagitan ng mga hita.

Naunang lumabas si Sir Henry at gentedog ako nitong pinagbuksan ng pinto. Napaka-plastic! Parang si Bellat lang. Lumabas ako. Ngumiti sa kaniya pero napansin kong natigilan ito. Problema niya? Huwag niya akong inaano dahil naiinis pa rin ako sa pang-aasar nito sa akin kanina.

"Let's go?" tanong nito, itinaas ang kamay. Humawak naman ako roon at parang may malakas na kuryenteng dumaloy sa kaniya papunta sa akin.

Tumango lang ako at sabay na kaming naglakad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top