Chapter 30

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 30

A N D R E I

-


Ang mumukbangin natin ngayong gabi ay sama ng loob na isinawsaw sa magulong damdamin. Sa magulong isipan. Sa magulong–buwakanangshit!

Chariz!

Pero masama talaga ang loob ko kay Sir Henry. E kasi naman, inasahan ko na sasabihin nitong, “lumapit ka sa 'kin, Andrei at kumandong ka sa aking mga hita.” Mga ganoon linyahan. Pero ang yawa, ginulo lang ang damdamin ko.

Akala ko pa naman, magmumukbangan na kaming dalawa. Iyon pala, magsasarili lang ako. Isa pa bakit niya ba iyon sinabi? Ano'ng ibig niyang sabihin? Ni hindi man lang niya ako hinayaang magsalita at linawin sa kaniya ang lahat. Basta-basta na lang niya akong pinalabas sa kaniyang opisina.

Nakakairita din na hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko–sa hindi ko malamang dahilan. Kagagawan ba ʼto ng mga masasamang yokai? O baka may orasyon ang yawang Marlou na malayong maging kamukha nung kilala kong Marlou sa social media.

"Hayst!"

Bumuntonghininga ako at saka naglakad na patungo sa kuwarto ni Senyorito Finley. Nawala sa isipan ko na kailangan ko pa palang humingi ng tawad sa alaga ko. Sa dami ba naman ng gumugulo sa isipan ko, malamang ay makakalimutin ko na si Senyorito.

Kumatok ako ng tatlong beses. Walang sumagot. Hindi rin bumukas ang pinto. Kumatok ulit ako ng tatlo pang beses. "Senyorito," sabay sabi ko. Ngunit wala akong narinig sa likod ng pinto. Tiningnan ko ang door knob at sinubukang buksan iyon ngunit naka-lock.

Nagjajako–jackstone kaya siya sa loob?

"Huy, baks. Ginagawa mo diyan?" Mabilis ko itong nilingon pero sana hindi ko na ginawa. Ang nakabwesit na mukha lang kasi ni Mirabel ang makikita ko. Kaya gumuho si Casita dahil sa buwakanang ʼto, hindi kasi matanggap ni Casita na pangit siya.

Pinaikutan ko siya ng mata. "Duh! Bulag ka ba, beh?"–Tiningnan ko siya mula ulo mukhang paa–"Hindi mo ba nakikitang nakatayo ako?"

Namewang siya sabay taas ng drawing niyang kilay.

"Alam mo, hindi kita ma-gets. Kung bobo ka o talagang bobo ka na in the first place! Common sense ba, beh! Mindset-mindset!"

Aba! Nakuha pa akong pangaralan ng hinayupak na ʼto. For her information, hindi ako bobo. Dati akong honor student noong nag-aaral pa ako, kasi masipag ako at close ko mga teachers sa school. Isampal ko pa sa kaniya ang loyalty award ko noong elementary e.

Pero hindi ko na lang siya sinagot. Pagod ako. Pakiramdam ko kasi ay ang dami kong ginawa samantalang wala naman. Siguro, pagod lang ang bunganga ko sa kakasalita at maging ang isipan ko sa kakaisip ng mga sinabi ni Sir Henry sa akin.

Asawa ko raw siya? Kailan pa? E 'di ba nga, peke lang ang lahat. For the show? Clout chasing? Pagpapanggap? Para lang hindi kunin ng mga magulang nang dati niyang asawa si Senyorito.

Pero bakit niya ba kasi iyon sinabi? Pakiramdam ko kasiʼy totoo. Umaasa ako. Kasi bakla ako...madaling paasahin, madaling utuin. Pakitaan mo lang ng motibo, kikiligin naʼt mangagarap na agad. Ganoon ako at alam ko, hindi lang ako. Marami akong kilalang bakla na assuming, kaya marami din sa kanila ang nauwing luhaan.

At kahit gaano ko kagustong pigilan ang damdamin ko. Hindi ko kaya. Hindi ko rin alam kung papaano ko iyon gagawin.

"Hmp! Natulala na ang gaga!" narinig kong sabi ni Mirabel bago ako nito tinalikuran. Napabalik din ako sa reyalidad at mabilis siyang piniglan. Agad din itong lumingon na nakataas ang kilay.

"Bebs, may itatanong ako."

"What is it?" english ng gaga, akala mo naman kung bagay sa kaniya.

"Hayst. Huwag na lang pala. Nakakawalang gana iyang pagmumukha mo," sabi ko at pinagtabuyan na siya. "Saan ba kasi si Senyorito, ba't hindi ako nito sinasagot?" mahina kong sabi habang nag-iisip.

"Nasa playroom niya, baks." Narinig pala nito ang sinabi ko. Umalis na rin ito pagkatapos.

Kaya wala na akong sinayang pang oras at agad kong tinungo ang playroom ni Senyorito. Katabi lang naman ito ng kaniyang kuwarto. Hindi na ako  kumatok dahil papaano ko gagawin iyon kung nakabukas naman na ang pinto? Isip ba! Isip!

Agad ko siyang nakita na nakaupo sa gaming chair nito at nakatutok ang buong atensiyon sa computer. Minsan lang itong pumunta rito dahil mas gusto niyang manood nung Hentai sa kuwarto niya. Kinuha ko ang isa pang gaming chair. Dalawa kasi ang computer dito, magkatabi lang. Mayroon din namang Piano, drum sets, at movie area dito pero hindi ko pa siya nakitang ginamit ang mga iyon. Tanging itong computers lang.

"What are you doing here?" tanong nito, gamit ang isang malamig na tono. "Doon ka na sa boyfriend mo, tutal hindi mo naman kami lab ni Daddy."

Ano raw? Si Senyorito Finley ba itong kausap ko o iyong Daddy niyang may saltik sa ulo?

Tumawa ako. Ang awkward, bebs! Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Sabihin ko kaya sa kaniya ang totoo? Pero anong totoo? Na ako ang mommy n'ya?

'Gaga! Sa tingin mo, paniniwalaan ka ng bata? Kita na ngang wala kang malaking dyoga!'

Hmp!

"A-Ano kasi, b-beh–" Napakamot ako sa ulo ko. Wala naman akong kuto pero trip ko lang kumamot, ganito kasi iyong mga nababasa ko. Kumakamot sa ulo 'pag wala silang maisagot. "Uuwi na ako sa amin," bigla kong sabi.

Natigilan ito. Narinig ko na lang ang sinabi ng computer 'you have been slayed!' Tumingin ito sa akin na may lungkot ang mga mata. Hala! Teka-– bigla akong nataranta nang umiyak ito.

"Senyorito, teka lang." Pinigilan ko siya. "J-Joke lang naman e. Sino bang nagsabing uuwi ako, hah? Magpapakasal pa kami ng Daddy mo e."

"Are you willing to marry me?"

Napa-360 ako ng lingon dito. Si Sir Henry na suot ang ngisi sa kaniyang labi. Iyon pa rin ang suot nito kanina. Ang poke kong nananahimik, biglang kumislot. Mahihimatay yata ako sa ginagawa ng mag-amang ʼto.

"Please po, Mommy. Marry my dad so you won't leave us anymore po," narinig ko namang sabi ni Senyorito. Tumingin ako rito at hindi na siya umiiyak. Makadikit na ang kaniyang mga kamay na parang nag-pi-pray. Nakanguso rin siya.

Ano ba ʼtong nangyayari? Hindi ako na-inform na may ganito pala. Hindi ko tuloy napaghandaan. Panaginip ba 'to? Kasi kung oo, hayaan niyo lang akong matulog.

"P-Pero–" Natigil ako nang maramdaman ko ang presnsiya na Sir Henry na nakatayo sa gilid ko. Nanayo ang balahibo ko nang pumatong ang mabigat niyang kamay sa kanang balikat ko. Gustuhin ko mang lumingon pero tila ba nasemento na ang buo kong katawan dahil hindi ko maigalaw ito.

Bigla ko namang naramdaman ang binubuga nitong hangin malapit sa aking tainga. Ang init, beb! Para akong napapaso. Nag-init din ang katawan ko sa hindi ko malamang dahilan. Bakla, ito na ba? Ito na ba ang katapusan nang iniingatan kong puri?

Pero nandito si Senyorito. Palabasin kaya muna namin siya para hindi sagabal?

"Kapag nagpakasal tayo, wala nang makakaagaw pa sa ʼyo. You'll be mine and I am all yours, too." Ang init din nang binubuga niyang hangin mula sa bibig. Pakiramdam ko'y napapaso na ang bandang leeg ko dahil sa ginagawa niya.

Kinikilabutan din ako. Ang lalim ng boses nito. Lalaking-lalaki. Parang boses ng lalaking papaasahin ka lang. Tama! Paasa. Bakit naman niya ako yayayain ng kasal e hindi naman niya ako mahal?

Pagpapanggap lang ang lahat.

Bumuntonghininga ako at saka tumayo. Lumayo rin ako sa kanila bago ako tumingin kay Sir Henry. Nakatayo na siya at nakapamulsa. Nanatili naman si Senyorito sa kaniyang gaming chair habang nakikinig sa amin. Mukhang alam na nitong may relasyon kami ni Sir Henry–na peke lang. Na ginagamit lang ako nito para hindi sila magkalayo sa isa't isa.

Muli akong humugot nang malalim na hininga at saka lumakad papalabas ng pinto. Nang makalabas ako'y napatigil ako nang may humawak sa braso ko. Kaya lumingon ako rito, si Sir Henry na inaasahan ko nang susunod sa akin.

"I want your answer now. Payag ka ba? I'll pay you trice."

Tama. Nasagot na ang katanungan sa isipan ko. Kaya lang pala ako nito niyayang magpakasal dahil mukhang request iyon ng mga magulang ng dati niyang asawa. Inaasahan ko na ʼto.

Straight nga pala siya. Hindi lumalampas sa sampong porsiyento ang tsansang magmahal sila ng mga katulad ko–ng mga bakla. Bakit ba kasi ako nag-assume?

Binawi ko ang kamay ko at saka ngumiti sa kaniya. "Pag-iisipan ko po. H-Hindi po kasi madali ang sinasabi ninyo," sagot ko at alam na nito ang ibig kong sabihin.

Kaya kong magpanggap na babae pero hindi ko kayang magpanggap ng nararamdaman. Hindi ako sigurado pero posdibleng tuluyan akong mahulog at maging totoo ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang tulungan. Gustong-gusto ko, pero ayokong isakripisyo ang damdamin ko.

Nasaktan na 'ko noon. At natatakot nang maulit iyon.

*****

5 days remaining para po sa mga gusto pang humabol sa pre-order ng One Last Chance. Pm niyo lang po ako sa facebook account ko Jaime Kawit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top