Chapter 28
THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 28
A N D R E I
-
Ang buhay ay parang tite, minsan matiga, minsan ay malambot. At ang buhay ko ngayo'y titeng matigas! Ang hirap! Chariz!
Bakit ba kasi nandito itong alipunga na 'to sa buhay ko? Ang daming eskwelahan sa mundo, rito pa sa Unibersidad De Dolyares pa siya naglakwatsa? Puwede namang sa ibang bansa o sa ibang planeta. Huwag lang dito kung saan ako gandang-ganda sa sarili ko.
Masama ko siyang tinitingnan habang abalang sumisimsim sa kapeng in-order niya. Mabulunukan ka sanang hinayopak ka! Dinala ako nito sa cafeteria ng school. Magkaharap kaming dalawa. At kanina pa ako nito pinagsasabihan na maligo raw ako pag-uwi. Sino ba siya? Huwag niya akong mautos-utusan dahil hindi siya ang amo ko.
"Don't look at me like that. Pakiramdam ko'y pinapatay mo na 'ko sa isipan mo," sabi nito. At, papaano niya nalamang pinapatay ko na nga siya sa isipan ko? Dati ba siyang manghuhula sa may labas ng simbahan?
Isa pang nakakainis sa kaniya'y mahinahon ang boses niya. Para bang may lambing ngunit mapang-asar. At sa tanang buhay ko, siya ang pangalawa sa nakakaasar na tao sa mundo na nakilala ko. Una kasi ay si Berting, makita ko lang ang butanding na iyon ay naasar na ako. Wala na kasi siyang ibang dinala sa buhay ko noon kundi problema. Kung hindi mangungutang, mamalasin niya ang paninda ko.
"Ganito ako tumingin! At saka, bakit ko ba ako dinala rito? Hindi mo pa ako ino-order-an ng makakain man lang!" inis kong sabi at mas lalo siyang sinamaan ng tingin.
Tumawa siya. Ibinaba ang kapeng iniinom. Ang init sa labas, nagkakape siya? Aba'y pinoy nga talaga itong shutaena na 'to.
"I asked you if what food you want but you didn't answered me."
Aba! Ang kapal ng mukha niyang sisihin ako? Wala ba siyang initiative? Chor! Nakuha ko lang iyang bagong salita kay Belat. Pagkukusa pala ibig sabihin nun. Pero iyon nga, sana nagkusa na lang siyang bilhan ako. Nagugutom na kaya ako. Hindi ko pa naman dala iyong lunch box ni Senyorito na minsan ay ako ang nakakaubos ng laman.
Iniabot ko ang palad ko sa kaniya. "Akin na pera, ako na lang bibili," sabi ko. Mas lalo itong tumawa at mas lalo akong nainis.
"Wala ka bang pera?"
"Mayroon pero dinala mo 'ko rito, kaya ikaw ang dapat gumastos." Ngumisi ako. Ano'ng akala niya sa akin? Bobo? Mautak akong tao, maparaan, mapanlinlang, at siyempre maganda.
Napapailing siyang inilabas ang wallet at saka bumunot doon ng dilaw na salapit at saka iyon iniabot sa akin. Kinuha ko naman at saka na tumayo. Tinungo ko ang counter. Wala pa naman masyadong mga estudyante rito dahil may klase pa sila ngunit may iilang nandito na mukhang nag-cutting class. Tumingin ako sa harapan kung saan isang babaeng may manipis ang kilay at pulang-pula ang labing nakatingin sa akin.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Bago ka rito?" tanong nito.
Tumaas din ang kilay ko. Ano siya lang puwede magtaray? 'Wag ako! Baka mawalan siya ng kilay.
"Pakialam mo? Gawin mo trabaho mo. Isa kang spaghetti, macaroni, at grahams cake," sabi ko sabay abot ng pera. "At softdrinks. Bilisan mo, ipapasisante kita."
Napangisi ako nang mabilis itong kumilos. Dapat lang! Trabaho niya iyan. Nang makuha nito ang mga binili ko, iniabot niya ito sa akin. Agad ko namang kinuha ngunit hindi pa ako umaalis. Iniabot ko ang palad ko sabay taas ng kilay. Baka nakakalimutan nitong limang daan ang pera ko't may sukli pa iyon?
"Hindi ka ba na-inform na walang sukli-sukli rito, keep the change always," sabi nito. Hindi ko siya sinagot. Nanatili ang kamay ko sa ere. "Bago ka lang dito–"
"Gusto mong sampalin kita ng magkambal tuko? Sukli ko o buburahin ko iyang kilay mo?" sabi ko na nagpatigil sa kaniya sa pagsasalita. Mukha namang natakot kaya't dali-dali nitong ibinigay sa akin ang sukli. "Marunong ka naman palang umintindi. 'Wag mo 'kong aangasan." Ngumisi ako at saka siya iniwang tulala.
Hindi ako tanga para malamang niloloko lang niya ako. Dati na rin akong naging taga-bantay ng canteen sa eskwelahan sa probinsiya at walang ganoong sistema sa isang private school. Sampalin ko siya ng tray sa mukha, e.
Bumalik ako sa puwesto ko't saka sinimulang kainin ang binili ko. Kanina pa kasi ako nagugutom dahil hindi ako nakapag-agahan kaninang umaga.
"Hindi ka ba pinapakain ni Henry?" Tumigil ako sa pagsubo at nilunok muna ang laman ng bibig ko. Uminom ako ng softdrinks at saka tumingin sa kaharap ko. Nandito pa pala itong siraulong 'to?
"Pakialam mo? At sino ka ba," inis kong sabi.
"Y-You didn't know my name?" gulat nitong sabi. Malamang! Kumunot ang noo ko.
"Hindi ka naman tanga ano?"
Tumawa siya. "Yeah. Hindi pa pala ako nagpapakilala sa ʼyo ng pormal. I'm Marlou by the way," sabi niya. Iniabot niya ang kamag tanda nang pakikipagkamay sa akin.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko't pinagmasdan siya. Marlou? E, 'di ba may pinipig iyon sa mukha? Chariz! Pero, hindi bagay sa kaniya ang pangalang Marlou. Dapat, Pakyo.
"Bakit ganoon?" biglang kong sabi. Hindi ko pa rin inaabot ang kamay niya. "Hindi mo naman kamukha si Marlou na ngayo'y Xander na."
Tumawa siya. Binawi na nito ang kamay dahil mukhang nangalay na. "You're funny! I like that," sabi niya.
Pero pasensiyahan na't ako'y hindi ko siya bet. Para lang ang poke ko kay Sir Henry. Umirap ako at tumingin sa labas, para lang magulat nang makakita ako ng isang nilalang na matalim na nakatingin sa amin. Kasama nito si Senyorito at pati si Senyorito Finley ay masama ring nakatingin. Shuta! Nakalimutan ko, may binabantayan pala akong bata.
Tangina!
Sisisihin ko na lang itong si Marlou na kinaladkad ako rito. Ipapapulis ko rin siya dahil pangbabanta nito sa buhay ko at sa trababo.
Tumalikod sina Sir Henry at Senyorito. Naglakad na sila papaalis. Sunod-sunod akong napalunok. Pakiramdam ko kasi'y nagtaksil ako sa pamilya ko. Chariz! Pero parang ganoon nga na mas malala pa roon. Gusto kong magpalamon sa lupa dahil sa kaba at takot.
Tumingin ako kay Marlou na malayong maging kamukha nung kilala ko sa social media na kumakanta ng theme song ng bonakid. Sinamaan ko siya ng tingin na ikinakunot ng kaniyang noo. Wala akong sinabi bagkus ay tumayo ako't mabilis na umalis doon. Kailangan kong sundan sina Sir Henry dahil 'pag hindi ko iyon ginawa at nanatili roon, baka mawalan ako ng trabaho.
"Hey, wait!" Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ito. Sumunod pala ito sa akin.
"Ano?!" inis kong turan. Hindi ba niya nakitang nagmamadali ako? Common sense naman!
"I didn't know your name yet," aniya. Tangina! Sinundan lang pala ako para diyan. Sana in-add na lang niya ako sa social media para updated siya sa buhay kong hayop siya.
"Andrei. Happy na? Kailangan ko nang umuwi, dahil malapit nang mag-alas dose mag-ta-transform na akoʼt babalik na sa dati kong buhay!" sabi ko na ikinatawa lang niya't tumango.
"See you around, Andre-i."
"Bwesit! ANDREI KASI, GINAWA MO PA AKONG RAPPER!"
"Fine," sabi nito't tumawa na naman.
Hindi ko na sinagot at agad na akong nanakbo para sundan ang mag-ama ko. Bumalik ako sa classroom ni Senyorito ngunit wala na akong naabutan doon kundi si Sir Saul na nagjajako-choss, nag-iimpaki ng kaniyang mga gamit.
"Oh, Andrei. Nariyan ka lang pala. Kanina pa nakaalis si Finley. Where have you been? He is looking for you."
"Sino hong kasama?" tanong ko, kahit na alam ko naman. Wala lang gusto ko lang makausap si Sir Saul na pogeng-poge sa polo niyang hapit na hapit sa kaniya. Sir, paluin mo 'ko sa pwet dahil noisy ako.
"Mr. Alcantara picked him up," sagot nito.
"Sige po, Sir. Salamat!" Hindi ko na hinintay lang pigilan niya ako para mag-usap pa dahil agad akong umalis doon. Mukhang hindi pa sila nakaalis ng parking lot kaya roon ako pumunta pero hinanap ko ang kotse ni Sir Henry, wala. Wala akong nakita.
Patay talaga! Hindi ko mapapatawad ang lalaking iyon 'pag ako nawalan ng trabaho. Hahanapin ko siya sa impyerno kapag namatay kami.
Ano ngayon ang gagawin ko? Magdasal kaya muna ako bago umuwi? Sigurado naman akong pagagalitan ako dahil sa ginawa kong pang-iiwan sa alaga ko. Pero ano pa bang magagawa ko, kundi ang umuwi. Sumakay na ako ng taxi dahil sapat naman na pera iyong sukli ng pera ni Marlou para ipambayad. Nagbabakasakali ring ako ang mauuna sa mag-ama.
At habang nasa kotse, inihahanda ko na rin ang sarili ko sa mga bagay na haharapin ko. Taimtim akong nagdadasal sa bathala ng mga baklang magaganda tulad ko na 'wag akong pabayaan.
Sana nga...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top