Chapter 27

THE RUTHLESS DADDY

CHAPTER 27


--


A N D R E I


Nakakainis talaga! Kung kailan gusto kong matulog nang mahimbing ay saka naman ako gagambalain ng isang belat dito sa mansion. Balang araw ay magagantihan ko rin ang babaeng 'to. Bumangon na lang ako't pabagsak na binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ng Belat na nakataas ang mga kilay na drawing lang naman. Ang kapal din ng kaniyang foundation at ang lipstick na ginamit niya'y mukhang expired na.

Masama ko siyang tiningnan.

"Bakit?" mahinahon kong tanong pero sa loob ko'y gusto ko na siyang sabunutan.

"Magtatanghali na po, Senyorita. May pasok po ang alaga niyo ngayon," sabi niya, may ngising nakakainis sa kaniyang labi. Doon ko lang din naalala na Lunes na naman ngayon at may pasok nga pala si Senyorito. Lutang ba ako? Akala ko kasi'y gabi na. Yawa kasing mga sawa 'yan! Buong linggo kong inisip na sana'y mahawakan ko sila.

"Ba't ngayon mo lang sinabi, panget ka!"

"Aba! Wala ka bang self initiative, beh? Lutang ka ba?"

Inirapan ko na lang siya't hindi na sinagot. Malay ko ba sa sinasabi niyang self initiative, absent ako noong itinuturo iyan. Isinarado ko na lang ang pinto at muling pumasok sa loob. Tiningnan ko ang oras at malapit na nga palang ma-late si Senyorito sa klase. Kaya imbes na maligo pa ako'y mabilis akong nagpalit ng damit at saka nag-spray ng pabango sa buong katawan ko.

Lumabas ako ng kuwarto at saka tinungo ang kusina. Kung saan naroroon na sina Senyorito at Sir Henry na nag-aagahan. Mga pashnea! Hindi man lang ako hinintay, parang 'di kami pamilya, a! Chariz. Ngumiti ako pagkakita nila sa akin.

"Mmm! What's the smell?! Ang baho!" biglang sabi ni Senyorito. Kumunot tuloy ang noo ko't inamoy-amoy ang paligid. Ngunit wala naman akong naaamoy na mabaho. Tumingin ako kay Mirabel na tahimik lang sa gilid habang may hawak na pitsel ng tubig, naghihintay na humingi sa kaniya sina Sir ng tubig. At as usual, ang kapal talaga ng foundation ng Belat na 'to.

Muli akong tumingin kay Senyorito.

"Wala naman po, Senyorito. Baka po iyang bunganga niyo-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumingin ito sa akin, iyong tingin na nakakamatay. Aba! Akala ko ba 'di na 'to Angry birds sa akin? "A-Ang ibig ko pong sabihin, baka iyong bunganga ni Mirabel ang naamoy ninyo. Hindi po kasi siya nagsipilyo," pagtatapos ko.

Hindi na lang ito sumagot at nagpatuloy sa pagkain. Sumulyap ako kay Sir Henry at tahimik lang din ito. Ang poge niya talaga. At, ngayon ko lang din napansin na ibang kulay ng formal attire ang suot niya kumpara sa mga nakaraang suot niya tuwing siya ay pumapasok. Itim kasi ang palagi niyang suot, na bagay na bagay naman kasi talaga sa kaniya. Lalo pa't parang itim din ang nagpipresinta sa ugaling mayroon siya. Ngayon kasi ay kulay abo ang kaniyang suot. Bagay naman sa kaniya, lahat na halos ng isusuot niya'y bagay pero pakiramdam ko mas bagay 'pag walang suot. Chariz!

"Gaga kang baklita ka. Ikaw iyong tinutukoy ni Senyorito na mabaho!" bulong ng katabi kong si Mirabel. Pigil niyo 'ko, kakalbuhin ko 'tong babaeng ito.

Taas kilay akong lumingon sa kaniyang direksiyon. Ang lakas ng loob niyang mambintang nang mabaho samantalang amoy na amoy ko ang bulok niyang bagang na may nakasabit pang malunggay.

"Wag kang mambintang, wala kang proweba. Sampalin kita ng hawak mong pitsel diyan," pagbabanta ko. Pasalamat siya dahil kasama namin mga amo namin baka pinag-untog ko na mga bungo nila nina Aunti Dolly na kanina pa nakatingin kay Sir Henry.

"Hmp! Totoo naman kasi, hindi ka nga-" Hindi na nito natapos ang sasabihin sana niya nang ambahan ko siya ng suntok. Chariz! Tumayo na kasi sina Sir at Senyorito na ibig sabihin ay tapos na silang kumain at aalis na kami, malamang, ang bo–Inirapan ko na lang si Mirabel at saka sumunod na sa dalawa papalabas.

Kinuha ko muna ang mga gamit ni Senyorito sa kaniyang kuwarto, binalikan ko naman ang lunch box niyang kadalasan ay ako ang nakakaubos dahil hindi naman siya mahilig kumain sa school. Lumabas na rin ako at pumasok sa loob ng kotse nang makalapit ako rito. Taas noo akong naupo roon.

"I still smell that bad smell!" inis na namang turan ni Senyorito. Hindi ko na lang pinansin, maging si Sir Henry ay hindi rin ito pinakinggan pero may kinuha siyang parang bote na ini-spray sa loob ng kotse.

Kumunot ang noo ko. Hindi na lang ako nagtanong nang maamoy ko ang hangin sa loob, ang bango. Air freshener. Manakaw nga 'yan minsan tapos papadala ko sa probinsiya, marami rin kasing mabaho roon. Isa na si Berting na polusyion sa probinsiya namin. Marami ding mga tsismoso't tsismosa, 'pag ini-spray-an ko ba ang mga bibig nila ng air freshener ay babango ang sasabihin nila sa kapwa nila?

Malamang hindi. Kahit ano pang mabango ang ibuhos mo sa mga bibig nila kung gusto nilang siraan ang kanilang kapwa.

Pinaandar na ni Sir Henry ang kotse't agad din kaming umalis at tinungo na ang school ni Senyorito.


--


Dahil nga wala namang saysay para manatili ako sa labas ng classroom ni Senyorito. Nakakangalay rin kasing halos dalawang oras akong nakaupo roon at nakikita ko pa iyong mga kasama kong Yaya. Kaya naman na ni Senyorito sarili niya, binilinan ko rin na 'wag siyang aalis doon kapag hindi pa ako nakakabalik. Napag-isip-isip kong maglakad-lakad at maglibot-libot na muna rito sa school. Malawak ang school na 'to dahil na rin sa isa itong University.

Malayo na rin ang nakalakad ko't hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa campus ng college na katabi lang ng Elementary at day care. Tiningnan ko ang mga buildings na nakikita ko. Sa bawat buildings ay may nakasulat doon kung anong department sila. Napunta ako sa building ng Engineering, dito kasi ako dinala ng mga sarili kong paa. May iilang estudyante akong nakikita, na abala sa kanilang mga school works.

Ilang hakbang pa ang nilakad ko ngunit natigil ako nang may nakita akong lumabas sa isang classroom, isang demonyong kinakatakutan ko. Tumalikod ako upang sana'y bumalik na sa classroom ni Senyorito dahil ayokong magtagpo na naman kaming dalawa. Baka tuluyan pa akong mapalayas 'pag nalaman ito ni Sir Henry.

"Andrea?" Nanindig ang balahibo ko sa narinig. Shuta! Papaano niya ako napansin?! Hindi ako lumingon, mabilis akong naglakad hanggang sa makarating ako sa dulo ng hallway kung saan walang katao-tao akong nakikita. Lalabas na sana ako sa building na iyon nang may biglang humawak sa braso ko.

"Rape! Rape!" ang lumabas sa bibig ko't nagpumiglas ngunit mahigpit ako nitong hawak at kinaladkad sa likod ng building kung saan tanging mga naglalakihang mga puno ang naroroon. Sinubukan ko pa ring pumiglas sa pagkakahawak niya't mabuti na lang ay binitiwan niya ako.

"What's that smell?" bigla nitong sabi, kaya natigilan din ako sa pagbabanta kong makaalis na roon. Inamoy ko ang paligid, wala talaga akong naamoy, maliban sa pabango niyang ang bango-bango. "Ikaw ba ang naamoy kong mabaho?"

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa kaniyang tanong. Kapal naman ng mukha niyang sabihan akong mabaho. Para sa kaalaman niya, malapit lang ang bibig sa ilong. "Kapal naman ng mukha mong sabihan ako niyan! Naligo ako—"

"When did you take a bath?" tanong niya, feeling close talaga.

Inalala ko kung kailan ako naligo. "N-Noong n-nakaraang Linggo p-pa yata? At saka, bakit ba?! Close ba tayo! Andrea ka nang Andrea, hindi naman 'yan pangalan ko. Ang bobo, a!" inis kong turan at saka siya tinalikuran, babalik ako sa alaga ko.

"Wait. Alam kong ikaw at si Andrea ay iisa. Don't you know that my parents are gay haters? What if I tell them that Henry's girlfriend is actually gay?"


*****


Pabitin ba?! Siyempre naman. char!


ONE LAST CHANCE PRE-ORDER IS STILL AVAILABLE(269 + SHIPPING FEE). 

GRAB A COPY NOW!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top