Chapter 25

10K READS & COUNTING... THANK YOU SO MUCH!

–––––––––––––––

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 25

--

A N D R E I

Maaga akong nagising ngayong araw. Walang pasok ngayon si Senyorito. Balak ko pa sanang tumihaya na muna pero nakakahiya naman na kasamabahay ako ritoʼt wala man lang ginagawa. Tiningnan ko na muna ang oras sa aking cellphone, alas-sais pa lang nang umaga.

Nag-stretching na muna ako, tumawad, nag-twerk, at nag-split. Nang matapos ako'y agad na rin akong lumabas. Pero bago ako tumungo sa loob ng mansion pumunta na muna ako sa banyo upang magsipilyo at maghilamos. Nakakahiya naman kasi kung kakausapin ako ni Sir Henry tapos ang baho ng bagang ko. Hindi ako katulad ng kaibigan kong si Berting na buong pagkatao niyaʼy malansa.

Agad akong rumampa patungo sa loob ng bahay upang tulungan ang kapwa ko hampaslupa sa paglilinis. Pero nakakapagtaka dahil nang makapasok akoʼy wala pang tao roon.

"Masyado ba akong maganda kaya hindi pa sila nagigising?" tanong sa sarili habang inililibot ang paningin. Walang tao rito sa sala, na kadalasang inuuna naming linisan tuwing umaga.

Nagkibit-balikat na lang akoʼt agad nang kinuha ang mga gamit panglinis. Nagsimula akong magwalis, dahil pinanganak akong mahirap at mamamatay akong magkaka-asawa ng poging mayaman, hindi ko ho alam gamitin ang vacuum kaya hanggang walis na muna. Yes, opo! Walang ganiyan sa bahay, bebs! Kaya bakit natin gagamitin?

Inabala ko na lang ang pagwawalis habang ako'g kumakanta. Hindi naman sa pagmamayabang pero magkasing boses po kami ni Mariah Carey. Pero sikreto lang po natin ito yes opo, baka ma-discover ako ni Kuya ng PPB at gawin pa akong kasamabahay.

“There's a hero...” Magsisimula pa lang ako sa pagkanta nang may bigla na lang tumikhim sa likuran ko, dahilan para muntikan na akong mapatalon sa gulat. Nandoon na, e! May pakulot epek na sana kaso...

Mabilis akong lumingon dito at napalunok ako nang bumungad sa akin si Sir Henry, nakasuot lang ng maikling shorts na hapit na hapit sa kaniyang mga hita. Walang kahit na suot na damit tapos pawisan pa. Parang ang bango at kay sarap dilaan! Rawr!

Nanginginig ang kamay ko. Pigil na pigil din akong huwag gumawa ng kahalayan sa mga oras na 'to. Pinagkakasya ko na lang ang sarili sa pagtingin sa pawisan niyang katawan.

"Are you done checking me out, Mr. Arellano?"

Napabalik ako sa reyalidad nang muli siyang magsalita. Mabilis akong umayos ng tayo at pasimpleng pinunasan ang gilid ng labi nang maramdamanan kong naglalaway pala ako.

"H-Ho?" pagmamaang-maangan ko, hindi rin ako makatingin sa kaniya ng diretso. Hindi ko kaya, bebs! Ako'y natutukso, natatakam, at nanghihina. Char!

"Look at me," utos nito pero ʼdi ko pinakinggan. Sino siya para utusan akong tingnan siya.

'Boss mo iyan, Drei! Boss mo. Siya ang nagpapasahod sa ʼyo,' eksaheradang singhal sa akin ng isipan ko.

Kaya bilang ipinanganak na masunurin. Sinunod ko ang utos nito. Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya, diretso mismo sa nakakatakam na pawisan niyang katawan. Shuta! Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pink nitong utong. Inangat ko ang tingin, dahan-dahan hanggang sa magtagpo ang mga mata naming dalawa. Ang nakakapanghina nitong mga mata, para akong hinihigop.

"Have you ever touched a man's body?" bigla niyang tanong, na hindi ko halos naintindihan.

"P-Po?" balik kong tanong. Ano ba kasi ang ibig niyang sabihin? Nakakaintindi ako ng english, beh! ʼDi ako bobo! Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit niya ako tinatanong ng ganoon?

"Nakahawak ka na ba ng katawan ng isang lalaki?"

"Naiintindihan po kita... Ang hindi ko maintindihan ay bakit niyo ako tinatanong niyan?"

"Just answer my question, Mr. Arellano."

Lumunok muna ako nang napakaraming naipong laway, noong ʼ80's pa 'to. Napahigpit din a ko ng hawak sa walis at saka umiwas ng tingin.

"O-Opo. Maraming beses na nga," sagot ko. Nagulat na lang ako nang bigla nitong hawakan ang panga koʼt iniharap ulit ang aking ulo sa kaniyang direksiyon. At, baks, sobrang lapit ng mukha niya. Amoy ko tuloy ang pinaghalong pawis at ang natural niyang amoy. Bigla na naman akong natakam at parang gusto kong gawin sabaw ang pawis ni Sir Henry.

Pero, bebz! 'Di mo kaya! Ang lapit-lapit namin sa isa't isa. Nakatitig pa ang itim na itim nitong mga mata sa akin nang deretso. Para akong kinakain ng buhay. At ang buong pagkatao ko ay hindi mapakali. Ang lakas nang dagundong ng puso ko sa mga oras na ito.

"S-Sir, ano po'ng ginagawa niyo?" nauutal kong tanong.

"Who are they?" na siya ring sinagot niya ng isa pang tanong. At hindi ko naman maintindihan kung ano'ng ibig niyang sabihin.

"H-Hindi po kita ma-gets," sagot ko. Mabuti na lang at nagsipilyo ako kanina dahil nakakahiya na ang lapit namin isa't isa tapos ang baho ng bunganga ko.

"Sino iyong mga lalaking nahawakan mo ang katawan?" may diin ang bawat  letra niyang tanong. Mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko.

Shuta! Bakit ba kasi ang lapit namin isa't isa?! Sir, don't do this to me!

"S-Si Daniel Matsunaga po. S-Sa brochure ng Avon po. Model po siya ng brief doon," mabilis kong sagot. "M-Mabango pa nga–"

"What? Bakit mabaho ba ako sa tingin mo?" Mas lalo nitong inilapit ang katawan.

Ano ba itong pinagsasabi ni Sir Henry. Hindi kinakaya ng aking vagina ang pangmalakasan niyang tanong! Tapos bakit niya pa 'to ginagawa? Bakit kailangan niya pang guluhin ang tumbong ko? Hindi ko siya ma-gets!

'Shutacca, Andrei! Ipirmi mo ang tingil mo!'

"S-Sir, b-baka po may makakita pa sa atin. Lipat po kaya tayo sa medyo tago?"

Sa sinabi kong iyon ay binitiwan na nito ang baba ko't lumayo rin siya ng distansya. Nakahinga ako nang maluwag pero ang pagkababae ko'y hindi na natigil, gusto pa raw niya. Pero hindi ko iyon pinahalata, siyempre. Pinanganak ako ng mga magulang kong dalagang pilipina.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sir Henry. "I-I'm sorry. I didn't meant to do tha-"

"Okay lang po," mabilis kong sagot. Napatingin siya sa direksiyon ko. "A-Ang ibig ko pong sabihin, 'wag niyo na lang pong intindihin iyon."

‘Bet ko rin naman po. Kahit isampal niyo pa ako sa pader at ikulong sa mga braso niyo habang tinatanong ng random questions. Ayos lang!’ sasabihin ko pa sana iyan kaso tinigil ko na, baka isipin ni sir na dati akong pokpok. Hindi po ako pokpok, tindero lang ako ng bracelets sa umaga.

"I-I have to go. Maiiwan na kita," sabi niya at hindi man lang ako hinintay na makasagot. Mabilis siyang naglakad papaakyat ng hagdan at agad na nawala sa paningin ko.

Naiwan akong parang timang. Ngayon ko lang napagtanto ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Napahawak ako sa panga ko, para kasing may naiwang bakas habang hawak ito ni Sir. Tapos... Hindi pa rin nawawala sa pang-amoy ko ang natural nitong amoy. Lalaking-lalaki.

Napunta ang kamay ko sa aking dibdib. Ang lakas pa rin ng tibok ng aking puso. Bakit niya iyon ginawa? Hindi ko talaga siya naiintindihan. Hindi ba niya alam na isa akong sirena, madaling mahulog lalo na kapag poge. Char! Pero seryoso ako, madali akong mahulog, madaling magkagusto. Kaya gulong-gulo ang isipan ko sa ginawa ni Sir Henry.

"Teh, ginagawa mo? Bakit nakatingin ka sa kisame?"

Tumingin ako rito, isa sa mga katulong na may hawak na basahan. Nakakunot ang noo. Ginawa rin nito ang ginagawa ko kanina, tumingin siya sa taas.

Hindi ko na lang siya pinansin at iniwang nakatingin sa itaas. Ang bobo kasi. Sa chandelier kaya ako nakatingin. Isa pa, masyado nang napapahaba ang tayo ko rito. Nakakangalay kaya, hello!

*****

HAPPY HEART'S DAY!! SANA ALL MAY JOWA!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top