Chapter 24
THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 24
--
A N D R E I
Hindi ko alam kung papaano ko i-ha-handle ang ganda at ang kaba ko sa mga oras na ʼto. Ang lakas-lakas nang kabog ng aking puso na tila ba lalabas na ito sa aking suso. Hindi ko magawang tumingin sa harapan ko, dahil sa hiya at takot na baka makita nito ang tinatago kong kaluluwa.
“Son, do you mind if I ask your girlfriend what their family business?” tanong ng Daddy ni Henry, na ngayoʼy kaharap namin ditong nakaupo sa pahabang mesa sa kanilang kusina, rito mismo sa mansion nila.
Nanginig naman ang kalamnan ko sa naging tanong nito. Shutacca, beh! Bakit sa dinami-rami ng puwede mong itanong ay iyan pang wala kami ng pamilya ko? Anong isasagot ko, na nagtitinda lang ako ng souvenirs na hindi naman mabenta sa probinsiyang pinanggalingan ko. Wala akong maipagmamalaki, bukod sa ganda at medyo katalinuhang taglay lang.
Pero ika nga ni Sir Henry, na siya ang bahala sa lahat. Ngunit bakit hindi man lang ito tumugon sa ama? Nakakatakot pa naman ang titig ng ama nito na kahit seryoso lang, para ka nitong hinuhusgahan.
Humugot ako nang malalim na hininga at saka tapang-tapangang itinaas ang tingin upang salubungin ang titig ng ama ni Sir. Seryoso pa rin ito. Nakuha ko namang pagmasdan ang kaniyang itsura at masasabi kong namana ni Sir Henry ang iilang itsura nito, maging sa kung papaano ka nito tingnan ay kuhang-kuha ni Sir Henry.
'Malamang, Drei. Tatay niya iyan! Tamod niya ang ipinutok sa bukanan ng ina!'
Hindi ko na pinansin ang mahadera kong isipan at nag-proceed sa totoong pakay ko kung bakit ko tiningnan ang ama ni Sir. Humugot ulit ako nang malalim na hininga at saka pasimpleng ngumiti, na puno lang naman ng kaplastikan.
"Sir, nasabi niyo po na plastik ang tatay niyo?" tanong ko, habang kami ay nasa kotse at patungo na sa kanilang mansion. Sa mansion ng kaniyang mga magulang.
Narinig kong tumawa si Sir Henry na siyang ikinalingon ko sa kaniyang direksiyon. Ampoge, beh! Pati pagtawa ay ang guwapo. Makalaglag vagina pa ang side profile niyang kitang-kita ang matangos na ilong. Ano kaya ang pakiramdam na inaamoy-amoy ka ni Sir?
"Yeah. Makipag-plastikan ka na lang sa kaniya," sagot niya.
"Mayroon po kaming sariling factory," sagot ko sa tanong nito nang mapabalik ako sa reyalidad. Matapos alalahanin ang naging usapan namin ni Sir sa kaniyang kotse.
"Factory?" tanong nito, kunot ang noong nakatingin sa akin. "Factory of what, Ija?"
Oo nga. Ano'ng factory ba ang ibig kong sabihin? Factory ng shabu? Ng marijuana? Tapos ako ang drug lord? Shuta! Mabilis nawala ang ngiti sa labi ko at lumingon kay Sir Henry. Sinusubukan kong humingi sa kaniya ng tulong na dugtungan kung anong factory ang ibig kong sabihin. Pero ang hayop, hindi man lang nakuhang lumingon sa akin.
"Drugs," mabilis na sagot ni Sir Henry na hindi man lang tumitingin sa akin kundi sa kaniyang ama lang. Ako ang girlfriend dito, beh!
Pero sandali, anong sabi niya? Drugs? Shabu sa tagalog iyon ʼdi ba?! Nilalaglag ba ako ni Sir Henry?!
Palipat-lipat ang tingin ko kay Sir at sa Ama nito, gusto ko sanang umalma na hindi shabu ang laman ng factory namin pero malinaw na malinaw na ang sinabi ni Sir Henry.
"Ohh. So your family owns a hospital and you're in line with family of doctors? Your last didn't sounds familiar to me."
Ano raw? Doctors? Kailan pa kami naging doctor?
"A-Ah. Hehe. Yes po. M-Medicine. T-Tama po kayo," sagot ko na lang. Nasabi na niya. Iyon pala ibig sabihin ng drugs ay medicine para sa mga mayayaman. Pasensiya na, beh! Hindi tayo mayaman.
"That's good to hear."
Nakipagplastikan pa ako ng halos isa't kalahating oras sa ama ni Sir Henry. Mabuti na lang din at nasa tabi ko si Sir Henry na sinasalba ako sa mga kabobohang nagagawa. Natapos lang iyon dahil may tumawag sa ama ni Sir Henry, na mabilis namang nagpaalam sa amin. Nakahinga ako nang maluwag nang mawala na ito sa kusina.
"Haaa! Ang sikip-sikip ng atmosphere, a! Mabuti na lang na-ha-handle ng ganda ko," bigla kong nasabi.
"Yeah. You're right. Ang ganda mo," ang bigla ring sinabi ng katabi ko. Kaya napa-360 degree akong lumingon dito. Hindi siya direktang nakatingin sa akin.
"P-Pakiulit nga po iyong sinabi niyo?" Kunwari'y hindi ko narinig pero malinaw na malinaw kong narinig iyon. Gusto ko lang kompirmahin kung ako ba ang tinutukoy niyang maganda.
At ang shutanginang puso ko, halos magtatalon sa tuwa.
Imbes na sagutin niya ako'y tumayo. "Let's go home. Baka maabutan pa tayo ng mga kapatid ko't dagdag pasakit pa sa ulo mo iyon," aniya.
Aangal pa sana ako dahil nga gusto kong marinig iyong sinabi niyang maganda ako. Pero wala na akong nagawa, nauna na itong lumabas na kusina. Kaya mabilis akong tumayo at nilingon ang mesa. Mabilis kong kinuha ang cup cakes na kanina pa ako tinatakam at saka sinundan si Sir.
"Bro, what are you doing here? Akala koʼy ang bahay na ʼto ang pinakaayaw mong puntahan?"
Natigilan kami sa paglalakad ni Sir at sabay na lumingon dito. Isang matangkad na lalaking may hawak na puting pusa, pababa ito ng hagdan. 'Kasing tangkad niya lang si Sir. Halos parehas din sila ng features ng mukha ngunit mas matured lang si Sir Henry. Nang makalapit siyaʼy may ngisi nang nakadikit sa kaniyang labi. Parang nakita ko na siya. Ah--tama, noong una naming punta ritoʼy nandito rin siya. Malamang ay isa ito sa mga kapatid ni Sir.
At seswa, ang poge! Sandali. Dito na ba magsisimula iyong pag-aagawan nila akong magkapatid? Pwede namang both! Bakit mag-away pa para lang malasahan ang perlas ko?
"Harold..." mahinang sabi ni Sir. "What are you also doing here?" na agad niyang sinundan ng tanong.
Tumalon ang pusang hawak nito at tumakbo papalayo. Sinundan ko ang galaw ng mga kamay nito. Inilagay niya ang mga kamay sa bulsa ng suot niyang jogging pants. At nang mapadako ang mga mata ko roon, hindi nakatakas sa paningin ko ang bahagyang pagbakat nang itinatagong yaman. Mabilis kong iniangat ang paningin. Shuta! Ang laki ng sawa!
"Binisita ko lang ang mga alaga ko rito. Besides, I'm bored and I want to mess our dad," sagot ni Sir Harold sabay tawa. "Ikaw, ano'ng pumasok sa isipan mo't pumunta ka rito? And do you mind introducing this young lady besides you?" Sa akin na ito nakatingin at may kakaiba sa tinging ibinibigay niya.
"She's Andrea, my girlfriend and Dad asked me to introduce her to him."
Naglakad papalapit si Sir Harold sa akin at nagulat ako nang inilapit nito ang mukha, sobrang lapit mga bakla! Halos kita na nito ang pores kong kung hindi lang natatakman ng make up ay baka nag-hello na sa kaniya. Tinitigan ako nito, tila ba kinikilatis.
"Mmmm. Andrea..." Umayos siya ng tayo. "Nice to meet you. I'm Harold. Kung iiwanan ka nitong kapatid ko, call me. Akong bahala magpaligaya sa ʼyo."
"S-Sige–"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may humawak sa kamay koʼt mabilis akong hinila. Nagulat na lang akoʼt nasa labas na kaming dalawa ni Sir Henry. Nang tingnan ko ang kaniyang ekspresiyon ay masama itong nakatingin sa kaniyang kotse.
"Sir, ayos ka lang po?" tanong ko, "at bakit niyo po pala ako hinila bigla? Nakikipag-usap pa ho tayo sa kapatid niyo," dagdag ko.
Tumingin siya sa akin. "We're going home. Pagod na ako," sagot nito at saka nauna nang pumasok sa loob ng kotse ng hindi man lang ako pinagbubuksan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top