Chapter 23

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 23

--

A N D R E I

Pagkatapos kong ihanda ang sarili ko sa loob ng kuwarto. Agad na akong lumabas at pinuntahan si Sir Henry sa kaniyang opisina rito kaniyang mansion. Pagdating sa harapan ng pinto'y bumuntonghininga ako ng ilang beses bago kumatok ng tatlong beses.

"You may come in, the door's open," sabi nito sa loob. Ngunit hindi ko siya pinakinggan, bagkus ay nag-twerk ako't kinanta ang sa isipan ko ang kanta ni Toni Fowler na hit ngayon sa social media.

Charut! Baka mas lalo akong mawalan ng trabaho kapag hindi pa ako pumasok. Kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng opisina nito. Bumungad sa akin ang mesa nito kung saan nakaupo si Sir Henry sa isang swivel chair, iyong upuan na kung trip mong paikot-ikutin ay puwede. May hawak siyang itim na ballpen habang may sinusulat sa isang puting papel.

"Sir, pinatawag niyo raw po ako?" bungad kong tanong, hindi na kasi ako makapaghintay pa. Baka kasi nakakaabal rin ako kay Sir. Kaya mas mabuti nang mabilis para mabilis akong makapag-impake't makalipad na papauwi. Kahit ayaw ko man, ano pa bang magagawa ko?

Ibinababa niya ang hawak na ballpen at saka iniangat ang tingin sa akin. Shuta! Bigla akong nag-pre-cum sa paraan kung papaano niya ako tingnan. Seryoso itong nakatingin pero ang shutanginang pwerte ko'y naglalaway. Charut! Bakit ba ang halay ko? This is not me!

Napansin ko ang paghugot nito nang malalim na hininga. Palalayasin na ba talaga niya ako? No more second chance? Wala man lang konsidirasyon na naipit lang naman ako sa sitwasyong ito? Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan kay Sir Henry nang matagal dahil baka mabasa pa iyong suot kong Avon na panty na nabili ko sa isa sa mga kaibigan kong bakla sa amin.

"My Dad wants to meet you," bigla niyang sabi. Napatingin ako ulit sa kaniyang direksiyon nang nagtataka. "I mean, he wants to meet Andrea."

"Ho? Iyong kapatid ko? Bakit? Ano'ng gagawin ng Daddy niyo sa kapatid ko? Bata-"

"Mr. Arellano, are you still in your mind?" Natigilan ako sa tanong nito. Tumango bilang sagot. Alam ko nasa tamang pag-iisip pa naman ako.

"Bakit po?" tanong ko, may bahid at puno nang pagtataka ang ekspresiyon. Tiningnan lang ako nito ng seryoso at nang mapagtanto ko ang katangahan ko'y bigla akong napaiwas ng tingin. Sabay kamot sa likod ng aking ulo. “P-Pasensiya na po...”

“As I've said, my father wants to meet Andrea, my wife,” sabi ni Sir Henry.

Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig sa pagtawag nito sa aking 'my wife'. Pero pinigilan ko na ang sarili ko dahil alam kong pagpapanggap lang lahat ng ito. Napalitan ng kaba iyong panandaliang kilig nang mapagtanto kong gusto akong makilala ng kaniyang ama. Ramdam ko na ang pagiging homokojic ng lalaking iyon. Kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"N-Natatakot po ako," bigla kong sabi. Ayaw talaga papigil ng bunganga ko. “Paano po kapag nalaman niyang hindi ako babae?”

Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya, pero hindi ko magawang sabihin. May parte sa akin na huwag i-disappoint si Sir. Pero may mas malaki iyong parte na itigil na ʼto dahil trabaho ko ang nakasalalay.

Tumingin ako kay Sir, saktong nakatingin din ito sa akin. Hindi ko maintindihan pero biglang kumalma ang puso ko habang nagkatitigan kaming dalawa. Seryoso lang itong nakatingin ngunit may kakaiba. Hindi ko mawari kung ano iyon.

"Don't worry. I'll be always in your side. No matter what..." Nagulat ako nang ngumiti siya. Tuluyan na akong nilabasan. Char!

Ngumiti rin ako at nagpasalamat. Ramdam ko naman ang sinseridad sa boses ni Sir Henry. Kampante na ako roon.

Tatalikod na sana ako upang makakain na. Dzai! Kanina pa 'ko gutom. Ang dami kasing chika nitong si Sir. Ayan tuloy, nagugutom na ako. Kainin ko siya riyan, e!

"Thank you..." sabi nito.

"Para po saan?" Hindi ko alam kung para saan ang pagpapasalamat nito.

"For helping me and for taking good care of my son."

Ngumiti ako ng mula sa puso at saka siya sinagot, “Trabaho ko po na bantayan si Senyorito Finley. Trabaho ko rin po na tulungan kayo, 'di b po dinagdagan niyo sahod ko?"

Tumawa siya nang mahina. Mas lalo tuloy siyang naging guwapo. Mas lalo pang nakakaguwapo ang suot niyang puting long-sleeved at reading glasses sa mga mata. Dadeng-dade ang itsura niya. Kailan ko kaya siya magiging daddy?

Muli na akong nagpaalam kay Sir at mabuti naman dahil hindi na niya ako pinigilan. Gutom na gutom na talaga ako, sis! Nakahinga rin ako nang maluwag dahil kahit papaanoʼy wala pang nakarating na balita sa kaniya na nalaman nung hayop na iyon na lalaki ako.

Dumiretso ako kusina para lang maabutan ko ang mga kasama kong patapos nang kumain. Oo, dzai! Parang ʼdi mga kasambahay ang mga hayop! Si Auntie Dolly, donyang-donyang nakaupo sa dulo ng mesa kung saan ang puwesto ni Sir. Iyong isa, nakataas pa ang isang paa sa upuan habang kumakain. At ang dalawa nama'y abala sa kani-kanilang mga cell phone.

"Aba naman, ang galeng! Bahay niyo? Bahay niyo?" singhal ko na mabilis naman nilang ikinagulat. Napaayos sila ng upo sabay tingin sa akin. Pero nang makitang ako lang ʼto, ang magandang si Andrei Arellano ng probinsiya ng Isulan, Sultan Kudarat. Inirapan lang at saka sila nagsibalikan sa kani-kanilang ginagawa. Aba'y putangingang mga ʼto!

"Kumain ka na lang, ʼteh. Dami mong paandar," ani ng isang kasambahay na hindi ko matandaan ang pangalan.

Inirapan ko rin siya't pumunta na sa puwesto. Nakakagutom kasing makipagtitigan kay Sir. Hindi ko naman kasi siya puwedeng kainin dahil hindi pa ako bampira o zombie. Maganda pa lang ako, wala pa ako sa stage na iyon.

--

Today is the day, ika nga nila sa tagalog na ngayon na nga ang pinakahihintay ng lahat. Pero ako, hindi ito ang araw na hinihintay ko! Dahil ang araw na ito'y ang araw na ayaw kong mangyari.

Muli kaming pumunta sa parlor na pinuntahan namin dati, muling nagpaayos, at muli akong nag-transform bilang si Andrea. Dahil ngayong araw daw ako gustong makilala ng daddy ni Sir Henry. Gusto ko ngang mag-back out dahil isa sa ayaw kong makitang muli ay ang tatay ni sir.

Hindi ko man ito lubos na kilala, ramdam ko nang homokojic na ito. Isa pa, hindi ko pa rin nakakalimutan kung papaano niya itrato si Senyorito noong una naming punta sa mansion nila. Na parang hindi man lang niya itinuring na kapamilya si Senyorito. Hindi naman ito kapuso o kapatid, dahil puro anime pinapanood ng bata. Charut!

Kaya sa tuwing inaalala ko iyon, hindi ko maiwasan na hindi masaktan. Lalo pa't sa murang edad ng bata, nakakaranasan na siya agad nang kakulangan sa pagmamahal.

"Pak! Ang ganda mo talaga, 'teh! Parang Ariana o!"

Napabalik ako sa reyalidad nang magsalita iyong baklang nag-ayos sa akin. Tumingin ako sa salamin at nang muling makita ang repleksiyon, ngumisi ako. Totoo ang kaniyang sinabi, ang ganda ko for today's video!

"True ba? Ariana Grande ang awrahan ko?"

"Oo naman! Oh awra!" Sinunod ko siya. Nag-pose ako sa harapan ng salamin at saka dahan-dahang ngumisi. Para tuloy kaming mga baliw.

"Ay ikaw rin pala, 'teh! Ariana ang peg mo!"

"True ka ba riyan?" tanong niya.

Tumango ako at saka siya sinagot, "Ariana Granada! Puwede rin Ariana Grandeng tank build!"

Nagulat ako nang paluin niya ako at sinamaan ng tingin. "Tangna mo, bakla ka! Hindi porket may poge kang jowa, gaganyanin mo na ang kapederasyon mo! Tse!" Inirapan niya ako.

"Napakaseryoso mo naman. Wala ka bang rumor sa katawan?"

"Gaga! Tumor iyon! Boba ka ba?"

Mumurahin ko na sana siya ngunit bumukas ang pinto nitong parlor kung saan pumasok si sir Henry. Natigil tuloy kaming dalawa. Humarap ako kay Sir, pero imbes na siya ang magugulat sa ganda ko'y ako ang nagulat sa itsura niya.

Shutacca, sir! Nag-we-wet na naman ako! Buti na lang tatlong panty liner ang suot ko plus napkin na mag wings para lumipad-lipad ang poke ko.

Pinagmasdan ko si Sir. Ibang-iba ang itsura nito ngayon kumpara sa palaging seryoso at baka-three pieces suit na daddy. Maayos ang pagkakaayos sa kaniyang buhok tapos ang labi niya'y mamula-mula na parang naka-lipstick. Bagay rin ang pormahan niyang long-sleeved na hapit na hapit sa kaniyang katawan. Ang poge niya for today's video at bagay kami.

"You're stunned. Am I that handsome to you?"

Siniko ako ng baklang katabi ko. Dahilan para mabalik ako sa katinuan. Nandito pa pala ito? Ay, baka pinagnanasahan na nito si Sir.

"A-Ah..." Shet! Hindi ko alam ang isasagot ko. "T-Tara na po? May baklang nagnanasa na rito," sabi ko at tumayo. Walang hiya ko siyang hinila papalabas ng parlor.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top