Chapter 21
THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 21
--
A N D R E I
"Dzai! Alam niyo ba?"
"Ano?!"
Nanlaki ang mga tainga ko nang magsalita itong panget na katabi ko rito sa waiting area ng eskwelahan ni Senyorito. Nai-pause ko pa ang pinapanood ko para lang maituon ang buong atensiyon ko sa kanila.
"May tsismax akong dala, bes!" sabi niya, excited na excited pang sabihin sa mga kasama niyang tsismosa rito.
Ako nama'y nanahimik lang. Hindi naman ako tsismosa, naririnig ko lang ang kanilang pinag-uusapan.
"Na nag-away na naman ang mga amo mo?" segunda naman ng isa, hindi ko na pinagkaabalahang tingnan pa sila dahil ayaw kong pahalata na nakikinig ako. Aba! Mautak kaya ako, hindi ako tsismosa, mautak lang.
"Oo! Kasi alam niyo ba? Na itong si sir, may kabit pala! Jusko, nakakaloka! At ang mas nakakaloka pa, bakla raw iyong kabit niya, beh!"
This time... Wow, English iyon. Char!
Bigla akong napatingin sa kanila na nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat. Tama ba iyong narinig ko? Wala naman kasi akong tutuli sa tainga at sobrang lakas din ng boses nitong panget na ʼto kung magkuwento. Kaya malinaw na malinaw ang pagkakarinig ko sa kaniyang sinabi na may kabit daw ang amo niya at bakla pa ito? Sinetch itey kaya?
"True ba iyan? Baka nag-iimbento ka lang ng kuwento, 'te?" ang hindi ko mapigilang sabihin, kaya sa akin naman sila napatingin. Alam ko namang ʼdi ako belong sa circle of friends nila, kasi alam ko sa mukha pa lang lamang na ako. Pero dahil nga pinanganak akong pakialamera ngunit hindi tsismosa, aba'y maki-join na ako.
Pero iyon na nga, nagsitaasan ang kanilang mga kilay dahil sa tinanong ko. Aba! Naniniguro lang ako, sis. Hindi kasi ako sanay na makarinig ng tsismis na bakla ang kabit. Buti sana kung gipit iyong lalaki pero may katulong sila, kaya nakakapagtaka. Kayo ba, hindi kayo nagtataka?
"Tingin mo sa akin, manloloko?"
Umayos ako ng upo at saka ngumisi bago siya sinagot, "Wala akong sinabing manloloko ka. Pero sa mukha mo pa lang, 'di na katiwa-tiwala." Boom, burn!
"Tse! Hindi ka kasali sa usapan kaya ʼwag kang makikisaws-"
"E, kung ipahanap ko kaya iyang pinagtatrabauhan moʼt sasabihin ko sa amo na pinagkakalat mo iyong issue ng pamilya niya? Ano? Gusto mo mawalan ng trabaho?" pagbabanta ko, kahit na ang totoo niya'y hindi ko naman alam kung papaano ko gagawin iyon.
Pero mukhang effective naman dahil kita sa kaniyang mukha ang takot. Napangisi ako dahil doon. At wala siyang nagawa kundi ang ikwento ang buong detalye ng nangyayari sa kaniyang pinagtatrabauhan.
Ganoon lang kasimple maging isang concern citizen. Oo! Hindi ako tsismosa. Concern lang talaga ako sa mga kasama nito na baka nag-iimbento lang ʼto ng kwento. Aba, mahirap na! Kung may baong tsismis, dapat legit.
--
Matapos ang walang sawang pangba-backstabb sa mga amo nila ang mga hampaslupang ʼto, tumunog na ang bell ng eskwelahan na ibig sabihin tapos na ang klase. Isa-isang lumabas ang mga chikiting sa kanilang classroom at ang huling lumabas ay si Senyorito bitbit ang kaniyang mga gamit.
Nagtaka ako noong malungkot siya. Kaya agad akong lumapit at pinantayan siya. Kumunot ang noo ko kung bakit nakasimangot ang anak ni satanas. May nang-away ba? Kung sino mang chararet ang umaway sa batang ʼto, matitikman niya talaga ang impyerno. Char!
“Oh, ba't ganiyan ang mukha mo?” mahinahon kong tanong.
Iniangat naman nito ang tingin. "Teacher asked us to bring our both parents to our family day po, Yaya."
"E ba't ganiyan ang mukha mo, aber?" Hinawakan ko ang kaniyang baba upang iharap sa akin. "Sigurado naman akong pupunta ang Daddy mo doon, 'di ba?"
Tumango siya ngunit agad ding umiwas ng tingin. "Yeah. But I don't have my mommy po. I'll be the only kid who doesn't have a complete family. And I don't know if my dad will come, he's always busy at work."
Biglang kumirot ang dibdib ko nang marinig ko ang dahilan nito kung bakit siya malungkot. Masuwerte ako dahil nakaranas ako ng kompletong pamilya, noon. Kompleto pa rin naman ang mga magulang ko, nandiyan pa rin si Papa na naghahasik ng langgim kung saang lupalop man ng mundo. Buhay pa rin si Mama, medyo may kahinaan na't nagiging pabigat....char! I love my mother!
Pero itong batang ʼto, simula pagkabata ay hindi nakaranas ng kompletong mga magulang. Nandiyan nga iyong Daddy niya ngunit hindi naman niya ramdam dahil palagi itong busy sa trabaho.
"Wag kang mag-aalala, gagawan ko iyan nang paraan!" sabi ko, ngumiti pa ako para pagaanin ang loob niya.
Isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya't saka ako iniwan. Kaagad naman akong sumunod at nang makarating kami sa parking lot kung saan naghihintay si manong driver, agad na kaming umalis ng eskwelahan.
--
Kinahapunan ay nag-crave ako ng poge, kaya lumabas ako ng bahay. Naglakad ng ilang kilometro dahil nga pangmayamang village ʼto at nasa may dulo pa iyong convenient store. Nag-cat walk ako papunta roon at hindi nagtagal ay nakarating ako sa paroroonan ko.
Pumasok na ako sa loob at hinanap kung saan nakalagay ang mga poge. Ilang ikot-ikot pa ni Sarah G. ang ginawa ko't nahanap ko na ang hinahanap ko. Potaena! Nasa-Ref lang pala ang poge. Bubuksan ko na sana ito nang may isang kamay ang naunang magbukas kaya mabilis akong lumingon dito.
Pero...
Potangina! Sana hindi ko na lang ginawa. Shuta! Mapapamura talaga ako ng ilang libong beses sa ponyetang tadhana iyan. Bakit nandito 'tong hayup na ito? 'Di ba dapat nag-fly high paru-paru G na sila sa ibang bansa dahil nga ponyeta sila?! Pero ba't nandito pa rin ito?
"You looked tensed. Mukha ba akong nangangain?" tanong niya, tila ba parang wala lang.
Mabilis akong umiwas ng tingin at saka inilabas ang dala kong human size mirror - charut! Ang cellphone ko upang tingnan ang sariling reflection by Elsa Droga. Shuta! Hindi pala ako naka-disguise as wife, kaya heto't mukha akong lalaki, pero maganda pa rin naman.
"Weird," narinig kong sabi niya at napansin ko lang na umalis na ito matapos makuha ang softdrinks na bibilhin.
"Shuta ka, Drei! Wag kang papahalata sa gagong iyan! Hindi ka si Andrea today," bulong ko sa sarili't mabilis na kumuha ng mountain dew na may mukha ni James Reid na poge. Lalabas na sana ako ng convenient store nang harangin ako ng guwardiya.
"Sir, hindi pa po kayo nagbabayad," aniya.
"H-Ha?" nagtataka kong sabi, "Akala ko po free 'to? Nakalagay sa labas, ang laki pa nga po ng karatula ninyo. 'Di ba, free sa tagalog ay libre? Naku ha! Wag mo kong binobobo!" dagdag ko pa.
'Wag akong ginagago ng guwardiyang ito kung ayaw niyang mawalan ng trabaho. Ba't ako magbabayad? Ang laki-laki ng karatula nila sa labas nitong store. F.R.E.E Convenient store!
"Sir, Freedy's Convenient Store po iyon at hindi po free ang lahat ng bilihin dito."
Bigla akong nainis kaya sasagutin ko na sana siya nang pangmalakasan kong mura nang may humawak sa balikat ko.
"I paid for it." Tumingin ako rito at iyong anak ng mga byanan ni Sir Henry ang tumambad sa akin. Kinilabutan din ako sa paraan nang paghawak niya sa balikat ko. Para bang ang bigat ng kamay niya o sinasadya lang niyang diinan?
Sandali! Alam kaya niyang ako si Andrea at nagpapanggap lang na babae para lokohin ang mga magulang niya? Shet! Ano'ng gagawin ko ngayon? Hindi ʼto puwede, beh! Patay kaming dalawa ni Sir kapag nagsumbong ʼto sa mga magulang niya. Nabalitaan ko pa naman na mga homokojic ang iilan sa mga mayayaman kaya baka hindi nila matanggap ang pag-iibigan namin ni Sir Henry.
Wait... Nag-iibigan ba kami?
Gaga! Nag-iilusyun ka kamo! Sabat ng eksaherada kong isipan na walang ibang ginawa kundi basagin ang trip ko.
"Hey! May problema ka ba? You're so weird o sadyang guwapo lang talaga ako kaya ka natutulala?"
Napabalik ako sa reyalidad nang magsalita ito. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala kami sa punyetang convenient store na iyon na hindi pala free kundi FREEDY! Nandito kami ngayon sa park. Ano'ng ginagawa namin dito? Kailan pa ako nagpakaladkad sa gagong 'to? At, anong sabi niya kanina? Poge?
Tumingin ako sa kaniyang direksiyon. Kumpara noong una ko siyang makita, medyo nakakaasar ang kaniyang mukha dahil palagi siyang nakangisi. Ngayon nama'y ang amo-amo niya, na para bang ang bait-bait niyang tao. Pero nakakainis pa rin siya!
Pero dahil nga, delikado ang buhay ko kapag nagtagal pa ako rito. Agad akong tumayo.
"Salamat nga pala rito. Sige, mauuna na ako sa ʼyo. Baka hinahanap na ako." Maglalakad na sana ako papalayo ngunit natigilan ako nang tawagin ako nito na siyang ikinagimbal ng mundo ko.
"Wait... Andrea!"
Shet!
Hindi ko na siya pinansin pa't mabilis na tumakbo. Nag-transform ako bilang si Flash dahil sa bilis ng takbo ko. Shuta talaga! Patay! Alam nga niyang nagpapanggap lang ako noon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top