Chapter 20

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 20

A N D R E I

--

“Ah...” Shuta talaga! Ano ngayon ang isasagot ko sa hayp na ʼto?

Ungulan ko kaya? Pero baka hindi tatalab. Eh kung jombagin ko na lang nang makatulog hanggang bukas at para na rin makalimutan niyang nag-e-exist ako sa mundong 'to? Ba't naman kasi koya sunod ka nang sunod, may lahi ka bang buntot?

Inilibot ko ang paningin ko at talaga nga namang ang suwerte ko sa mga oras na 'to dahil dalawa lang kaming naririto ngayon. Peste! Ihing-ihi pa naman ako.

"So you're-"

"Babae ako, 'no!" mabilis kong sagot at sinamaan siya kunwari ng tingin ngunit ang totoo niya'y kabado ako sa mga oras na ʼto. Gusto ko na lang magpalamon sa sahig at kusang mahulog sa impyerno. "B-Bakit may nakita ka bang lalaking may boobs?! B-Besides, malabo lang talaga mata ko. Akala ko 'female' ang papasukan ko." Umirap ako at iiwanan na sana siya nang magsalita na naman ang hinayupak.

"Your boobs aren't that big."

Lumingon ako rito ng three-hundred-sixty-degree at saka siya tinaasan ng kilay. "Ano'ng sabi mo?" mahinahon kong tanong, pero sa loob-loob ko'y nagpipigil akong huwag mandilim ang paningin ko. Baka hindi na siya makaalis dito ng buhay.

Ngumisi siya at nainis naman ako sa pagngisi niya. "Sabi ko, maliit ang boobs mo. Parang hindi totoo," sagot niya at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. "Tell me the truth and I won't tell to everyone. You're–"


Hindi nito natapos ang sasabihin nang may nagsalita sa likuran niya. Parehas kaming napatingin doon at nakahinga ako nang maluwag nang makita ko si Sir Henry.

"Babe, are you done? We're going home."

Tumingin na muna ako sa lalaking bwesit at saka siya inirapan. Ngumiti ako nang tumingin ako kay sir. "Yes, Babe. I'm done." At saka ako lumapit sa kaniya. Mabilis kong ipinulupot ang mga braso ko sa kaniyang katawan. Chance ko na ʼto, sis! Lulubos-lubusin ko na baka hindi na maulit pa. Mabuti na lang hindi pumalag si sir.

"Pre, mauuna na kami. My son's waiting for us," ani Sir Henry at saka kami naglakad papalabas ng restaurant ng mga mayayaman na iyan. Pati pag-ihi pahirapan!

--

"Sir, puwedeng pakibilisan po ang pagmamaneho?" sabi ko nang nasa daan na kaming dalawa at ang shutangina, ang bagal-bagal kung magmaneho tapos kailan pa nagkaroon ng lubak-lubak sa sementadong daan? Ano na Philippine Government?

"What? Why?" tanong niya, tumingin ako rito at nasa daan lang siya nakatingin. Mabuti na lang din iyon dahil hindi niya nakikita kung papaano ako nagpipigil na huwag maihi rito sa kotse niya.

"E-Eh..." Napakagat ako sa ibabang labi ko, nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba sa kaniya o hindi. Pero iyon nga, no choice tayo. Ayoko namang umihi rito sa kotse niya, baka sa labas niya ako patulugin. "Ihing-ihi na po kasi ako!" mabilis at halos hindi na ako humingang sabi ko.

Mabilis naman nitong inapakan ang preno na siyang nakapagpapikit sa akin at todong pigil. Shutacca, bakla! Alam mo ba'ng feeling nang pumupigil ng ihi? Alam mo bang baka magka-UTI ako sa ginagawa mo?! Gusto ko siyang bulyawan pero dahil poge naman si Sir, tiis ganda lang tayo, Andrei.

"What?! I thought you were done?"

Gago ka ba, Sir? Tapos na sana ako kung hindi lang dahil sa kumag na iyon! Ang daming tanong, 'di na lang ma-satisfied sa ganda ko!

Iyan sana ang isasagot ko pero baka nga palabasin niya ako ng kotse niya't iwanan dito. Hello! Nasa walang katao-kataong parte pa naman kami ng mundo ngayon. Sandali! Bakit kami nandito?

"Eh kasi, Sir ganito po iyon..." At wala na nga akong nagawa kundi ang isalaysay sa kaniya ang tagpo namin ng isa pang alagad ni Satanas na iyon. "Gets niyo na po ba?" pagtatapos ko sa aking kwento.


At ang hinayupak na Henry, tumawa. Halos mautas ang leeg niya kakatawa. Heto naman ako, napatangang napatitig sa kaniyang gawi. Shuta! Ang ganda ng tawa niya, beh! Ang lalim, para akong hinuhubaran at pati kaluluwa ko bumubukaka.


"Y-Your face looks hilarious!" tawang-tawa niyang sabi.

Walang pag-aalinlangan ko namang kinuha ang cell phone nito sa may harapan ng kotse't kinuhanan siya ng video. Minsan lang sa buhay natin na makakita ng guwapong masaya at tayo pa ang dahilan. Nakalimutan ko tuloy na naiihi pala ako. Nang mapansin nitong kinukuhanan ko siya ng video ay agad siyang tumigil at seryosong tumingin sa akin.

"What are you doing?" tanong niya, mabilis naman nitong kinuha ang kaniyang cellphone at saka iyon ibinulsa.

"M-Minsan ko lang po kasi kayo makitang tumawa, kaya kinuhanan po kita ng video. Pa-share it na lang po," sabi ko, ngumiti.

"Really? You have the guts to used my phone?"

Napakamot ako sa ulo, "Eh poorita po ako. De keypad lang po cell phone ko," sagot ko. "Share it niyo po, a. Upload ko sa only fans na ginawa ko sa Ipad ni Senyorito."

Hindi na siya nagsalita pa't muli nang pinaandar ang kaniyang kotse at kami na ngaʼy umalis na roon. Nakahinga naman ako nang maluwag, mahirap na baka iwan pa niya roon.


--

"Yaya! Yaya! Yaya!" Nagising ang magandang diwa ko sa sunod-sunod na katok na ginawa ng kung sinong hayup sa labas ng aking kuwarto. 'Di pa man ako tuluyang nagigising ay agad na akong bumangon at padabog na binuksan ang nakasaradong pinto.

"Ano ba?!" singhal ko, sabay pinanlakihan ito ng mga mata pero mabilis akong napabalik sa  reyalidad nang makita si Senyorito na nangingilid na ang luha. Mabilis ko siyang pinantayan at pinatahan. "Hala, bhie! Sorry... I-ikaw naman kasi, nag-sleeping beauty ako rito sumisigaw ka riyan."

"I-I'm sorry po," sagot naman niya at mabilis na pinunasan ang mga luha.

Oh ʼdi ba, ang bilis ng character development ng batang 'to. Kung noon, ang sama-sama kung makatingin sa akin na halos ipalibing na niya ako ng buhay. Pero kita mo naman ngayon, ang bait-bait na. Aba! Andrei po pangalan ko, hindi Nanny McPhee.

Pero seryoso, ang bilis magbago ng ugali niya at masaya ako. Konteng kiliti lang naman kasi rito, bibigay rin, e. Kaya nga nagpupursigi akong maging Wife in Disguise in Sir nang sa ganoon, maging real wife na sa sunod. Charut! Ang lakas ko mag-ilusyon.

"Ano ka ba, ayos lang iyon," sabi ko kay Senyorito Finley at saka siya nginitian. Ang totoo niya, hindi talaga iyon okay. Gag-joke! "Hindi mo nga nagambala ang maganda kong tulog," dagdag ko't sinabayan nang mahihinang pagtawa.


"I'm sorry po, Yaya. I just wanted to tell you that Daddy bought you a new phone!" aniya.

Nanlaki ang mga mata ko't mabilis kaming pumasok sa kanilang mansion at pinuntahan ang kaniyang Daddy na ngayo'y nakaupo sa sofa rito sa kanilang sala, prenteng nanonood ng TV.

"Daddy, yaya's here po," ani Senyorito na siyang nakapagpalingon kay Sir.

Inayos ko naman ang sarili ko at saka siya binati nang magandang umaga, kahit ang totoo niya'y magtatanghali na. Mabuti na lang din at walang pasok si Senyorito ngayon dahil ewan ko ba kay Sir Saul, gago ba iyon? Bigla-bigla na lang nagdedesisyon, tatay ba niya si President Duterte?

Late kasi akong nagising kaya ganoon. Late rin kaming dumating ng bahay at halos hindi ako makatulog dahil paulit-ulit kong naririnig sa isipan ko iyong 'we don't talk about bruno no no no no' ni Sir Henry.

"Sir, true po ba ang tsismis?" tanong ko, pinanganak kasi talaga akong maikli lang ang pasensiya.

"What do you mean?"

"Dad, didn't you say you bought him a phone?" sabi naman ni Senyorito. "Please, show him now! I want to see how Yaya will react to it!"

May kinuha naman si Sir Henry sa kabila, isang puting paperbag na may logo ng isang mamahaling cellphone. Kaagad naman niya itong iniabot sa akin at walang pag-aatubili ko itong tinanggap.

Shuta! Pangarap ko 'tong cellphone noon pa man. Oo, dzai! Kahit marami akong naririnig na hindi raw maganda battery life nito, pangarap ko pa rin! Oh! Hindi po ito sponsored pero maganda po ang quality. Maraming nakaganito sa bayan namin, e. Kaso iyong kanila, kapag nag-re-restart, dalawang kamay na magkahawak ang lumalabas imbes na iyong apply na may kagat.

"S-Sir, a-akin po ba talaga ito?" tanong ko, nangingilid na rin ang luha ko habang tinitingnan si Sir na seryoso lang na tumango sa akin. "Wala na pong bawian, a? Saka po, pa-share it din po ako nung video niyo. Gagawin kong rington at pwede po download-an niyo rin ako ng bold."


*****

Chareezz! Pabitin muna mga accla! Maraming salamat nga po pala sa inyong lahat!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top