Chapter 2
THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 2
-
ANDREIʼS POINT OF VIEW
Alas-dos nang hapon nang makarating ako sa NAIA. Sinalubong ako ng Tita ni Bakla sakay ng isang mamahaling kotse. Taray ni, Ante! Pa-kotse-kotse na ngayon. Sa 'yo, be?
"Andrei! Ang laki-laki mo na," aniya sabay yakap sa akin nang kami ay magkita. Plastik akong yumakap sa kaniya pabalik, sabay sakal sa kaniya nang mahigpit para 'di na siya makahinga. Char! 'Di ako ganoong klase ng tao, si Berting puwede pang mapagkamalang mamamatay tao. Pero ako, never!
"Naman po, Ante! Alangan namang manatili akong bata," sagot ko nang humiwalay siya ng yakap. Tawa lang ang isinagot niya at saka inutusan iyong kasama niyang driver na kunin ang mga gamit ko.
Wala naman akong dalang mga gamit. Dahil nga sa poorita kami sa probinsiya, na pati sarili kong damit ay hindi ko afford. Kaya ayan, isang maleta lang ang dala ko na may lamang tower ng Paris, rebulto ni Ninoy Aquino, at rebulto ni Dr. Jose Rizal.
Pagkatapos ilagay ni kuyang driver ang mga gamit ko, sumakay na rin kami sa kotse. Sa tabi ng driver's seat naupo si Ante - na nakalimutan ko na ang pangalan dahil sa tagal niyang namalagi rito sa Manila. Rito na nga rin siya nakapag-asawa at nagkapamilya. Balak niya kasing mag-abroad noon, kaso ayon na-scam. Kaya nagpok- I mean, namasukan na lang siya rito bilang kasambahay. Ayon lang naman iyan sa mga dakilang tsismosa sa Baranggay namin. Umalis na rin kami roon, dahil wala na siguro kaming hihintayin pang iba.
"Ang yaman siguro ng amo niyo, Ante."
"Ay naku, 'nak! Sobrang yaman kamo. Kaya nga ang suwerte mo dahil tinanggap ka nila," sabi niya. "Pero sa kabilang banda, malas ka rin."
Kumunot ang noo ko. Aba'y napakawalang hiya namang babae 'to. Kung hindi lang talaga ito ang nagbigay ng oportunidad sa akin, hihilain ko talaga iyang bangs niya na katulad ni Lisa ng Blankpink.
"Bakit naman po?" tanong ko, nakakunot ang noo kong nakatingin sa kaniya.
"Ayokong pangunahan ka, pero sana ay marunong kang magtiis, Andrei. Hindi basta-basta ang trabaho mo," sabi niya.
Napaisip ako kung ano ba ang ibig niyang sabihin. Hindi basta-basta? Bakit? Magbebenta ba ako ng katawan? Lamang-loob? Droga? Giatay! Sana pala si Berting ang pinapunta nila rito kung ganoong klase naman pala ng trabaho ang sasalubong sa akin.
"Ano po'ng ibig niyong sabihing hindi basta-basta?" tanong ko.
"Makikita mo kapag nakarating tayo roon," sagot niya.
Wala na rin akong nagawa pa kundi ang manatili sa kinauupuan ko't tumingin sa labas ng bintana. Matataas na buildings ang nadadaanan namin. Ibang-iba sa probinsiyang kinalakihan ko.
At dito sa lugar na 'to ako magsisimula nang panibagong mga ala-ala.
Kung ano man ang trabahong ibibigay sa akin, kakayanin ko. Kinaya ko ngang magtiis sa hirap ng buhay sa probinsiya, dito pa kaya sa lugar na 'to? Lahat kakayanin ko, para sa pamilyang iniwan ko. Kaya dapat, iboto nila ako sa pagka-President. Tatakbo ako ngayon eleksiyon.
Hindi nagtagal ang byahe namin dahil hindi gano'n ka-traffic sa daan. Pumasok ang kotse sa isang Village at tumigil ito sa tapat ng isang malaking bahay, o mas tamang sabihing mansion. Sa labas pa lang ng bahay, sumisigaw na ang karangyaan nang kung sino mang nakatira dito.
"Ang laki po ng bahay," ang nausal ko pagkalabas namin sa kotse. Tumingala ako kung saan dumako ang paningin ko sa balkonahe ng isang kuwarto, may nakatayo roon bata na may hawak na laruang baril sa kamay at masamang nakatingin sa amin. "'Te, sino iyong batang iyon? Parang ang sama makatingin, a!"
Lumapit sa akin ang Tita ni Berting, binigay niya ang bag ko't tumingin din sa balkonahe. "'Yan si Senyorito Finley, anak ng amo natin. Siya ang babantayan mo, bente kuwatro oras."
Napatingin ako rito. "Talaga po?! Akala ko po ba'y hindi basta-basta? Bata lang po pala?" Ngumiti lang siya at tumango.
Niyaya na niya akong pumasok sa loob. Kusa namang nagbukas ang pintuan nang makalapit kami rito. At ang unang bubungad sa 'yo ay ang hagdan na kumikinang pa. Tumingin ako sa itaas at biglang huminto iyong ikot ng mundo ko.
"A-Ang guwapo," naibulong ko habang nakatingin sa lalaking pababa roon. Katabi nito ang batang lalaki kanina na masama kung makatingin.
"'Yan si sir Henry, Daddy ni Senyorito Finley," bulong din ni Ante. Kaya bumaling ako rito't nagtanong.
"Puwede ko rin kaya siyang tawaging Daddy, 'teh?"
"You must be the new maid." Nanindig ang balahibo ko sa lalim ng boses nito nang makalapit sila sa amin. Parang nagtatambol sa bilis ang tibok ng puso ko. Dahan-dahan akong humarap dito at ang seryosong mga titig ang sumalubong sa akin.
"Faggot!"
At mabilis akong napalingon dito nang magsalita iyong batang kasama niya. Ano raw sabi niya? Faggot? Ano ibig sabihin nun?
Hindi ko na lang siya pinansin at ibinaling ko na lang ang tingin ko kay Daddy. "O-Opo, Andrei Arellano po," sagot ko.
"I'm Henry and..." Tumingin siya sa tabi niya kung saan prenteng nakatayo lang doon ang batang kamukha niya. Anak niya, e! "This is my son, Finley. You will take care of him from now on," dagdag niya.
Tumingin ako kay Senyorito Finley na masamang nakatingin sa akin. Aba'y! Tusukin ko mata niya, e. Bumaling ulit ako ng tingin sa kaniyang Daddy at saka ngumiti.
"'Wag po kayo mag-aalala, Dad- este, Boss! Ako pong bahala sa anak niyo," sabi ko.
"Good. Sana'y kaya mong magtagal dito," sabi niyang nagpagulo sa isipan ko. Pero hindi ko na lang iyon pinagtuunan pa ng pansin. "Now, may I leave you. Dolly will lead you to your room," dagdag nito at saka umalis sa aking harapan.
"Faggot!" Napatingin ako rito at hindi pala sumunod itong anak niya sa kaniya. Ang liit kasi, hindi ko nakikita agad kung 'di pa ako tumingin sa baba. At tinawag na naman akong faggot.
"Ano pong sabi niyo, Senyorito?" tanong ko.
Ngumisi siya. "I just wanted to remind you that your job isn't easy. Baklang panget!" aniya't mabilis akong tinalikuran.
Aba'y! "Pak-"
"Drei, 'wag mo nang subukan." Mabilis akong napigilan ni Ante Dolly. Nagtataka naman akong tumingin dito. "Baka masisante ka agad," aniya pa.
"Pero iyong batang iyong walang respeto, 'te!" Malungkot siyang tumingin sa akin at umiling-iling.
Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako pinigilan. Kukutusan ko lang naman iyong batang iyon. Parang kaedad niya lang ang kausap niya at ano'ng tawag niya sa pa sa akin? Baklang panget? Sa pagkakaalam ko, hindi ko kamukha si Berting.
Bumuntonghininga ako. Ito ba iyong ibig niyang sabihin na hindi basta-basta ang trabaho ko? Dahil sa batang iyon na mukhang pinaglihi sa demonyo ang ugali? Pero bakit ganoon ang ugali niya?
"Hayaan mo na muna siya nyayon. Dalhin na muna natin itong mga gamit mo bago ka pumunta sa alaga mo," sabi nito. Tumango lang ako't sabay na kaming naglakad papuntang maid's area dito sa mansion.
Mamaya talaga sa akin iyong batang iyon! Naku lang! Kukurutin ko talaga ang singit niya, pati singit ni Daddy. Char!
Kaya ko 'to, sa dami ko nang pinagdaanan. Keri ko ang trabahong ito. Hinding-hindi ako magpapaapi sa kung kanino man.
***
© IthinkJaimenlove
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top