Chapter 18
THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 18
--
A N D R E I
Nakakaloka! As in! Lokang-loka na ako ngayon dito sa kinahihimlayan ko. Charut! Ano'ng kinahihimlayan, Drei? Patay ka na ba? Oo! Patay na patay sa kaniy–okay, seryoso na. Ito na talaga, naloloka na ako rito sa kinauupuan ko. Tila ba may mga bulateng nagpa-party sa butas ng puwet ko't hindi ako mapakali. Naglinis naman ako ng butas, a?
Hindi rin ako makatingin sa kaharap ko dahil sobrang seryoso nitong nakatingin sa akin. Para niya akong kinakain ng buo. Para akong hinihigop ng mga mata niyang wala kahit na anong makikitang emosiyon. Gusto ko ng tumayo at umalis ngunit para akong naestatwa sa kinauupuan ko.
Akala ko naman kasi ay joke-joke lang ni Sir Henry iyong magpapanggap akong babae at Girlfriend niya. Akala ko lasing lang siya at makakalimutan din niya iyon kinabukasan, kaya naisipan kong sumakay sa gusto niya. Pero, bakla! Hindi siya nagbibiro at mukhang hindi yata marunong magbiro itong lalaking 'to.
Ayoko na!
"S-seryoso po ba talaga kayo sa balak niyo?" tanong ko, nakatingin pa rin sa pesteng flower vase na mas mataba pa kay Berting at mas makinis pa sa kaniya. "As in, super-duper motherfcking serious?"
Narinig kong tumawa siya nang mahina. Kaya mabilis akong lumingon dito. Himala, marunong din pala siyang tumawa.
"What do you think, Andrei?"
Napaisip ako. Ano raw sa tingin ko, sabi ng translator sa isipan ko. Ewan ko! Seryoso ba siya? Feeling ko lang 'to, pero mukha naman siyang seryoso. Pero baka ginagawa lang niyang paraan iyon para mapaibig-char! Malabo.
"Tumawa po kayo, kaya haha hindi kayo seryoso, ano?" sagot ko, tumawa rin ako ngunit alam kong peke lang iyon. Kailan pa ako nababaliw? Nahawaan na yata ako ng kabaliwan ng pamilya nina Berting.
Pero makalipas ang halos dalawang dekada, hindi man lang nagbago ang ekspresiyon nito sa mukha. Nanatiling seryosong nakatitig sa ganda ko. Ang mga mata niyang kulay abo... Sandali, noong nakaraan parang itim na itim iyang mga mata niya, a?
"M-Mukhang hindi nga po," dadag ko sa aking sinabi nang hindi na ito magsalita pa. "Pero, Sir..." Tumaas ang kilay niya, hinihintay ang idadagdag ko sa sasabihin ko. Nahihiya man ako pero ipinagpatuloy ko, wala akong choice kundi itanong ito dahil baka mabaliw ako kapag hindi ko nalaman ang sagot. "M-Mag-se-sex po ba tayo?"
Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano manlaki ang mga mata ni Sir Henry. Gulat na gulat yata sa tanong. Tapos ilang segundo ay unti-unting nagbago iyon na para ba ako nitong papatayin. Oo, dae, para ako nitong lalapain ng buhay. Tangna, sir! Maghunos-dili ka, hindi pa handa ang pempem ko.
"B-Bakit po?" Nagsisimula nang manubig ang noo ko dahil sa pawis. Malamig naman dito sa sala, a. At saka, may aircon naman sa buong mansion nina sir. Tapos ang tibok ng puso ko'y sobrang bilis na. Kinakabahan ako, oo!
Pero imbes na sagutin ang tanong ko'y tumayo ito bigla at agad akong tinalikuran. Akala ko'y aalis na ngunit muli siyang humarap.
"I'm sorry but I'm straight. Hindi ako pumapatol sa mga katulad mo," may riin nitong sabi. Wala namang pandidiri ngunit mararamdaman mo talaga ang diin sa bawat letrang binigas niya, na animo'y siguradong-sigurado siya.
Tumayo naman ako. "A-Alam ko po, s-suggestion lang naman," aniko't tumawa pa. Buwakana ka, Andrei! Nakukuha mo pang sabihin ang mga iyan gayong nasa panganib na ang buhay mo. "Biro lang po," dagdag ko. Baka kasi suntok ang isagot nito sa kakulitan ko.
Hindi na rin naman ito nagsalita pa't agad nang umalis at umakyat sa itaas. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa wakas, ligtas ang buhay ko.
--
Iyon na nga mga bakla. Dahil nga tuluyan akong na-promote sa trabaho at naging instant wife in disgusting o in discussions? Basta, nagpapanggap ako bilang asawa kuno ni sir. Kaya heto kami ngayon, sa isang saloon na kaibigan daw ng kaibigan ni sir. Ewan ko, basta nandito kami! Hindi na mahalaga kung kanino 'to.
Nakaupo na ako ngayon sa swivel chair, katulad ng mga upuan sa saloon na may kutson. Tapos may dalawang bakla na mas maton pa sa mga basketball players ng NBA ang mga katawan. Nakatayo sila sa magkabilang gilid ko't nakatingin sa akin.
"Alam mo, baks..." ani ng isa na may suot na pink apron. "Puki na lang kulang sa 'yo, pwede ka nang maging parausan."
Sumimangot ako, "Bastos naman ng bibig mo. Lagyan mo naman ng codename mga iyan!"
Nagulat ako nang paluin ako ng isang may pink din na apron pero ang kaibahan, madumi iyong kaniya. Napatingin ako rito nang masama dahil sa kaniyang ginawa. Aba, close tayo, beh?
"Gaga! Akala mo naman kung hindi mahalay. Iyong totoo, 'di mo ba pinagnanasahan iyong amo mo?"
"H-Hindi!" mabilis kong sagot, sabay iwas ng tingin at ibinaling iyon sa harapan. "kaunti lang," dagdag ko.
"Iyon naman pala!" sabay nilang sabi.
Sabay kaming nagtawanan at nang mapagtanto siguro nilang may trabaho pa sila'y agad nila iyong ginawa. Mabuti na lang dahil wala rito si sir. May pupuntahan daw at ewan ko kung saan. Baka bibili ng condom. Pero iyon na nga, hindi ko halos masundan iyong ginagawa ng dalawa sa bawat parte ng mukha, buhok, at kuko ko. Wala silang pinalampas pati ang anit ko, bakla!
Gusto ko sana silang murahin nang murahin dahil nasasaktan ako, pero hindi ko na lang ginawa. Ang lalaki pa naman ng mga katawan nila, baka ibalibag lang nila ako ng isang beses ay magkakalasog-lasog ang katawan ko.
At matapos nga ang halos isa't kalahating oras, natapos ang kanilang ginagawa. Binuklat ko naman ang mga mata ko nang matapos lagyan ng isa ang mata ko ng eyeshadow.
Para ba akong sinimento sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang sariling repleksiyon sa salamin. Sandali lang... Ako ba talaga ito?
"Ivana?" wala sa sariling sabi ko habang tinitingnan ang sarili.
"Alawi?" sabay na sabi naman ng dalawang borta.
"Hindi! Ivana ang mukha ko, mga bakla! Ganda-ganda ko pala. Shet!" Napangisi ako. Oo, dae! Ang ganda ko. Simpleng make up lang ang iniligay dahil ayon nga sa dalawa, natural na ang pagiging babae ng mukha ko.
Hindi na ako makapaghintay.
Humanda ka, Sir Henry. Tingnan ko lang kung 'di ka lumiko sa sinasabi mong straight ka!
--
Isang puting dress ang pinasuot sa akin ng mga bakla, kitang-kita tuloy ang haba ng biyas at ang legs ko dahil sa suot ko ngayon. Tapos binigyan din nila ako ng pares ng two inches shoes na kulay puti rin. Hindi naman ako nahirapan na ilakad iyon dahil para sa kaalaman ng lahat, suki ako ng gay pageants sa baranggay namin. At ako palagi ang nananalo, dahil siyempre, ikaw ba naman ilaban kay Berting? Stand out ang beauty ko. Boplaks pa naman iyong baklang iyon sa sagutan.
Kaya kering-keri kong isuot ang dalawang inches na shoes na ʼto. 7 inches nga kaya kong isu–isuot.
"Where's he?" narinig kong boses sa labas at kilalang-kilala ko kung kanino ang boses na iyon, kay Sir Henry.
"Nasa dressing room pa po, sinusukat pa iyong damit... Bakla, labas na riyan, nandito na amo mo," sagot naman nung isang baklang may maruming apron.
"Sandaliii! Excited? Iniipit ko pa," sagot ko pabalik.
"Teh, ano iyang iniipit mo--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito nang buksan ko na ang pinto at lumabas doon.
Nakatalikod si sir sa akin pero ilang saglit lang ay unti-unti itong humarap sa direksiyon ko. Nagkatitigan ang mga mata namin. Sinubukan kong ngumiti ngunit mas nangigibabaw ang kaba ko. Bakit ganiyan na naman siya makatingin? Seryoso lang, walang kaemo-emosiyon. Hindi ba niya nagustuhan? Edi... kung ganoon naman pala, huhubarin ko na lang at mag-two piece ako.
"Y-You're fine. T-that's good," anito at mabilis na tumalikod. "Let's go, they're waiting for us."
Napangisi ako. Akala mo, sir! Nakita ko iyon. Alam kong nagagandahan ka sa akin!
Hindi na lang ako sumagot, baka mapikon. Nagpasalamat na muna ako sa dalawa, iyon lang talaga bayad, salamat na lang sa lahat. At saka tuluyang sumunod kay sir patungo sa kotse niyang naka-park sa labas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top