Chapter 11

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 11

--

H E N R Y

I was busy reading a business proposal when Manang Dolly suddenly called my office phone. She told me that my son was crying and scared of the thunderstorm. Kaagad naman akong umalis at doon ko lang nalaman na umuulan na pala sa labas. Maghapon akong nasa loob ng opisan, abala sa mga papeles na kailangan kong basahin at aprobahan. I don't have time to chit-chat with my friends nor hangout with others. Kaya minsan, hindi ko na namamalayan ang oras ay nagsisiuwian na ang mga empleyado ko.

At nang malaman ko ang sinabing iyon ni Manang Dolly, kaagad akong umalis ng opisina para puntahan ang anak ko. Nagulat ako. Hindi ko alam na takot pala ito sa malakas na kulog at kidlat. Papaanong hindi  ko alam ang bagay na 'to?

Mabagal lang akong nagmaneho dahil na rin sa may kalakasan pa ang ulan. And I was lucky that I got home safely. I immediately went out of the car and rushed myself to his room. Naabutan ko lang na tulog na ito kasama si Mr. Arellano, his Nanny or what should I call him?

Nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang maayos na ang kalagayan nito. Lumapit ako sa kaniyang kama, umikot sa kabilang banda kung saan nakapuwesto ang anak ko. Mahimbing itong natutulog habang mahigpit ang yakap nito sa kaniyang Yayo.

Papaano ko malalaman ito gayong malayo ang loob niya sa akin?

Pinagmasdan ko silang dalawa. They seem so closed to each other and I was happy that Mr. Arellano was with him. I sighed in relief and was about to walked out of my son's room when Mr. Arellano suddenly opened his eyes and looked at me. Naningkit pa ang mga mata nito at nang mapagtanto kung sino ako ay dahan-dahan siyang bumangon upang hindi magising si Finley.

"Kayo po pala..." I nodded. Tumingin ako kay Finley at ganoon din ang ginawa niya. "Takot na takot po siya kanina sa kulog at saka ng kidlat. Mabuti na lang ho't may spare key si Auntie Dolly dahil kung wala ay baka ano na ang nangyari sa kaniya," he said while looking at my son, with pity in his eyes.

"I-I didn't know about this," sagot ko, na siyang ikinalingon nito sa akin.

He smiled. "Dahil po sa masyado kayong abala sa trabaho. Kaya po siguro hindi niyo alam ang tungkol dito," sabi nito at aaminin kong tama siya.

When Ashley died, I focus myself on the company. I spend most of my time with my employees and clueless of what happened to my son. Ang gusto ko kasi ay bigyan ito nang magandang buhay dahil ayaw kong kunin siya ng mga magulang ni Ashley. I want him to stay with me, pero lumalayo naman ang loob nito sa akin.

"I have my reason why I'm working hard," sagot ko at umiwas ng tingin.

"Kung ano man po ʼyon, sana isipin niyo pa rin na may batang naghahangad ng kalinga at pagmamahal ninyo. Ayoko mang manghimasok ngunit pinanganak akong pakialamera, e." He laughed but suddenly stopped when I turned my gaze on him. "A-Ang ibig ko hong sabihin na, makikialam ako dahil alaga ko si Senyorito," dadag niya at umiwas ng tingin.

Bumuntonghininga ako. "Thank you." I've never say this to any person and I don't know why I'm doing this right now. It's because I'm guilty? "Thank you for not leaving him. ʼWag kang mag-aalala, dadagdagan ko ang sahod mo."

He immediately turned to looked at me, with eyes sparkling. I laughed in my mind and remained my serious face.

"Talaga ho? Wala ng bawian 'yan, dahil nai-record ko po." Tumango lang ako.

"Maiiwan na muna kita. Ipaghanda mo na lang ng makakain si Finley para makakain siya kapag nagising."

"Sige po, sige po!" he happily said.


Hindi na rin ako sumagot pa't kaagad na ring lumabas ng kuwarto. I went inside of my room and removed all the clothes I am wearing. Nang matanggal ko na ang huling saplot, kinuha ko ang tuwalya at papasok na sana sa loob ng aking banyo nang may sunod-sunod na kumatok doon.

--

A N D R E I

Paglabas ni Sir Henry ay kaagad din akong lumabas nang maiayos kong muli ang pagkakahiga ni Senyorito Finley. Pababa na sana ako nang maalala ko ang itatanong ko sana kay Sir. Kaya imbes na sa hagdan ay sa kaniyang kuwarto ako dumeretso. Kumakot ako rito at ilang sandali lang ay dahan-dahan itong bumukas.

Nanlaki ang mga mata ko at ang medyo may kalabuan kong mga mata'y biglang luminaw na parang DSLR sa nakikita ko ngayon. Shutacca, Sir! Ang bastos naman, bakit may tuwalya siyang suot?

"Ehem!"

"Ay daks!" Napatalon ako sa gulat at mabilis na nag-angat ng tingin, para lang makita ang magkasalubong na kilay nito't seryosong nakatingin sa akin. Shet! Baka bawiin nito ang pagdagdag sa sahod ko, bakla!

Tumaas ang kilay niya. "What do you want?"

Umiwas ako ng tingin. Ano nga iyong itatanong ko? Punyawa! Kasalanan ʼto ng sawa sa likod ng tuwalyang puti na iyan. Tanggalin ko iyan, e.

"Ah..." Muli akong lumingon sa kaniya. "Ano po pa lang niyong kainin habang malamig ang panahon? Para po maipagluto ko rin kayo." Gusto ko pa sanang i-suggest ang sarili ko para 'di na ako mapagod pero pinigilan ko na, baka sapukin ako nito sa mukha.

Tigilan ang kabaklaan, Andrei! Bawas-bawas din ng kasalanan.

"You know how to cook?" tanong nito.

Tumayo ako nang matuwid at saka namewang. I am proud of myself! Baka nakakalimutan nitong Andrei, ipinanganak noong panahon pa ng kastila. At, kapag natikman nito ang luto koʼy baka maghubad ito sa harapan ko. Nakakalasing kaya ang luto ko.

Charut!

Hindi talaga ako marunong. Hanggang prito-prito lang at instant noodles. Uutusan ko lang si Auntie Dolly na magluto dahil cookingina siya sa mansion na 'to. Kahit lang sa paraang iyon ay magkaroon siya ng silbe.


"Siyempre naman, sir..." Ngumiti ako. "Hindi ho," dagdag ko pa. "Pero marunong ho akong gumili–"

"Sabihan mo na lang si Manang Dolly na magluto ng sopas," aniya at saka isinarado ang pinto ng kaniyang kuwarto.

Aba'y bastos iyon, a! 'Di man lang ako binigyan nang pagkakataon na sampolan siya sa paggiling ko. Pambato kaya ako noong bata pa ako sa paggiling-giling iyan!

Anyways, tumalikod na akoʼt bumaba patungong kusina kung saan ang daan patungo sa likod ng bahay. Dito kasi ang kuwarto ng mga naninilbihan dito sa mansion. Para itong boarding house na may sampong kuwarto na sakto lang sa iisang tao. Dito rin ang kuwarto ko. Pagdating ko sa tapat ng pinto ni Aunti Dolly ay natigilan ako nang makarinig ako ng parang kinikilig na matanda.

"Bhie, ano ba! Baka marinig tayo sa labas niyan, e." Nanlaki ang mga mata ko. "Oo! Se-send ko sa ʼyo mamaya. Basta pasahan mo rin ako, a. Eeehhh!"

Hindi na ako nakatiis at mabilis na itinulak ang pinto nito. Saktong hindi iyon nakarasado kung saan naabutan ko si Auntie Dolly na nakahiga sa kama habang kilig na kilig ang matanda. Aba naman siya! May ka-call mate. Baka iyong asawa niya na nandito lang naman sa pinas.

Nagulat ito kaya mabilis na napabangon. "Oras ng trabaho, 'te! Tapos nandito kaʼt may kausap. Sana all!"

"Ano ka ba, Drei! Ako lang 'to."

"Oo ikaw nga! Ang cookingina nina Sir Henry at ang anak niya. Hala siya! Kumilos ka naʼt magluto ka roon ng sopas!"

"Sandali lang..." Ibinalik nito ang pansin sa cell phone. "Honey beh, magtatrabaho muna ako, a. Babush!" At ibinaba ang tawag saka tumayo. Umalis din kaagad na siyang sinundan ko lang ng tingin.

Shuta! Tanda-tanda na nakakaramdam pa rin ng kilig. Mapapa-sana all ka na lang talaga sa buhay pag-ibig nito. Maghiwalay sana kayong mag-asawa at ipatapon ng iyong Daddy sa America para tulungan ito sa company at babalik after five years upang maghiganti.

Char!

Sumunod na lang ako sa kaniya pabalik sa loob. ʼDi pa rin tumitila ang ulan ngunit hindi na katulad kanina na malakas ito. Tinulungan ko na lang si Auntie Dolly na magluto, dah nais ko ring matuto para sa susunod na uulan ay maihanda ko ang sarili ko't isasawsaw sa sopas ang katawan para ako na ang kainin ni Sir. Rawr!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top