Chapter 1
THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 1
-
THIRD-PERSON'S POINT OF VIEW
"Sir, ayaw ko na po! Hindi ko na po kakayanin ang kademonyuhan ng anak niyo!"
Hindi siya nakasagot nang mabilis itong umalis sa kaniyang harapan. Luhaan ang kaniyang mga mata. Kaya wala siyang nagawa kundi ang hayaan itong umalis. Pang-ilan na bang katulong iyon na umalis? Sa loob ng isang buwan ay halos hindi na mabilang kung ilang katulong ang sumusuko.
Napapailing siyang umakyat sa second floor ng mansion at pumunta sa kuwarto ng anak. Prente itong nakaupo sa ibabaw ng kama nito habang kumakain ng ice cream at nanonood ng telebisyon. Nang makalapit siya rito'y kinuha niya ang remote ng TV at pinatay ito.
"WHAT DID YOU DO?! CAN'T YOU SEE THAT I'M WATCHING?" Nagulat siya nang sumigaw ito't malamig na tumingin sa kaniyang dereksiyon. He couldn't believe that he's son was acting like an old man.
"Isn't what I'm giving you enough? Have you lost your respect for me?" mahinahon niyang tanong. Pinipigilan lang din ang sarili na masaktan ang anak.
"Don't ask me, instead ask yourself," sagot nito. Bumaba ito sa kama at inilagay sa study table ang hawak na baso.
Mabilis niyang hinawakan sa braso ang bata at pinantayan ang tangkad nito. Sinamaan niya ito ng tingin. Pero isang malamig na tingin lang ang natanggap niya mula rito.
"Are you going to hit me? Huwag mo nang patagalin pa." Napahigpit ang hawak niya sa braso ng bata dahil sa inis pero nang mapansin niyang tila nasasaktan ito'y mabilis niya itong nabitiwan at lumabas ng kuwarto.
Hindi siya makapaniwala na lumalaking walang respeto ang kaniyang anak. Isa rin sa mga sinusukuan ng mga nagiging katulong nito'y marami itong ginagawang kalokohan at natiyempuhan niyang isa na naman sa katulong niya ang umalis.
He was doing his best to provide everything he needs. Pero hindi pa rin iyon sapat. Halos bilhin niya lahat ng mga laruan sa buong mundo'y lumalaki pa rin itong walang respeto.
At aminado siyang hindi niya ito nababantayan nang maayos dahil sa dami ng trabahong nakapatong sa kaniyang balikat. He was just doing this because he wanted to secure the future of his son. Para din ito sa kaniya. Pero ang pangwawalang hiya ng anak ang siyang nakukuha niyang resulta.
"Sir, si Maria po ay umalis na. Dahil sa kagagawan na naman po ito ng anak ninyo," sabi ng katulong na nakasalubong niya sa hallway.
He sighed and slowly nodded. "Find someone to replace her." Iyon lang ang alam niyang paraan, na sa tuwing may aalis ay kailangan niyang palitan hanggang sa mahanap nito ang katapat at makakatulong sa kaniyang alagaan ang anak.
"Pero po sa nakukuha nating reviews dahil sa nagsisilayasang mga katulong, mukhang mahihirapan po tayong mapalitan si Maria," she sadly said. Tinutukoy niya ang application kung saan maaaring maghanap ng kasambahay.
"Just do your best. Kung may kilala kayo, sabihin niyong magbabayad ako ng triple," sabi niya. Napahawak siya sa sintido't hinilot iyon nang marahan. Maging siya'y hindi na rin alam ang gagawin.
"Actually po may kilala ako," sabi ng kasambahay na kausap niya. He immediately turn his gaze to her direction. "Kaso po baka hindi po puwede."
"What do you mean?" nagtataka niyang tanong.
Bakit hindi puwede? Sa pagkakaalam niya'y kapag narinig nang mga mahihirap na malaki ang puwede nilang sahurin, agad-agad ang mga itong pumapayag. Kaya nga karamihan sa kanila'y naloloko. Because they didn't filtered the job first. Ang nasa isip lang nila'y pera na makakatulong sa kanila.
"Eh kasi po, lalaki iyon," natatawa nitong sagot.
"Is there a problem if he is a man?" he asked. Wala naman sigurong mali kung lalaki ang kukunin niyang magbabantay sa anak niya. Sa tingin niya nga'y makakabuti ito dahil baka matakot ang anak niya rito. "Just tell him to come here as soon as possible," dagdag niya pa bago umalis at pumasok sa kaniyang opisina rito sa kaniyang mansion.
--
ANDREI'S POINT OF VIEW
"Nay, huwag nga po kayong umiyak diyan! Hindi naman po ako mamamatay."
Nilapitan ko siya't niyakap. Mahigpit din siyang yumakap sa akin pabalik habang walang tigil sa pagbuhos ang kaniyang mga luha. Kaya ayokong napapalayo sa kaniya dahil sa napakaiyakin niya. Pero wala akong magawa kundi ang lisanin ang tahanang ito, para ito sa kinabukasan ng pamilya ko.
"Baks, mami-miss kita," narinig kong sabi ni Berting na nakatayo sa gilid. Nang lumingon ako rito'y pinupunasan niya ang kaniyang mga luha.
Ang plastik! Alam ko ang motibo ng baklitang butanding na 'to. Huwag niya akong maiyak-iyakan baka tusukin ko mata niya.
"Wala akong pake, 'di kita mami-miss," sabi ko rito't inirapan siya. Hinaplos ko ang likod ni Mama. "Nay, kailangan ko na pong umalis baka mahuli ako sa flight ko," bulong ko rito.
Mahirap na mapalayo sa kanila dahil simula nang isilang ako'y kasa-kasama ko na si Mama. Pero sa tuwing nakikita kong nahihirapan kami sa pang-araw-araw na gastusin, kailangan kong magsakripisyo para sa ikabubuti namin. At itong trabahong sinabi ni Berting sa akin ay magandang oportunidad para kahit papaano'y magkaroon nang sapat na kita.
"M-Mag-iingat ka roon, Andy. Tumawag ka palagi rito, ah." Tumango ako at ngumiti. Pinunasan ko muna ang kaniyang luha at saka ko siya niyakap nang mahigpit na mahigpit. Kung ito man ang huling yakap ko sa kaniya'y susulitin ko na.
Charoot! 'Di pa ako mamamatay. Si Berting ang mauuna sa akin.
Humiwalay ako kay Mama at saka tumingin sa nag-iisa kong kapatid na babae. Malungkot itong lumapit sa akin at mabilis akong niyakap.
"K-Kuya, dito ka na lang po kasi," bulong niya. Hinagod ko siya sa kaniyang likod.
"Kung puwede lang na manatili si kuya ay ginawa ko na. Kaso hindi sapat ang kita, beh. Kaya huwag ka nang umiyak diyan at bantayan mo si Mama." Tumango lang siya at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin. Yumakap din ako pabalik at saka bumitaw.
Bih, mala-late na ako sa flight. Ayokong maglakad papuntang Manila at galing Mindanao.
Sa huling pagkakataon ay nagpaalam ako sa pamilya ko bago tuluyang lumabas ng aming munting bahay, kung saan naghihintay ang karwahe – char! Ang tricycle na nirentahan nitong si Berting para ihatid ako ng sakayan papuntang airport.
"Beh, huwag mo kalilimutan ang sweldo ko sa pagbabantay rito, ah." Taas kilay akong tumingin dito pero ang panget ay nakangiti lang sa akin. Labas pa talaga ang ngipin na naninilaw na.
Plastik akong ngumiti. "Oo naman! Basta bumili ka ng sipilyo't i-brush mo iyang ngipin mo nang limang beses sa isang araw." Sumama ang mukha nito kaya ngumisi lang ako. "Pero seryoso ako, baks! Huwag mo pababayaan sina Mama. May tiwala naman ako sa 'yo, eh."
Hinawakan niya ako sa kamay kaya napangiwi ako. Shutangina! Pasmado si bakla.
"Huwag kang mag-aalala, update lang kita palagi."
"Salamat," tangi kong sagot at saka sumakay na ng tricycle. "Kuya, tara na po," sabi ko't agad naman nitong sinunod. Pinaandar na niya ang tricycle at umalis na kami roon.
Pinunasan ko ang luhang bumagsak sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan. Nalulungkot ako dahil malalayo ako kay Mama at sa kapatid ko. Pero sa kabilang banda'y masaya ako, dahil hindi naman masasayang ang paglayo ko dahil trabaho iyon. Malaking oportunidad na makatulong sa amin. Sana lang ay maganda ang magiging buhay ko sa malaking syudad na 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top