PROLOGUE
THE RUNAWAY BILLIONARE
HARRISON ALCANTARA
--
THIRD-PERSONʼS POV
"You're launching another business? Nagpapatawa ka ba, Harrison? The company's income for the past years isn't increasing! Ano sa tingin mo ang pumapasok diyan sa kukute mo?!" inis na bulyaw sa kaniya ng kaniya Ama nang ipatawag siya nito sa opisina.
Mr. Alcantara is also glaring at her with so much disappointments plastered on his face. Napapailing na napapasandal ito sa swivel chair habang siya'y tinitingnan. His Dad was right. Simula nang ibigay sa kaniya ang position bilang President, the CEO, ng Alcantara group of companies, hindi pa rin tumataas ang income rate ng kanilang kompanya. And he couldn't blame his father to talk to him like that.
"I-I was just thinking if we could open a new restaurant not only in city but as well as the other parts of the Philippines. I think, that would be a big help to increase our income," he answered, hoping for a positive response from his father.
Pero ni minsan, hindi siya nakatanggap ng papuri sa lahat ng achievements na kaniyang nakamit magmula noong naging CEO siya. He became the one of the youngest billionaire not only in the county. Pero iyon nga, madalas siyang kinukuwestiyon ng kaniyang ama sa lahat ng desisyong kaniyang ginawa. He admit that he couldn't make the company's income increase, but at least he didn't give up no matter what his father will say. Kung madali lang siyang sumuko, edi sana noon pa bumagsak ang kompanya. But he's not that kind of person, gusto niya kasing maging proud ang kaniyang ama sa mga nagawa niya.
But no matter what he does, it's still not enough. No matter how he work harder. Walang saysay iyon dahil hindi pa rin iyon sapat para sa kaniyang ama.
"You're not increasing the company's income, instead, you're wasting our money."
Hindi siya nakasagot. Nanatili siyang nakatayo sa harapan ng mesa nito. Wala na siyang ibang maisip na dahilan para pumayag ito sa naiisip niyang plano. Although, he was the president of their company, hindi pa rin siya ang nagdedesisyon dahil kailangan pa rin niya ng approval ng kaniyang ama. Ironic but that's true. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon, kung bakit pa nito ibinigay sa kaniya ang kompanya samantalang wala naman siyang karapatang mag-decide kung ano'ng mga planong naiisip niya.
"I'm sorry," the only words came out from his mouth before leaving the room. Mabilis siyang pumasok sa kaniyang opisina at napasandal sa kaniyang swivel chair, nag-iisip kung ano pa ba'ng dapat niyang gawin para lang maging proud sa kaniya ang ama.
Simula pagkabata, mataas na ang tingin niya rito. He could even see himself as his father. Kaya nagpursigi siyang mag-aral ng business, inaral niya lahat nang dapat matutunan. Dahil gusto niyang maging proud ito sa kaniya, at balang araw ay siya ang papalit sa puwesto nito. But no matter how he work harder, hindi pa rin lahat sapat.
Napabuntonghininga siya at saka itinuon na lang ang pansin sa trabaho.
-
Afternoon came. Oras na para umuwi. At habang nasa daan siya, nakatanggap siya ng tawag mula sa kaniyang ama.
"Sa bahay ka umuwi, may ipapakilala kami sa ʼyo," anito sa kabilang linya bago ibinaba ang tawag.
Wala siyang nagawa. Malamang, wala talaga siyang magagawa dahil ang ama niya ang palaging nasusunod. Nagtataka rin siya kung sino ang ipapakilala nito sa kaniya. Maybe, someone they know na magaling sa business? Or a business owner? Na pwede niyang maging business partner dahil naisip nito na maganda nga ang kaniyang planong magbukas ng restaurant sa ibang probinsiya. Napangiti siya at mabilis na nagmaneho patungo sa bahay ng kaniyang mga magulang.
Pagdating doon ay agad siyang pumasok. Tinanong ang isang kasambahay at anito'y nasa living room ang kaniyang mga magulang. Kaya agad siyang nagtungo roon. Naabutan nga niya ang mga ito, kasama ang tatlo pang tao na ngayon lang niya nakita.
"Mom... Dad," he called their attention and they immediately look at him.
"Harrison, you're finally here. Maupo ka," ani ng kaniyang ina. Agad naman siyang sumunod at naupo sa tabi nito.
"Ano pong mayroon?" he suddenly asked, hindi na rin siya makagpahintay.
"This is Mr. And Mrs. Maguire and their daughter, Dolores." Tumingin siya sa kaniyang harapan kung saan nakaupo ang tatlo, nasa gitna si Dolores na nakangiti sa kaniya. Sa tingin niya'y mas bata ito sa kaniya. Lagpas isang buwan na ang kaniyang edad at sa tingin niya'y nasa dalawampu pa lang si Dolores.
"Nice to meet you po," aniya, sinubukan ding ngumiti. Tumingin siya sa ama na nakaupo sa pang-isahang sofa. "Pumapayag po ba kayo sa plano ko, Dad? At sila po ang tutulon-"
Hindi niya natuloy ang sasabihin nang mahinang tumawa si Mr. Alcantara at saka dismayado na namang tumingin sa kaniya. "No," mabilis nitong sagot. "You're going to marry their daughter. Malaking tulong ito para mas lalo pang lumawak ang sakop ng ating kompanya. Right, kumpare?"
"Yes, Harrison. Our business would be a big help kapag nag-merge ang ating mga kompanya ngunit mangyayari lang iyon kung pakakasalan mo ang anak namin," segunda naman ni Mr. Maguire.
Hindi niya lubos maintindihan ang lahat. But when everything was cleared, doon lang siya napatingin sa kaniyang mga magulang, nagpalipat-lipat ng tingin.
Hindi niya alam kung ano'ng sasabihin kaya mabilis siyang tumayo at umalis doon. Lahat ng desisyon niya sa kompanya ay hindi nasunod dahil kailangan pa niya ng approval ng ama pero ang ipakasal siya ay ang bagay na pinakaayaw niya. He can't just marry someone he doesn't even know and worse, hindi naman niya ito mahal. Kaya imbes na sagutin ang ama ay mas minabuti na lang niyang umalis doon at mag-isip. Hindi pa siya handa, wala pa siyang napapatunayan.
*****
Chararet! Unofficial Prologue and can be change anytime hahahahaha!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top