EPILOGUE

THE RUNAWAY BILLIONAIRE
EPILOGUE

THIRD-PERSON POV


Now Playing: Tahanan by Adie

AS the music began to sang, the door slowly open where Conan was patiently waiting. Wearing his white silk suit. Kita ang likod nito na may detayadong desenyo. He is indeed beautiful in white. Mayroon din siyang suot-suot na flower crown.

Sa Araw-araw
Tanging ikw ang palagi kong hinahangad
Laging tanaw
Sa ‘yo ang ilaw na nagsisilbi kong liwanag
Labis ang ngiti kapag ika’y kaharap
Ramdam ko ang pagmamahal, giliw
Namumukod-tangi ka at walang katulad
Ikaw lang para sa ‘kin.

This is indeed his dream wedding. Flowers were everywhere. Iba’t ibang bulaklak mula pa sa iba’t ibang bansa.  He wants his wedding to be like a garden full of different types of flowers. But his most favorite was the white Roses. Kung saan nakalinya ang puting Rosas sa red carpet na kaniyang inaapakan.

“Ang ganda mo, baks!” bulong ni Andrei, ang siyang maghahatid sa kaniya sa altar.

“Mas maganda ka,” he said and smile.

Umirap ito at saka ngumisi. Inayos din ang buhok na inipit sa kaniyang tainga. “I know. Walang makatatalo rito,” he answered.

Tumawa lang si Conan. Ibinaling ang paningin sa mga bisitang naroroon. Iilan lang ang kaniyang kilala. Ang mga kapatid ni Harrison na nakatayo malapit sa Altar. Ang mga magulang ni Harrison. Naroroon din ang iilang mga empleyado niya na inimbintihan niya. Lahat sila’y nakangiting nakatingin sa kaniya. Gumuhit din ang ngiti sa kaniyang labi.

“Tingnan mo si Harris, te. Umiiyak! Naku atras ka na, kasi ganiyang nakikita ko sa mga Celebreties, ‘pag umiiyak daw iyong lalaki, mag-chi-cheat ‘yan.”

Tiningnan niya si Harrison, kung saan kasalukuyan itong nagpupunas ng mga luha. Natawa siya nang mahina dahil binibiro ito ng mga kapatid.

“Umiyak din ba si Henry nung kasal ninyo?”

“Ako ang umiyak nung honeymoon namin! Ang sakit!”

“Bibig mo, Andrei.”

Tumawa lang ito. Saktong na sa harapan na silang dalawa ng Altar kung saan naghihintay ang kaniyang mapapangasawa. Bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso nang magtama ang kanilang mga mata.

Harrison was wearing a white suit. Guwapo, malinis ang gupit, at shaved ang balbas nitong bumagay rito. Namumula ang mga mapupungay na mga mata marahil sa pag-iyak nito.

“Why are you crying?” he asked, while smiles are playfully plastered on his lips.

Dito ka sa piling ko
Oh, dito ka lang, dito ka lang

“I just can’t believe that after all these years finding the true meaning of love, I found you. You’re the answer I was longing for, Conan.”

Bumabagal ang ikot ng mundo
Kapag ika’y nariyan, oh, aking tahanan.

“Mahal din kita, Harrison. Mahal na mahal. You completed the emptiness in my black and white life. No matter what happens, remember that I will choose you, stay with you, and live with you for the rest of our lives.”

“Chaka! ‘Di pa nagsisimula, nagbatuhan na kaagad ng vows!” hirit ni Andrei, napalakas ang pagsasabi nito na siyang dahilan nang pagtawa ng mga bisita.

--

2 years passed…

”Hon, wake up…” Nagising si Conan mula sa pagkakatulog sa kaniyang opisina. Nang maging malinaw ang kaniyang paningin ay nakita niya si Harrison, nakatayo sa kaniyang upuan, nakasuot ng business attire.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” Habang inaayos ang upo. Pasimple rin niyang pinunasan ang magkabilang gilid ng labi kung may tumulo bang laway rito.

“Sinusundo ka. We’re going home. You’re working late again. Didn’t I told you not to overwork?”

Hindi lang niya maiwasang mag-alala. Alam niyang kaya siyang buhayin ni Harrison ngunit ayaw niyang iasa rito ang lahat. Life can be playful sometimes, not everything you used to do will stay. Hindi lahat nananatili, lahat ay nagbabago.

Papaano kung mawala ang lahat ng ‘yon sa kanila? 

Bumuntonghininga siya. Tumingin siya sa picture frame na na sa kaniyang lamesa kung saan magkatabi sila roon habang malawak ang ngiti nilang dalawa. It was their wedding day from two years ago. Kung saan tuluyang nagbago ang kaniyang buhay. Harrison changed his life that he never imagined before.

Ang akala niya, ang mga ulilang ‘tulad niya’y mananatiling mag-isa habang buhay. But when this man, standing in front of him, came into his life, his life turned upside down. Ang dami-rami nilang pinagdaanang dalawa. Sa dami nang pagsubok na dumating, hindi pa rin siya makapaniwala kung papaano nila nalampasan ang lahat ng iyon.

But what he believes is that when you have trust and patience, everything will fall into place.

“A-Alam ko naman ‘yon. Ayoko lang na nakikita kang nahihirapan,” he answered.

“I told you not to overwork, Hon. Let’s go home? Your son’s waiting,” ani Harrison. Lumapit ito sa kaniyang pwesto at marahang hinalikan ang kaniyang buhok. “I love you so much.”

He closed his eyes in relief. “Mahal na mahal din kita.”

Sabay silang umuwi sa kanilang bahay dahil iyon ang nakagawian nilang gawin simula pa noon. Nang makarating sa kanilang mansion, naghihintay sa labas ang kasambahay habang buhat-buhat ang isang na sa mahigit isang taong gulang na bata. Nakasuot ito ng pajama.

“Papa! Dada!” sigaw ng bata.

“Good evening po, mga sir.”

Nang makalapit sila’y nagpupumiglas ang bata sa bisig ng kasambahay. Mabilis naman niya ‘yong dinaluhan at pinaghahalikan ang mataba nitong pisngi.

“Good evening, ‘te Mara. Salamat sa pagbabantay,” aniya. “I miss you much, Jacob!”

Humagikgik ang batang hawak niya. Hinalikan din siya nito sa magkabilang pisngi. “Mit you too, Papa! Mit you, Dada!”

“I miss you too, bud!” Hinalikan ito ni Harrison sa ulo at maging siya’y hinalikan din. “I miss you as well, hon. He misses you a lot!” mahina nitong bulong sa kaniya. Nakatingin lang ang bata sa kanilang dalawa.

“May bata, Harris!”

“Later, please?”

“Leter,” ani naman ng bata. “Watch movie, Papa? Please?”

“We’ll watch it tomorrow, bud. Papa’s tired from work. Okay?” sagot ni Harrison.

“But-“

“No buts. I promised, tomorrow is family day.”

“Okay, Dada.”

--

Katatapos lang niyang maligo. Pinupunasan niya ang kaniyang buhok gamt ang tuwalya nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Nakatayo roon si Harrison, nakasuot lang ng boxer shorts at walang kahit na anong saplot pang-itaas.

Tiningnan niya ito mula sa salamin. Maganda ang hubog ng katawan dahil linggo-linggo itong pumupunta sa gym kasama ang mga kapatid. Pinasadahan niya ito ng tingin at nagulat siya nang makita ang malaking bukol sa pagitan ng mga hit anito.

“Fck, don’t look at me like that, hon!”

Natawa siya nang mahina. “Wala naman akong ginagawa sa ‘yo.”

“You’re teasing me! Kanina ka pa sa banyo.”

“Ha? E matagal naman talaga akong maligo,” pagmamaang-maangan niya.

“No, you’re not.”

He rolled his eyes. Ibinbaba ang tuwalya’t umikot upang harapin ang kaniyang asawa.

“Then what are you still standing there, Mr. Alcantara?”

“Fck shit!” At nagulat na lang siya nang mabilis itong nakalapit sa kaniya’t inangkin ang kaniyang labi.

Mapaglaro ang tadhana. Minsan sa buhay natin darating ang mga bagay na hindi natin inaasahang babago sa buhay natin. Conan dreamed to have a life with no chaos. Gusto niyang makawala sa tali ng nakaraang pumipigil sa kaniyang tuluyang maging masaya. Harrison on the other hand wants freedom. Katulad niya’y nalilito rin ito sa kung ano nga ba ang takbo ng mundo.

Pinagtagpo ng tadhana, pinaglaruan ng tadhana ngunit tadhana rin ang nagbigay sa kanila ng daan patungo sa kung nasaan man sila ngayon.

As long as you have trust and patience, everything will fall into places. Lahat ay nasa tamang panahon. Kinakailangan lang na matutong maghintay at magtiwala.

The end…

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top