CHAPTER 9
THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 9
C O N A N
SA araw na ito ay karaniwang araw lang para sa akin noong wala pa akong kasama rito sa rest house. Maglilinis, magdidilig ng halaman, at maglalaba ng mga marurumi kong damit. Kakain at saka magmumuni pagkatapos. Paulit-ulit lang iyon dahil ano pa ba'ng gagawin ko, hindi naman ako madalas lumabas, at isa pa, wala rin akong kaibigan na kasama para mamasyal.
Ngunit nang dumating si Sir Harrison, nabuhayan ang buong rest house. Kahit na hindi siya madalas magsalita at buong maghapon ay nakatutok lang siya sa kaniyang Laptop, masaya ako. Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko'y hindi na ako nag-iisa 'tulad noon. Nagiging panatag na rin ang loob ko at hindi 'tulad noon na madalas akong magising nang madaling araw dahil pakiramdam ko'y may nagmamasid sa akin.
Dahil siguro sa takot? Takot na baka maulit ang nangyari noon? Umiling ako. Hindi. Matagal na iyon. Malayo na ako. Hindi na nila alam kung nasaan ako. Ligtas ako rito kung mananatili ako.
Tumingin ako sa orasan na nakasabit malapit sa pinto nitong aking kuwarto. Alas-nuebe na ng gabi at mag-iisang oras na ang nakalipas nang pumasok ako. Hindi ako makatulog dahil kahit na ano'ng gawin ko'y hindi ako makalimot, hindi nawawala sa aking isipan ang mga nakaraan. Kung nanatili kaya ako roon? Malamang ay matagal na rin akong nakalibing ngayon. Mariin akong umiling. Bumuntonghininga at sinubukang ipikit ang mga mata pero kahit ano'ng gawin ko'y hindi ako dinadalaw ng antok.
Kaya naisipan kong bumangon at lumabas ng aking kuwarto. Sa tuwing hindi ako makatulog ay umiinom ako ng gatas sa kusina. Kumunot ang noo ko dahil paglabas ko'y bukas ang ilaw sa kusina. Kinabahan ako nang makarinig ako nang malakas na tunog - na tila ba may nabasag. Pero imbes na muli akong pumasok sa loob ng kuwarto ko'y biglang pumasok sa aking isipan si Sir Harrison. Dalawa lang kaming magkasama rito at mas lalong dumagundong ang dibdib ko sa kaba.
Mabilis kong tinahak ang hallway patungong kusina at nang pumasok ako rito'y naabutan kong nakahandusay sa sahig ang walang malay na katawan ng aking Amo. May hawak siyang bote ng alak at nagkalat din sa sahig ang bubog ng nabasag na bote. Kaagad akong kumilos. Marahan akong lumapit dito upang makaiwas sa mga bubog ng bote.
"S-Sir, a-ayos lang po kayo?" tanong ko, niyugyog ko rin ang kaniyang balikat upang subukan kung gising pa ba siya. Nakahinga ako nang maluwag ng marahan siyang gumalaw at inimulat ang mga mata upang tingnan ako.
"W-who are you?"
Pero imbes na sagutin ko siya'y sinubukan ko na lang paupuin. Bakit ba kasi siya naglalasing? Ngayon ko lang din siya nakitang nagkaganito magmula nang dumating siya rito. Kaya hindi ko rin alam kung ano'ng gagawin ko.
"I said, who the fcking are you?!" nagulat ako nang lumakas ang kaniyang boses. Nakaupo na siya at masamang nakatingin sa akin.
"S-Si Conan po, Sir. A-ako po ang care taker nitong rest house ninyo," sagot ko. "K-kaya po ba ninyong tumayo? Sasamahan ko ko po kayo sa inyong kuwarto para po makapagpahinga kayo."
Pero imbes na sagutin niya ako'y sumandal siya sa pader malapit kung saan siya bumagsak. Nagpapasalamat ako dahil hindi niya nabagsakan ang mga bubog at hindi rin nabagok ang kaniyang ulo. Tumingin ako rito. Uminom siyang muli sa hawak niyang bote ng alak na may laman pa pala, tila ba tubig lang ito kung kaniyang lagukin.
Pagkatapos niyang uminom ay pinunasan niya ang labi at tumingin sa akin. "You know what? I fcking hate this life! If only I could choose, I would never choose to be his fcking son!"
"Sir, magpahinga na po kayo," sabi ko, hindi pinansin ang kaniyang mga sinabi. Lumapit ako rito at sinubukan siyang patayuin ngunit malakas niya akong hinawi, dahilan para mapaatras ako't maisandal ang mga kamay ko sa mga bubog na naging dahilan ng aking pagkasugat. Mahina akong napaaray na mukhang wala naman siyang pakialam dahil patuloy lang siya sa pag-inom.
"I'm trying my best to impress him. Ginawa ko lahat. Naging mabuti akong anak. I made my own name in the business world, but it's not enough. Ano ba talagang gusto niyang gawin ko? Marry that woman I don't love?!"
Hindi lang ang palad ko ang biglang kumirot dahil sa mga bubog kundi pati na rin ang aking puso sa narinig. Hindi ko alam na ganito pala kalalim ang pinagdadaanan ng isang 'tulad niyang mayaman. Ang sabi lang sa akin ni Sir Marcus ay tulungan ko si Sir Harrison dahil kaya ito nandito dahil sa problema, at hindi ko alam kung ano'ng klaseng problema iyon. Pumayag lang ako dahil alam kong wala namang mawawala sa akin at Amo ko siya, kailangan ko siyang tulungan.
Tumayo ako at lumapit sa lababo upang hugasan ang mga kamay kong punong-puno na ng dugo. Mahapdi ngunit tiniis ko. Naghanap ako ng bandage at saka muling bumalik kung nasaan si Sir Harrison. Tumingin siya sa akin, diretso sa aking mga mata. At kitang-kita ko ritong pagod na pagod na siya. Ang nakakagulat ay ang paglandas ng butil ng luha sa kaniyang mga mata hanggang sa naging parang gripo na lang iyon na hinahayaan na lang niyang bumuhos.
"B-Buong buhay ko, n-nagpaalipin lang ako sa kaniya. I did whatever he asked me to do, but he never cared my sacrifices. Gustong l-lumaya p-pero 'di ko alam ang gagawin ko." Imbes na sagutin ko siya, mabilis kong ipinulupot ang mga kamay ko sa kaniya't niyakap siya nang mahigpit.
Ito lang ang tangi kong alam para mapagaan ang kaniyang loob. Hindi ko man naiintindihan kung ano'ng puno't dulo ng kaniyang paghihirap, naiintindihan ko naman ang kaniyang nararamdaman. Gusto niyang lumaya, 'tulad ko. Gusto kong lumaya mula sa nakaraan ngunit hindi ko alam kung papaano. Hindi ko alam kung papaano ko kakalagan ang mga nakatali kong pakpak para tuluyan na akong makaalis.
"M-Magiging maayos din po ang lahat. Nandito lang po ako, handa pong tumulong sa inyo. Hinding-hindi ko po kayo iiwan. Tandaan niyo po 'yan," bulong ko. Mahigpit ko siyang niyakap na ipinapasalamat ko dahil naramdaman kong kumalma siya hanggang sa isandal niya ang ulo sa aking balikat.
"You promised that, Conan, the care taker?" aniya nang humiwalay siya sa akin at muling tumingin sa aking mukha.
Ngumiti ako bago ko siya sinagot, "pangako ko po 'yan."
--
MAGTATANGHALIAN na nang magising ako kinabukasan. Mabilis akong kumilos at lumabas ng kuwarto. Walang hila-hilamos nang pumasok ako sa kusina para lang maabutan ko si Sir Harrison na nakatalikod sa gawi ko't nakasuot ng apron at ang nakakagulantang ay wala siyang suot na pang-itaas.
Malawak ang likuran at pormang-porma ang kaniyang mga muscles sa katawan. Biglang napadako ang mga mata ko sa kaniyang puwetan at ang laki nito, ngayon ko lang napansin. Nakasuot lang siya nang manipis na shorts at hapit na hapit ito sa kaniyang malalaking mga hita. Bigla siyang humarap at mabilis akong umiwas ng tingin pero 'di nakatakas sa akin ang malaki niyang umbok, nagtama ang mga mata naming dalawa. Nakangisi si Sir Harrison sa akin.
"Bago tayo kumain, maghilamos ka na muna. You're drooling," natatawa niyang sabi habang kakaiba kung sa akin makatingin.
Hindi ako sumagot at mabilis na tumalikod. Tumakbo ako pabalik sa aking kuwarto. Napahawak ako sa dibdib dahil sa bilis na naman ng tibok ng aking puso.
Conan, ano'ng nangyayari sa 'yo at bakit nagiging mahalay ka?! Amo mo siya, amo mo!
Pero bakit kasi ganoon ang ayos niya? Madalas naman siyang hubad baro pero bakit parang may nagbago? Tapos-tapos iyong nakatago roon! Umiling ako. Wala 'to. Dapat kong kalimutan 'yon. Tama-tama. Conan, kalma! Bumuntonghininga ako at saka pumasok na sa aking banyo upang makapaghilamos na nang tuluyan. Baka kung ano pa'ng isipin nito 'pag natagalan ako rito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top