CHAPTER 8

THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL
CHAPTER 8

C O N A N

“What are these?” tanong ni Sir Harris nang ilapag ko sa harapan niya ang tinimpla kong kape at ang mga cookies na ginawa ko kanina.

“K-kape at saka mga cookies po. Ayaw niyo po ba? Tatangalin ko na lang po.” Akmang hahawakan ko ang tray nang pigilan niya ang kamay ko. Mainit ang kaniyang palad na biglang nagpatibok nang mabilis sa aking puso.

“No, I was just asking. Thanks,” sabi nito nang nakakunot ang noong nakatingin sa akin.

Ngumiti ako at umayos tayo dahilan para mabitiwan niya ako. “Sige po. Kung kailangan po ninyo ako ay nasa sala lang po ako,” sabi ko at saka siya tinalikuran ngunit nang malapit na ako sa pinto ay muli akong lumingon sa kaniyang puwesto. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa kaniyang laptop na tila ba may problema siya rito.

Bumuntonghininga ako. Kung titingnan mo siya’y para itong walang mabigat na dinadala. Hindi ko nga alam kung paniniwalaan ko ba iyong sinabi ni Sir Marcus sa akin o hindi. Hindi ko kasi nakikita kay Sir Harris na mayroon siyang problema. Isa pa mayaman siya, lahat ay nakukuha niya. At madali lang para sa kanilang solusyunan ang kanilang mga problema.

‘Yon ang palaging tumatakbo sa isipan ko, ‘pag mayaman ka’y wala ka nang puwedeng hilingin pa. Samantalang ang mga mahihirap na tulad ko’y ibang-iba. Kaya naman naming maging masaya sa mga simpleng bagay lang pero madalas, karamihan sa amin ay humihiling na sana’y mayaman na lang sila para mabili nila ang kanilang mga gusto. Pero ako, sapat na kung ano’ng mayroon ako ngayon.

Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa akin at mas lalong kumunot ang kaniyang noo. Nanigas ako dahil nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Bigla siyang tumayo at ‘di ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.

“Akala ko ba’y nasa sala ka?” Taas ang kilay niyang nakatingin sa akin.

“A-Ah ano po—” Ano’ng sasabihin ko?

“You’re staring at me, aren’t you?”

“H-Hindi po.” Mariin akong umiling at tumanggi. “Iyong mga halaman ko po ang tinitingnan ko dahil po baka po maapakan niyo po,” dagdag ko. Magaling, Conan, kailan ka pa natutong magsinungaling? Pero mabuti na rin iyon. At saka totoo naman dahil bakit ba nito naisipan na dito magtrabaho sa labas? Maatas ang sikat ng araw pero ‘di naman sobrang init.

Narinig kong tumawa siya kaya napatingin ako rito. Tumingin siya sa mga halaman na itinanim ko. “I am two meters away from your garden, Mr. Dimaamo. Now tell me the truth, why are you staring at me?”

“M-May gagawin pa po pala ako.” Tumalikod ako’t nagsimula nang maglakad papasok ng bahay. “Sige po, t-tawagin ninyo na lang ako ‘pag kailanga—”

“What if I need you right now?” Pero natigilan ako nang sabihin niya ‘yon. “I-I mean, I need your suggestion. Yeah, right.”

Nakahinga ako nang maluwag. Ewan ko ba kung ano itong mga tumatakbo sa isipan ko. Humarap ako rito pero ‘di ako direktang tumingin sa kaniyang mukha, lalong-lalo na sa kaniyang mga mata dahil pakiramdam ko’y nanghihina ang buo kong katawan.

“Ano po ’yon?”

“Come here. I have something to show. Sabihin mo sa akin kung ano’ng kulang o kung ano’ng dapat kong tanggaling,” aniya. Tumalikod siya’t bumalik sa puwesto niya kanina. Kaagad naman akong sumunod. Pumuwesto ako sa likod niya kung saan kita ko ang nasa screen ng kaniyang laptop. Isang video ang naka-paused ang kasalukuyang naka-play roon.

“This is the video of the hotel I am planning to open soon and I want you to watch it,” aniya. Ini-play naman niya kaagad ang video na kaagad kong pinanood.

Mula sa labas, sa parking lot, at sa iba’t ibang parte ng hotel ay ipinakita sa video. Nakalagay rin sa screen kung ilang floors at mga benefits na maaaring makuha ng mga mag-che-check in doon. Masasabi kong maganda. Hindi ako magaling sa mga pagde-design dahil hindi ko naman pinag-aralan iyon. Pero alam kong maganda ang hotel at alam kong marami ang magkakagusto rito.

“So, what do you think? May kulang ba o kailangang bawasan?”

Napakamot ako sa aking likod ng ulo. Hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko sa kaniya. Umalis ako sa likod niya’t pumuwesto sa kabilang side ng mesa kung saan magkaharap kaming dalawa.

“N-Napuntahan na po ba ninyo iyong hotel?” tanong ko at ‘di ko alam kung bakit ‘yon ang sinabi ko. Pakiramdam ko’y pang-iinsulto ang nasabi ko dahil biglang nagbago ang kaniyang ekspresiyon. “A-Ang ibig ko pong sabihin, kung nabisita na po ba ninyo ito?”

“Well, I’ve been there no’ng sinisimulan itong gawin pero nang matapos ay hindi ko pa nabibisita. Why?”

“Kasi po kung titingnan sa video po na ipinakita ninyo, wala naman pong kulang. Kompletong-kompleto. Full package po kumbaga, pero kumusta naman po ang feeling kapag nasa hotel na kayo? Satisfied po ba kayo? Komportable? Safe? Maganda ba mag-serbisyo ang mga nakuha ninyong empleyado?” Hindi ko alam kung saan nagmumula itong mga sinasabi ko ngayon, kusa na lang silang lumalabas at nakikinig lang naman sa akin si Sir Harrison. “Kasi po kapag iyong mga iyon ay wala, sa tingin ninyo po ba ay may magtitiwala pa po ba sa hotel? Sa mga empleyado ninyo? At lalong-lalo na po sa inyo.”

“Madalas po sa mga nakikita ko pong issue ay iyong may mga hidden cameras po na nakalagay, minsan naman po iyong mga empleyado ay masusungit na parang sa kanila ‘yong may-ari ng buong building, tapos po hindi pa po maganda iyong serbisyo,” dagdag ko.

“W-well, I guess you’re right. But how can we know that my employees are worth to hire?”

Muli akong napakamot sa aking noo. “’Yon po ang ‘di ko alam sa ngayon, siguro po kapag nagtrabaho na sila sa inyo ng ilang linggo?” Umiwas ako ng tingin dahil ayaw kong makitang madismaya si Sir Harris.

Alam ko namang nonesense ang mga pinagsasabi ko. Bakit ba kasi ako nito tinanong tungkol diyan? Wala naman kasi akong kaalam-alam tungkol sa kung papaano magpatakbo ng business.

Napansin kong tumayo siya at nagulat ako na halos nanlaki’t ’di ko maigalaw ang buo kong katawan nang bigla na lang niya akong yakapin. Hindi mahigpit pero ramdam na ramdam ko ang lakas niya. Hindi pa nakatakas sa akin ang mabango niyang amoy na nagpalambot naman bigla sa aking mga tuhod.

“Thank you. You gave me an idea what to do next,” sabi niya pero mas lalo lang akong naguluhan.

Bumitaw rin naman siya at saka ako hinawakan sa magkabilang balikat. Tumingin siya sa akin. Tumingin din ako na punong-puno nang pagtataka ang buo kong mukha. Nakangiti siya sa akin. Malawak na malawak at kitang-kita ko ang pantay-pantay niyang mga puting ngipin.

“Bakit nga ba ngayon lang kita nakilala?”

“P-Po?”

Umayos siya ng tayo at saka nito ginulo ang aking buhok. “Nothing. Forget about that. Magluto ka na roon para makakain na tayo,” aniya.

Marahan lang akong tumango at saka muling nagpaalam sa kaniya. Kahit naguguluhan dahil sa mga inakto niya’y umalis na lang ako roon at sinunod ang kaniyang utos. Ano’ng ibig sabihin niyang bakit ngayon lang niya ako nakilala? Napakamot na lang ako sa ulo ko’t dumiretso na lang kusina.

Naghain ako ng para lang sa aming dalawa. Si Sir Marcus ay hindi naman pala magtatagal dito dahil noong isang araw ay umuwi na ito. Dalawang araw lang ang itinagal niya rito at kaagad na umalis. Pero bago ito umalis ay mariin niyang ipinaalala sa akin na ‘wag na ‘wag kong kalimutan ang naging kasunduan naming dalawa. Hindi ko naman iyon kalilimutan, at susubukan kong tuparin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top