CHAPTER 5

THE RUNAWAY BILLIONARE
CHAPTER 5

C O N A N


Nakangiti ako habang naghuhugas ng mga pinggan. Ayokong aminin ngunit ang puso ko'y ayaw tumigil sa kakatibok nang mabilis. Hindi kasi ako makapaniwalang nagustuhan ni Sir Harrison ang niluto kong ulam. Hindi naman kasi ako ganoon kagaling magluto. Natuto lang ako dahil wala akong kasama at kailangan kong pakainin ang sarili ko.

Ang mga sangkap ay tinatantya ko lang ang lasa.

Kaya nang sabihin nitong masarap ang niluto ko'y parang tumatambol ang dibdib.

Hanggang sa matapos akong maghugas at maglinis sa kusinaʼy nakangiti lang ako. Hindi na ito mawala-wala pa simula pa kanina. Ewan ko ba. Pakiramdam ko'y napapadalas na itong pagngiti ako ng mag-isa. Kinakabahan na ako baka senyales na ito na nasisiraan ako ng bait. ʼWag naman sana. Marami pa akong pangarap sa buhay.

Gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral. Mag-iipon ako dahil balak kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Gusto ko pang pumunta sa ibang bansa at makaranas ng snow. Gusto ko ring makita ang mga paborito kong mga actor sa Thailand. Hindi na ako makapaghintay na mangyari ang lahat ng iyon.

"You look weird." Mabilis akong napalingon dito kung saan nakatayo si Sir Harrison sa may pinto nitong kusina. May hawak siyang laptop. Nakakunot ang noong nakatingin sa akin.

Umiwas ako ng tingin. Mas maganda yata kung pukpukin ko ang ulo ko o kung puwede lang sana ay nagpalamon na lang ako sa lupa dahil sa kahihiyan.

Narinig ko ang mga yapak nito. Hindi ako makatingin dito. "Abutan mo nga ako ng beer," utos nito.

Kaagad ko namang kinuha ang kaniyang gusto. May mga can beers siya sa kaniyang refrigerator na malapit lang sa may lababo. Inilapag ko iyon sa counter kung saan nakaupo siya sa may high chair. At dahan-dahan kong itinulak ang can beer papalapit sa kaniya, na hindi tumitingin sa kaniyang mukha.

"What are you doing? Don't tell me you're insane?"

"H-hindi po," mabilis kong sagot. "Sige po. T-ta-tawagin niyo na lang ako kapag kailangan n-ni-niyo ako," dagdag ko at saka hindi na siya hinintay pang makapagsalita dahil mabilis akong umalis ng kusina.

Halos takbuhin ko ang hallway patungo sa aking kuwarto. Nang makapasok akoʼy isinara ko ang pinto nito at napasandal dito. Ano baʼng nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito noong wala pa si Sir Harrison dito. Napahawak ako sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Malakas na para akong aatakihin sa puso.

Marahil ay dala lang ito ng hindi ko sa pagiging introvert ko. Hindi rin kasi ako sanay na may kasama ibang tao. Hindi naman sa natatakot ako pero ewan ko ba, pakiramdam ko kasiʼy hinuhusgahan ako. Hindi ko naman sinasabing ganoon si Sir Harrison. Tinulungan ako nito sa pagbubungkal ng lupa sa may garden, pero kasi natatakot, at ʼdi ko malaman kung bakit.

Bumuntonghininga ako. Sinubulan kong kumalma ngunit ayaw pa ring tumigil ng puso ko.

--

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Nakatulog naman ako nang maayos sa kadahilang napagod ako buong maghapon. Dahan-dahan akong naglalakad sabay tingin sa paligid upang siguraduhing wala si Sir Harrison. Hanggang sa makarating ako sa pinto ng kusina ay bigla akong napatindig nang matuwid nang marinig ko ang malalim nitong boses.

"What are you doing, Mr. Dimaamo?"

Dahan-dahan akong umikot hanggang sa makaharap ko siya. Nakatingin ako sa mga paa niya, wala siyang suot na medyas. Iniangat ang ulo nang dahan-dahan, nakasuot siya ng manipis na pajama, at nagulat ako dahil wala siyang suot na damit. May hawak siyang puting tasa na sa tingin ko'y kape ang laman nito. Nakakunot ang kaniyang noo, magkasalubong ang mga kilay, at makikitaan ng pagtataka ang buo niyang mukha.

"Are you done staring at me? Now answer my question, what are you doing? You're weird."

Umiwas ako ng tingin. Ano ba'ng nangyayari sa akin?

"A-ano po-" Ano ba'ng dapat kong sabihin? Na umiiwas ako? Para saan? Tumingin ako rito. "B-Baka magising ko po kayo, k-kaya dahan-dahan lang po ako--"

"Don't make fun of me. Alam nating napakalayong mangyari ang sinasabi mo. My room is soundproof," pagpapahinto niya sa akin.

Umiwas ako ng tingin. "P-Pasensiya na po. N-Nahihiya lang po kasi ako sa inyo. T-tama po," sagot ko sabay kamot sa aking batok.

"Bakit, ano ba'ng nakakahiya?" Tumingin ako sa kaniyang mga mata. Nakatingin din pala siya sa akin. "Tell me, so I can find ways to adjust."

"W-wala po. Kalimutan niyo na lang po. Sige po. Magluluto lang po ako ng agahan," sagot ko na lang. Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko.

Siguro ngaʼy senyales na ito na malapit na akong masiraan ng bait. Hindi naman ako ganito noong mag-isa lang ako rito sa pamamahay na ito. Madalas ang mga bulaklak lang ang tangi kong kinakausap. Minsan iyong mga katulong sa tuwing nandito sila, pero mabilis lang dahil maglilinis lang sila ng ilang oras at uuwi rin.

"What t-" Tumigil ito. Hanggang ngayo'y nagtataka pa rin siyang nakatingin sa akin. "Fine. Pagkatapos mong magluto at kumain, maligo ka't aalis tayo ngayon." Hindi na ako nakasagot dahil agad ako nitong tinalikuran.

Sa tingin ko'y galit ito dahil sa inaakto ko ngayon. Bumuntonghininga na lang ako't sinunod ang kaniyang gusto.

--

Sakay ng kotseng itim kung saan si Sir Harrison ang nagmamaneho, walang nagsasalita sa aming dalawa. Nakatutok lang siya sa daan. Nilibang ko na lang ang sarili ko paligid. Kahit ano'ng panahon, maganda pa rin talaga ang Baguio. Maraming mga puno at bundok sa daan.

"Do you know any place here to visit?" Napatingin ako kay Sir Harrison. Nasa harapan pa rin ang kaniyang mga mata.

"Ang totoo niyan po, wala po akong alam. Pero sabi naman po ng mga kapitbahay namin noon, kahit saan naman po ay maganda rito sa Baguio," sagot ko.

"What?" Tumingin siya sa akin. "You live here and yet you don't know a place?" Nakakunot pa ang kaniyang noo.

"O-Opo," nahihiya kong sagot. Umiwas ako at tumingin sa labas. "Hindi naman po kasi ako madalas lumabas. Malayo rin sa syudad iyong dati naming bahay at saka isa pa, wala rin naman pong pera sina Mama at Papa noon. Kinukuwento lang po ng mga kaibigan ko iyong mga lugar na napupuntahan nila."

"I just can't believe that you've never been to visit the places here," ani Sir Harrison.

Hindi na lang ako sumagot. Mabuti na lang at tumahimik na ito. Pero iyon akala ko lang pala iyon.

"We'll go to Burnham Park, I went there before," sabi nito at pinabilis ang takbo ng kotse.

Hindi lang sa Burnham Park ang napuntahan namin ni Sir Harrison. Pati sa mga sikat na tourist destinations dito sa Baguio ay pinasyalan din namin. At lahat ng iyo'y nag-enjoy ako. Iyong mga lugar na dati ay gusto kong pasyalan ay napuntahan ko na.

"Akala ko'y magiging tour guide kita, but I was wrong. I was the one who toured you," sabi niya, sakay na kaming dalawa ng kaniyang kotse.

Patungo kami ngayon sa isang restaurant dahil gusto raw nitong kumain sa labas.

"Salamat po," sabi ko. Nahihiyang lumingon dito. May ngiti rin sa aking labi.

"I should be thankful to you. For the first time in my life, all the things that were bothering me disappeared."

Hanggang sa makarating kami sa restaurant ay ang sinabi niya ang patuloy na tumatakbo sa isipan ko. Hindi na ito nawala pa. Sinisubukan kong intindihin, at alamin kung ano'ng ibig niyang sabihin pero hindi ko rin naiintindihan. Nawala lang ang iniisip ko nang makapasok kami sa loob ay ang mga mata ng mga taong kumakain ay napatingin sa amin.

Hindi ko mawari kung ano'ng ipinapahiwatig ng kanilang mga titig, pero isa lang ang alam ko. Nasa kasama ko ang kanilang mga mata at dahan-dahan na inililipat sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Hindi ako sanay na pinagtitinginan.

"Don't mind them. Let's go," ani Sir Harrison na tila ba normal lang sa kaniya ang pinagtitinginan siya.

Sino ba naman kasi ang hindi mapapalingon kung si Sir Harrison na ang dadaan sa harapan mo? Matangkad siya, maganda ang pangangatawan, may matangos na ilong, at saktong kapal ng labi. Malinis din ito, at mabango. Tapos magtataka pa ang mga tao kung bakit ako nito kasama, isang pandak, payat, may kaunting tumutubong pimples, at hindi pantay na kulay ng kutis.

Sabi ni Mama, maamo at parang inosente ang aking mukha. Maputi rin daw ako noong bata pa lang ako, at itim na itim ang medyo kulot kong buhok. Pero parang hirap paniwalaan dahil sa itsura ko ngayon.

Kaya nakakahiya na kasama ko ngayon si Sir Harrison. Baka kung ano na ang iniisip ng mga tao tungkol sa kaniya.

Nagulat na lang ako ng bigla ako nitong hinawakan sa kamay at mabilis na hinila palabas ng restaurant.

*****

SHUTA! AFTER NG ILANG BUWAN NGAYON LANG AKO NAG-UPDATE!!! SALAMAT SA PAGHIHINTAY.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top