CHAPTER 44

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 44

C O N A N

Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang magising ako’t maramdamang parehong nakagapos ang mga kamay at paa ko habang ako’y nakaupo sa isang upuan. Wala akong nakikita dahil madilim ang paligid. Sinubukan kong kalasin ang mga gapos sa aking mga kamay ngunit masyado itong mahigpit at nasasaktan ako.

Nagsimulang bumalik ang mga takot sa akin. Na sa kulungan na ang angkan ni Dolores. Wala naman akong atraso sa ibang tao. Wala akong naaalalang inapakan ko. Mabait ako sa lahat ng empleyado ko kaya wala akong maisip na kung sino mang may kagagawan nito.

Mas lalong lumakas ang kabog sa aking dibdib at nagsimulang magsiunahan sa pagbuhos ang aking mga luha.

Dito na ba nagtatapos ang buhay ko? Sana pala, nasabi ko kay Harrison kung gaano ko siya kamahal. Na kahit hindi niya ako pakasalanan o kahit na nanlalamig siya sa akin ngayon, okay lang. basta’y naiparamdam ko sa kaniyang mahal na mahal ko siya.

Sinubukan kong balikan ang mga masasayang araw naming dalawa. Nang magtagpo ang landas naming hanggang sa kung nasaan man kami ngayon. We’ve been through a lot. We’ve overcome a lot of challenges. Nalagay pa nga sa panganib ang buhay naming dalawa.

May mga alaalang malungkot ngunit mas nangingibabaw iyong sayang naranasan ko sa piling niya. If this is my end, then I will accept it with all my heart. Ipinikit ko ang mga mata habang ang mga luha’y patuloy na bumubuhos dito.

“Hey, why are you crying?” Mabilis akong nagmulat ng mga mata. Napatingin ako sa aking harapan. Nakabukas ang TV na hindi ko napansin kanina. “Natakot ba kita?” tumawa siya nang mahina. “I’m sorry. It was Andrei’s idea to scare you, but Hon, I love you, remember that.”

“Andreiiii!”

“Yes, baks! Tawag mo ‘ko?” Napatingin ako sa TV kung saan lumabas sa kung saan si Andrei na nakangisi sa akin. “Later na tayo chat-chat. May important matters pa si Harris sa ‘yo. Stay put ka lang diyan, okay? Ah sorry pala, te. Nakagapos ka, baka kasi magjak-“

“Leave us alone, Mr. Arrellano,” ani Harrison.

“Tse, bayaw mo ‘ko. Alcantara kasi. At saka, Misis na po! Pero bye na nga. Good luck, Conan. I’m happy for you.”

“So, we’re alone,” ani Harrison. Video call ba ‘to? Tumingin ako sa paligid. Maliban sa TV na naririto’y wala akong maaninag ni kahit na ano. “Eyes on me, Conan.”

Naibalik ko ang paningin dito. “Video call ba ‘to? Nasaan ka ba?”

Natawa siya. “Yes. I’m just around the corner, Hon. Just stay there and listen to what I’m saying.”

Umayos ako ng upo kahit na nahihirapan ako sa higpit nang pagkakatali sa akin. Malilintikan talaga sa akin si Andrei mamaya pag ako nakaalis dito. ‘Wag na siyang magpapakita sa akin. Halos atakihin ako sa puso dahil sa takot.

 Ano ba kasing mayroon at may ganitong kalokohan ang dalawang ‘to?

“Remember the day we met? You’ve hurt me, you know. Pero pagod ako kaya hindi na kita pinalutan. I don’t like you at first but after knowing you deep, I don’t know what happened. Nagising na lang akong ikaw na ‘yong tinitibok ng puso ko. You completed my life. You gave meaning to it. You’re my hope, Conan. I will give up everything just to be with you. I wanted to wake up every morning with you by my side. Wala na akong hihilingin pa, ikaw lang. ang makasama ka sa habang buhay. I don’t care what people would think or do, just hold on to me, just stay with me, and I’ll do the rest.”

Nagsimula na namang magsiunahan ang mga luha sa aking mga mata. I couldn’t stop it. Nakagapos ang mga kamay ko.

“I may not be the best boyfriend… or husband, but I promise that I will never leave. Hindi ko maipapangako na hindi kita masasaktan dahil hindi ako perpektong tao. Hon, I will always choose you. Kahit ipagtabuyan mo ako nang paulit-ulit, paulit-ulit din kitang hahabulin hanggang sa mapagod ka’t manatili na lang sa akin.”

“Y-You don’t know how much I love you, Harrison. Ikaw ‘yong dahilan kung bakit ako gumigising araw-araw. You don’t have to chase me because I will come for you. Pipiliin din kita araw-araw,” sabi ko sa gitna ng pag-iyak.

“So… you will marry me?”

“H-Ha?” tumawa siya nang mahina ngunit napansin ko ang pagbuhos ng luha sa kaniyang mga mata na mabilis niyang pinunasan.

“I mean, will you marry me? Will you be my forever? Will you stay with me until our hair?”

“A-Ano ba’ng pinagsasasabi mo? Pakawalan mo kaya muna ako rito,” naiinis kong sabi. Basing-basa na ng mga luha ang magkabila kong pisngi. Baka nga nabura na ‘yong eye liner ko, e.

Mabilis na namatay ang TV at ilang sandali pa’y bumukas ang pinto’t lumiwanag ang buong kuwarto. Doon ko nasilayan ang buong paligid, na sa loob ako ng aming kuwarto. Punong-puno ng mga nakasabit na litrato ang paligid. May mga petals ng rosas na nagkalat sa paligid. May nakasabit din sa dingding na mga letrang binubuo ang mga salitang, “Will you Marry me?”

Ilang sandali pa’y naramdaman ko ang pagkalas niya sa mga taling pinanggapos sa akin. Nang matanggal iyon ay mabilis na dumapo ang palad ko sa kaniyang pisngi, na siyang ikinagulat niya.

“M-Muntik mo na akong patayin dahil sa takot, alam mo ba ‘yon?!” Nagulat siya sa ginawa ko.

“I-It wasn’t my id-“ Ngunit hindi ko na siya pinatapos pang magsalita dahil mabilis kong hinawakan ang magkabila niyang pisngi at hinuli ang kaniyang labi. Mas nagulat siya sa ginawa ko ngunit kalauna’y gumanti rin.

“Yes, I will marry you, Harrison Alcantara,” sagot ko sa kaniyang tanong kanina nang humiwalay ako saglit.

“Fck. I love you!” aniya at muling hinagkan ang aking mga labi.

Nakarinig kami ng mga palakpak. Napatingin ako rito. Na sa loob na rin pala ng kuwarto naming ang kaniyang mga magulang, si Andrei, at Finley.

“Yey! Magkakaapo na kayo ng panibago, Tito at Tita! Sana lang ‘di baog tong si Harrison.”

“Andrei, your mouth…” ani ng Tatay ni Harrison. “Anyways, congratulation. Masaya ako para sa inyo but I do hope you will stay on your words.”

“Welcome to the family again, Conan,” sabi naman ng Nanay ni Harrison.

Napangiti ako dahil sa kanilang pagtanggap.

“So, when will be the wedding?” tanong ni Tito.

“Bukas na po. Nakahanda na po ang plane ticket.” Napatingin ako kay Andrei dahil sa gulat habang nakatingin siya sa kaniyang cellphone. Tumingin siya sa ‘kin. “Don’t worry, baks. Everything is set! Naaalala mo, tinanong kita sa dream wedding mo? This is it!”

Natawa ako dahil sa kaniyang sinabi. Naaalala ko ngang minsan naming napag-usapan ang tungkol sa kasal nilang dalawa ni Henry, tapos tinanong niya ako kung anong dream wedding ko kung sakaling ikakasal man ako. Sinabi ko iyon sa kaniya lahat. ‘Di ko alam na may pinaplano na pala silang dalawa ni Harrison.

“Are you ready to be my half?” Tumango lang ako bilang sagot habang may ngiti sa aking labi. Pinunasan niya ang mga luhang muli na namang bumuhos sa aking mga mata. Kanina’y takot ang kaniyang ipinaramdam, ngayo’y hindi maipaliwanag na saya ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko’y na sa cloud nine ako sa mga oras na ‘to.

Totoo ba ‘to? Ikakasal na ako bukas?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top