CHAPTER 43
The Runaway Billionaire
CHAPTER 43
C O N A N
Matamlay akong pumasok sa trabaho. Kahit wala akong ganang magpakita sa aking opisina ay wala akong magagawa. I have the right but I don’t want to take that opportunity para lang sa pansarili kong kapakanan. Marami ang umaasa sa akin. Kaya dapat kong pilitin ang sariling tugunan ang ginagampanan ko.
“Good morning, sir,” bati sa akin ng isa sa mga emplyado ko.
I built this small company using my own money and sweats. Pero laking pasalamat ko pa rin naman sa pamilya ni Harrison dahil kung hindi dahil sa kanila’y hindi ko mararating ang kinatatayuan ko ngayon. Siguro hanggang ngayon ay nangangapa pa rin ako sa dilim.
“Good morning,” bati ko pabalik. Ngumiti rin ako dahil ayaw kong ipakita sa kanilang may sama ako ng loob. Wala naman kasi silang kasalanan kung bakit ako nagkagaganito.
I tried to put a wide smile the whole day. Pinipilit kong ngumiti sa lahat ng mga taong nakakasalamuha ko sa mga meetings. Pero kapag papasok na ako sa aking opisina, isang malalim lang na buntonghininga ang nagagawa ko.
Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang sa aking swivel chair ay mabilis kong dinampot ang aking cellphone sa aking mesa. I opened it and checked the messages immediately. Pero ni ‘ha’ ni ‘ho’ ay wala man lang akong natanggap. Umaasa pa naman ako na kahit sa ganoong paraan lang ay alam kong okay kaming dalawa.
Ibababa ko na sana ang cellphone ko nang bigla itong mag-vibrate. Mabilis kong binuksan ang message dahil akala ko’y galing yon sa kaniya ngunit mali ako nang inaakala. It was from Andrei.
“Baks, samahan mo nga ako. Gogora lang akong mol, magpapahangin,” his message. Magrereply na sana ako pero sinundan niya iyon ng tawag.
“Hel-”
“Te, na saan ka na? Nandito ako sa labas ng kompanya mo, labas na riyan,” pagputol nito sa akin.
“What?”
“Anong what! Halikana o kakaladkarin kita palabas?”
Mabilis akong kumilos. Dinampot ko lang ang shoulder bag ko’t mabilis na naglakad palabas. “Wait! Palabas na ako,” sagot ko at mabilis na pinatay ang tawag kahit na alam kong magsasalita pa iyon.
Kilala ko ang bunganga ni Andrei, kahit I-stapler ko ‘yon ay makagagawa pa rin siya nang paraan para makapagsalita. Hindi siya nauubusan ng sasabihin na animo’y Dj siya sa isang Radyo. Hindi ko alam bakit pinakasalan siya ng asawa niya.
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa salitang asawa. Sana all!
--
“Katagal, a! Pasalamat ka’t naka-sunblock ako with spf 50 kundi ingungudngud kita sa sahid,” aniya nang makarating ako sa parking lot. Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-irap.
“Ewan ko sa ‘yo. Hindi naman maaraw at na sa loob ka lang ng kotse mo,” sagot ko sa kaniya. Umikot ako at pumasok sa passenger’s seat.
“Good afternoon, Tito Conan.” Lumingon ako rito. Napangiti ako nang makita si Finley.
Nawala ang sama ng loob ko maghapon at napalitan iyon ng tuwa dahil sa batang ‘to. He’s handsome, just like his father. Pero mas guwapo pa rin naman si Harrison.
“Good afternoon, Finley. How’s school?” tanong ko dahil nakasuot pa rin siya ng uniform. Sa tingin ko’y dinaanan siya ni Andrei bago ako nito naisipang yayaing lumabas.
“It’s really good po. I have stars din po.” Ipinakita naman nito ang mga nakuhang stars sa kaniyang braso.
“Wow! Ang galing mo naman,” sabi ko.
“Naman, te. Mana sa akin ‘yan,” segunda naman ni Andrei.
Tumawa lang ako. Nakatutuwa lang na kahit hindi nito totoong anak si Finley ay itinuturing niya itong parang anak.
Kaagad naman niyang pinaandar ang kotse.
“Ano ba’ng gagawin natin sa mall?” tanong ko, na sa kalagitnaan na kami ng byahe. Medyo traffic din dahil siguro hapon na.
“Magpapalamig nga ‘di ba?” he answered.
Napataas ang kilay kong tumingin sa kaniya. “Seryoso ka? Nawalan ba kayo ng kuryente at naiinitan ka?”
“Duh?! Kami mawawalan? Mayaman kami, te. Kaya kong bilhin kompanya mo,” aniya. Pinahinto na niya ang sasakyan dahil saktong nakarating na kami ng parking lot. “Eme lang! May project kasi itong si Finley kaya sasamahan kong bumili ng mga materials. At saka, talaga namang mainit ngayon.”
Sabay kaming lumabas ni Andrei ng kotse at saka naman niya pinagbuksan ng pinto si Finley. Tinulungan niya rin itong makababa.
“Bilisan natin. Ramdam na ramdam ko ang impyerno rito,” aniya at mabilis na naglakad habang hawak sa kamay ang anak.
Dumiretso kaming tatlo sa National Books Store. Kumuha ng cart si Andrei kaya ako naman ang humawak sa kamay ni Finley dahil siya ang nagtulak ng cart.
“Mauna muna tayo sa mga libro. May bibilhin lang ako roon,” sabi niya.
Tumungo kami sa bandang dulo kung saan naka-display ang mga libro. Iilan lang iyong mga nandito. Lumiko si Andrei sa isang pasilyo ngunit natigilan ito.
“H-Hunter?!” Mabilis akong sumunod nang sabihin niya ‘yon. Napakunot ang noo ko nang makita si Hunter na may kasamang isang maliit na lalaking nakasalamin.
“Tito Rye!” masiglang bati naman ni Finley at mabilis na nilapitan ang Tito. Kaagad namang binuhat ni Hunter ang pamangkin. “Why are you here po? Are you going to buy books din po ba?” sunod-sunod na tanong ng bata.
“Y-ye–”
“Hoy huwag ka magsinungalin sa bata. Nakita ko nakikipagtukaan ka!” mabilis na sagot ni Andrei.
“What?!”
“Oo kaya! Halos kainin mo na ng buo iyang kasa-” Mabilis kong siniko si Andrei. “Ano ba, te?!”
“Bibig mo,” suway ko. Napansin ko kasing biglang nagtago iyong kasama ni Hunter sa likod nito.
“It's none of your business,” ani Hunter. Ibinaba niya si Finley at saka nito hinawakan iyong kasama niya’t hinila’t naiwan kaming tatlo.
“Naku te. Kung nakita mo lang paano humalik si Hunter,” aniya nang makaalis iyong dalawa.
“Ewan ko sa ‘yo. Bilhin mo na lahat ng gusto mo riyan pati ng kay Finley. I'll pay for it,” sabi ko. “Bantayan mo muna iyang anak mo. May bibilhin lang din ako,” I added.
–
Nang mabili ko ang gusto ko sa katabing store lang ay kaagad kong binalikan sina Andrei. Tumingin ako sa paligid but I couldn't see them. Pinuntahan ko ang mga school supplies pero wala sila roon.
Mabilis kong tinawagan ang cell phone niya, na kaagad naman nitong sinagot. “Where are you?”
“Na sa parking lot na kami, te. Tagal mo kasi. Bayaran mo na lang ako later,” he said. Nagtaka ako. Akala ko magpapalamig siya at bibili ng ice cream? Pero nagkibit balikat na lang ako.
Mabilis naman akong umalis doon at tinungo ang parking lot. Palapit na sana ako sa kotse ni Andrei ngunit bigla na lang may nagtakip ng basang panyo sa aking ilong at may kakaiba itong amoy. Umikot ang paningin ko, hanggang sa mawalan ako ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top