CHAPTER 42

THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 42

C O N A N


Ang dami na rin pa lang nangyari magmula nang magkakilala kami ni Harrison. I was able to fulfill my dreams. Hindi ko aakalain na mangyayari ang lahat ng iyon. Mababa lang naman kasi ang mga pangarap ko noon. Gusto ko lang na makawala sa nakaraan.

But I didn't know that after meeting him, he gave me hope. Ang dami rin naming pinagdaanan. Akala ko nga'y hanggang doon na lang iyon. Akala ko'y manantili lang kami roon. Akala ko'y hindi ko mararanasan na ipagsigawan sa buong mundo na mahal ako ng isang 'tulad niya. Well, for me, ayos lang naman na hindi ako ipakilala. I don't want people to judge him because his lover is gay. But he didn't listen to that.

Ngayon, isang buwan na ang nakalilipas noong ma-kidnap kaming dalawa ni Dolores. Natuntun din ang pinagtataguan ng kaniyang mga magulang, na nanlaban kaya napatay sila ng mga otoridad. Na sa kulungan pa rin si Dolores. Masaya ako't nagkaroon din ng hustisiya ang pagkamatay ng aking mga magulang. Nawala ang lahat ng takot at pangamba ko.

"Te, matanong ko lang, ah. Hindi naman sa pinapakialaman kita sa buhay mo pero kailan niyo balak magpakasal ni Boss Harris?"

Bigla akong napaisip sa tanong ni Andrei. Kailangan ba talaga 'yon? Masaya naman kaming dalawa sa kung ano'ng mayroon kami. Tanggap namin ang bawat isa. Wala na nga rin akong mahihiling pa dahil halos na kay Harrison na ang lahat. Kahit pagod siya sa trabaho ay nakukuha pa niya akong alagaan. And no matter how busy he is, he always had time for me and for his family.

"Mahalaga pa ba iyon?" tanong ko rito.

Tinapik niya ako nang mahina sa balikat at saka tumawa. Mabuti na lang talaga't wala kaming kasama ngayon. Naisipan kasi nitong bumisita dahil wala naman daw siyang ginagawa sa kanilang bahay. Isa pa'y wala raw doon ang kaniyang asawa kaya nabuburyo siya.

"Oo naman, 'no! gagang 'to. Para may karapatan ka sa tite niya," sagot niya na ikinagulat ko.

Mabuti na lang at sanay na ako sa bibig ni Andrei.

"H-hindi ko alam, e," sagot ko na lang.

"Pero seryoso, a. Dapat magpakasal na kayong dalawa at bumuo ng pamilya. Hindi madali pero nandoon ang totoong saya," seryosong sagot nito.

Hanggang sa sumapit ang gabi at nang makauwi na si Harrison ay ang mga sinabi ni Andrei pa rin ang sumasagi sa isip. Kanina pa ako hindi mapakali. I have this feeling that I want but somehow I'm scared. What if he doesn't want to have a family?

"Mukhang malalim yata ang iniisip mo?" Tumingin ako sa kalalabas lang na si Harrison mula sa banyo ngunit mabilis din akong napaiwas ng tingin dahil tanging tuwalya lang na nakapulupot sa kaniyang baywang ang suot nito.

"Ah-eh, wala 'to," mabilis kong sagot. Bigla kasi akong kinabahan. I tried to calm myself. Huminga ako nang malalim at muling humarap sa kaniya ngunit nagulat ako nang bigla siyang tumalon papunta sa aking tabi. He was wearing a boxer shorts only.

Napasinghap ako nang bigla niyang ipulupot ang mga kamay sa aking baywang at inamoy-amoy ang aking leeg. Katatapos ko lang maligo at medyo basa pa ang buhok ko kaya nakasandal ako sa headboard habang nakatulala kanina pa. Nakikiliti ako nang bahagya. Sinubukan kong kumawala ngunit mas lalo lang niya akong hinapit palapit.

"Ahmmm. You smells good," aniya.

"Hon, ah-stop!" I tried to get away from his hug but he's too strong. Ngunit hindi naman ako nasasaktan. Nararamdaman ko pa rin ang pagiging gentle sa akin ni Harrison sa tuwing ginagawa namin ang bagay na 'yon.

"What? I'm not doing anything." Saglit siyang lumayo sa akin upang sabihin iyon at muli na namang ibinaon ang mukha sa aking leeg.

Itinutulak ko siya papalayo ngunit mas lalo lang siyang sumisiksik sa leeg ko dahilan para mawalan ako nang lakas.

"H-Hon, ano ba!"

"Titigil lang ako kung ano iyong malalim mong iniisip kani-kanina lang," aniya.

"Fine!" mabilis kong pagsuko. Kaagad naman siyang lumayo. But I thought he was going to let me off, instead he rested his chin on my shoulder. "Akala ko ba titigil ka na?" tanong ko nang hindi siya tinitingnan.

Mahina siyang tumawa. "I didn't said that I'm going to let you go."

Bumuntonghininga ako. Hindi ko alam kung papaano ko itatanong 'to sa kaniya. Dapat ko ba 'tong itanong? Papaano kung ayaw niya iyong pag-usapan at pagmulan lang nang hindi namin pagkakaintindihan.

"Bumisita si Andrei rito kanina," I said. Sumulyap ako nang bahagya sa kaniya. Nakapikit ang kaniyang mga mata. Kitang-kita ko tuloy kung gaano kakapa ang kaniyang mga pilik mata.

"Mmm? I know," he said.

"Yeah but you don't know what he just asked me," sagot ko.

"What is it? Baka niloloko ka lang nun," he said. Lumayo na siya sa akin at tumingin sa aking mga mata. "Don't mind him. He's just--"

"He asked me about marriage. Kung bakit hindi pa raw tayo nagpapakasal," pagpuputol ko sa kaniyang sasabihin.

Bigla siyang natahimik. Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Heto na ba? Sasabihin na ba niyang wala siyang planong pakasalan ako? Hindi naman iyon mahalaga sa akin kung sa tutuusin. Ayos lang sa aking hindi kami ikasal. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko maintindihan kung bakit iba ang gusto kong marinig mula sa kaniya.

Bumitaw siya sa akin at umiwas ng tingin. "Matulog na tayo. Pagod ako sa trabaho," aniya na siyang ikinadismaya ko nang husto. Tumayo siya at nilapitan ang aming closet. Kumuha siya nang susuoting damit pantulog.

Napabuntonghininga ako. Hindi na lang ako nagsalita dahil ayaw kong humaba ang usapan. Isa lang naman ang gusto kong malaman, kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag itinanong ko iyon. And I guess, I was right. He doesn't want to talk about marriage.

Umayos na lang ako ng higa. Tumalikod ako sa kaniya. Hindi ko namalayang bumuhos ang luha ko kaya mabilis ko itong pinunasan, Masyado akong mababaw. Kasalan ko rin naman kung bakit ko pa sinabi iyon. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata upang subukang matulog nang sa ganoon ay hindi na lao pang sumama ang loob ko.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang paghiga niya sa aking tabi. I was hoping that he's going to hug me but he didn't. Bakit ba ako nagkakaganito? Marahil ay sinanay niya ako sa mga bagay na noon ay pinapangarap ko.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko.

--

Hindi ko namalayang nakatulog ako kagabi sa bigat ng aming nararamdaman. Nagising na lang akong wala ng Harrison sa aking tabi. Madalas sa tuwing una siyang nagigising ay ginigising niya ako sa pamamagitan ng paghalik sa aking pisngi ngunit hindi niya iyon ginawa.

Muli na namang bumigat ang aking damdamin. Napabuntonghininga muna ako bago tuluyang bumangon. Kasalanan ko naman kung bakit ako nagkagaganito. I shoud make it up with him. Wala akong karapatan para magalit at sumama ang loob dahil lang sa hindi niya sinagot ang tanong ko.

Ako ang dapat na humingi ng tawad ngunit papaano ko iyon gagawin?

Pumasok na muna ako ng banyo at tiningnan ang sarili sa salamin. Bahagyang mugto ang aking mga mata. Marahil dahil ito sa pagpipigil na 'wag tuluyang umiyak kagabi.

I faked a smile. "Kaya mo iyan, Conan. Huwag mo siyang sukuan. It's not a big deal," I said.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top