CHAPTER 41
THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 41
THIRD-PERSON POV
"Dolores, ano ba talaga ang pakay mo sa amin?" tanong ni Conan, nang matapos silang talian sa isang upuan. Hindi nila sinubukang pumiglas dahil alam nilang pareho na talo sila pagdating sa dami. Umaasa na lang silang matutunton sila ng otoridad sa mga oras na 'to.
"Conan, right? Hindi ka naman talaga kasali rito, e. But because Harrison loves you, edi damay ka na!" sagot nito kasabay ng pagtawa nito nang nakakakilabot. "Kaya dapat sisihin mo 'yang lalaking 'yan dahil sa kaniya, mamamatay ka ngayon," dagdag pa ni Dolores.
Nanginginig ang buong katawan ni Conan sa takot. Bumalik ang lahat ng mga takot niya noon. Heto na ba ang katapusan niya?
"Napakawalang hiya mo! Wala kang puso! You're just like your parents, mga mamamatay tao!" may diin ang bawat pagbigkas ni Conan sa mga salitang 'yon. Natatakot siya ngunit nilakasan niya ang loob upang sabihin 'yon kay Dolores.
"HAHA! Whatever. So, kilala mo pala ang mga magulang ko. You know what, Conan, I'm actually different from them. Nag-uutos lang sila kapag may gusto silang ipapatay. But for me, ako mismo ang pumapatay," she said and pointed the gun to Conan's head. "Kaya kung ako sa 'yo, mag-ba-bye ka na sa minamahal mo," she added while grinning.
"Dolores, stop! Please." Napatingin si Dolores nang magsalita si Harrison.
"Nandyan ka pala? I thought you were not going to say something."
"I'm begging you to please stop this nonsense. Ako na lang ang patayin. Spare Conan's life. Wala siyang kinalaman sa kung ano man ang problema ng mga pamilya natin."
"Bakit ba sa dinami-rami ng puwede mong mahalin, ito pang baklang 'to, Harrison? And you could even sacrifice for his own life. Harrison, wake up! He's just nobody. He deserves to die," ani Dolores habang nakatutok pa rin ang baril kay Conan.
"P-Please, just let him live," mga salitang tanging lumabas lang sa bibig ni Harrison.
"H-Harrison..." bulong ni Conan at hindi na rin niya napigilan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
"FINE! I'll let you live for the rest of the night, but tomorrow's, instead of one of you will die, dalawa na lang kayo ang papatayin ko. Besides, Harrison, pakikinabangan pa kita. I have your father's neck." Ibinaba ni Dolores ang baril at ibinalik ito sa kaniyang tauhan na nakatayo lang sa malapit.
"ANO'NG GAGAWIN MO?!"
"Paglalaruan ko lang kayo saglit. It's nothing serious. Isa pa, masyado na kayong nasa itaas. It's time for my family to be on top."
"Don't touch my family or I will never forgive you!" pagbabanta ni Harrison ngunit hindi nakinig si Dolores. Nakangisi lang itong nakatingin sa kanilang dalawa. Sinusubukang pumiglas ni Harrison mula sa pagkakatali ngunit hindi niya magawa dahil sa higpit nito.
"I am not going to touch them, unless hindi nila ako susundin," sabi nito at tumalikod. Umalis ito ng kuwarto kasunod ng dalawang lalaking may hawak na mga armas.
Nang maisara nang mga ito ang pinto at mawala sila sa paningin nila'y mabilis na tumingin si Harrison kay Conan.
"Hon, are you alright?" he asked. He wanted to hug him, to ease his fear, but he couldn't. Nakagapos ang parehong mga paa at mga kamay. Isang metro din ang layo nila sa isa't isa.
Tumango si Conan at bahagyang ngumiti. Ngunit hindi nito naitago ang kanina pang takot na kaniyang nararamdaman. "A-Ayos lang ako. Sa tingin mo kaya, makakaligtas pa tayo rito?"
"Don't worry, we will. I'm not letting her touch you or anyone else."
Matamis lang na ngumiti si Conan. Tumingin siya sa paligid. Ngayon lang niya napansing na sa loob pala sila ng isang kuwarto. Walang kahit na ano, ni kama at bintana'y wala. Iba rin ang amoy nito at may mga mantsa ang mga tiles ng kulay itim.
"Ahmm. Harris," aniya nang matapos pagmasdan ang kabuuan ng kuwarto. "Maraming-maraming salamat."
"Why are you telling me that?" tanong ni Harrison. Nakakunot ang noo nito't hindi mabasa kung ano ang ibig sabihin ni Conan kung bakit ito nagpapasalamat sa kaniya.
"I am so thankful that I met you. Ang dami-rami mo nang nagawa para sa akin pero ni isa'y hindi ko pa nasusuklian." Ngumiti siya.
Masaya siyang nakilala niya si Harrison. He changed his life. Buong buhay niya, hindi niya naranasang maging masaya. Ang tanging na sa isip lang niya'y makapag-ipon, makapag-aral ulit, at mabuhay. Madalas kinukuwestiyon niya ang sarili kung bakit pa siya nabuhay. Kung bakit hindi na lang siya namatay kasama ng kaniyang mga magulang. Kasi wala na siyang saysay. Wala na ang kaniyang mga magulang na gusto niyang suklian.
But when Harrison entered his life, his life changed. Nagkaroon siya nang pag-asa. That were still hope. Nagkaroon siya ng direksyon, 'yon ay ang suklian at mahalin si Harrison ng buong puso.
"I did what you deserved, Hon, for adding color to my life. It was you whom I was longing for."
Bago pa man siya makasagot, nakarinig sila ng putukan. Mas dumoble ang kaba ni Conan ngunit nagkaroon siya ng pag-asang baka ang mga otoridad na ito.
Ilang minuto lang ay bumukas ang pinto kung saan sila nakakulong at iniluwa nito ang isang sundalo at ang Daddy ni Harrison. Mabilis itong lumapit sa kanila't niyakap nang mahigpit ang anak.
"Fck! I thought I'd lost you," anito habang mahigpit pa ring yakap si Harrison. "Are you alright? Sinaktan ba kayo ni Dolores?" sunod-sunod naman nitong tanong pagkatapos kumawala sa pagkakayakap sa anak.
"We're fine, Dad. Thank you," Harrison answered. Saktong nawala na ang tali sa kanilang mga paa. Mabilis nitong nilapitan si Conan at niyakap.
"Don't worry, you're safe now."
"Sir, everything's clear. Nahuli na po ang mastermind," ani ng sundalo.
Lumabas sila roon at tinungo ang labas ng mansion. Dumidilim na ang paligid at ilang minuto lang ay lulubog na ang araw. Maraming mga sundalo sa labas. Naririto rin si Henry at Harold, kasama ng mga sundalo.
"Paano niyo po kami natunton?" ang 'di mapigilang tanong ni Conan.
"Through Harrison's phone. He sent us a warning that he's in danger. Kaya mabilis kaming nakipag-usap sa mga Sundalo at mga Pulis to help us locate you. Isa pa, Dolores was just stupid to call my phone number," sagot ni Daddy ni Henry.
"Where is she?" tanong naman ni Harrison. Saktong dumating ang dalawang sundalo kasama si Dolores na naka-posas na ang mga kamay.
"Fck! Let me go! Tangina niyong lahat! Isusumbong ko kayo sa mga magulang ko!" sigaw nito. Tumingin siya kay Harrison. "I'll let mom and dad knows that you betrayed me," she added.
"Your mom and dad was nowhere to be found. Nagtatago na siguro sila sa mga otoridad. Don't worry, susunod sila sa 'yo sa kulungan," ani Marcus.
Nagpupumiglas pa rin ito ngunit nakaposas na ang mga kamay nito. Kinaladkad naman ito ng mga sundalo sa kanilang sasakyan.
"Tito, maraming salamat," ani Conan. Nilapitan ang Daddy ni Harrison at ito'y mahigpit na niyakap. Yumakap din ito pabalik sa kaniya.
"It's my job to protect my son and you, Conan. You're part of my family now," sagot nito.
Nakahinga na nang maluwag si Conan dahil nailigtas sila ngunit hindi pa rin nawawala ang takot sa kaniyang puso dahil hindi pa nahuhuli ang mga magulang ni Dolores. Baka nga'y nagpa-plano na ang mga ito para gumanti. But it doesn't matter, as long as Harrison was on his side, he's safe.
*****
Few more chapters left na talaga!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top