CHAPTER 4
THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 4
C O N A N
Sa loob ng ilang taon kong pananatili rito sa bahay na ‘to, ngayon lang ako nakaramdaman nang kagalakan. Minsan lang kasi ako magkaroon ng kasama rito. Sa mga minsan na ‘yon ay mabilisan lang na pangyayari dahil sa tuwing may general cleaning lang ang mga kasambahay. Isang beses sa isang buwan lang ito kung gaganapin. Minsan may mga kasambahay naman tuwing Sabado’t Linggo pero mas madalas na wala dahil kaya ko namang panatilihing malinis ang bahay na mag-isa.
Kaya nga nang dumating dito si Sir Harrison, ang saya-saya ko. Siguro noong una’y natatakot ako dahil inaakala kong masungit ito at baka nga ayaw pa nito sa mga ‘tulad ko. Iyon ang mga tumatakbo sa isipan ko ngunit nang makilala ko siya’y hindi naman pala.
Tinulungan ako nitong magbungkal ng lupa dahil balak kong magtanim ng mga gulay rito. Malawak ang espasyo sa likod nitong bahay kung saan marami akong puwedeng itanim. Maganda pa ang lupa at sa tingin ko’y magiging malusog ang mga itatanim ko rito.
Tumingin ako kay Sir Harrison. Abala siyang nagbubunot ng mga damo’t binubungkal ang lupa pagkatapos alisin ang mga damo. Pinagpapawisan na siya dahil kanina pa kami rito. Basa na ang suot nitong T-shirt at humuhulma na ang malapag niyang dibdib sa suot na T-shirt. Mabilis akong napaiwas ng tingin. Ano ba itong iniisip ko?
Hinayaan ko na muna siya at dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay. Tinanggal ko ang suot kong bota dahil puno ito ng lupa. Dumiretso ako sa kusina. Tiningnan ko ang laman ng ref at kinuha ang isang pitsel ng juice at saka ako nagsalin sa dalawang malalaking baso. Binuksan ko naman ang cabinet sa may itaas ng lababo; mga junk foods ang halos laman nito. Kinuha ko na lang ang isang malaking pagkain. Binuksan at inilagay ang laman nito sa malaking bowl. Kinuha ko ang tray at inilagay roon ang juice at ang junk foods at saka ako bumalik sa likod ng bahay.
Paglabas ko’y muntik ko nang mabitiwan ang tray na hawak ng dalawa kong mga kamay dahil sa gulat. Sino ba kasing hindi magugulat kung tatambad sa ‘yo si Sir Harrison na walang suot na damit. Eksakto pang nakaharap siya sa akin at ang maputi’t makinis niyang katawan ay sumisigaw sa ganda. Pawisan at naging dahilan ito nang pagkintab ng kaniyang dibdib at tiyan. Para siyang modelo. Tumingin ito sa akin – diretso mismo sa aking mga mata. Para akong hihimatayin sa bilis ng tibok ng aking puso.
Pero bago pa man ako mawalan ng balanse dahil sa biglang panghihina ng aking mga tuhod. Umiwas ako ng tingin nang makalapit ako rito. “J-Juice po. M-mi-miryenda,” nauutal kong sabi’t ni pagtingin sa kaniya’y hindi ko magawa.
“Ayos ka lang? Your face is red,” saad niya.
Napapikit ako nang mariin at bumuntonghininga. Umayos ka, Conan!
“O-opo. M-mainit lang po siguro,” sabi ko.
Hindi na siya nagsalita pa’t kinuha na lang ang juice na nasa baso. Mabilis naman akong lumayo. Inilapag ko sa may bench ang tray at saka kinuha ang aking juice. Nilagok ko ‘yon dahil sa kaba. Para akong tumakbo nang matapos akong uminom. Pakiramdam ko’y hindi pa rin iyon sapat dahil tila ba natuyo ang aking lalamunan. Nagulat ako nang may tumambad sa harapan ko; basong may lamang juice at hawak iyon ng isang malalaking kamay at bakat na mga ugat.
“You’re thirst. Here, drink it. I actually don’t like orange juice.”
Tumingin ako kay Sir Harrison at juice na kaniyang hawak. Wala pang bawas ‘yon. “P-pasensiya na po,” saad ko at saka dali-daling kinuha ang juice mula sa kaniya. Nagtama ang balat naming dalawa at para akong kinuryente roon ngunit ‘di ko na lang iyon pinansin pa’t inisang lagok ulit ang juice.
“Mukhang uhaw na uhaw ka nga. We should stop.”
Tinalikuran niya akoʼt nauna na siyang pumasok sa loob ng bahay. Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti na lang at inakala niyang uhaw na uhaw ako dahil sa pagod. Hindi nito alam na iba'ng tumatakbo sa isipan ko.
Umayos ka, Conan!
——
Hindi na nasundan pa ang pagtulong sa akin ni Sir Harrison sa paglilinis sa likod ng bahay. Hindi na naman ako umaasa. Naging abala siyang muli sa kaniyang laptop. Minsan ay nasa labas siya't may kausap sa cell phone niya.
Tatlong araw ang nakalilipas, iyon lang ang madalas niyang gawin. ʼTulad ngayon. Katatapos ko lang ihain ang mga pagkaing niluto ko. Tanghali na. Isang sinigang na Bangus ang niluto ko. Hindi ko alam kung magugustuhan ito ni Sir Harrison dahil napansin kong pihikan ito pagdating sa pagkain.
Kahapon ay hindi nito ginalaw ang niluto kong ampalaya na may itlog. Noong isang araw ay hindi rin nito kinain ang pritong talong na masarap isawsaw sa toyo o suka. Ayaw nito sa masusustansiyang mga pagkain. O marahil ay hindi lang siya sanay sa mga ganoong klase ng pagkain.
Lumabas ako ng kusina at pinuntahan siya sa sala. Nakatutok na naman ito sa kaniyang laptop at nakakunot ang noo ngunit hindi nababawasan kung gaano katangos ang kaniyang ilong, kaganda ang pilik mata, at ang labi nitong parang naka-lipstick ng pink.
Ano kaya ang binabasa nito't bakit nakakunot ang kaniyang noo?
"Why are you looking at me like that, Mr. Dimaamo?"
Napaayos ako ng tayo. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako rito.
"P-po?" Mas lalong nagsalubong ang kilay nito. "A-ang ibig ko pong sabihin, t-tapos na akong magluto. Kumain na po tayo," saad ko bago pa ako nito pagalitan dahil nakatitig ako rito.
Tumayo siya't naglakad papalapit sa akin. Halos tingalain ko siya nang tumigil siya sa aking harapan. Tumitig siya sa akin. Nakakunot pa rin ang kaniyang noo. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib.
Nagulat ako nang tumaas ang kamay nito. Napapikit ako dahil sa takot. Sasampalin niya ba ako? Pero imbes na sakit ang nararamdaman ko'y ang malambot na palad nito ang marahang dumampi sa aking pisngi't may pinunasan siya.
"You have dirt on your face," aniya. Dumilat ako ng mga mata ngunit wala na ito sa aking harapan. Tumingin ako sa likod ko't saktong papasok na siya sa loob ng kusina.
Wala sa sarili akong napahawak sa aking pisngi kung saan pinunasan niya ang 'di ko namalayang dumi. Katatapos ko lang kasing magtanim kanina bago ako magluto ng aming kakainin. Ang init nang magkabila kong pisngi at sa tingin ko'y pulang-pula na ngayon ang buo kong mukha.
Humugot ako nang malalim na hininga. Sunod-sunod ang ginawa ko hanggang sa kumalma ang puso ko. Hindi ako maaaring magpakita rito na pulang-pula ang mukha ko, baka kung ano pa'ng kaniyang isipin.
Nang kumalma na ako'y naglakad na ako pabalik sa kusina. Naabutan ko itong ganadong kumakain. Bigla akong napangiti. Sa wakas ay kinakain na nito ang ulam na niluto ko. Napatingin siya sa akin. Nilunok niya muna ang laman ng bibig at saka uminom.
"What took you so long? Muntik ko nang maubos itong ulam. This is really delicious!"
Napakamot ako sa ulo. Tumambling ang puso ko. "S-salamat po. Kain lang po kayo. Marami po akong niluto riyan."
"Really?" Tumango ako. "Then let's finished it together!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top