CHAPTER 39

THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 39

C O N A N


MAAGA pa nga lang ay mulat na ang aking mga mata. Nag-set ako ng alarm pero mas nauna pa akong gumising dito. I wanted to do something today that’s why I woke up as early as possible. Tumingin ako sa katabi, mahimbing pa rin siyang natutulog. He looks so peaceful. Ang daming nagbago sa kaniya sa loob lang ng dalawang taon.

Nang magkita kami kahapon, parang pagod na pagod ang kaniyang itsura. Humahaba na rin ang kaniyang mga balbas. At pakiramdam ko’y napabayaan na niya ang kaniyang sarili.

“Everything will be alright. And this time, I will be on your side, always. I promised you that,” mahina kong sabi habang nakatingin sa kaniyang mahimbing na natutulog. Bahagyang nakabukas ang kaniyang bibig kaya natawa ako nang mahina.

Marahan akong umalis sa kama upang hindi ko siya magising. Tumingin ako sa orasan na nakakabit malapit sa pinto palabas nitong kaniyang kuwarto. It’s still five-thirty in the morning and I have plenty of time to prepare. Kinuha ko naman ang aking cellphone na nakalapag sa bedside table malapit sa akin at tiningnan kung ano’ng araw ngayon. Today’s Harrison’s birthday. Napaka-espesyal ng araw na ito. This will be the first time that I’ll be doing this to him. hindi ko kasi ito nagawa noong nandito pa kaming dalawa dahil hindi ko naman alam ang kaniyang birthday.

Pumasok muna ako sa banyo nang mabilisan lang. I brushed my teeth and washed my face. Paglabas ko’y mahimbing pa ring natutulog si Harrison but this time, nakatihaya siyang nakahiga at bahagyang nakababa hanggang sa kaniyang baywang ang kumot na kanina lang ay bumabalot sa kaniya. Wala siyang suot na damit kaya malinaw na malinaw kong nakikita ang hubad niyang katawan. Bigla akong napalunok nang hindi ko namamalayan. Bigla pang uminit ang buo kong katawan at hindi ko iyong naiintindihan.

Bakit parang mas lalong gumanda ang kaniyang katawan? He looks so damn hot. Pati iyong buhok sa kaniyang kilikili at muscles sa kaniyang biceps ay napaka-sexy.

Bago pa man ako masiraan ng bati, mabilis ngunit marahan akong lumabas ng kuwarto. Ayoko nang magtagal dito dahil baka kung ano pa ang magawa ko.

Pumasok ako sa kusina at hindi na ako nagsayang pa ng oras at kaagad akong nagluto. Nakatanggap din ako ng text message kaya mabilis akong lumabas upang salubungin ang delivery ng cake na in-order ko kagabi. Wala na kasi akong oras para mag-bake pa at baka magising si Harrison ay hindi pa iyon naluluto. Nag-order din ako ng balloons at mga dekorasyon na dumating din naman kaagad.

Habang hinihintay na maluto ang panghuling putaheng niluluto, kaagad kong pinalobo ang mga balloons at nag-décor dito sa may kusina. Para itong children’s party pero wala na akong pake. I am just hoping that he’ll like it.

Nang matapos ako’y kumuha ako ng party hat at inilagay iyon sa aking ulo. Sinindihan ko naman ang kandila ng cake na binili ko at saka iyon dahan-dahang dinala sa harapan ng pinto ni ng kuwarto. Binuksan ko ang pinto habang kinakanta ang kantang “happy birthday to you.”

“Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!”

The surprised on his face was so visible that I couldn’t even stop myself from smiling and the tears suddenly fall from my eyes.

“Why are you crying?” tanong niya. Nakabangon na siya nang pumasok ako at kasalukuyan niyang chini-check ang cellphone habang nakasandal sa headboard ng kama. Gulat na gulat din siya pero ako itong naiiyak dahil sa ginawa ko.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko gamit ang isa kong kamay bago siya sinagot. “Masaya lang po ako. Happy birthday and I’m sorry.”

Nilapitan niya ako. Mabuti na lang at nakasuot siya ng boxer pero hindi ko siya matingnan nang maayos dahil wala pa rin siya suot na damit. Hinawakan niya ang baba ko’t marahang iniharap sa kaniya.

“Didn’t I told you to look at me when we talk?” A smirked plastered on his face, pero napalitan din iyon ng isang matamis na ngiti. “Thank you and you’re forgiven. Fck! Hindi kita matiis. Ano ba’ng ginawa mo sa akin at nagkakaganito ako, ha?” Nanlaki ang mga mata ko nang kumuha siya ng icing at inipahid iyon sa aking labi. “Ginayuma mo siguro ako gamit ang nakakatakam na labi mo,” aniya at mabilis na sinungaban ang aking labi.

Hindi ako makagalaw. Hawak ko pa ang cake gamit na ang aking dalawang kamay kaya hindi ko siya magawang itulak. He started kissing my lower lip and bit it. The only thing I could do is to stand and let him do whatever he wants. Lumayo lang ito nang wala ng icing sa aking labi. Isang ngisi ang nakaguhit ngayon sa kaniyang labi.

“Sweet,” he said in a low tone while grinning. “Thanks for the surprise. I couldn’t wait to open my gift later. Mayroon ba?”

Napalunok ako. Bigla kasi akong kinabahan dahil sa kaniyang tanong. And besides, ito lang ang ginawa ko, wala kasi akong maisip na ireregalo sa kaniya. Shit! Patay!

“A-Ah-eh, m-mamaya po. Hehe,” awkward kong sagot. “Make a wish na po,” dagdag ko at iniharap sa kaniya ang cake na hawak. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at saka humiling. Binuksan ito nang siya’y matapos at saka inihipan ang kandila. “Happy birthday po ulit,” sabi ko rito nang matapos niyang ihipan ang kandila.

I tried not to looked stupid while smiling at him. Kinakabahan and at the same time, nag-iisip ako kung ano’ng regalo ang puwede kong ibigay sa kaniya mamaya.

--

Sa bahay lang kami tumambay ni Harrison. We spend our time together; watching movies and gathering information. Hindi namin puwedeng ipagsawalang bahala na lang ang lahat lalo pa’t hindi lang iisa ang kalaban namin ngayon.

Based on my knowledge, they’re not alone. Hindi lang iisang grupo ang sindikatong ito. But it’s still unknown to everyone what’s their motives. Iyon ang gusto naming malaman. Dahil lang ba sa hindi nakapag-merge ang kompanya ng dalawang pamilya? No! there’s something and we wanted to uncover that mystery.

Kasalukuyan akong naghahanap ng mga information sa isang dark web na pinasukan ko nang makaramdam ako nang malamig na bagay sa aking pisngi. Nilingon ko ito. Isang ice cream ang iniaabot ni Harrison sa akin.

“Itigil mo na muna ‘yan. Today’s my birthday. We should celebrate, at least?” he said.

Itinabi ko ang laptop at saka iniabot ang ice cream na kaniyang iniaabot. “Kumain na po tayo kanina at saka nanood ng movies. Ano pa’ng gusto ninyo?”

“Let’s go on a date.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top