CHAPTER 38

THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 38

C O N A N

NAPAPANGITI ako habang nakatingin kay Harrison. Tahimik lang siyang kumakain na tila ba wala ako sa kaniyang paligid. Kanina'y nagtitigas-tigasan pa siya pero heto't nilalantakan ang mga pagkaing niluto ko.


"Stop staring at me," he said after chewing the foods in his mouth and turned to face me.

"I-I'm sorry." Mabilis akong umiwas. Sinabayan ko na lang siyang kumain at mabilis naman kaming natapos. Tumayo siya at iniligpit ang mga pinagkainan namin. Inilagay niya ang mga iyon sa lababo at nanatili siya roong nakatayo ngunit hindi naman ginagalaw ang mga plato.


Hindi muna ako tumayo. Pinagmasdan kulang kung ano'ng susunod niyang gagawin ngunit nanatili siyang nakatayo habang nakatalikod sa akin. I know there's something in his mind that he couldn't tell, but I don't know how to encourage him to speak, so what I did is to wait for him.


"Welcome home," ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig at tumagos sa buo kong pagkatao.

"Y-Yeah. I'm home," sagot ko sa kaniya at kahit hindi niya ako nakikita'y ngumiti pa rin ako. Bumuhos ang luha ko na mabilis ko ring pinunasan.

I couldn't help it but to looked back on the past. This house was the only home I've had. Masyado akong naging komportable na tila ba ayaw ko nang umalis dito dahil pakiramdam ko'y safe ako, malayo sa kapahamakan. And then one night, I met him. Mabuti na lang din at hindi niya ako pinalayas dahil napagkamalan ko siyang magnanakaw.


Sa tuwing iniisip ko iyon ay natutuwa't nahihiya pa rin ako. If only I could bring back the past, I will, always. I want to go back to the past where everything was just us. Pero hindi naman ganoon kadali iyon. Ang dami nang nagbago. Na sa kasalukuyan kamiʼt may problemang kinakaharap na kinakailangan naming tapusin.


At kapag natapos ang lahat ng ito, hindi ko alam kung may pag-asa pa ba.


Napabalik ako sa reyalidad nang maglakad siya papalayo. Mabilis akong tumayo para sundan siya.

"Wait, H-Harrison." Huminto siya sa harapan ng hagdan at humarap sa akin. He's directing a chilly stare my way, and I couldn't maintain eye contact. Instead, I focused on examining the veins in his hands.

"If you have something to share, please go ahead, as I'm eager to get some rest."


Lumunok na muna ako ng laway dahil nanunuyo ang lalamunan ko.

"Look, we genuinely wanted to help you. Your dad was deeply concerned about you, and he regrets that he couldn't protect you. Pinagsisihan niyang pinilit kang magpakasal sa babaeng iyon. Kung bibigyan mo lang sana siya ng isang pagkakataong patunayan na proud na proud siya sa 'yo, he'll gladly accept that."


"Inutusan ka ba niyang sabihin iyan?" Mabilis akong umiling dahil iyon naman talaga ang totoo.


"H-hindi."

"Fine. You can help, not them. They can go home tomorrow," aniya bago ako iniwan at umakyat sa kaniyang kuwarto.


Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa kaniyang sinabi. Kaya nang mawala siya sa paningin ko'y mabilis kong dinukot ang cellphone sa bulsa at kaagad na ini-message si Tito sa kung ano'ng napag-usapan namin ni Harrison.

Ngunit bago ko pa ma-i-send ang mensahe ko, mabilis na bumalik si Harrison kaya napatingin ako rito.

"A-And you'll be sleeping in my room." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi. I was on the verge of inquiring why, but he spoke once more. Na siyang ikinagulat ko pa lalo nang husto. "What? We-we're still together, right?" he said and left me hanging.


——


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Imbes na i-message si Tito kanina ay tinawagan ko na lang ito. Saglit akong lumabas ng garden para makapag-usap kami. Pagkatapos ay nagmasid-masid na muna ako sa paligid. Sinusubukang intindihin iyong mga sinabi ni Harrison kanina.

Hindi pa raw kami hiwalay.

Para iyong sirang plakang nagpaulit-ulit sa aking isipan. Sinubukan kong balikan iyong mga nakaraan at malabo na sa akin kung naghiwalay ba talaga kami o hindi, pero hindi ba dapat ay wala na? Dahil nakapag-asawa siya? Hindi ko alam! Mas lalo akong naguguluhan. Akala ko ba ay galit siya sa akin?

Bumuntonghininga ako. May kaunting tuwa sa puso ko ngunit mas nanaig ngayon sa akin ang takot. Hindi lang simpleng mga tao ang kalaban namin kundi isang malaking sindikato. Nasabi ko na iyong plano ko ngunit hindi ko alam kung magtatagumpay ba kami. Papaano kung mangyari ulit ang nangyari sa nakaraan? Papaano kung sa ikalawang pagkakataon, muli na naman akong maiiwan?

Taimtim akong nanalangin na sana'y tulungan Niya kami sa laban naming ito.

Bago pa man ako manigas sa lamig ay bumalik na ako sa loob ng bahay. Pinatay ko na muna ang mga ilaw sa ibaba bago ako umakyat sa taas. Ngayon ang takot ay napalitan ng kaba, kaba dahil makakatabi kong matulog si Harrison. It's been a while.

Kumatok ako sa kuwarto ngunit walang sumasagot, kaya sinubukan kong pihitin ang doorknob at hindi naman ito naka-lock. Dumoble ang kabang nararamdaman ko nang unti-unti kong buksan ang pinto nitong kuwarto.

The room was dimly lit from the open window, where a faint glow emanated from the full moon outside. I entered cautiously as I noticed that Harrison was already sleeping.

Pumasok na muna ako sa banyo upang maglinis. May nakita rin naman akong pampatulog na nakatupi sa tabi ng lababo kaya iyon na lang ang kinuha ko't isinuot. Na sa kabilang kuwarto kasi ang maleta ko at nakalimutan kong kumuha nito. Nang matapos ay kaagad akong lumabas. Dahan-dahang lumapit sa kama at saka nahiga. Tumingin na muna ako sa katabing mahimbing nang natutulog.

Due to the moonlight casting its gentle glow, I could discern his serene visage, his eyes shut in peaceful repose. A smile formed on my lips as memories of the past flooded my thoughts. It was two years ago when he was the one who changed my life completely. At, gagawin ko ang lahat-lahat nang makakaya ko, matulungan ko lang siya.

Marahan akong tumalikod at ipinikit ang mga mata. Ilang minuto lang ay napasinghap ako nang may malalaking brasong yumapos sa akin.

"I miss you so much, Conan."

Ipinatong ko ang braso ko sa kaniyang braso at hindi na sumagot. Dinama ko na lang ang init na nagmumula sa kaniyang hubad na katawan.

If only we could stay like this forever.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top