CHAPTER 37
THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 37
C O N A N
SABAY-SABAY kaming napalingon sa nagsalita. Nagulat ako dahil sa laki nang pinagbago niya. Dati, malinis at shaved ang kaniyang balbas sa mukha at malinis ang gupit niya sa kaniyang buhok. Pero ngayon ay kabaliktaran ng nakaraan. May kahabaan na ang kaniyang buhok na magulo pa, pati na rin ang kaniyang balbas, at ang kaniyang pananamit ay malayong-malayo na rin sa kilala kong Harrison.
At nararamdaman kong pati ang kaniyang personalidad ay tila ba nagbago na rin. Isang taon pa lang ang nakalilipas ngunit bakit ganito na kaagad ang mga nangyayari?
"S-Son..." Pinutol ni Tito ang katahimikan sa pagitan naming lima. "We're here to help," ani Tito.
But Harrison didn't answer him, not even looking at him. Instead, he look straight into my eyes and I could feel something that I couldn't explain. Tumitig lang siya sa akin na tila ba pinag-aaralan niya ang buo kong pagkatao. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya nang matagal, kahit noon pa man ay palaging ako ang talo sa tuwing nagkakasalubong ang aming mga mata.
"Go home and leave. I don't need your help," malamig at puno ng galit ang pagkakasabi niya sa bawat salitang iyon. Tagos iyon sa aking puso na nakaramdam nang kaunting kirot.
"Tol, this isn't the time to hate your father. You need our help," sabi ni Marcus kaya naramdaman ko ang pag-iwas nito ng tingin sa akin at ibinaling iyon sa kaibigan.
"Makakasagabal lang kayo, lalo pa't sarili niyo lang iniisip ninyo. Kaya kung puwede ba, umalis na lang kayo dahil hindi ko kailangan ng tulong ninyo," he firmly said and turn his back on us.
Mabilis siyang naglakad, kaya mabilis ding gumalaw ang mga paa ko upang sundan siya. Lumabas siya ng kaniyang bahay at mabilis na naglakad papalayo. Tinawag ko siya ngunit tila ba wala siyang naririnig at tuloy-tuloy ang ginawa niyang paglalakad. Malayo-layo pa ang pagitan naming dalawa dahil malalaki ang kaniyang hakbang habang ako'y hapong-hapo na sa kahahabol sa kaniya.
Ngunit nagulat ako nang huminto siya, malayo na sa kaniyang rest house. Malayo sa mga kabahayaan. Kaya mabilis akong naglakad upang lapitan siya.
"Salamat naman at huminto ka," ani ko habang hinahabol ang hininga matapos ang mahaba-habang paglalakad.
"Why did you follow me?" Tulad kanina nang sagutin niya sina Marcus at Tito, malamig pa rin ang kaniyang boses. Walang ka-emo-emosiyon sa boses nito.
Hindi ako nakasagot kaagad dahil sa pagod. Huminga na muna ako nang malalim at panandaliang tumingin sa paligid. Na sa mataas na parte pala kaming dalawa nitong lugar kung saan siya bumili ng rest house. Kita rito ang malawak na bundok na punong-puno ng mga matataas at berdeng-berdeng mga punong kahoy. Hindi ko na maalala kung nakapunta na ba ako rito noon pero isa lang ang masasabi ko, maganda rito at presko ang malamig na hanging bumabalot sa katawan ko.
"Bakit ba ayaw mong tulungan ka namin?" tanong ko, imbes na sagutin ang kaniyang tanong.
Tumingin ako rito pero sa malayo siya nakatingin, kaya nagawa kong pagmasdan muli ang kaniyang mukha. Kahit na mahaba ang kaniyang balbas at buhok, hindi pa rin nababawasan ang kaniyang ka-guwapuhan. Kahit na iba na ang pananamit niya, nakasuot ng puting damit na pinatungan ng checkered na jacket at maong na pantaloon, sumisigaw pa rin ang kaniyang kakisigan ngunit 'di na 'tulad ng dati dahil parang nangangayat siya.
Hindi ba siya nakakakain nang maayos?
"Hindi ko kailangan ng tulong mo," aniya. Para akong binato nang malalaking bato sa ulo. Kumirot din ang puso ko dahil pakiramdam ko, iba ang kaniyang ipinapahiwatig.
"P-Pero may mga impormasyon akong baka makatulong upang mapadali ang lahat," sabi ko, imbes na pansinin ang kaniyang sinabi. Ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon kahit pa ang puso ko'y naninikip na. I am trying not to burst in tears.
"Save it for yourself. This isn't your fight."
Naikuyom ko ang kamao ko sa inis. Sinamaan ko siya ng tingin pero hanggang doon lang iyon. How could he said that?
"Laban natin 'tong dalawa. What I am fighting for is justice," mariin kong sagot. He turn to look at me but I couldn't figure it out what he's thinking. Malamig na mga titig lang ang ibinabato niya sa akin.
"What I am fighting for is my freedom. We're not the same. Kung hustisya ang hanap mo, magpatulong ka sa mga Pulis." Sumikip lalo ang dibdib ko sa kaniyang mga sinabi. Hindi ko alam kung si tama bang umuwi ako rito at kung tama bang sundan ko siya rito. Hindi ko rin maigalaw ang mga paa ko upang sana'y makaalis na rito.
"Ang dami niyo nang nagawang mabuti para sa akin. Nangako ako sa sarili kong susuklian ko 'yon. Kaya kung ano man po ang ipinaglalaban ninyo, tutulungan ko kayo sa ayaw at sa gusto ninyo."
"Kung gusto mong makatulong, leave me alone. Bumalik ka na lang sa ibang bansa at unahin mo ang mga pangarap mo. That's what you want right? You used me. Ginamit mo lang ako para magtagumpay ka sa pag-abot ng mga pangarap mo."
Hindi ko napigilan ang sarili ko't dumapo ang palad ko sa kaniyang pisngi upang sampalin siya. Napalingon siya sa kaliwa dahil sa lakas ng sampal ko at nanatiling nakatingin doon. Malalakas ang paghinga ko dahil sinusubukan kong pakalmahin ang sarili. Hindi rin ako nakasagot. Pakiramdam ko'y tama siya, kahit pa hindi ako ganoong klase ng tao, pero natamaan ako ng sobra.
Alam kong hindi ako ganoong klase ng tao, pero mas pinili ko pa ring tanggapin ang alokng kaniyang Ama at umalis dahil lang sa may kasunduhan kami ni Tito. Kasalanan ko ito. Kaya dapat ay ako ang aayos nito, kahit na ano man ang kapalit, maibalik ko lang sa dati ang lahat. Makita ko lang na nakangiti si Harrison. Ayos nang ako ang wasak, huwag lang siya.
"I-I'm sorry," sagot ko't mabilis siyang tinalikuran at bumalik sa kaniyang rest house.
--
MADILIM na sa labas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Harrison. Napagdesisyunan namin nina Tito na ako na lang muna ang manatili rito at sila nama'y sa isang hotel malapit dito. Hindi kami makakapagsimula sa mga plano kung wala si Harrison.
He needs us and we need him as well. We have to work together. Dahil kapag magkakaiba kami ng plano ay mas lalong mahirap kalabanin ang kalaban.
Nakapagluto na rin ako ng pagkain. Dinamihan ko dahil napansin kong nangangayat siya, at malalim iyong kaniyang mga mata na tila ba kinukulang siya ng tulog. Lahat ng niluto ko'y kaniyang paborito na palagi niyang ipinapaluto sa akin noon. Pero bakit ba hanggang ngayon ay wala pa rin siya?
I've tried calling his number but I couldn't reached him. Marahil ay nagpalit na siya ng number kaya hindi ko na makontak ang dati niyang number.
Ngunit nakahinga naman ako nang pumasok si sir Harrison. Kasalukuyan akong nandito sa sala upang siya'y hintayin. May bitbit siyang bote ng alak sa kamay pero matuwid pa rin naman siya kung maglakad. Napatingin siya sa akin.
"What are you still doing here?" he asked once again, using his cold tones.
I didn't answer him, "nagluto ako ng mga paborito mo. Alam kong gutom ka na," I said instead.
"Tapon mo na lang. Kumain na ako," sagot niya at lalampasan na sana ako nang hawakan ko siya sa braso. He glared at me but I didn't let him go. Mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kaniya.
"Kumain ka ulit. Don't you remembered what you've said to me before? Ayaw mong sinasayang ang mga pagkain?"
"I don't and I don't have time to remember the past," he answered.
"Fine! Magpakalunod ka sa alak na wala man lang laman ang iyong tiyan. You were trying to have your freedom back, right? Pero sa ginagawa mo, kapag namatay ka, sa tingin mo kaya maibabalik mo iyon?"
"Tch," tanging kaniyang sagot at mabilis na hinawi ang kamay ko. Imbes na umakyat, lumiko siya papasok sa kusina kaya napangiti ako.
Alam kong nagtitigas-tigasan lang siya. Bibigay rin siya.
*****
Akala ko malapit na, mukhang may suyuan pang mangyayari. Hi! good to be back. Sorry medyo natatagalan ito, busy talaga. School, work, tapos dagdag pang tatakbo ako as SK Kagawad dito.
but Thank you! Thank you so muchhhh! muah.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top