CHAPTER 35

THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 35



C O N A N

Dahil sa ibinunyag ni Tito sa akin na muli na namang lumayas si sir Harrison, hindi ako kaagad nakasagot. Nagulat ako. Hindi ko inaasahan na muli na naman niya 'yong gagawin, at ito na ang pangatlong beses na umalis siya ng hindi nagpapaalam. Ang unang paglalayas niya ay noong pumunta siya ng Baguio, at ang sumunod ay noong umalis ako pero isang buwan lang ay bumalik din siya.

Tito told me that everything was fine. He was doing fine after I left. Unti-unti na niyang natatanggap ang lahat pero bakit ganito?

"Where did he go?" tanong ko, nakatingin ako kay Tito. I was hoping that he could tell me the exact location of his son.

"We don't know. Pumunta kami ng Baguio, hoping to see him there, but he wasn't."

Napabuntonghininga na lang ako dahil sa kaniyang naging sagot. Saan naman kaya siya nagpunta? Tumingin ako sa labas. Wala pa ring pinagbago ang Pinas, traffic pa rin. Muli akong lumingon kay Tito.

"Bakit po siya umalis? What exactly happened?" I asked.

"He found out the truth," sagot niya. "I'm sorry, I wasn't able to fight back before."

Nalaman niya ang totoo? Hindi lingid sa akin ang lahat-lahat. Kung bakit hindi kami puwede ni sir Harrison, kung bakit ako pinaalis ni Tito ng bansa noon, at kung bakit kailangan magpakasal ni sir Harrison kay Dolores. Alam ko ang lahat. Kaya rin ako pumayag sa plano ni Tito ay dahil na rin sa kaligtasan naming lahat.

The Maguire clan was known for being a criminal and manipulative. Malakas naman ang kapangyarihan ng mga Alcantara ngunit hindi sa masamang gawain. Dolores Maguire used her background to manipulate Tito. Para mapasunod niya ito sa lahat ng kagustuhan niya. At kapag hindi sumunod si Tito, ipapapatay nito ang lahat ng kaniyang anak.

Natakot si Tito, that's why he had no choice but to follow her orders. Pinaalis ako ni Tito ng bansa hindi dahil sa ayaw niya kaming magsama ni sir Harrison, kundi dahil sa gusto niya akong protektahan. Harrison didn't know the truth, dahil kapag ka nalaman nito ang katotohanan, baka malagay sa alanganin ang pinaplano ni Tito. And now that he knew it already, we don't know what would happen.

--

Nakarating kami sa mansion ng mga Alcantara. Ngayon lang ako makakapasok dito. Napakalaki nito. Old style rin ang mansion pero sumisigaw pa rin ang karangyaan dahil sa napapanatili ang kalinisan dito. Malawak ang garden sa harapan ng bahay kung saan mayroong fountain na may sirena sa gitna. I couldn't help but to smile seeing the flowers bloom. I miss my hometown where I grew my flowers and talk to them like they could understand me.

"Welcome home, Conan," ani Tito nang makapasok kami sa loob ng mansion. May dekorasyon kung saan nakasulat ang 'welcome home, Conan' na siyang ikinagulat ko. Nakatayo roon ang mga kasambahay at iilang mga taong hindi ko kilala.

"B-Bakit pa po kayo nag-abala?" ani ko at hindi ko mapigilang mapaluha. They treated me like their family.

"You deserved a little celebration for sacrificing a lot. Without you, I won't be able to realize that I was just a father, but I wasn't fathering at all."

"TAMA NA ANG DRAMA! LET'S GO PARTY-PARTY NAAA!" Napatingin ako sa sumigaw. Si Andrei na may hawak na bote ng alak. "Hoy! Felix, uminom ka. Hindi ka na bata! Dapat nga nabinyagan ka na, e."

Natawa ako dahil sa kaniyang inaakto. Inawat naman siya ni sir Henry. Dahilan para magtawanan kaming lahat.

--

Pagkatapos nang maikling salo-salo, sa kuwarto ni sir Harrison ako pinatuloy ng kaniyang mga magulang. Kaya inilapag ko na ang bag ko sa kama at tumingin sa paligid. Malinis ang kuwarto na tila ba hindi ito nagagamit ng kung sino.

"Simula nang umalis ka, hindi na siya umuwi rito. Even after their wedding, we barely see him." Napatingin ako rito, si Tita Helen, mommy ni sir Harrison. Naupo siya sa tabi ko kaya humarap ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mga kamay.

"Huwag po kayong mag-aalala, gagawin ko po ang lahat nang makakaya ko para lang mahanap si sir Harrison."

"Thank you, Conan. Thank you for being brave, and the same time, for waiting. We were really sorry dahil wala kaming magawa, hawak nila ang leeg ng pamilya namin."

"Kahit po gaano katagal, maghihintay po ako. Naniniwala po kasi akong darating din 'yong araw na magiging maayos ang lahat. He taught me to have patience always because at the end of the rain, there will always a rainbow."

Pagkatapos naming magkuwentuhan ni tita Helen ay lumabas din siya ng kuwarto. Naglinis naman ako ng katawan at nagpalit ng pantulog. Pagod na ako at antok na antok pa. Pero simula bukas, hindi ako puwedeng mapagod, kahit pa libutin ko ang buong mundo, mahanap lang siya'y gagawin ko.

--

KINABUKASAN nga'y maaga akong nagising. Nagpatulong pa ako sa kasambahay na nakasalubong ko dahil hindi ko mahanap kung nasaan ang kusina. Kaya inihatid niya ako rito kung saan naabutan ko sina Tito, Tita, ang kanilang mga anak maliban kay sir Harrison, si Andrei, at dalawa pang taong hindi ko pa kilala pero iyong katabi ni Hunter ay si Felix kaya 'yong isa na lang na katabi ni Harold.

Naupo ako sa tabi ni Andrei dahil iyon lang ang bakanteng upuan.

"Good morning, sis! Nakatulog ka ba nang maayos?"

"Good morning. Nakatulog naman ako nang maayos."

"Wala naman. Buti na lang talaga soundproof lahat ng kuwarto dito. 'Di ba, Felix?" ani Andrei at tumingin kay Felix na pulang-pula na ang buong mukha.

"O-Opo. Maingay po kasi ako matulog," sagot niya at umiwas ng tingin.

"We? 'Di mo sure!" At tumawa si Andrei.

Kumain rin naman kami nang dumating ang mga pagkain. Tahimik lang ang lahat kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para makapag-isip sa kung saan magsisimulang hanapin si sir Harrison. Saan naman kaya siya pupunta?

"What are your plans, Conan?" Tumingin ako sa nagsalita, si Harold. Kaya napatigil ang lahat at tumingin sa akin.

"Balak ko po munang kausapin si Dolores. Maybe she could help us find her husband," sagot ko.

"It's too dangerous. That's suicide," segunda ni Hunter.

Naguluhan ako. "B-bakit po? Ano po'ng mayroon? Alam kong masamang tao si Dolores, pero hindi pa naman po niya alam na alam natin lahat ang plano niya noon."

"Bago umalis si Harrison, nakausap ko siya." Napatingin kami sa nagsalita, ang kararating lang na si Marcus.

"Marcus, what are you doing here?" tanong ni tito.

"Narinig ko po kasing umuwi si Conan, Tito," he answered and turn his glance at me. "Sinabi niya sa akin na nagkasagutan silang dalawa. Doon din niya nalaman na plano ni Dolores ang lahat. He was trying to fix this messed by gathering all the information para pabagsakin ang mga Maguire. Hindi niya sinabi kung saan siya nagtatago, ang alam ko lang ay gusto niyang lahat kayo'y ligtas, lalo ka na, Conan."

*****

There's a lot of information that needs to be unfolded. please, stay tuned for more chapters! Konte na lang ba talaga?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top