CHAPTER 34
THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 34
C O N A N
ONE YEAR LATER...
It's been a year since that unexpected events happened to my life. It was amazing at first but at the end, it only gives me pain. It wasn’t a mistake, because I chose to be in that situation kahit na alam kong sa huli ay ako lang ang masasaktan.
Pero hindi naman ako nagsisisi. Naging masaya pa nga ako. Because that pain gave me strength to stand on my own two feet. I was able to let go and fight the fear in me.
It takes a month for me to finally realized that everything has changed. Wala akong ibang ginawa kundi ang magmukmok sa aking kuwarto at umiyak nang umiyak. Nahirapan pa akong mag-adjust sa bagong environment ko ngayon. Hindi naging madali pero proud ako sa sarili ko na lahat ng iyon ay kinaya ko nang walang kasama.
One year ago, I leave the country where I was born. Hindi ko aakalaing tatagal ako rito dahil sa lungkot at pangungulila araw-araw. I was vulnerable for the first month. Nahihirapan pa akong makipag-usap sa ibang tao pero kinaya ko naman, unti-unti kong natututuhan iyong mga nakasanayan nila rito.
"You passed out again." Napatingin ako rito. Nakakunot ang kaniyang noong nakatingin din sa akin.
Ngumiti ako at umiling. "May iniisip lang kasi ako," sagot ko.
"Ako ba iyan?" he asked, but I didn't answer him.
Six months ago nang makilala ko si Lionel. He was half Filipino and half American. Dito na rin siya ipinanganak ngunit walang bahid ng pagkabulol ang kaniyang pagtatagalog. Aniya, Tagalog daw siya kung kausapin ng kaniyang Ina. We became friends, but two months ago, he confessed his feelings. Natakot ako kaya hindi ako nakasagot, hanggang ngayon. Hindi ko alam.
Mabait naman si Lionel, pati ang kaniyang mga magulang ay napakabait din. Alam din nila ang kasarian nito pero ewan ko ba, na sa akin ang problema.
Maybe because I am not ready to fall again? Mahirap na, baka kapag nagmahal ulit akoʼy matulad na naman sa dati o baka nga mas worst pa roon.
"Kumain na lang tayo, nagugutom na ako, e," sagot ko sa kaniya at tiniklop ang librong binabasa ko kanina bago tumayo sa aking kinauupuan. Ibinalik ko iyon sa shelve kung saan ko kinuha, ganoon din ang ginawa nito.
Na sa library kami nitong University kung saan kasalukuyan akong pumapasok. Kumukuha ako ng kursong Business Administration. Nang pumunta ako rito, saktong kasisimula pa lang ng klase at ilang araw na lang ay magtatapos na ito. But I still have 3 years to go, or I don't know, maybe I will stay here for a while after graduating.
--
Pagkatapos naming kumain ay inihatid na ako ni Lionel sa aking condo. Mag-isa lang ako rito. Nagpaalam din ito dahil maghahanda pa raw siya para sa kanilang family dinner mamaya. Niyaya naman niya ako pero hindi na ako sumama. Mabait ang pamilya ni Lionel pero 'di naman ganoon kakapal ang mukha ko para makisama pa sa kanilang family dinner.
Tiningnan ko ang orasang nakalagay sa aking study table. Alas-siyete na ng gabi, ibig sabihin ay alas-siyete ng umaga sa Pilipinas. Naupo ako sa kama at saka kinuha ang cellphone sa loob ng aking bag. Pagbukas ko ay ang lockscreen ang siyang unang bubungad sa akin. I couldn't stop myself but to smile.
Picture ko iyon nang na sa Baguio pa lang ako. May hawak akong strawberry habang nakangiti sa camera kung saan siya ang kumuha nito. But the smile on my lips fades away as I remember that everything was already in the past, I should've move on.
Binuksan ko na lang ang social media accounts ko para tumingin ng mga messages. Iilang messages lang ang natanggap ko, kay Lionel na kagabi pa pero hindi ako nakapag-reply, kay Riley na madalas ay kausap ko rin 'pag may oras kaming dalawa, at kay Tito.
Binuksan ko ang conversation namin ni Tito at binasa ang mensaheng kaniyang ipinadala.
"Go home, he needs you. I'll send your flight info and go back to the Philippines immediately."
Bigla akong kinabahan, hindi ko alam. May nangyari bang masama? Palagi naman akong ini-u-update ni Tito sa mga nangyayari sa kaniya, at wala namang masamang nangyayari pero ngayon hindi ko alam.
I immediately typed my replies. "Tito, what happened?" I texted back. Online siya kaya mabilis itong nakapag-reply.
"I'll tell when you get here. Please, Conan. I'm so sorry," he said.
Hindi na ako nakapag-reply pa dahil sa naguguluhang damdamin. Kaagad ko namang natanggap ang flight info na ipinadala ni Tito sa akin. Mabilis kong inayos ang mga gamit na dadalhin ko, and after checking everything, kaagad akong umalis doon. Sa Airport na lang ako maghihintay.
Pagdating ko roon ay kaagad akong nag-message kay Lionel. Sinabi kong babalik ako sa Pilipinas dahil may emergency ako, and I asked for his forgiveness because I can't feel what he felt for me. I know this is stupid but I don't have time. Alam kong magkikita pa naman kami, sana.
Hindi ko na-ini-open pa ang cell phone ko hanggang sa makaalis ang eroplanong sinakyan ko pauwi ng Pinas.
--
More than 12 hours of travel and finally, I was home. Bumungad sa akin ang napakainit na panahon. Hindi ko alam kung ano'ng oras na ba rito. Kaagad kong kinuha ang dati kong Philippine sim card sa aking wallet upang i-activate itong muli. After activating my sim card, mabilis akong nakatanggap ng tawag mula kay Tito.
"Hello, Conan? Nakarating ka na ba? Where are you?" he asked.
"Na sa labas na po, Tito. Nasaan po kayo?" Tumingin ako sa paligid at mabilis ko siyang nakita. He looks the same but with different aura. Hindi katulad dati, seryoso siya at tila ba ang hirap niyang i-please, pero nang tumingin siya sa akin ay kaagad siyang ngumiti.
Mabilis siyang nakalapit sa akin at kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit.
"Finally, you're here. Please, follow me," he said after letting me go.
Kaagad naman akong sumunod sa kaniya at sumakay kami ng kotse niya.
"A-ano po ba talaga ang nangyari bakit niyo po ako pinauwi rito?" I immediately asked while we were inside the car.
"H-He ran away, again."
*****
Few chapters left.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top