CHAPTER 33

THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 33


THIRD-PERSON'S POINT OF VIEW

(Ito iyong nangyari sa Baguio kung bakit naunang umalis si Harrison hanggang sa kasalukuyan)

NAUNANG magising si Harrison kinaumagahan. Tumingin siya sa katabi. Mahimbing pa ring natutulog si Conan, bahagyang nakabukaka ang kaniyang bibig dahilan para gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Harrison.

He's still wondering why this happened to him. He never thought that running away from his father would lead him to this. He was searching for it and now that he found it, he wanted to keep Conan forever. Wala na siyang gustong hilingin pa. Bahala na kung ano'ng isipin ng iba o kung ano'ng sasabihin ng kaniyang Ama. Masaya siya sa piling ni Conan. Siya ang tahanang magtagal na niyang hinahanap.

Hinalikan niya muna ito sa noo at saka bumangon. Bumaba sa kama at pumasok sa loob ng banyo. Mabilis lang siyang naghilamos at nang matapos ay muli siyang lumabas. Saktong tumutunog ang kaniyang cell phone na nasa side table ng kama. Mabilis niya itong dinampot dahil ayaw niyang gisingin ang kaniyang pinakamamahal.

"Hello-" Hindi niya natapos ang sana'y sasabihin nang magsalita ang nasa kabilang linya.

"Nandito ako sa labas ng bahay mo."

Kumunot ang kaniyang noo. Hindi niya nakikilala ang boses ng babae sa kabilang linya. Tiningnan niya ang numero kung nakarehistro ba ito ngunit hindi. He putted his phone back to his ear.

"Sino ka?" he asked, calmly. He doesn't want to ruin his beautiful morning with the thought of whoever this woman is.

"Your wife, Harrison. Your future wife."

Dahil sa sinabi ng babae ay mabilis niyang ibinaba ang cell phone. Nakasuot lang siya ng boxer nang mabilis siyang lumabas ng kuwarto. Binuksan niya ang gate ng bahay kung saan nakapamewang na naghihintay ang isang magandang babae. She's wearing a designer's clothes that matches her bag, with red lipstick and light make up. Pero sobrang ganda pa rin niya. Simple lang ang suot niyang damit pero sumisigaw ang halaga nito, hapit ito sa kaniyang katawan dahilan para mas humubog ang maganda niyang katawan.

"Ms. Maguire," gulat na sabi ni Harrison. Bigla rin siyang kinabahan.

"Oh, common, Harrison. Ganiyan mo ba babatiin ang mapapangasawa mo?" sopistikadang sagot ng babae habang may ngisi ito sa labi.

"I'm sorry?" he answered. Nagtataka siya bakit tila iba ang tono ng babae ngayon samantalang napakahinhin nito nang una siyang ipakilala ng ama bilang mapapangasawa niya.

"Tss. Can I come inside first?" ani ng babae pero hindi pa man siya nakasasagot ay hinawi na siya nito upang ito'y makaraan. Tiningnan muna siya nito mula ulo hanggang paa. "You look damn good," sabi nito bago siya nilampasan.

Kinikilabutan si Harrison dahil pakiramdam niya'y ibang tao itong pinatuloy niya sa kaniyang bahay. Then he remembered that Conan was still sleeping on his bed, wearing his shirt. May nangyari na naman sa kanila kagabi. Mabilis siyang pumasok upang sundan si Dolores dahil mahirap na baka umakyat pa ito sa taas at makita nito si Conan.

"Nice home. You must be comfortable here?" sabi ni Dolores nang makapasok siya sa loob. Nakatayo ito sa harapan ng hagdag at pinagmamasdan ang buong paligid. "I wonder what are your reasons for staying here?"

"What are you doing here?" he asked, calmly. Direkta siyang nakatingin dito.

Lumingon naman ang babae sa kaniya at ngumisi. "May lakad ka ba?" Mahina itong tumawa ngunit hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatayo. Naglakad naman papalapit ang babae sa kaniya at idinampi nito ang palad sa kaniyang dibdib. Mainit ang palad nito. Pinadausdos nito ang palad hanggang sa kaniyang tiyan patungo sa kaniyang hinaharap ngunit mabilis niya itong hinawi at umatras. Tiningnan niya nang masama si Dolores.

"Just answer my question, Ms. Maguire. What are you doing here?"

Napakagat ng labi si Dolores at saka ngumisi. Tila natutuwa itong pagkatuwaan si Harrison.

"Well your father asked me come here. Sa tingin mo ba, hindi niya malalaman kung saan ka nagtatago? You can't run away from your responsibility, Harrison. You can't run away from me," she said. Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy si Dolores. Lumingon siya sa hagdag patungo sa ikalawang palapag. "We knew that you're living with someone, and not just someone but a gay, Harrison. Papaano mo nasisikmurang matulog na katabi ang baklang 'yon?"

Sinamaan niya ito ng tingin. But he couldn't move his finger to hit her. Hindi rin siya makasagot at hindi niya maintindihan kung bakit. Maybe because he's a coward. He didn't have the courage to answer the woman and defend Conan, the only thing he could do is to glare at her.

Tumingin sa kaniya si Dolores. "Ha! Titingnan mo lang ba ako nang masama?" Tumawa ito. "Nandito ako para tulungan ka. Your father will kill that gay if you continue the relationship between the two of you."

Nabingi siya sa narinig. How can a man have the courage to kill an innocent? Papaano nila nasisikmurang gumawa ng labag sa batas? Hindi siya makasagot, bagkus ay nagngangaliti siya sa galit dahil sa ama.

"W-what do you want me to do?" he asked clenching his teeth.

Ngumisi si Dolores at sinabi nito ang plano. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Sumama rito nang hindi man lang nakapagpaalam kay Conan na mahimbing pa ring natutulog. Kinuha ni Dolores ang kaniyang cell phone. Para siyang tuta na napapasunod sa bawat utos ng babae. He couldn't do anything unless gusto niyang mamatay si Conan.

--

Harrison kept his promise that he would never see Conan again but couldn't keep his promises to Conan. Bawat utos ni Dolores ay kaniyang sinusunod. Imbes na umuwi siya sa kanilang bahay o sa kaniyang condo, sa kompanya siya dumeretso kung saan maging si Dolores ay sumunod din sa kaniya.

Nagulat ang mga empleyado niya dahil maaga siyang nakabalik. Alam naman ng mga itong uuwi siya pero hindi nila inaasahang makakauwi siya nang maaga. He concentrated on work even though he had just returned. Dolores was bothering him but he never laid eyes on her.

Alam din niya ang araw ng flight nila ni Conan. Oras nang pagdating nito ay alam na alam niya ngunit hindi siya makaalis ng kompanya para sunduin ito dahil nakabantay sa kaniya si Dolores kahit saan siya magpunta. Hawak din nito ang cell phone niya.

Nangako siya kay Conan na ipapasyal niya ito sa Manila at sasamahang maghanap ng papasukang eskwelahan pero hindi niya 'yon natupad. He asked Marcus to keep an eye to him, pasikreto pa siyang nagpabili ng cell phone sa kaniyang Sekretarya.

"Mr. Alcantara! Cona's here!" narinig niya ang boses ni Marcus sa loob ng kaniyang opisina nang sumunod na umaga. Mabilis siyang bumangon upang lumabas dahil gustong-gusto na niyang makita si Conan pero mabilis na humarang si Dolores, may bitbit itong t-shirt na suot niya kagabi.

Sinamaan siya nito ng tingin at umiling. "Don't try or he's dead," she said as she took off the nightgown she was wearing and replaced it with the t-shirt she was holding. Damit iyon ni Harrison. "I'll talk to them," she added and leave him inside the room.

Narinig niya ang lahat ng sinabi ni Dolores. Gustong-gusto niyang lumabas ngunit hindi niya magawa dahil sa mga banta ng kaniyang ama. He wanted to see Conan and hug and kiss him but he couldn't. Hindi puwede.

"I-I'm sorry," bulong niya habang nakasandal sa nakasaradong pinto.

--

Nang hindi na niya matiis at nakahanap siya ng tiyempo, mabilis siyang umalis ng kompanya at pinuntahan ang Condong tinutuluyan ni Conan. Sinabi ni Marcus kung saan ito kasalukuyang tumutuloy. Nagtataka siya bakit sa Condong iyon tumutuloy si Conan, wala naman siyang biniling bagong unit. Dahil plano niyang tumuloy sa kaniyang Condo.

Pero ipinagsawalang bahala na lang niya 'yon. Siguro ay kay Marcus ito na pinagdadalhan nito ng mga babae niya. Mabilis siyang nakapasok sa loob dahil sa spare key na ibinigay ng kaibigan. Matiyaga siyang naghintay at nang makapasok ang hinihintay ay mabilis niya itong niyakap nang mahigpit.

He missed him so much that he don't want to let him go, however, he doesn't have much time to explain everything to him. Bumitaw siya at hinalikan ito sa noo bago iniwan. Tears suddenly fall from his eyes but he immediately wiped those. Bumalik siya sa kompanya.

"WHERE HAVE YOU BEEN?" Dolores asked, glaring at him. "Kanina pa kita hinahanap. Look at yourself, you looked depressed! Magpalit ka roon. Dad wants to see you," ani ng babae at mabilis siyang iniwanan.

He focused himself on working harder the past few days. Kahit na galit siya sa ama na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkikita, sinusubukan pa rin niyang gawin ang lahat para sa mga palakpak nito. Gusto niya itong maging proud at itigil na lang ang katarantaduhan nito. Pero ni minsan, hindi man lang ito nagpakita sa kaniya.

Kasalukuyan siyang umiinom nang makatanggap siya ng mensahe mula kay Maruc informing him that Conan is leaving the country. Mabilis siyang umalis sa counter ng bar pagkatapos niyang bayaran ang ininom. He drove faster as he can and saw himself standing right in front of his father's house. Pinatuloy naman siya ng guwardiya kaya agad siyang pumasok sa loob ng mansion kung saan nakaupo ang kaniyang ama sa sala habang nanonood ng TV.

"I've done everything, I even followed all your orders. Ni isang salita, wala kayong narinig sa akin. When I was in college, I was proud that you're my father and I wanted to be like you. Pero hindi ko po maintindihan bakit ninyo ito ginagawa? Dahil ba ako lang ang takot sa inyo? Just because you could do everything you want with me? Pa, please, stop this nonsense game."

Tumingin ito sa kaniya. Tumayo sa kaniya harapan at seryosong tumitig lang sa kaniya. "I was just doing this for your own sake, Harrison."

"All my life, you have done nothing but interfere with my decisions. Ni minsan, tinanon mo ba ako kung ano'ng makabubuti sa akin? I see you as my father but I've never feel your fatherhood." Isang malutong na sampal ang natanggap niya rito. Sinamaan niya ng tingin ang ama.

"Hindi mo 'ko naiintindihan, Harrison."

"Mas hindi niyo 'ko naiintindihan," he said and turned his back on him. Nakita niya ang ina na papalapit sa kanilang puwesto ngunit wala na siyang panahon pa para lapitan ito kahit gaano niya ito na-mi-miss. Umalis siya ng mansion para hanapin si Conan at kausapin sa huling pagkakataon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top