CHAPTER 3

THE RUNAWAY BILLIONARE
CHAPTER 3

--

C O N A N

Kahit kulang ako sa tulog, maaga pa rin akong nagising. Maagang-maaga na mas maaga pa sa kadalasang kong paggising. Sinadya ko ʼtong gawin upang makapaglinis, makapagdilig ng halaman, at makapagluto ng breakfast ni Sir Harrison. Ginawa ko ito upang makita niyang masipag ako, na alagang-alaga ko itong bahay.

Hanggang ngayo'y hindi pa rin nawawala ang takot ko. Na baka paalisin na ako nito bilang Caretaker ng kaniyang rest house, dahil nandito na rin naman siya. Hindi na niya ako kailangan pa. At, ang isa pang malaking dahilan ay ang nagawa kong katangahan kagabi.

Hindi ko naman kasi alam na siya pala ang tinutukoy ni Manang Soy na amo namin. Kung alam ko lang sana agad, hindi ko iyon gagawin. Kaya kahit sa ganitong paraan lang, sana'y mapatawad niya ako. Sana'y hindi niya ako paalisin dito.

Hanggang ngayo'y natatakot pa rin ako. Halos sumabog ang puso ko sa kaba. Kung maaari lang na ibalik ko ang oras, kagabi ko pa ginawa. Pero nangyari na, at kailangan ko na lang harapin kung papaano niya ako pagsasabihan nang masama at palalayasin.

Mabilis kong pinunasan ang mga luhang hindi ko namalayang bumuhos. Napakaiyakin ko talaga. Nakakainis! Bumuntonghininga at saka tiningnan ang garden ko rito sa likod ng bahay. Napangiti ako nang mapakla. Ito na siguro ang huling beses na makikita ko sila.

“Magpakabait kayo, ha? At, magpalago. Mapantilihin niyong matingkad ang bawat bulaklak ninyo,” kausap ko rito na imposibleng sumagot.

Pagkatapos ko silang diligan ay muli akong bumalik sa loob ng bahay. Pagpasok ko'y saktong pababa mula sa hagdan si Sir Harrison. Muli akong tinubuan ng kaba at takot nang makita ko siya. Tila ba naestatwa rin ako sa kinatatayuan habang siya'y pinagmamasdan.

Nakasuot lang siya ng simpleng kulay abong pajama at puting T-shirts na bumagay sa kaniya. Magulo rin ang kaniyang buhok. Nang makababa na siya ay saka pa lang ako nito napansin. Na siyang ikinatakot ko lalo. Wala akong nakikitang kahit na ano'ng emosiyon sa kaniyang mga mata maliban sa seryosong mga titig.

"Conan, right?"

Dahan-dahan akong tumango bilang sagot. Nilalakasan ko lang din ang loob ko dahil sa panginginig ng mga tuhod ko.

"Where are the maids I hired? Bakit ikaw lang mag-isa?" sunod pa niyang tanong, bahagya rin na inilibot ang tingin sa paligid.

Lumunok na muna ako bago ako sumagot, “t-tuwing Sabado at Linggo lang po sila bumibisita, Sir. I-Isa pa po, kaya ko naman pong linisan mag-isa itong rest house ninyo.”

Muli siyang tumingin sa akin. Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa. Sasabog na yata ang puso ko sa kaba.

“You look like you're incapable of doing the chores. Talaga bang kaya mo?”

Sunod-sunod akong tumango. "Opo, sir!" napalakas kong sagot, na mabilis kong napagtanto at sabay takip sa aking bibig. "S-Sorry po."

“Okay. From now on, ikaw na lang ang maglilinis nitong buong rest house. Ikaw ang gagawa ng lahat ng gawain dito. Kaya mo bang magluto?” Muli akong tumango, nakatakip pa rin ang mga palad sa bibig. "That's good and that would be your punishment for putting this to me," dagdag niya, habang tinuturo ang bukol sa kaniyang noo.

Hindi ko iyon napansin pero ngayo'y kitang-kita ko na kung gaano ito kalaki. Napalunok na naman at mabilis na napaiwas sa kaniya ng tingin.

"O-Opo. Makakaasa po kayong gagawin ko ang lahat mapatawad niyo lang po ako sa nagawa ko. H-Hindi ko po talaga sinasadya iyon. Akala ko po kasi-" Natigil ako nang magsalita ito.

“You don't have to explain everything. I understand but I will not let it go, I just want this to be a lesson to you. Is that clear?”

Nagpasalamat ako dahil ganoon lang ang pinapagawa niya sa akin at hindi ang paalisin sa kaniyang bahay. Umalis din siya pagkatapos naming mag-usap. Tumungo siya sa kusina dahil sinabi kong nakahanda na ang kaniyang almusal. Sumunod lang ako pagkatapos kong ilagay sa storage room ang hose na ginamit ko sa pagdilig ng mga halaman kanina.

Naabutan ko si Sir na kumakain na. Dali-dali akong kumuha ng pitsel ng tubig at saka nagsalin ng tubig sa kaniyang baso. Tumingin siya sa akin.

"Kumain ka na rin," aniya.

Inilapag ko ang pitsel ng tubig sa mesa bago siya sinagot, “mamaya na po. ʼPag natapos na kayo.”

"No insist. You should join me. And that's an order."

"S-salamat po," sagot ko at saka naupo sa bakanteng upuan. Ibinalik na rin niya ang pansin sa pagkain. Ako nama'y kumain na rin.

--

Inabala ko ang sarili sa paglilinis. Kahit na malinis naman ang buong bahay ay pinapanatili ko pa rin ang kalinisan nito. Nagtungo naman ako sa likod ng bahay kung saan may malaki pang espasyo rito na hindi natatamnan ng mga halaman. Bigla akong nakaisip ng magandang ideya. Matagal ko na itong pinaplano ngunit hindi ako makahanap ng tiyempo dahil nga nag-aaral ako, pero ngayon na tapos na ang semester namin ay may oras na ako para dito.

Bumalik ako sa loob at kumuha ng rake, ng pala, iyong maliit na pala, at saka ang wheelbarrow. Dinala ko ang mga ito sa likod ng bahay, sa espasyong tinutukoy ko, at saka sinimulan ang trabaho.

Inuna kong tanggalin ang mga damo. Bago ako nagsimulang magbungkal ng lupa. Nang mapagod ay sandali akong huminto at saka pinunasan ang pawis sa noo gamit ang suot kong damit. Hindi ko na pinansin na punong-puno na pala ako ng lupa sa kamay maging sa suot kong damit.

"What are you doing?" Napalingon ako rito, muntik pa akong mapatalon sa gulat. Bumungad sa akin si Sir Harrison na nakakunot noong nakatingin sa ginagawa ko.

Ang kaninang kaba ko ay biglang bumalik. Papaano na 'to? Baka tuluyan na niya akong palayasin dahil sa pakikialam ko sa kaniyang bakuran.

"B-Balak ko pong magtanim ng mga gulay rito, Sir. P-Pasensiya na po sa pakikialam at sa hindi pagpapaalam," sagot ko, yumuko dahil hindi ko siya kayang titigan nang matagal.

Pakiramdam ko'y para akong hinihigop ng kaniyang mga mata at hindi ko alam kung ako'y makakabalik pa sa reyalidad.

“No. I mean, why are you doing this? Pinapagod mo lang ang sarili mo sa mga bagay na hindi naman maa-appreciate ng iba.”

Naiangat ko ang tingin dahil sa sinabi nito. Hindi ko siya lubos na naiintindihan. Pero ramdam ko sa tono ng boses nitong may pinanggagalingan ang kaniyang sinabi.

Ngumiti ako. “Masaya po ako sa ginagawa ko. Hindi ko na pinapakinggan ang sasabihin ng iba. At ang totoong pagod po ay kapag nawalan ka na ng gana gawin ang bagay na nakakapagpasaya sa 'yo,” sagot ko.

Nakatitig lang siya sa akin ng ilang segundo bago siya kumurap. Napansin ko ang pagbuntonghininga niya. Tumingin siya sa paligid at saka muling tumingin sa akin.

“Puwede ba kitang tulungan sa ginagawa mo?”

Mas lumawak ang ngiti ko sa tanong niya. Sunod-sunod akong tumango. Nakakatuwa. "Puwede po, puwede po!" masigla kong sabi. Kinuha ang rake at saka iyon binigay sa akin. "Ito po, gamitin niyo para mas ma-pulverized po ang lupa na hindi nadudumihan ang iyong kamay."

Kinuha niya iyon. "Okay." At, saka sinimulan ang trabaho.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top