CHAPTER 28

THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 28

C O N A N


SAKAY kaming muli ni sir Marcus ng kaniyang kotse. Patungo kami sa syudad upang mamasyal, ayon sa kagustuhan ko. Tahimik lang kaming dalawa. Ni isang salita ay walang lumalabas sa aming mga bibig, habang siya’y nagmamaneho at habang ako’y nakatingin lang sa labas. Kahit wala naman akong ginagawa ay bigla akong napagod.

“Ano’ng kurso nga pala ang kukunin mo?” pambabasag ni sir Marcus sa nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Sa totoo lang, ang dami-rami kong gustong matutuhan pero bigla iyong nawala’t mas gusto ko na lang matutong makalimot. Gusto kong kalimutan ang lahat nang nangyari nang makilala ko si sir Harrison. Gusto ko na lang bumalik sa dating ako; nag-iisa at tanging sarili lang ang kasama.

Bumuntonghininga ako at saka tumingin sa kaniya. “Hindi ko pa po ala. Dati-rati’y gusto kong maging guro pero ngayon parang gusto ko pong mag-culinary arts,” sagot ko sa kaniya. Sinusubukan kong pasiglain ang boses dahil ayaw kong pati siya’y maapektuhan. Isa pa, nakahihiya ring pumayag sa kagustuhan niyang samahan na lang ako ngayon.

“There’s a lot of culinary schools here. We should ask Tito for assistance,” aniya. Tumango-tango lang ako. Siguro ay iyon na lang ang kukunin kong kurso at kapag nakapagtapos ako’y mag-a-abroad na lang ako o hindi kaya’y babalik ng Baguio para doon magsimula nang panibago. Mas mabuting ituon ko na lang ang buo kong atensiyon sa pag-aaral. “We’re here,” dadag ni sir Marcus.

Tumingin ako sa labas. Narito kami ngayon sa Mall of Asia. Nag-park lang siya’t sabay kaming lumabas ng kaniyang kotse. Sumunod lang ako rito hanggang sa makapasok kami sa loob. Maraming tao; pamilya, magkakaibigan, magkasintahan na maghihiwalay rin kalaunan, at nag-iisa lang ang mga nandito. May iba’t ibang ginagawa, iyong iba’y naglalakad lang at ang iba naman ay tumitingin-tingin sa mga shops na nandito.

“So, what do you want to do first?” tanong ni sir Marcus.

“Hindi ko po alam. Ano po bang magandang gawin dito?” tanong ko, kasi wala naman akong naiisip. Mayroon namang mall sa Baguio pero hindi naman ako madalas pumunta roon kaya wala akong ideya sa kung ano’ng gagawin maliban sa pagtitingin ng mga presyo ng mga damit at iba pa.

“How about we watch a movie?”

Tumango ako. “Sige po, basta ‘wag iyong nakakaiyak,” pagbibiro ko kahit na totoong ayaw ko ng ganoon. Ayokong umiyak dito. Dapat ay masaya ako dahil nandito ako, makapag-aaral ako.

Tumawa lang si sir Marcus at sumang-ayon din. Tinungo namin ang floor kung saan ang sinehan. Nang makarating kami roon ay sinabihan niya akong maghintay lang sa tabi dahil bibili na muna siya ng ticket. Tumayo ako malapit sa entrance ng sinehan. Napatingin ako sa paligid nang makaramdam ako ng tila ba may nakatingin sa akin ngunit wala naman dahil abala ang mga taong nandito sa kani-kanilang ginagawa. Nagkibit-balikat na lang ako.

Ilang minuto lang ay nakabalik na si sir Marcus, bitbit ang dalawang ticket at mga pagkain sa kaniyang braso. Kukunin ko sana iyon sa kaniya dahil nahihirapan siyang bitbit iyon ngunit mabilis niyang inilayo.

“I can do it. Just take the tickets.” Sumunod na lang ako at nauna nang pumila sa entrance ng sinehan.

--

    KAHIT papaano’y nalibang ang maghapon ko. Inabot kami ng halos limang oras kapapasyal dito sa syudad. Naglaro din kami sa time zone at nakakuha nang malaking premyo. Nagpapasalamat ako dahil sinamahan ako ni sir Marcus kahit pa paminsan-minsan ay tumitingin siya sa kaniyang cell phone na alam kong tungkol iyon sa kaniyang trabaho.

“Puwede ninyo na po akong ihatid,” sabi ko nang sa muli ay nakatingin na naman siya sa kaniyang cell phone. Hapon na at nandito kami sa isang coffee shop.

Tumingin siya sa akin. “Why?”

“Sa tingin ko po, kaya ko na pong mapag-isa,” sagot ko.

“But-“

Pinigilan ko siya. “At alam ko pong busy kayo pero mas pinili niyo akong samahan. Marami pong salamat, kahit papaano’y gumaan ang pakiramdam ko.” Ngumiti ako upang ipakita sa kaniya ang sinseredad sa aking boses.

Ngumiti siya. “Don’t think about it…” aniya at saka bumulong ngunit hindi ko iyon narinig nang maayos.

“Ano po iyon?”

Tumawa siya’t ngumisi. “Nah don’t mind it. Pero ayos lang bang ihatid na kita?” Tumango lang ako. “Alright. Let’s get you home.”

Pagkatapos niyang magbayad ay kaagad kaming umalis doon. Ilang minuto lang ay nakarating kami sa condo building na tinutuluyan ko pansamantala. Ihahatid pa sana niya ako hanggang sa aking unit ngunit hindi na ako pumayag at dali-daling nagpaalam dito.

Sumakay ako ng elevator at hindi nagtagal ay nakarating sa harapan ng condo ni sir Marcus, na pansamantala kong tutuluyan habang ako’y nandito. Pero plano ko rin namang umalis dito at maghahanap na lang nang maliit na uupahan at raket. Nakakahiya na. Hindi naman dapat nila ako tinutulunga dahil isa lang akong probinsiyano’t wala silang mapapala sa akin. Ayokong iasa sa kanila ang lahat. Nais kong tumayo na sa sariling mga paa habang maaga pa.

Bumuntonghininga ako. Dinukot ko ang keycard sa aking bulsa at kaagad na binuksan ang pinto. Mabilis akong pumasok sa loob at ni-lock iyon. Kanina ko pa napapansin na tila ba may nakamasid sa akin kaya natatakot ako. Nang haharap na sana ako upang tumungo sa aking kuwarto’y may bigla na lang humawak sa aking braso’t hinila ako paharap at mahigpit na niyakap.

“Fck! Shit! I’m so so sorry.”

Hindi ako makagalaw. Hindi rin ako makapag-isip ng tama sa mga oras na ito. Ang alam ko lang ay yakap-yakap ako ni sir Harrison habang paulit-ulit siyang humihingi ng tawad na nagmistulang sirang plaka, hanggang sa mabingi na ako nang tuluyan. Gusto ko siyang itulak at pagsasampalin ngunit bakit hindi ko magawa?

“I’m sorry,” muli na naman niyang sabi. Walang katapusan. “Please, take care of yourself. I will tell you everything when everything’s alright. I’m sorry, Conan. But I have to leave you. My father’s just cruel and I fcking don’t want him to hurt you.”

Hindi ko siya naiintindihan. Ni isang salita sa mga sinabi niya ay walang nakasagot sa mga katanungang gumugulo sa aking isipan. Hindi ko rin siya maitulak ngunit nagkusa siyang lumayo at tumingin sa akin.

“I know you’re safe here, I have trust in Marcus. Just don’t let anyone hurt you, okay? Sasabihin ko sa ‘yo ang lahat kapag naging maayos na ang lahat. I love you,” aniya bago ako hinalikan sa noo’t nilampasan at lumabas ng condo.

Doon lang sumagi sa saking isipan ang lahat ngunit hindi naging malinaw. Ang alam ko lang ay pinaglalaruan lang ako ni sir Harrison. Nagpapakatanga ako. Isang salita lang niya’y naniniwala na kaagad ako. Ano ba’ng nagawa kong mali para gawin niya sa akin ito? Dahil ba sa napukpok ko noon ang kaniyang ulo tapos heto’t gaganti siya, ang tinde!

Isa-isang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Akala ko handa na ako. Akala ko’y handa na ang puso kong masaktan ngunit hindi pala. Ang sakit-sakit. Mas matinde pa ito nang malaman kong namatay ang mga magulang ko’t tanging ako na lang ang natitira. Pakiramdam ko’y nagkapira-piraso ang puso ko.

Pinunasan ko ang aking mga luha ngunit walang tigil lang ito sa pagbuhos.

Sana pala’y nanatili na lang ako sa Baguio habang may pagkakataon pa. o hindi kaya’y pinigilan ko na lang itong puso kong ibigin mahalin siya higit pa sa sarili ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top