CHAPTER 25
THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 25
C O N A N
Nang sumunod na mga araw ay tinulungan ako ni sir Harrison asikasuin ang mga papeles ko; mga dokumento upang makapag-apply ng passport at dokumento ko sa dati kong paaralan. Hindi naman ako nahirap maliban dito sa dati kong pinapasukang eskwelahan.
"Bumalik ka na lang sa susunod na araw. Hahanapin ko muna iyong folder mo noon dahil matagal na rin kaming naglinis at itinago ang ibang dokumento," ani ng nakabantay rito sa registrar.
"Ganoon po ba? Sige po," sagot ko't tumango lang siya bilang tugon. Umalis na rin ako kaagad sa pila dahil may mga nakasunod din sa akin.
Inilibot ko ang paningin upang hanapin iyong kanina lang ay nasa tabi ko. Kaagad ko siyang natagpuang pinagkakaguluhan ng iilang mga estudyante rito. Nagpapa-picture sa kaniya. Hindi ko naman sila masisisi.
Matangkad at matikas ang kaniyang pangangatawan. Tindig pa lang, nagmimistula siyang isang modelo ng isang sikat ng clothing line. At higit sa lahat, mayaman siya. Lahat ng hanap ng isang babae ay nasa kaniya na.
Tapos ako heto, 'di pa rin makapaniwalan hanggang ngayon. Sa dinami-rami ng babaeng nagkakagusto sa kaniya. Mayaman, maganda, at higit sa lahat isang babae pero sa akin siya nagkagusto na hindi isang tunay na babae.
Dumako ang tingin niya sa akin kaya ngumiti ako. Isang ngiti rin ang itinugon niya. Naglakad siya papalapit sa akin at bigla na lamang bumagal sa pag-ikot ang mundo. Isa-isang nawala iyong mga tao sa paligid habang siya'y papalapit. Ang puso ko'y hindi na magkandaugaga sa pagtalbog at dumoble pa ito nang nasa harapan ko na siya.
"Are you alright?" tanong niya.
Tumango ako. Hindi pa rin nabubura iyong ngiti sa labi ko. "Kayo po? Ayos lang po ba kayo? Hindi po ba kayo nasaktan?" tanong ko naman.
"Yeah I'm fine. They dragged me out of the line," sagot niya at mahinang natawa.
"Guwapo niyo po kasi," biglang lumabas sa bibig ko nang hindi ko namalayan. Ngumisi siya kaya roon ko lang napagtanto iyong nasabi ko. Namula ang magkabila kong pisngi kaya umiwas ako ng tingin.
"Am I?"
Hindi ko siya pinansin. Mabilis akong tumalikod dahil nahihiya na rin ako. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante rito, iyong iba'y nagtatakha ang mga mukha at iyong iba'y nakangiti.
"Wait, Babe!" Mabilis akong humakbang. Ang pula-pula na ng magkabila kong pisngi. Ngunit kahit gaano kabilis ang paghakbang ko'y mabilis din niya akong naabutan. Hinawakan niya ang braso ko. Saktong nasa parking lot na kaming dalawa. "Guwapo ba ako?"
Tumingin ako rito. Bakit ko ba kasi nasabi iyon? At saka bakit kailangan niya pang itanong iyan? Obvious naman na ang sagot.
"Oo na!" sagot ko at mabilis na pumasok sa kaniyang sasakyan. Tumingin ako rito at ang lawak-lawak ng kaniyang ngisi sa labi habang napapasuntok pa sa hangin dahil sa tuwa. Natawa rin ako sa kaniyang ginagawa.
--
Pagkatapos namin sa eskwelahan ay hindi na muna kami kaagad umuwi. Pumasyal kaming muli sa iba't ibang lugar tulad ng isang strawberry farm, naglibot-libot naman kami sa Burnham park kung saan sumakay kami sa Swan Boat, at iba pang sikat na pasyalan dito sa Baguio.
Pagsapit ng gabi ay sa isang restaurant kami kumain. Pareho naming sinusulit ang mga bawat sandali namin dito sa Baguio kung saan nabuo ang lahat ng mga hindi ko inaasahan.
"I have something for you," aniya. Katatapos lang naming kumain ngunit naririto pa rin kaming dalawa.
May kinuha siya sa kaniyang bulsa; isang pulang maliit na box, iyong box na ginagamit sa mga alahas. Iniabot niya iyon sa akin. Hindi ko sana ito tatanggapin dahil may hinala na ako sa kung ano'ng nilalaman nito ngunit tumingin ako kay sir Harrison at tumango siya nang marahan.
Binuksan ko ito't tama ang hinala ko, naglalaman ito ng alahas. Isang kwintas na may maliit na compass na pendant.
"Akala ko noong una, nawawala ako. I couldn't find where to go but when I found you, I know I'm not lost anymore."
Pumatak ang mga luha sa aking mga mata habang nakatingin sa kaniya at sa hawak kong kwintas. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Naubusan ako ng salita. Naubusan ako nang sasabihin maliban sa salamat.
"W-why are you crying?"
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. Tumingin ako sa paligid. Iilan lang ang mga nandito at wala naman silang pakialam sa amin. Ibinalik ko ang tingin sa kaniya at ngumiti.
"P-Puwede niyo po bang isuot sa akin?" tanong ko, imbes na sagutin ang sinabi niya.
"Yeah, sure." Mabilis siyang tumayo at pumuwesto sa likuran ko. Iniabot ko naman sa kaniya ang kwintas na kaagad niyang isinuot sa aking leeg.
"Hanggang ngayon hindi pa rin sumasagi sa isipan kong darating iyong mga araw na ito. Kaya gusto kong magpasalamat dahil dumating po kayo. Ipinaramdam niyo po sa aking hindi ako nag-iisa."
May mga araw noon na bigla-bigla na lang bumubuhos iyong luha ko dahil sa lungkot. Nami-miss ko kasi ang mga magulang ko. Gabi-gabi ay natatakot ako dahil baka may mangyari sa aking masama ngunit unti-unti akong nasanay. Nang dumating si sir Harrison, lahat ng iyon ay nakalimutan ko't mas nasanay akong kasama siya.
Ipinaramdam niya sa aking hindi ako nag-iisa, na hindi porque bakla ako'y wala nang magmamahal sa akin, at higit sa lahat ay dahil sa kaniya, naglaho iyong mga takot ko mula sa nakaraan.
Ayoko nang isiping panandalian lang ito. Kung puwede lang na 'wag nang umikot pa ang mundo.
"I will always be here for you," bulong niya.
--
Kinabukasan ay malapit nang magtanghalian nang magising ako. Sa muli, nasa kuwarto ako ni sir Harrison dahil simula nang opisyal na kami sa aming nararamdaman ay magkatabi na kaming natutulog. Tumingin ako sa tabi ko, wala siya roon. Siguro'y nasa labas siya't nag-e-exercise.
Pumasok lang ako saglit sa banyo upang maghilamos at mag-toothbrush bago ako lumabas ng kuwarto. Dumiretso ako sa kusina nang hindi ko makita si sir Harrison sa sala. Walang tao. Lumabas ako upang tingnan kung nasa garden siya pero tahimik at malamig na hangin lang ang bumungad sa akin.
Muli akong pumasok sa loob ng kusina. May pagkain sa mesa at isang note ang ang nakapatong dito. Kaagad ko iyong binasa.
"I'll be back at night, Harrison." Nakalagay sa note. Kumunot pa ang noo ko dahil hindi naman ganito ang sulat kamay ni sir Harrison pero 'di ko na iyon pinansin dahil ganoon din naman ako minsan, paiba-iba iyong sulat kamay.
Binuksan ko na lang iyong pagkain at natawa ako dahil sunog ang pagkakaluto sa bacon. Ngayon lang ito nangyari noon. Kaya imbes na kainin iyon ay nagluto na lang ako ng kakainin ko.
MADILIM na sa labas ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin si sir Harrison. Katatapos ko lang kumain at narito ako ngayon sa sala dahil hinihintay ko siyang dumating. Palipat-lipat ang tingin ko sa aking cell phone at sa nakabukas na TV. Nag-text na ako kanina pero wala man lang akong natanggap na reply galing sa kaniya.
Saan kaya siya nagpunta? Bukas na rin iyong flight namin. Nakuha ko na rin iyong mga dokomento sa eskwelahan kanina at nakapag-empake na rin ako ng mga gamit.
Tinawagan ko siya ilang beses pero walang sumasagot. Nang tawagan ko siya ulit ay nakapatay na ang kaniyang cell phone kaya bigla akong kinabahan. Ngunit ilang sandali ay nakatanggap ako ng isang mensahe galing sa kaniya.
"I'm sorry, can't go home tonight. I'll meet you tomorrow at the airport."
Nagtataka man sa nangyayari ay wala na akong nagawa. Bumuntonghininga ako. Siguro'y may inaayos lang siyang napaka-importante kaya wala na siyang oras para sagutin ang tawag ko't mag-reply. Tapos pagod siya't kaya sa isang hotel na lang siya matutulog. Iyon na lang ang inisip ko hanggang sa makatulog ako nang tuluyan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top