CHAPTER 22
THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 22
C O N A N
NAKASUOT ako ng makapal na jacket, galing ito mismo kay sir Harrison. Narito kami ngayon sa labas ng bahay habang nakatanaw sa madilim na kalangitan. Punong-puno ang langit ng mga makikislap na tala at walang bahid ng ulan. Katatapos lang naming kumain nang yayain ako nitong tumambay na raw muna rito sa labas. Hindi na ako tumanggi pa dahil wala rin naman akong gagawin.
Nakasandal ako sa kaniyang balikat habang nakatingala sa langit. Kung puwede lang humiling na sana’y huwag nang tumakbo ang oras at manatili na lamang kaming magkasama, kanina ko pa ginawa. Ang sarap sa pakiramdam. Kasama ko siya ngayon na walang halong pangamba’t takot sa aking damdamin. Ang mga bangungot nang nakaraan ay tuluyang naglaho.
Alam ko namang sa susunod na mga araw ay darating din ang araw na iyon pero sana, ‘pag dumating iyon ay handa na ako. Handa na akong bumalik sa kung ano’ng nakasanayan ko dati.
“Ah… sir.” Umayos ako ng upo at tumingin sa kaniya.
Kumunot ang kaniyang noo. “Ano’ng tawag mo sa akin?”
Nagtaka ako. Kaya kunot-noo na rin akong tumingin sa kaniya ngunit sumagot pa rin, “S-sir? Bakit po?”
Sumimangot siya at biglang tumalbog ang puso ko sa tuwa dahil kahit nakasimangot siya’y ang guwapo pa rin niya.
“Call me, Harrison from now on. I’m not your boss, I’m your boyfriend.”
Ayokong ipahalata sa kaniyang tumatambol na sa tuwa ang buo kong katawan. Boyfriend? Totoo ba talagang nangyayari ang lahat ng ito? Kukurutin ko sana ang sarili pero ‘di ko na ginawa, baka isipin niyang weirdo ako. Ngumiti ako mula sa aking puso. Base sa lamig na nararamdaman ko’y totoo ang lahat ng ito.
“Harrison…” mahina ngunit sapat lang iyon para marinig niya.
Gumuhit ang napakagandang ngiti sa kaniyang labi na tuluyang lumusaw sa aking mga pangamba’t tuluyang nagpaapi ang isipan ko sa aking damdamin.
“I like it. I mean, I love it very much.”
Nahawa na rin ako sa kaniyang ngiti. Abot langit ang saya ko sa mga oras na ito. Pareho kaming nakatingin sa mga mata ng isa’t isa, kaya kitang-kita ko ang mga kislap doon na hindi ko nakita sa kaniya nang siya’y dumating dito.
Hinawakan niya ang pisngi ko. Malambot ang kaniyang kamay at malamig, marahil ay dahil sa temperatura dito. Naipikit ko ang mga mata at dinama ang marahan niyang paghaplos sa aking balat gamit ang kaniyang hinlalaki. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang malambot niyang labi sa aking labi.
Ang lambot ng kaniyang labi. Siya ang una kong halik. Ang una kong minahal. At sana’y siya na lang ang huli.
Lumayo siya ng kaunti, kaya naidilat ko ang mga mata. Nakatingin din siya sa akin. “I love you, Conan. You’re my greatest love,” sabi niya.
Tagos sa aking puso ang kaniyang sinabi. Kumirot ito ngunit ‘di ko na lang pinansin at itinuon na lang sa kaniyang kumikislap na mga mata. Mahal na mahal din kita.
Pero imbes na sagutin siya’y hinawakan ko ang kaniyang mukha’t hinila papalapit sa akin. Ako ang nagkusang humalik sa kaniya. Gusto kong iparamdam sa kaniyang sa pamamagitan nitoʼy maramdaman din niyang mahal na mahal ko rin siya.
Ngunit laking ikinagulat ko dahil bigla na lang naging mapusok ang kaniyang mga halik. Hindi ko siya masabayan ngunit sa galing niyang humalik ay natagpuan ang sariling nagpaanod dito. Pumasok ang kaniyang dila sa aking bibig at nahanap nito ang aking dila. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Nakisabay na lang ako sa ritmo ng kaniyang dilang makulit na kinakalikot ang bibig ko.
Bigla ring nag-iinit ang buo kong katawan kahit na ang lamig-lamig dito sa labas. Nakakaramdam ako ng kiliti na ngayong ko lang naramdaman sa tanang buhay ko.
Lumayo siya nang pareho na kaming nauubusan ng hangin. May ngisi sa kaniyang labi.
"Fck. This is all your fault," aniya gamit ang malalim niyang boses. "You're driving me insane!"
Hindi ko siya naiintindihan. Hindi pa man ako nakasasagot ay bigla na lang siyang tumayo at nagulat ako ng walang kahirap-hirap niya akong binuhat ng pa-bridal style. Kaagad kong iniyakap sa kaniyang leeg ang mga kamay nang sa ganoon ay hindi ako mahulog.
"Is it okay if we just continue inside?" Mas lalo ko siyang hindi naiintindihan. Pero ʼdi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit ako tumango at sumang-ayon sa kaniya.
Ang init sa katawan kong nagpapagulo sa aking isipan ay hindi rin mawala-wala.
Naglakad siya papasok sa loob ng kaniyang bahay, buhat-buhat ako. Tila ba'y bagong kasal kaming dalawa at biglang nag-init lalo ang magkabila kong pisngi sa naiisip.
Narating namin ang kaniyang kuwarto na walang kahirap-hirap. Nagsimula ring kumabog nang malakas ang dibdib ko. Sinusubukan kong labanan ang sarili ngunit hindi ko magawa. Marahan niya akong inihiga sa malambot niyang kama. Napalunok ako.
Tama ba ito? Rito na ba magtatapos ang iniingat-ingat ko? Kinakabahan ako ngunit hindi ko mahagilap ang sariling katinuan ko sa ngayon.
Tumingin ako kay Sir Harrison. Hinubad niya ang suot niyang jacket kaya nakasuot na lang siya ng puting t-shirt na hapit sa kaniyang katawan. Tumingin siya sa akin at 'di niya pinuputol ang pagtitig sa akin habang sumasampa siya sa kama. Unti-unti. Mas lalo kong naramdaman ang pagdagundong ng puso ko sa lakas nang hindi nagtagal ay magkaharap sa kaming dalawa.
"I will ask you one more time. Do you want to continue? It's okay if you'll stop me," aniya ngunit iba ang sinasabi ng kaniyang mga mata. Hindi ko iyon mawari ngunit nag-aapoy rin iyon 'tulad ng aking buong katawan.
Nanginginig ang kamay kong humawak sa kaniyang pisngi. "Handa po akong gawin ito," sagot ko at hindi nagtagal ay muli kong naramdaman ang malambot niyang labi.
Hindi na rin ako nakipagtalo pa sa aking isipan at tuluyang nagpagapi sa sinisigaw ng aking damdamin. Kung kanina'y marahang halik lang ngunit hindi nagtagal ay unti-unti itong naging mapusok. Hindi ko rin namalayang nakahiga na ako sa kama't nakapatong na siya sa akin habang hindi napuputol ang halikan naming dalawa.
Napasinghap ako nang bumaba ang kaniyang halik sa aking leeg. Mainit ang binubuga niyang hangin na mas lalong nagpadagdag sa init na bumabalot sa aking katawan. Ang kamay niya'y nakahanap din ng paraan upang paglaruan ang dibdib ko. Tila ba kinukuryente ang buo kong katawan.
Bigla niyang itinaas ang suot kong jacket, kasama ang damit ko sa loob, at bigla na lang nitong sinungaban ang nakabuyangyang kong dibdib. Hindi na ako nakapalag pa't isang impit na ungol ang lumabas sa aking bibig.
Salitan niyang nilalaro ang dibdib ko, gamit ang kaniyang dila. Gusto ko siyang pigilan ngunit hindi ko magawang igalaw ang mga kamay ko, dahil sa kuryenteng ibinibigay ng kaniyan dila.
"U-ugh!" ungol ko nang hindi ko na mapigilan. Napapapikit ang mga mata ko't ang parehong kamay ay mahigpit na nakahawak sa kobre ng kama. Hindi alam kung saan ipapaling ang ulo.
Ganito pala ang pakiramdam. Tila ba dinadala ako sa alapaap. Ang sarap.
"Ugh! S-sir, p-please po–"
"Please, what, Babe? Do you like it?" Parang biglang nag-iba ang kaniyang boses.
"O-Opo," ang siya kong sagot na hindi ko rin namalayang lumabas sa aking bibig. "P-please po, i-ipasok niyo na," dagdag ko. Tumingin ako rito. May ngisi sa kaniyang labi.
"Sigurado ka? I'm a big man, you know."
Kinabahan ako pero ibang kaba ang dumapo sa akin. Kabang may halong excitement na 'di ko maintindihan.
"Kakayanin ko po," sagot ko.
*****
Pabitin mo na. Wag excited! Marami-rami pa yan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top