CHAPTER 19
THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 19
C O N A N
Hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag itong nararamdaman ko sa mga oras na ito. May parte sa akin ang natatakot sa mga possibleng mangyari; papaano kung ito'y panandalian lang pala? Ilusyon? Panaginip at kinabukasan ay magigising na lang akong wala siya? Sa tuwing iniisip ko iyon ay sumisikip ang puso ko ngunit naglalahp iyon nang maalala kong nasa reyalidad akoʼt totoo ang lahat ng ito.
Ang alam ko lang ay masaya ako ngayon at kung puwede lang na huminto na lang muna sa pag-ikot ang mundo't manatili na lang kaming ganito.
"You're okay?" Tumingin ako kay Sir Harrison. Kasalukuyan siyang nagmamaneho at pauwi na kami ngayon sa kaniyang bahay. "Tila malalim ang iniisip mo," dagdag pa nito.
Natawa ako nang mahina dahil sa pagsasalita niya ng malalim na Tagalog. Saglit siyang lumingon sa akin at muling ibinalik ang tingin sa daan. Kumunot pa ang noo niyang makinis.
"Why are you laughing at me, mmm?"
Umiling ako. Papaano ko ba ipapaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na ito? Ito ang unang beses na naramdaman ko ito at hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko.
"Wala po. Masaya lang po ako," sagot ko.
"Is that because of me?"
"Opo," kaagad kong sagot. Siguro, kung hindi siya dumating dito, baka hanggang ngayoʼy nangangapa pa rin ako sa dilim. Sinusubukang gumapang upang makaalis sa kalungkutan.
Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi. "Masaya rin ako ngayon. I'm so damn happy and I don't want this moment or feelings to end. I wish I could stop the time."
Napangiti na rin ako. Sa loob lang ng maikling panahon, simula nang dumating siya rito, lahat ay nagbago. Madilim ang mundo ko nang mawala sina Mama at Papa, ngunit bigla siyang lumitaw bitbit ang liwanag na ngayo'y pareho naming pinagsasaluhan.
"Salamat po," sabi ko. "Salamat dahil dumating kayo. Salamat dahil ipinaramdam mo sa aking hindi ako nag-iisa. At, salamat po dahil sa ʼyo, hindi na ako natatakot sa mga possibleng mangyari mula sa nakaraan ko."
"You changed my life too, Conan. I owed you a lot. I thought I was lost, but when I found you, I found peace."
Ngumiti lang ako buong byahe. Parang ang bagal din ng takbo ng oras, o binagalan lang ni Sir Harrison ang takbo ng kotse. Pagdating ay nagkatinginan kami dahil may puting kotseng nakaparada sa labas ng bahay. Huminto si Sir Harrison at sabay kaming lumabas ng kotse.
"Wait." Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa kaniya. "ʼPag tinanong ka ng kung sino mang may-ari nitong kotse. Tell them that you're the caretaker of this house, okay?"
Kumunot ang noo ko. Ano'ng pinagsasabi niya? Caretaker naman talaga ako nitong bahay. Pero hindi na ako sumagot at sumunod na lang sa kaniyang sinabi. Nauna siyang pumasok ng bahay at kahit naguguluhan ako sa sinabi niya kanina ay sumunod na lang ako't sinubukang iwaksi iyon sa isipan.
"You're here, my brother!"
One inch ang buhok, may mga hikaw sa tainga, matangkad na halos magkasing tangkad na sila ni Sir Harrison, matikas din ang katawan ngunit mas bata lang ito kay Sir ng ilang taon, at higit sa lahat ay guwapo ngunit mukha siyang Gangster.
"H-Hunter, what are you doing here? And dude, what happened to your hair?"
"Tss! Don't you fcking miss me, rebel?!" sagot nito. Dumako bigla ang tingin nito sa akin at nanindig ang balahibo ko ng bigla na lang niyang dilaan ang labi.
"Stop it, Hunter! I'm warning you," ani Sir Harrison.
Tumawa si Sir Hunter at tumingin kay Sir Harrison. "What? I'm not doing anything."
"Just fcking answer my damn question. What are you doing here?"
"Semester break, magbabakasyon lang," sagot nito.
"Bakasyon? Bakit dito? Don't you have your own safe house somewhere?"
Tumalikod si sir Hunter at naglakad patungong sala. Sumunod si Sir Harrison, ganoon din ang ginawa ko.
"Yeah. About that, I have to tell you something as well," sagot ni sir Hunter.
"Conan, iwan mo muna kami. Maghanda ka na rin ng pagkain," sabi ni Sir Harrison nang hindi tumitingin sa akin.
THIRD-PERSON POINT OF VIEW
Hunter sat on the sofa as if he's the owner of the house. Nag-de quatro pa ito habang hindi mawa-wala ang ngisi sa kaniyang labi.
"Speak," malalim na sabi ni Harrison. Nanatili siya sa kaniyang puwesto habang seryosong nakatingin kay Hunter.
"Father wants you to fcking go home and marry that fcking woman, or else..." Tumingin ito sa kaniya. "He'll ruin your life, and our life as well if we don't tell him where you're hiding," he added.
Harrison couldn't composed his answer.
Bakit ba ito nangyayari? Ano ba'ng nagawa niyang mali? Hindi na ba siya puwedeng maging masaya kahit saglit lang? Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang sumunod lang nang sumunod sa ama.
All he wants is to make his father proud, but he did everything yet his father isn't satisfied. He can't have what he wants without the permission of his father.
"H-How about Henry? I heard that h-he..." Huminga siya nang malalim. "He liked his maid, his gay maid."
"Who told you that?"
"Marcus," mabilis na sagot ni Harrison.
"Right! Tsismoso nga pala iyang kaibigan mo. Tss."
Umupo si Harrison sa pang-isahang sofa. "So tell me what he did to Henry?"
"He paid his maid to leave Henry's house. Your father is just cruel! Wait... Why are we talking about Henry? Ikaw ang pinag-uusapan dito. Umuwi ka na, pakasalan mo iyong babaeng iyon. I don't want my life to be miserable just like yours, Dude."
Bumuntonghining si Harrison. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin. Nakita na niya noon kung ano'ng kaayang gawin ng kaniyang Ama.
Tumayo siya at muling humugot nang malalim na hininga. "You're selfish," aniya.
"I'm sorry, Man. Ginagawa ko lang ito dahil sa taong mahal ko," sagot ni Hunter kaya napatingin si Harrison dito.
"Y-you're what?"
Umiwas ito ng tingin. "Nothing. Just do what our fathers wants. Hindi ba'y gusto mo siyang maging proud? This is the time, Dude. Besides, that woman is beautiful and her you know, body is fcking beautiful. Kung nasa katayuan mo lang ako, I'll marry her and fck her every night." Ngumisi si Hunter.
"Fck you, pervert! Kung gusto mo, bakit hindi mo sabihin kay Dad na gusto mong pakasalan ang babaeng iyon. I don't love her."
Tumayo si Hunter at nilapitan siya. Ipinatanong nito ang kamay sa kaniyang balikat. "Think about it, Harrison before it's too late," sabi nito.
Iniwan siya nito at tinungo ang kusina kung saan kasalukuyang nagluluto si Conan. Harrison left with so much questions running through his mind. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin, kung papaano susulosiyonan ang problemang kinakaharap, at si Conan. He just admitted that he liked that gay and he's happy when he's with him. He doesn't want to broke him, but part of him still wants to make his father proud.
Anong gagawin niya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top