CHAPTER 18
THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 18
C O N A N
Para akong sirang plakang inulit-ulit sa isipan ko iyong mga binitiwang salita ni Maria. I'll make him mine. Kung gusto pala nitong angkinin si Sir Harrison, edi kunin na niya. Sino ba ako para umangal at pigilan siya? Caretaker lang ako ng kaniyang bahay at hanggang doon lang iyon. Wala akong karapatang maging hadlang sa anumang gusto nito.
Bumuntonghining ako bago ihakbang ang mga paa upang sundan silang dalawa. Akala ko pa naman, mag-e-enjoy ako rito. Hindi kasi ako madalas lumabas noon dahil sa kawalan ng pera at takot na rin na baka may mangyari masama sa akin. Ngunit nang dumating si Sir at nang una ako nitong dalhin sa Burnham Park ay tuwang-tuwa ako. Tapos ngayon, hindi na ako natutuwa. Puro sama ng loob ang nabubuo sa dibdib ko.
Bakit pa ba kasi ako nito sinama rito? Ah, sabagay, utusan lang pala ako. Wala pala akong karapatang tumanggi dahil pera niya ang bumubuhay sa akin. Kung puwede lang na magpalamon na lang sa lupa para wala na akong iniisip ngayon, matagal ko ng ginawa.
"What took you so long?" Nagulat ako nang maabutan ko si Sir Harrison sa labas nitong restaurant. Nakakunot ang kaniyang noong nakatingin sa akin ngunit hindi ko naman nararamdamang galit ito o naiinis.
"A-Ah, nag-CR pa po kasi ako," sagot ko kahit na hindi totooʼy hindi ko lang maigalaw ang mga paa ko kanina dahil sa gulat kay Maria.
"Are you alright?" tanong na naman nito. Tumingin ako rito, hindi na nakakunot ang kaniyang noo bagkus ay mahinahon ito'y tila may pag-aalala sa kaniyang mga mata.
Ngumiti ako, iyong peke ngunit hindi halata. "Opo. Ayos lang ako. Tara na po sa loob? Baka po gutom na kayo," sagot ko.
"Tell me if you're not okay, so we can go home and rest," aniya na tinanguan ko lang.
Kung puwede lang sabihin sa kaniyang gusto ko na talagang umuwi at magpahinga ngunit hindi ganoon kadali. Nakakahiya! Trabaho ang ipinunta niya rito, kaya hindi ko dapat inuuna itong nararamdaman kong kakaiba.
"You sure?" paniniguro niya, sabay hawak sa aking balikat at tumingin nang diretso sa aking mga mata.
Sasagot na sana ako nang biglang sumulpot si Maria sa likuran ni Sir Harrison.
"Everything's ready. Tara na sa loob," aniya. Pareho kaming napatingin dito ni Sir at tumango. Naunang pumasok si Maria at saka sabay naman kaming pumasok sa loob ni Sir Harrison.
Maganda ang loob ng restaurant nitong Farm. Hindi siya moderno. Lahat ay gawa sa kahoy at bukid na bukid ang tema nito.
May iilang kumakain dito at karamihan sa kanilaʼy foreigner. Sa isang pang-apatang taong lamesa kami huminto kung saan may mga pagkain ng nakahain, punong-puno ang lamesa. Mukhang pinaghandaan talaga nila ang pagpunta ni Sir Harrison dito.
Umupo si Sir Harrison at mabilis namang sinundan ni Maria, kung saan naupo siya sa tabi nito. Umikot naman ako at sa harapan nila ako naupo, sa tapat ni Sir Harrison.
"Let's eat? You'll like every foods here," masiglang sabi ni Maria. Kay Sir Harrison siya nakatingin na tila ba ito lang ang kasama niya.
Si Sir Harrison naman ay nahuli kong nakatingin sa akin ngunit kaagad din nitong binawi at ibinaling sa mga pagkain. Nauna siyang kumuha ng kutsara at mga pagkaing gusto niyang tikman. Pinagmamasdan ko lang silang dalawa habang wala pang ni isang pagkain ang aking plato. Nawalan na yata ako ng ganang kumain.
"Why aren't you eating yet? Everything here taste good," sabi niya, nakatingin na pala siya sa akin. Ganoon din si Maria na seryoso lang.
"Hindi ko po kasi alam kung ano'ng uunahin ko, sa rami po nitong mga pagkain," pagsisinungaling ko. Ilang beses na ba akong nagsinungaling ngayong araw? Napapadalas na yata ito.
Nagulat ako ng lagyan niya ng mga pagkain ang aking plato. Nahuli ko si Maria na nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa ginagawa ni Sir Harrison. Gusto ko sana itong pigilan ngunit kaagad din siyang natapos sa paglalagay ng mga pagkain.
"There. Eat a lot," sabi nito.
"May namamagitan ba sa inyo?" biglang tanong ni Maria. "Don't get me wrong, okay? I've seen a lot of people here, and we're in 21st Century where men can fall in love with men, it should be normal. Walang mali. Gusto ko lang malinawan, para naman ʼdi na ako umasa kay Mr. Alcantara," dagdag pa niya, na sinundan nito ng mahinang pagtawa.
"W-Wa-" Sasagot na sana ako nang maunahan ako ni Sir Harrison.
"We're not yet official," aniya at biglang tumili si Maria nang mahina ngunit naagaw pa rin nito ang pansin ng mga malalapit sa amin.
Hindi ko inaasahan ang naging sagot ni Sir Harrison. Hindi iyon ang inaasahan ko, dahil akala ko'y tatanggi siya. Ayos lang naman sa aking tumanggi siya dahil naiintindihan kong may imahe siyang gustong alagaan. Pero nang sabihin niyang hindi pa opisyal ang relasiyon naming dalawa ay nakakagulat.
"OMG! I knew it! Buti na lang ʼdi ko itinuloy paglalandi ko sa 'yo, kasi baka sakalin ako nitong si Conan. Conan, right?" Tumango ako. "God! I'm really sorry," dagdag pa niya.
"Ayos lang po," sagot ko. Wala na akong maisip pa dahil sa gulat ko. Ang bilis din ng tibok nitong puso ko.
Ganito ba talaga pag nagmamahal ka? Ang daming mga hindi inaasahang pangyayari.
--
Sakay na kaming muli ng kotse ni Sir Harrison. Alas-dos pa lang ng hapon. Matapos kasi kaming kumain kanina ay dumating naman si Sir Anthony, Daddy ni Maria. Nag-usap sila tungkol sa business at iba pang bagay kaya napatagal pa kami roon hanggang sa naisipan na rin ni Sir Harrison umuwi.
"May gusto ka pa bang puntahan?" biglang niyang tanong habang kami'y nasa kalagitnaan ng daan.
Napaisip ako kung may lugar pa ba akong gustong puntahan, bigla kong naisip ang lugar na iyon nang mapadaan kami sa isang signage.
"Puwede po ba tayong dumaan na muna roon?" tanong ko, sabay tingin sa kaniya.
"Yes. We can go anywhere you want," sagot niya.
Kaagad ko namang sinabi ang daan patungo roon. Sakto rin kasing nasa malapit lang kami. Ilang liko lang ng sasakyan ay nakarating kami sa lugar. Walang tao, walang bahay, at tanging mga puno't mga nagtataasang bundok lang. Pinahinto niya ang kotse at sabay kaming lumabas ng sasakyan. Nagtataka siyang tumingin sa akin.
"What is this place? What are we doing here?"
"Basta," sagot ko. Lumapit ako sa kaniya at walang pag-aalinlangan kong hinawakan ang kaniyang kamay. "May ipapakita ako sa 'yo," dagdag ko, sabay hila sa kaniya patungo roon.
Sa masukal na daan kami pumasok kung saan tanging tao lang ang nakakaraan dito. Ilang hakbang din papaakyat. Hawak ko pa rin ang kaniyang kamay at ang bilis na naman ng kabog sa dibdib ko. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa mataas na parte kung saan kita rito ang isang maliit na Baryo. Napangiti ako, hanggang ngayo'y tila may mga naninirahan pa rin doon.
"Wow!" naibulalas ni Sir Harrison. Nabitiwan niya ang kamay ko at tumingin sa paligid.
Kita rin dito ang sakahan ng mga tao rito. Maganda ang tanawin. May mga bundok, at mga kabahayan. Mas maganda sana ito kung gabi dahil sa mga bituin sa langit.
"Sa Baryo pong 'yan ako nakatira," sabi ko, sabay turo sa mga kabahayan sa ibaba. Napangiti ako habang inaalala ko ang kabataan ko noon sa lugar na tinutukoy ko.
Ang dami kong alaala sa lugar na iyan. Hindi ko iyon malilimutan, kahit pa puno ng mga kasinungalingan ay naging masaya pa rin ako dahil kasama ko sina Mama at Papa.
"I didn't know this place existed. I've been in Baguio for how many times and went to every places here. Pero bakit hindi ko ito alam?"
Tumingin ako kay Sir Harrison. Bumuntonghininga ako. Siguro, nararapat lang na malaman niya kung ano iyong nakaraan ko.
"Hindi po kasi alam ng Gobyerno iyong lugar na 'yan. Tago po, dahil lahat po ng gawain ng mga tao riyan ay illegal. Namatay sina Mama at Papa hindi dahil sa aksidente, namatay sila dahil sa Ambush. Umalis ako sa lugar dahil ayokong madamay pa."
Nakita ko ang pagbabago ng itsura ni Sir Harrison. Seryoso siyang tumingin sa akin at tila ba gulat na gulat sa aking sinabi.
"Dinala kita rito, para makilala mo ako. Ayokong magtiwala ka sa akin, dahil sa una pa lang hindi ako isang mabuting tao," dagdag ko at saka umiwas ng tingin.
"Y-You're kidding, right?"
"Hindi po ako marunong magbiro," mabilis kong sagot.
Hindi siya nagsalita ngunit ilang sandali lang ay nagulat ako nang mabilis niya akong niyakap ng mahigpit.
"No matter who you are and what your past is, you are still Conan. Iyong Conan na ginugusto na ngayon ng puso ko. Mahal kita, that's all that matters."
Guminhawa ang pakiramdam ko, kahit pa mayroon pa ring kirot ng nakaraan. Dahan-dahan kong itinaas ang mga kamay at gumanti sa kaniyang yakap.
"Mahal din po kita," sagot ko. Nagulat ako nang bumitaw siya sa pagkakayakap at seryosong tumingin sa akin.
"M-Mahal mo rin ako?" Tumango ako. "Fck! Yes!" Lumayo siya ng kaunti at nagsisigaw. "Shit! Conan loves me. Wooooh! I'm the happiest man on earth!"
Natawa ako at pinigilan siya, na agad ding huminto ngunit tumingin sa akin.
"You don't know how happy I am right now. I was longing for this and now you're here, I'm not letting you go. You're mine, and I'm always yours," aniya sabay dampi ng malambot niyang labi sa akin.
Ipinikit ko ang mga mata at dinama ang matamis niyang halik. Ang gaan ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko'y ligtas ako sa piling ni Sir Harrison. Matagal ko ring inasam-asam ito. Kaya walang pag-aatubiling gumanti ako sa kaniyang halik.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top