CHAPTER 16

THE RUNAWAY BILLIONAIRE

CHAPTER 16


--

C O N A N


SA nagdaang mga araw, hindi ako nakatutulog nang maayos. Madalas, alas-dos na ng madaling araw ay dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Sinusubukan kong pumikit nang sa ganoon ay dalawin ako ng antok ngunit hindi pa rin. Magulo ang isip at puso ko sa ngayon, dahilan kung bakit palagi akong puyat at humihikab maghapon. Ipinagpapasalamat ko na lamang dahil wala siya rito ngayon. Dahil baka madagdagan pa ang iniisip ko kapag nandito iyon.


Isang linggo na rin ang nakalilipas nang sabihin niyang manliligaw siya at kinabukasan ng gabing iyon ay umalis siya't hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Naiinis ako pero wala akong magawa. Bakit niya iyon sinabi? Nasaan siya ngayon?


Bakit ba ako nito pinapaasa na lang palagi?


Bumuntonghininga ako. Tumingin ako sa paligid. Hindi ako sanay na wala si Sir Harrison sa paligid. Pero ganito rin naman noon nang hindi pa siya dumarating, tahimik ang buong bahay at tanging ako lang ang tao rito.


"Siguro, dapat ko na ulit sanayin ang sarili kong mag-isa. Baka umuwi na siya ng Manila," sabi sa sarili at muling humugot nang malalim na hininga.


Umihip ang malakas na simoy ng hangin kaya napayakap ako sa aking sarili. Lumalamig na rin pala ang temperatura dito sa Baguio, mabuti na lang at nakasuot ako nang makapal na jacket kaya hindi ako gaanong nilalamig. Niligpit ko na muna ang mga ginamit ko sa paglilinis nitong garden at saka ako pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa sala ngunit napatigil ako nang makita ko si Sir Harrison na nakatayo sa tapat ng pinto.


Nakasuot siya ng corporate attire, may maliit na maleta sa kaniyang tabi, at may hawak siyang paperbag sa kanang kamay habang mga bulaklak naman sa kaliwan. Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.


"I'm sorry," iyon ang unang lumabas sa kaniyang bibig. Tumingin ako sa kaniyang mga mata. Halatang wala rin siyang maayos na tulog at napansin kong tila ba pumayat siya, sa loob lang ng isang linggo. "Umalis ako ng wala man lang paalam, samantalang sinabi ko sa 'yong liligawan kita. I received an emergency," dagdag niya. Nanatili pa rin siya sa puwesto nito, ganoon din ako.


Hindi ko magawang sumagot dahil blangko ngayon ang isipan ko. Isa pa, hindi ko rin alam kung papaano ko siya sasagutin. Humakbang naman siya't pinutol ang distansiya naming dalawa ngunit ang mga mata namin ay pareho pa ring nakatitig sa isa't isa. Ang lakas ng tibok ng puso ko't pakiramdam ko'y lalabas ito mula sa aking dibdib.


"I fcking miss you, Conan."


Tila ba tuwang-tuwa ito nang makita si Sir Harrison ngunit mariing tumatanggi ang aking isipan. Aniya'y "palabas niya lang 'yan, Conan. Huwag kang magpapaniwala sa kaniyang sinasabi dahil ganiyan talaga ang mga mayayaman, magaling sa salita ngunit wala naman sa gawa."


Ngumiti lang ako at ako na ang unang bumawi ng tingin. Tumalikod ako rito. "M-Magpahinga na po muna kayo, magluluto lang ako ng hapunan," sabi ko at akmang hahakbang nang maramdaman ko ang mahigpit nitong yapos sa aking buong katawan, sabay sandal ng kaniyang ulo sa aking balikad.


"Ikaw ang pahinga ko. Makita lang kita, bumabalik ang saya ko. You know, I'm so fcking happy right now."


Tumigil ang mundo ko sa paggalaw at dahil sa mga sinabi niyang 'yon ay nabalewala ang isinisigaw ng aking isipan dahil sa muli, nagpatalo na naman ako sa aking puso.



--



Madalas ko lang na hilingin noon ay ang makalaya mula sa nakaraan na bumabangungot sa aking nang paulit-ulit. Pero iba ang ibinigay sa akin, isang taong magpapatunay na kahit ganito ako, isang bakla, nararapat pa rin akong mahalin. Ngunit may parte pa rin sa akin na natatakot. Papaano kung palabas lang pala ito? Na panaginip lang? Alam kong panandalian lang ang lahat ngunit sa tuwing sumasagi iyon sa aking isipan ay kumikirot pa rin ang puso ko.


"Are you okay? You don't like my gifts?" Tumingin ako kay Sir Harrison. May lungkot sa kaniyang mga mata nang sabihin iyon kaya umiling ako.


"Ayos lang po ako. Gusto ko po pero parang sobra naman po yata ito," sagot ko. Tinutukoy ko iyong laman ng paperbag kanina, isang mahahaling cellphone at mamahaling relo. Kahit siguro habang buhay akong manilbihan sa kaniya at hindi ko mababayaran ang lahat ng ito.


"I already told you, I'll give anything you want in this world because you deserved it."


"S-Salamat," sagot ko.


"Saan mo gusto pumunta bukas?" tanong niya, kasalukuyan pa rin siyang nakatingin sa akin at kanina pa ako naiilang kaya itinutuon ko na lang ang pansin sa Cellphone upang aralin ito kung papaano gamitin.


"Hindi po ba kayo napapagod? Galing po kayo sa business trip." Inilapag ko sa center table ang cellphone at tumingin sa kaniya.


Umiling siya bilang sagot at ngumiti. "You gave me strength, Conan. Kahit lakbayin ko pa ang buong mundo, as long as you're with me, hinding-hindi ako mapapagod."


Natawa ako sa kaniyang sinabi at nagpapasalamat ako dahil hindi niya napapansing namumula ang aking mga pisngi. "Ang korny niyo po pala," sabi ko.


"What?! I'm just telling the truth."


"Korny pa rin po 'yon," sabi ko at tumawa nang mahina.


"Ah. Korny pala!" Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at mabilis na kiniliti ang aking tiyan, dahilan para mapuno nang aking halakhak ang buong sala.


"HAHA! S-sir, t-tama na po. A-ayoko na, promise hindi na kita-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mapahiga na kami pareho sa sofa, nasa ilalim ako't siya nama'y nasa aking ibabaw.


Pareho kaming natigilan nang magkatitigan kaming dalawa. Nakatukod ang pareho niyang mga kamay sa aking magkabilang gilid, kaya hindi ko ramdam ang bigat niya. Pero hindi ako makahinga sa bilis ng tibok ng aking puso.


"Your eyes are so beautiful. If only I could stop the time and stare at you forever," aniya sa malalim at mahinang boses na tumagos sa aking puso.


Hindi ako makasagot, marahil ay nahihiya ako dahil 'tulad niya'y pareho kami ng iniisip. Kung maaari lang na manatili na lang kami sa ganitong puwesto, ayos lang sa akin pero parang mahirap para sa kaniya.


"Fck! I'm sorry, but I can't stop myself," sabi pa niya't mabilis na pinutol ang pagitan naming dalawa. Naramdaman ko na lang bigla ang malambot niyang labi sa aking labi. Dilat na dilat ang aking mga mata dahil sa gulat ngunit nang tuluyan niyang igalaw ang labi ay tila ba may sarili na ring mundo ang sa akin at gumanti sa kaniyang mga halik.


*****


After a long hiatus, here i am again! Marami pong salamat sa mga patuloy na nagbabasa nitong kwento. Sana po ay manatili kayo dahil marami pa pong kaganapan. Kaya nga binitin ko kayo ngayon HAHAHAHA!


THANK YOU!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top