CHAPTER 13
THE RUNAWAY BILLIONAIRE
CHAPTER 13
C O N A N
SIMULA nang sabihin niya iyon sa akin, 'di na ako mapakali. Hindi ako makatulog tuwing gabi at kitang-kita iyon mula sa aking mga mata. Maaga akong gumising para maipaghanda siya ng pagkain at mabilis naman akong lalabas upang maglinis kahit na alam kong malinis na ang bakuran. Sinasadya ko iyon upang makaiwas.
Ayoko ng gulo. Ayoko nang maraming iniisip. Ayokong mag-assume dahil alam kong imposibleng mangyari ang mga tumatakbo sa isipan ko.
Bakit nga ba kasi niya iyon sinabi? Ano'ng gusto niyang iparating? Ni hindi man lang siya nagpaliwanag. Basta na lang ako nitong tinalikuran pagkatapos niyang sabihin iyon dahil may tumawag sa kaniya. At ako, naiwang tulala habang hawak-hawak ang bulaklak na kaniyang ibinigay.
Sinusubukan kong intindihin ngunit naging dahilan lang iyon upang mapuyat ako gabi-gabi. At heto, tatlong araw na akong umiiwas kay Sir Harrison. Tatlong araw akong gumagawa ng mga paraan para hindi kami magkasama sa iisang lugar. Ipinagpapasalamat ko dahil hindi ako nito inuutusan at isa pa, masyado siyang abala sa kaniyang laptop na madalas kong makitang masama ang timpla ng kaniyang mukha.
Kahit gustuhin ko mang ipagtimpla siya ng kape sa tuwing nakikita ko siyang parang naiinis, pinipigilan ko. Umiiwas dapat ako. Natatakot din na baka magtanong siya't wala akong maisagot. Wala akong ibang dahilan kundi itong puso kong tinatarantado ako. At ayokong kapag nalaman niya iyon ay baka pagtawanan niya ako.
Lumabas ako ng aking kuwarto. Katatapos ko lang maligo at balak kong magluto ng pananghalian ni Sir Harrison. Pinapauna ko siyang kumain at kapag wala na siya sa kusina ay saka naman ako kakain. Tumingin na muna ako sa sala at wala siya roon. Siguro ay nasa labas siya ng bahay o hindi kaya'y sa loob ng kaniyang kuwarto, mabuti dahil makagagalaw ako ng maayos kung wala siya sa paligid. Nakahinga ako lalo nang maluwag nang pagpasok ko sa Kusina ay wala siya. Tahimik akong lumapit sa Refrigerator nang mapahinto ako dahil sa malalim na boses na nagmula sa likuran ko.
"Are you avoiding me?"
Hindi ako lumingon kaagad. Biglang parang tumigil ang mundo at tanging ang tibok nitong puso ko ang siyang naririnig ko lang. Hindi ako lumingon dahil hindi ko magawang lumingon. Ayoko siyang harapin. Ayoko siyang sagutin ngunit ano'ng gagawin ko? Papaano ako iiwas? Pakiramdam ko pa'y masama siyang nakatingin sa akin ngayon.
"Answer my damn question, Conan! Iniiwasan mo ba ako?"
Bumuntonghininga ako. Nilakasan ko ang loob kong harapin siya. Nakasuot siya ng T-shirt na puti at Kargo Shorts. May hawak siyang libro. Kaya roon ako tumingin dahil hindi ko siya kayang tingnan sa kaniyang mukha. Ayokong makita ang ekpresiyon niyang nagpipigil na siguro ng galit.
"H-Hindi-"
"Liar!" Napatigil ako dahil doon. "Alam mong ayaw ko sa mga taong sinungaling. Tell me the truth, why are you avoiding me?"
Sa pagkakataong ito ay tumingin na ako sa kaniya. Seryoso ang mga mata niya at nagulat ako dahil bakit parang malungkot ang mga iyon?
"H-Hindi ko po kayo iniiwasan," sagot ko, punong-puno iyon nang kasinungalingan.
Napapailing siya habang tumitingin sa akin. "Sinungaling ka. May ginawa ba akong hindi mo nagustuhan kaya ka umiiwas? Tell me so I can fix it."
Umiwas na ako ng tingin. "Wala po kayong ginawa at 'di ko po kayo iniiwasan. Busy po kayo kaya ayoko po kayong istorbohin," sagot ko.
Nakaginhawa ako nang hindi na siya sumagot at basta-basta na lang siyang umalis sa harapan ko. Pero nang tatalikod na sana akong muli ay muling bumalik si Sir Harrison. Hindi na nito hawak ang libro kanina kundi ang kaniyang cell phone at iniharap iyon sa akin.
"Hindi mo ako iniiwasan, but looked at what you're doing. I've install some CCTV cameras." Tiningnan ko ang replay ng kuha ng CCTV Camera na hindi ko alam na mayroon pala. Halatang-halata ang bawas kilos ko. tumitingin-tingin ako sa paligid bago ako pumasok sa kusina. Ganoon din sa labas at sa sala. Kitang-kita ang mga iyon at ang nakakagulat doon ay nakatayo sa likod ko si Sir Harrison na pinagmamasdan ako habang tumitingin sa paligid para siguraduhing wala siya.
"Now tell me your reason or I'll kiss you."
Nanlaki ang mga mata kong tumingin dito. Kanina ay parang malungkot siya pero ngayon ay ang laki na ng ngisi sa kaniyang labi. Tila ba nanalo siya sa isang pustahan. Pero ano iyong sabi niya? Hahalikan niya raw ako kapag hindi ko sinabi sa kaniya ang rason?
At ano naman ang isasagot ko? Sasabihin ko bang may gusto ako sa kaniya at alam kong malabo siyang magkagusto sa akin kaya ako umiiwas? Kahit saan kasi tingnan, malabong-malabo. Kitang-kita na ang kaibahan naming dalawa. Isa pa, mali iyon sa mga mata ng marami.
"D-Dahil diyan sa ginagawa mo, k-kaya ako umiiwas."
"Ano'ng mga ginagawa ko? I don't understand." Nakakunot ang kaniyang noo. Tila ba nagmamaang-maangan lang siya.
"Nagpapakita ka ng motibo na gusto mo ang isang tao at hindi ko mapigilang umasa. Kaya ako umiiwas dahil alam kong malabo at takot akong masaktan. Masaya na po ba kayo?" mabilis kong sagot. Pumikit ako dahil ayokong makita ang kaniyang reaksiyon. Ito na ba? Ito na ba iyong sinasabi kong kapag sinabi ko ang totoo ay pagtatawanan niya lang ako?
Baka nga ay paalisin na ako nito ngayon dahil matatakot siya na baka kung ano'ng gawin ko. Pero hindi ako ganoong klase ng tao.
Wala akong narinig. Kaya muli akong dumilat at tingnan siya.
"I-It was just a joke. I was doing those things to make you comfortable. I didn't thought that you're going to fall."
Napasinghap ako dahil sa kaniyang sinabi. Nakatatawa. Joke? Marunong palang mag-joke ang katulad niya? Sana sinabi niya kaagad para 'di ako nagmumukhang tanga kakaintindi sa mga ginagawa niya. Napaka-sweet niya. Sinabihan pa akong maganda. At kanina, balak pa niya akong halikan. Pero Joke lang pala ang lahat.
"Haha. J-Joke pala iyon, Sir? P-parehas lang pala tayo ng iniisip. S-sige po. Babalik lang muna ako sa kuwarto dahil nakalimutan ko iyong apron ko," sabi ko at mabilis siyang iniwan.
--
KINAGABIHAN ay sabay kaming kumain ni Sir Harrison. Tahimik hanggang sa nauna siyang matapos kumain. Nakahinga ako nang maluwag nang umalis din siya ng kusina. Hindi kasi ako mapakali. Simula pa kaninang tanghali, sabay rin kaming kumain, ay tahimik din siya. Hindi na ako nito kinakausap na ipinagpapasalamat ko dahil sa tuwing naaalala kong isa lang pa lang malaking Joke ang mga sinasabi't ginagawa niya, kumikirot ang dibdib ko.
Ayoko na sanang isipin ang mga iyon dahil Joke lang pala pero hindi na ito matanggal sa isipan ko. Mas masakit pa pala ito sa mga tumatakbo noon sa isipan ko kapag umamin ako.
Pagkatapos kong maglinis ay pumasok na ako ng aking kuwarto. Naglinis at saka nahiga sa aking kama. Tumitig sa kisame kong puno na ng agiw dahil hindi ko naman ito madalas linisan. Siguro ay para may magawa ako bukas ay lilinisan ko na rin ito. Linggo naman bukas ay wala akong trabaho, isa pa, mayroong General Cleaning sina Aling Elsa.
Pagpikit ko'y agad akong dinalaw ng antok. Kinabukasan nga ay maaga pa lang nasa kusina na ako't nagluluto ng almusal. Dumating din sina Aling Elsa, Goldy, at Manang Regine. Kasama ni Aling Elsa si Riley.
"Uyy saktong-sakto, hindi pa kami nag-aalmusal," ani Riley nang pumasok sila sa Kusina. Napangiti ako. "Agahan pa lang, mapaparami yata ang kain ko. Masarap pa naman magluto si Conan."
"Bolero!" sabi ko. Pumasok naman ng Kusina si Sir Harrison na magulo ang buhok. Binati siya ng mga kasambahay at tinanguan lang niya ito bago naupo sa kaniyang puwesto.
"Nagsasabi lang ako ng totoo. Alam kong talentado ka pagdating sa larangan nang pagluluto," sabi pa nito.
"Kumain ka na lang para marami kang magawa mamaya. Isama mo na rin iyong kuwarto ko, maagiw na," pagbibiro ko.
"'Wag kang mag-aalala, ako'ng bahala."
"Tss." Napatingin ako kay Sir at nahuli kong nakataas ang gilid ng kaniyang labi pero sa baso lang naman siya nakatingin.
"May problema po?"
"Where's my coffee?"
Shit! Muntik ko nang makalimutan. Si Riley kasi. "Hala! Pasensiya na po. Itong si Riley kasi," sabi ko at mabilis na tumayo upang ipagtimpla siya ng kape. Mabilis kong natapos iyon at saka iniabot sa kaniya. Kaagad siyang uminom doon at kumain. Ganoon din ang ginawa ng iba bago kami magsimulang maglinis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top