CHAPTER 3

HIS INNOCENT PREY
CHAPTER 3

FELIX

KATATAPOS lang ng aming klase. Kahit na anong gawin kong pakikinig, limitado lang ang pumapasok sa aking isipan. Gusto ko naman ang kursong kinuha ko ngunit hindi ko alam kung bakit hirap na hirap akong intindihin ang mga discussion. 

Marahil hindi lang talaga marunong magturo ang mga Professors dito?

Parehong matalino sina Dada at Papa. Nakapagtapos sila ng parehong may Latin. Anak ba talaga nila ako? Bakit hindi ko ‘yon namana sa kanila? Siguro, sa babaeng nagluwal sa akin ako nagmana.

Ipinaliwanag na sa akin nina Dada at Papa kung papaano ako nabuo. Sa galing ng teknolihiya sa panahon ngayon, masasabi kong posible nan gang mangyari ‘yon. Wala naman akong nararamdamang kakaiba bagkus ay nagpapasalamat pa ako dahil sila ang mga naging magulang ko. Maalaga, mabait, at higit sa lahat ay puno ako ng pagmamahal na galing sa kanilang dalawa.

“Girl, tulala ka naman. Ano na naman ‘yang iniisip mo? For sure, tite na naman ‘yan!”

Sinamaan ko ng tingin si Della. “Subukan mo po kayang magpabasbas nang mawala po ‘yang mga masasamang espirito sa ‘yong katawan,” sabi ko rito pero tumawa lang siya.

Minsan hindi ko siya maintindihan. Ang hirap niyang basahin. Napaka-unpredictable rin ng mga lumalabas sa kaniyang bibig. Kung puwede lang na i-staple ang kaniyang bibig kapag na sa pampubliko kaming lugar, ginawa ko na.

“Tse! I was just stating the fact,” aniya.

“Walang pong katotohanan sa mga sinabi mo. Sabi ni Dada, masamang mag-isip nang mahahalay na bagay dahil masisira lang ang isipan mo.”

Mas lalo siyang natawa sa isinagot ko. Bumuntonghininga na lang at tumingin sa paligid. Na sa cafeteria kami dahil may dalawang oras kaming vacant bago ang susunod na klase. Rito ako nito dinala dahil para hindi raw siya ma-bore. Gusto ko ngang sa library pero bigla kong naalala iyong sinabi ni Dada sa akin na may ahas at bulate raw sa library, kaya natatakot akong pumunta roon mag-isa.

“OMG! Hunter’s here!”

Ang kaninang tahimik na cafeteria ay biglang naghiyawaan nang pumasok ito rito. Kahit ayaw mong gawin ay mapapatingin ka pa rin dito dahil halos lahat ng mga nandito ay nakatingin din sa kaniya. Huminto ito at inilibot ang paningin. Biglang may nagtatambol sa aking dibdib nang magtama ang aming mga mata.

Ano ‘tong nararamdaman ko? Bakit ako kinakabahan? Hindi naman ako natatakot sa kaniya. Wala akong kasalanan para matakot. At kung mayroon man, marahil hihingi na lang ako ng tawad nang sa ganoon ay matapos na ‘tong kabang nararamdaman ko.

“He’s looking at you!” ani Della at impit na sumigaw.

Hindi ako sumagot dahil nakatuon ang buo kong atensiyon sa aking dumaragundong na puso. Nang maglakad ito’y mas dumoble ang kabang naramdaman dahil imbes na sa counter ito dumiretso ay naglakad ito patungo sa aming direksiyon.

Felix, kalma. Tao lang naman ‘yan. Hindi ka niya sasaktan. Isusumbong na lang natin sa Dada mo!

“Hey,” aniya. Ang lawak ng ngiti sa kaniyang magagandang labi. Lumitaw rin ang maputi’t pantay-pantay niyang mga ngipin.

“Hi, Hunter.”

“Hi, Dell. How are you?”

“Waaah! I’m fine, pap-este, Hunter. Upo ka na muna. Ayusin ko lang itong kaibigan kong tulala na naman. Iniisip nitong nakahubad ka.”

Naupo ito sa harapan namin. Nakatingin lang siya’t hindi nabubura ang ngiti o mas magandang sabihing nakangisi na siya ngayon. Inayos niya ang mahabang buhok, dahilan para muling umingay ang mga estudyanteng malapit sa amin.

“Ang poge!”

Umiwas ako ng tingin at itinuon na lang iyon sa aking pagkain. Gusto kong umalis ngunit saan naman ako pupunta? Ayaw ko namang pumunta mag-isa sa Library dahil baka makakita ako ng ahas doon.

“I texted you. Bakit hindi ka nag-re-reply?” Lumingon ako kay Della. Abala ito sa kaniyang salamin dahil tapos na siyang kumain.

“Della, kinakausap ka po niya—”

“Ikaw ang kausap ko, Felix.”

Lumingon ako rito. Si Dada at Papa lang ang tumatawag sa akin nun. Kumunot ang noo ko, itinuro ang sarili. “K-Kausap niyo po ako?”

Tumawa siya nang mahina. “Yeah. Why didn’t you answer my messages?”

“Ano pong message? W-wala naman po akong natanggap.”

Totoo naman talagang wala akong natanggap. Kung mayroon lang, mag-re-reply ako. Kaso papaano ko re-reply-an ang mga automated messages mula sa mga scammer? Baka ma-hack pa ‘yong account ko kapag ginawa ko iyon.

Napansin ko ang pag-igting ng panga niya na tila ba hindi siya makapaniwala sa isinagot ko. nagsalubong din ang kaniyang kilay ngunit mabilis din itong bumuntonghininga. May kinuha siya sa kaniyang bulsa, cellphone, ‘yong latest na model ng isang sikat na brand. Ilang pindot ang ginawa niya’t iniharap iyon sa akin.

“Look,” aniya. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na kinuha ang cellphone ko’t tiningnan ang mga message na natanggap ko kagabi.

“G-Galing po sa inyo ‘to?” Ipinakita ko ang text message na natanggap. “A-Akala ko po sa mga scammer ‘to.” Tiningnan niya ang cellphone ko at isang maliit na ngisi ang gumihit sa kaniyang labi. Mabilis ko naman itong ibinalik sa bulsa.

“What? Do I look like a scammer to you?” Umiling ako.

“Ano po pa lang kailangan ninyo?” tanong ko, imbes na sagutin siya. Kasi hindi ko pa masabi sa ngayon kung scammer siya o hindi dahil hindi ko naman siya lubos na kilala.

“I want to be intimately close to you,” sagot niya.

Kumunot ang noo ko. hindi ko kasi ‘to lubos na naiintindihan. Nilingon ko si Della ngunit abala na ito sa paglalagay ng kolorete sa kaniyang pisngi na halos magmukha ng painting ang kaniyang mukha. Muli kong ibinalik ang paningin kay Hunter, nakangisi pa rin siya. Hindi ko Mabasa kung ano’ng tumatakbo sa kaniyang isipan.

“B-Baka po pag-isipan nila tayo nang masama kung magiging malapit tayo,” mahina kong sabi. Ngayon pa lang na umupo siya sa puwesto naming ay pinagtitinginan na kami ng mga estudyante rito.

“I was meaning to say, on bed, Felix. On fcking bed!”

--

“Ayos ka lang, ‘nak?” Napatingin ako kay Dada. Na sa hapag kami ngayon at kasalukuyang kumakain. Napansin siguro niya ang kanina ko pang pananahimik dahil madalas ay ako ang laging nagsasalita.

Ngumiti ako at saka tumango. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi. Natatakot kasi ako na baka ‘pag hindi nila nagustuhan iyong sasabihin ko’y ililipat nila ako ng eskwelahan. Ayokong lumipat. Gusto ko sa Unibersidad na pinapasukan ko.

“Kilala kita, Felix. May problema ka ba? Hindi ba sapat ang perang ibinibigay naming sa ‘yo?”

“Naku, ‘Da, hindi po ganoon. Sapat na sapat po iyong allowance ko po. Sobra pa nga po, e.”

“Then what’s bothering you?” si Papa naman ngayon ang nagtanong.

Bumuntonghininga ako. Kapag hindi ko nasabi sa kanila ‘to ay baka hindi ako makatulog mamaya kaiisip.

“K-Kasi po, may g-gustong makipagkaibigan sa akin.”

“Iyon lang ba? E ano namang problema roon? Is she or he did something you don’t like?” Umiling ako.

“Wala naman po, Pa.” Pinaglaruan ko ang mga daliri ko sa ilalim ng mesa upang hindi nila mahalatang kinakabahan ko. “Mabait naman po siya. Ang sabi nga po niya, gusto niya raw kaming magtabi sa kama.”

Napatayo si Dada. “Lalaki ba ‘to o babae, Felix?” medyo may kalakasan ang kaniyang boses.

“Hon, calm down.”

“L-Lalaki po,” sagot ko.

Hindi sila sumagot. Muling umupo si Dada at tiningnan si Papa. Napansin ko ang pagbuntonghininga nilang dalawa.

“Huwag kang makikipagkaibigan sa taong ‘to, Felix. Naiintindihan mo ba ako? Wala siyang maidudulot na mabuti sa ‘yo. Iwasan mo siya.”

Tumango lang ako bilang sagot at saka nagpatuloy na sa pagkain. Nakahinga ako nang maluwag dahil nasabi ko rin sa kanila ang bumabagabag sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top