Ako Nalang
"Siguro'y umiibig, kahit di mo pinapansin, magtitiis nalang ako magbabakasakaling ika'y mapatingin...."
Tahimik lang akong nakikinig kay Olivia Salvador habang kumakanta siya at gumigitara. Ang ganda-ganda talaga niya. Bakit kaya Siguro ang pinili niyang kanta? Siguro dahil madali lang. Siguro baka dahil rin dinidedicate niya para sa crush niya. At kung meron man, sino kaya?
Sana ako nalang
Pagkatapos ng kanta ay nagpalakpakan kami lahat. Sana hindi nila mapansin na gusto ko si Olivia, nahihiya kasi ako na baka tuksuhin kami ng mga kaibigan ko gaya ng ginawa nila sa amin ni Aries. Seatmate ko si Aries at nagkagusto ako sa kaniya, pero hindi niya ako gusto. Hindi ko alam kung alam na ba niya na nagustuhan ko siya o sa tingin niya ay trip lang iyon ng mga kaibigan namin. Ang alam ko lang ay hindi na siya ang napupusuan ko kung hindi ang babaeng nasa harapan ko na naglakad patungo sa upuan niya habang may bitbit na gitara.
"Ang susunod na magtatanghal ay ang lakambini at lakandula na nagmula Grade 9 Perseverance." Sabi ng guro namin. Tumayo na kami ng kasama kong si Marie at ang kabarkada kong si Allen na kasama kong magigitara. Habang hawak-hawak ko ang gitara ko ay pumunta ako sa harapan at umupo. Pumagitna si Marie sa aming dalawa ni Allen. Pinatugtog namin ang gitara.
"Naghahanap ka ng maaya
Pagkat sadyang walang magawa
Nagsasayang ng bawat oras sa wala (hala)...."
Natapos na ang kanta at medyo dismayado ako sa resulta. Hindi kasi narinig ng maayos ang pagtugtog ni Allen, at si Marie naman ay palaging nakatingin sa'kin. Wala ring emosyon ang pagkanta niya. Sigurado na talo kami sa event na ito. Pagkatapos ng event ay bumalik na kami sa mga classroom namin. Umupo ako sa likuran kahit hindi naman ito ang totoong pwesto ko.
Tiningnan ko ang gitara ko, at naalala ko si Olivia. Pinatugtog ko ang gitara ko. Mas lalo akong nagp-practice para maipakita ko kay Olivia na marunong akong magitara at pareho kami ng hilig. Nagbabakasakali rin na mapansin niya ako dahil dito
Ano kaya ang ugali niya? Mabait kaya siya? Gustung-gusto ko siya kasi ang galing niyang magitara, kumanta at tsaka maganda pa. Maputi siya at may magagandang mata. Eh ako, gwapo rin ba sa paningin niya? Ano kaya ang tingin niya sa'kin? Magugustuhan din ba niya ako?
May pag-asa ba na maging kami?
Lumawak ang ngiti ko.
Sana...
"Mark, ba't hindi ka kumanta kanina?" Tanong sa'kin ni Ice, classmate ko na bestfriend si Aries. Babae siya kaya huwag kayong magpadala sa pangalan niya.
"Wala kasing available na mic." Sagot ko habang hindi pa rin tinigil ang pagigitara.
"Aaahh." Sabi niya habang tumango-tango. Kumuha siya ng upuan at umupo sa harapan ko.
"Alam mo iyong 'Stuck' ni Darren Espanto?" tanong niya. Hindi ako tumango at sinimulang tugtugin ang kanta. Tiningnan ko siya. Nakatali ang buhok niya at ngumingiti siya habang nakatingin sa mga chords na pinapatugtog ko.
''I was too dumb to notice
That there's something about you
What am I supposed to do?
I sure wish I knew''
Nagsimula siyang kumanta. Tamang-tama lang ang voice quality niya, sweet pero malamig.
"All the butterflies I felt inside never really mattered
Wishful thoughts and sudden smiles end up being shattered
What are we supposed to be
I'm hopelessly addicted to you
But you never felt the same
Time may pass us by
But you'll stay stuck on my mind
And that moment we stared that night
I thought it was right
But maybe I was wrong all along"
Damn... Sana hindi maging katulad na kantang ito ang sitwasyon namin ni Olivia. Sana.
"I held onto something that never really mattered
Stuck on that starting line
I'm still"
"Good Afternoon Sir Mendoza." Nagsitayuan ang mga kaklase namin nang dumating na ang teacher namin sa English. Pero hindi kami tumayo ni Ice. It feels so comfortable habang kumakanta siya at gumigitara ako.
"Silently quietly hoping you'll end with me"
"Sir, hina-haranahan ni Mark si Ice." biro ng isa sa mga kaklase ko.
"Mr. Dantez and Ms. Suares, mamaya nalang iyan." sabi ni Sir, at tumigil na ako sa pagigitara. I smiled. Ice chuckled. Lumipat na kami ng pwesto, ako sa kabilang lugar sa likuran kung nasaan ang barkada ko at siya naman sa pwesto ko sa harapan, kasama si Aries.
Pagkatapos ng klase ay napakasaya ko. Kahit na hindi ako makapaglaro ng DOTA 2 kasama ang barkada ko, makikita ko pa naman si Olivia dahil may practice kami ngayon para sa Lakambini at Lakandula. Pero nakakahiya pa rin. Produksyon number ang prinapractice namin so kailangan talagang sumayaw. Hindi ako marunong sumayaw. Nasa gitna pa kami ni Marie at nasa likuran sa bandang kaliwa ko pa si Olivia at ang partner niya na Lakandula. Damn... Nakakahiya naman 'to oh!
Pagkatapos ng practice namin sa produksyon number, sabi ng mga teachers na pwede na daw kaming umuwi. Tinawag ako ng ate ko na kasali rin sa paligsahan.
"Raymond." May biglang tumawag sa'kin. Nagulat ako nang pagtalikod ko ay nakita ko si Olivia. Lumapit siya sa amin ng ate ko.
Kalma ka lang Raymond Dantez. Huwag mong ipahalata.
"Oh, Olivia, bakit?" Nice. Hindi ka umutal. Galing mo talaga Mark.
"Saan ang bahay ninyo?" Tanong niya.
"Nasa, South lang. Pero magpapagupit pa ako ng buhok." sagot ko.
"Pwede makisabay? Nasa South din naman ang bahay ko."
Best day of my life.
"Sige," sabi ni Ate. At nagsimula na kaming maglakad. Bigla akong siniko ni Ate.
"Ang galing mo Ray ha. Uyy." Bulong niya sa'kin.
"Ate naman." Bulong ko. Damn.. Akala ko ang galing ko na magtago. Napansin pala ni Ate?
Kasama namin si Olivia hanggang sa nakarating kami sa barber shop. Umuna na siya sa pag-uwi. Pag-uwi naman namin ni Ate sa bahay ay agad-agad akong pumunta sa harapan ng computer at tiningnan ang Group chat namin
Grade IX Perseverance
Mark ;) : Sinong on?
5:48 pm
Maiden from the North: ako
5:48 pm
Ice ^^ : here~
5:49 pm
Mark ;) : sent a photo to Grade IX Perseverance
Bago gupit. Ok lang?
5:51 pm
Ice ^^ : Madilim. Di ko makita mukha mo.
5:51 pm
Mark :) : Wait
5: 51 pm
Girl :) : Good luck bukas, James.
5:52 pm
Ice ^^ : James? Ahh... Iyong name ni Mark sa bago na namang role play.
5:52 pm
Maiden from the North: Ang dami nang pangalan ni Mark.
5:52 pm
Mark ;) : sent a photo to Grade IX Perseverance
Sent a photo to Grade IX Perseverance.
Iyan? Ok lang?
5:53 pm
Edward: Sana pareho nung kang Jose Rizal para bagay sa barong natin bukas.
5: 53 pm.
Mark ;) : Oo nga no? Cruz, pwede palitan ang pangalan ko? Mark nalang
5:53 pm
Girl :) : Hindi naman ako ang gumawa ng pangalan na iyan. Tanungin mo si Hilaga kung ok lang.
5:54 pm
Mark ;) : Hilaga
5:54 pm
Maiden from the North: Ayoko. James nalang. Ok lang naman iyan.
5:54 pm
Ice ^^ : Oo nga. Pero kahit mag-iba-iba ang pangalan niya. Mark pa rin tawag ko sa kaniya. Walang aangal. Btw, bagay sa'yo ang hairstyle mo. Ang cute :D
5:55 pm
Mark ;) : Hahahahahaha, tnx
5:55 pm
Girl :) : Ice Bakit ba Mark ang tawag mo sa kaniya?
5:56 pm
Ice ^^: Eh ayaw niya na Dan iyong i nickname ko sa kanya ang haba ng Dantez kaya Mark nalng na pangalan niya galing role play namin.
5:56 pm
Mark ;) : Sige, out na ko bye.
5:57 pm
Ice ^^ : bye bye~
Nag log out na ako, kumain, tapos natulog.
Paggising ko ay agad akong naligo. Tapos, handang-handa na ang Mama ko para sa araw ngayon. Ngayon na kasi ang Coronation para sa Lakambini at Lakandula. Sana manalo si Olivia. Kung hindi man siya ang manalo, sana si Ate. Sana rin manalo ako para may picture kami ni Olivia kung sakaling manalo kami dalawa.
Pagdating ko sa school, napakabusy ng mga kaklase ko. Pero hindi sila lahat. Ayun si Ice, chill na chill lang. Nagc-cellphone. Iyong barkada ko busy sa'kin. Tinawag daw ako sa faculty. Pagpunta ko doon ay nandoon na ang ibang mga candidate, kasama na doon si Olivia.
Grabe ang ganda-ganda talaga niya. Nakasuot siya ng isang katutubong kasuotan para sa produksyon number. Nakita niya ako at ningitian.
Damn... I looked down.
"Olivia!'' Nagulat ako ng may lalakeng tumawag sa kaniya.
"Ren." Sabi ni Olivia. Lumapit ang Gr 10 na lalake at kumausap sa kaniya. He's Ren Alcantara, isa sa mga Senators ng student council. At isa ring campus crush.
I sighed. Ako nginitian lang. Siya kinausap pa. Ngayon, nakikipagtawanan na. Damn...
~*~
Kung kahapon ang best day of my life. Ngayon na siguro ang worst day. Hindi ako nanalo. Hindi nanalo si Olivia. Ang ate ko at ang partner niya ang nanalo. Okay lang naman pero pagkatapos ay nagpapicture si Ren kay Olivia. Pakiramdam ko may gusto si Olivia kay Ren and the feeling is mutual.
Sana ako nalang
Bumalik ako sa classroom at busy na sila lahat. Pumunta ako sa pwesto ko at nakita ko si Ice na nagwawalis.
"Pwede na ba tanggalin ang barong ko? Ang init kasi." Tanong ko sa kaniya.
Tumango siya "Oo naman. Congrats nga pala. 2nd runner up ka." Bati niya at ngumiti ako. Tiningnan niya ang sash ko.
"Teka, kami ang gumawa nag design nito, ah!" Sabi niya. "Eto oh, iyong letter U na palpak. Hinding-hindi ko iyan makakalimutan." Mas lumawak ang ngiti ko. Bumalik siya sa pagwawalis at tinanggal ko ang barong tagalog ko. Nakasuot nalang ako ngayon ng puti na T-shirt.
Kinuha ko ang gitara ko. Lumapit si Ice sa'kin ng tapos na siya magwalis.
"Galingan mo sa pagpractice ha?" Sabi niya. Umupo siya sa longspan na mesa kung saan umuupo rin ako. "Tapos haranahin mo iyong crush mo."
Ngumiti lang ako.
"May crush ka na man, di ba?" Tanong niya. Tumango ako.
"Si Aries?" I shook my head."Sino?"
"Grade 8 siya" tingnan niya ako.
"Marunong bang magitara?"
"Oo"
"Maputi?"
"Oo"
"Maganda?"
"Oo" Mas lumapit siya sa'kin.
"Si Olivia?" Nagulat ako. I looked down and shook my head.
"Weh?" Sinunuod niya ang mga mata ko and she looked at me in the eye. Nagulat ako.
Alam kong maganda si Ice. But The Hell! She's so beautiful.
I looked away. Hindi ko maalis ang ngiti ko sa labi.
"Si Olivia nga." Sinunod ulit niya ang mga mata ko.
"Di nga" I looked away.
"Walang ibang babae sa Grade 8 na maganda, maputi at marunong magitara kung hindi si Olivia lang." She stated.
Damn it. Matalino talaga 'to.
"Sige na~" she whined. Tiningnan ko ang mga mata niya. Hindi pa rin umalis ang tingin niya sa mga mata ko. They were cheerfully pleading for the answer.
I placed my index finger on my lips.
"Huwag mong sabihin sa iba ha?" Sabi ko and she smiled cutely. Her dimple appeared.
"I knew it"
Hahahaha talo ako sa tagu-taguan nito ah. Nalaman din kasi nito noon na crush ko si Aries ngayon si Olivia na naman. Hahahaha.
"Teka, ano 'to?" Tanong niya nang may nakita siyang pulang bagay sa sahig. Its a red rose. Inamoy niya ito. "Mark, oh"
Kinuha ko ito.
Gusto kong ibigay 'to kay Olivia.
Pero natotorpe ako. Kaya ko kaya? Pero walang mangyayari kung hindi ko susubukan. Gusto kong malaman kung may chance ba ako. O si Ren ba talaga?
Hindi. Dapat hindi ako matorpe. Gagawin ko 'to. Hindi ako susuko. Ayoko maging hanggang 'Sana' lang kami.
Baka chance ko na 'to. Bakit ba nakita to ni Ice? At bakit niya pinakita sa'kin to kung hindi ko lang naman magagamit to bilang chance.
"Sandali lang. Ibibigay ko ito sa kaniya" sabi ko kay Ice. Inilagay ko ang gutara sa mesa at iniwan ko siya.
Umakyat ako sa itaas, and I saw her.
"Olivia" tawag ko sa kaniya.
"Oh, Raymond." Lumapit siya sa'kin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nanlamig ang mga kamay ko.
"P-para sa'yo" sabi ko at ibinigay sa kaniya ang red rose. Nagulat siya.
"I like you"
Wala akong ibang finocus kung hindi ang babe sa harapan ko.
I like you, Olivia Salvador. I want to be yours. Please give me a chance. Please.
"I'm sorry"
Pakiramdam ko tumigil ang mundo.
"Hanggang friends lang ang turing ko sa'yo." Sabi niya at umalis na siya.
~*~
Ang tanga-tanga ko. Damn! Basted. Sana ako nalang.
Lunes na, malungkot pa rin ako. Sabi ng mga barkada ko ok lang daw iyan makakalimutan mo din ang sakit. Na ganiyan talaga ang mga babae. Mas mabuti pa nga daw dahil hindi ako pinaasa. Agad-agad ako na binasted.
Pero grabe, eh. Ang sakit pa rin. Pakiramdam ko ang tanga-tanga ko. Obvious naman na hindi ako ang gusto niya, bakit ko pa rin tinuloy iyon?
Pagdating ko sa classroom ay nagulat ako.
"Naghahanap ka ng maaya
Pagkat sadyang walang magawa
Nagsasayang ng bawat oras sa wala, hala
Nasearch mo nang lahat sa internet
Naubos na ang load sa kakatext
Naghihintay ka lang ng may makukulit ulit
What are you waiting for?
Call my number
Knock on my door
Nandito lang ako
How I wish, you'll let me know"
With her sweet yet cool voice, she sang with emotions.
"Kung sino-sino pang tinatawagan mo nandito lang naman ako
At kung saan-saan ka pa naghahanap nandito lang naman ako.
Kung sino-sino pang tinatawagan mo nandito lang naman ako
At kung saan-saan ka pa naghahanap nandito lang naman ako
Ako nalang sana
Tayo nalang dalawa
Sana nalaman mo pala
Ako nalang sana"
Natamaan ako sa kanta. Bakit ba iyang kanta pa ang pinili niyang kantahin ngayon? Para akong binaril. At iyong pagkanta niya. Ramdam na ramdam ko ang emosyon. Para bang may kinakantahan siya.
"Ako nalang kung pwede lang, I wish
Ako nalang, ako na--"
Napatigil siya sa pagkanta nang tumalikod siya at nakita niya ako. Nagulat siya. Tinanggal niya ang earphones.
"Good morning, Mark." Sabi niya sabay ngiti. Then all of a sudden nagulat ako.
May isang malakas na pintig ang sumabig sa puso ko. Nakuryente ako.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Hoy Mark? Okay ka lang?"
"Huh? Ah... Oo, o-okay lang ako." Umuutal kong pagsabi. Tiningnan niya ako.
"Kumusta nga pala ang crush mo?"
"Ahhh... " sabi ko. I looked away from her at naglakad patungo sa pwesto ko. "Basted"
"Huh? Di ba niya alam kung sino ang binasted niya?"
"Huh?" Napahinto ako.
"Ang cute mo. Matalino ka, mabait at gentleman, ano pa ba ang hinahanap niya?"
Lumakas ang tibok ng puso ko.
"Hu-huwag ka ngang magbiro, Ice."
"Hindi naman, ah. Teka, ok ka lang? You've been stuttering lately." Tumayo siya. Damn.
"O-Okay lang ako." Sabi ko. Mabilis siyang naglakad patungo sa'kin. Bago pa ako makatakbo ay hinawakan niya ang kamay ko.
Ano ba 'to! Para akong babaeng trinap ng lalake. Bakit baliktad ang sitwasyon? I looked down. She bent her knees and looked up para makita ang mukha ko.
"Hoy Mark... Are you sure you're ok?" Concern niyang tanong. Ice naman!
"Ikaw kasi. Nahulog na ako sa'yo" bulong ko.
"Ano?" Di niya narinig ang sinabi ko.
"Wala"
"Ano ba? Ok ka lang?"
"Oo nga..."
"Oh, sige..." Sabi niya at bumalik siya sa upuan niya.
"Ako nalang, sana
Tayo nalang, dalawa"
She sang with sadness.
Damn Ice. Ba't ka malungkot? Huwag kang malungkot. Malulungkot ako.
Ba't naman ako malulungkot. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Ice naman! Anong ginawa mo sa'kin!
~*~
ICE
Oh no! Narinig ako ni Mark kanina? Ok lang kaya ang boses ko? Hindi ba flat? Sana naman hindi.
Oo aaminin ko. Gusto ko si Mark. Hindi lang gusto, siguro mahal ko na siya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Basta simula lang nang lecheng malakas na heart beat plus static electricity na iyan na bigla-bigla nalang lumabas nang hinawakan ko ang kamay ni Mark noong may role play kami.
Pero bakit ba kasi ang aga niya ngayong araw? Ang weird pa niya ngayon parang hindi siya sa kaniyang sarili. Namumula pa.
Hindi kaya
Hahaha, no way. Malamang malungkot siya kasi basted.
Pero ba't may slight na ngiti sa labi niya?
No, Ice! Huwag kang umasa. Bad iyan. Gets mo. Kasi hindi ka niya mapapansin. Walang papansin ko kasi simple ka lang.
Nakakainis kasing isipin na hindi nila narerealize na may mga taong nandito lang sa tabi nila. Tahimik na naghihintay.
Iba ang gusto ni Mark. Si Olivia. Bakit? Malamang, pareho sila ng hilig. At palaging on stage si Olivia. She is one of the center of attention sa Junior High. Hahay.
Sana may lalake na pumapansin sa mga simple na babae and look at what they are. Because sometimes, the more valuable ones aren't on the spot light. But the ones who are supporting and watching behind the curtains.
At sana kung makapansin man sila. Sana kung mapansin man ni Mark. Sana ako iyon.
Sana Ako Nalang
I bitterly smiled and wore my earphones. I played the song that I've been relating to ever since these feelings appeared: Ako Nalang by Zia Quizon.
~The End
----------------------------------------------------
Ano ba 'to? Ang weird ng story waaa~~ Biglaan lang kasing pumasok to sa kokote ko at ayokong masayang kaya ginawa ko to aaaahh! Nakakahiya huhuhuhu
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top