CHAPTER 5
HALOS MAPATALON sa gulat si Ligaya sa kanyang pagkakaduyan nang may nagsalita mula sa kanyang likuran. Nang lingonin niya ito nga ang kanyang hinala.
"Christian, nakauwi ka na pala?" Napatalon sa tuwa at kagalakan si Ligaya nang magtama ang kanilang mga mata.
Sinalubong naman siya ng binata ng matamis na ngiti at agad siyang niyakap nang pagkahigpit-higpit. Halata sa binata ang pagngungulila sa dalaga.
"Kahapon lang ako nakauwi. Pupunta na sana ako rito kahapon kaso alam mo naman si Nanay hindi niya agad ako binitawan at kako ay ipagpabukas ko na lang daw. Kaya nandito na ako ngayon," wika niya dahilan upang mapangiti ang dalaga.
Inaamin ni Ligaya na nangulila rin siya sa mga ilang araw na nawala ang binata. Lagi na rin kasi silang magkasama noon pa man. Matalik silang magkaibigan na halos kung titingnan ng mga tao sa kanila ay magkasintahan na.
Inakay naman ni Ligaya si Christian na maupo sa duyan. "Kumusta naman ang bakasyon mo roon? Maganda ba roon? Marami bang pagpapasyalan doon?" sunod-sunod niyang tanong na bahagyang ikinatawa ng binata.
"Aba kung makapagsalita ka parang hindi ka nakapunta sa ibang mga bansa halos nga hindi ko na mabilang sa mga daliri ko. Ako nga isang sakayan lang ng barko ang layo pero ang sa 'yo halos ilang oras sa himpapawid. Ang yaman mo magwaldas ka naman diyan pero kung alanganin ka naman ay pwede namang ako na lang ang magwawaldas para hindi ka naman mahirapan," wika niya at bago pa man siya makatawa ay agad siyang siniko ni Ligaya dahilan upang mabilaukan siya ng sarili niyang laway.
"Parang kamakailan lang na lumuwas ako papuntang Canada pero alam mo yung pakiramdam na para bang may hindi ako napupuntahang lugar at hindi ko naman alam kung saan iyon ha. Basta para bang-"
"Parang baliw? Oo para kang baliw at hindi na ako nagulat pa," mabilis na dugtong ng binata dahilan upang sikohin ulit siya ni Ligaya at mapaubo na lamang ito sa sakit.
"Mapupuno ka talaga ng siko ko ngayong araw kapag hindi ka pa umayos diyan," wika naman niya at umayos sa pagkakaupo.
"Maiba nga ako balita ko rito sa inyo ha ay mayroon daw kayong inaalagaang estranghero rito mismo sa pamamahay ninyo. Bakit? Ano bang nangyari? Sigurado ba kayong humihingi iyon ng tulong at hindi iyon magnanakaw o mapagpanggap lamang na nilalang? Kung sino-sino ang pinapapasok ninyo," wika niya na may pag-aalala sa tono ng kanyang pananalita at halata naman iyon ng dalaga.
Sanay na siya sa binata at kahit na minsan ay inis siya rito dahil walang humpay ang tukso niya rito sa kanya.
"Nakita siya ni Papa sa dagat at halatang kailangan talaga ng tulong. Hindi naman namin alam hanggang ngayon kung saan siya galing at kung sino talaga siya. Dahil kahit siya mismo ay hidi niya kilala ang kanyang sarili. May short term memory loss daw siya ayon sa doktor na pinapunta namin dito," mahabang lintanya niya at napatango-tango naman ang binata.
"Pumunta na ba kayo sa bayan para makahagilap ng mga balita? Kasi kung dito lang siya napadpad ay malamang sa malamang ay magkakaroon tayo ng lead kung papaano natin makokontak ang mga pamilya niya. Bukas na bukas din ay pupunta ako sa bayan. Gusto mo bang sumama?" ani niya dahilan upang mapatingin lamang ang dalaga sa kanya na para bang natulala.
"Ligaya?" pukaw naman sa kanya ni Christian at nang mapansin niyang hindi naman ito pala nakatingin sa kanya ay agad niyang sinundan ng tingin kung saang direksyon siya nakapukol ng mga tingin.
Doon ay ang nakatayong si Niel at ang mga mata nito ay nakapukol lamang kay Christian. Nang magtama naman ang mga tingin nila ay para bang mga manok ito na naghihintay lamang na mag-away. Kakaiba ang mga titig nila sa isa't-isa.
Mga titig na para bang naghahamon ng away ngunit kalmado lamang.
Tinaasan lang naman siya ng kilay ni Niel dahilan upang mapatingin si Christian kay Ligaya na para bang naghahanap ng paliwanag.
Agad namang tumayo si Ligaya mula sa kanyang pagkakaupo. "Niel ito si Christian, isa sa mga matalik kong kaibigan. Christian ito si Niel siya ang taong sinagip ni Papa at dito siya nanunulayan pansamantala," pagpapakilala naman ni Ligaya sa dalawa.
"Whatever," tipid na komento ni Niel at agad naman siyang tumalikod at agad na naglakad papasok sa loob ng bahay at iniwan ang dalawang puno ng katanungan ang mga mukha.
"Iniligtas, pinapasok, at pinakain ninyo iyon? Sigurado kayo? Sa hilatsa pa lang ng pagmumukha nun ay halatang malakas ang hangin. Halatang mayamang spoiled brat. Bukas na bukas din ay pupunta na ako sa bayan para mapaalis ninyo na 'yan. Imbes na ipakain ninyo sa kanya ay ipakain ninyo na lang sa aso. Bibilhan kita ng aso bukas na bukas din," wika niya at halatang nanggigigil sa galit dahil sa inasa ni Niel kanina.
Npabuntong hininga naman ang dalaga at napaupo ulit sa duyan dahilan upang titigan siya ng binata. "Hayaan mo na siya at ganoon na talaga nga siguro ang ugali nun kahit na pansamantalang nagka-amnesia. Mabait naman siya minsan sa amin ngunit mabuti na rin yan dahil hindi masyadong perwisyo," wika ni Ligaya ngunit parang hindi naman kuntento si Christian sa kanyang mga sinabi na para bang mayroon itong inililihim sa kanya.
Bata pa lang sila noon ay magkaibigan na silang dalawa dahil na rin sa mabuting magkaibigan ang kanilang mga ama kaya agd silang napalapit sa isa't isa. Halos alam na ni Christian ang ugali ng dalaga at alam niya kung may itintago ito sa kanya o wala.
Ngunit sa ganitong edad na nila ay alam ni Christian kung saan siya hihinto sa kanyang mga gagawing aksyon. Marahil na rin sa kanyang edad ay alam na niya kung paano mag-isip ng maayos dahil lahat ng ginagawa niya para sa dalaga ay pinag-iisipan niya muna ng mabuti bago siya gumawa ng aksyon o desisyon. Iniisip niya muna ang magiging resulta nito kay Ligaya dahil ayaw niyang mawala ito sa kanya.
Siya na lang muna siguro ang gagawa ng paraan upang makaalis ang lalaking nanunuluyan sa kanila. Alam niyang isa siyang hindi magandang balita. Alam niya rin na hindi malabong hindi magkagusto ang dalaga sa kanyan at ganoon na rin ang binata sa kanya.
Kaya habang maaga pa ay kailangan na niyang guawa ng aksyon. kahapon pa lang ng pag-uwi niya ay nagkasalubong sila ng ama ni Ligaya at sandaling nag-usap.
Hindi totoong narinig niya ang mga balitang iyon sa iba kung hindi nakuha niya ito mismo sa kanyang ama. Kahit na ang ama niya ay nag-aalala sa dalaga kaya inaya agad siya nito na mag-usap silang dalawa. Kahit na mayaman ang angkan nila Ligaya ay isa sa mga ayaw na ayaw ng kanyang ama ay ang makialam sa mga sitwasyong ayaw niya lalong-lalo na ang masama ang kanyang pangalan.
Kilala si Don Miguel pagdating sa mga negosyo at sa katunayan nga ay sila ang may pinakamalaking hacienda na nakabase sa Palawan. Naniniwala si Don Miguel na galing sa mayamang angkan ang lalaking nanunuluyan sa kanila at mukhang pamilyar ito para sa kanya.
Humingi ito ng pabor agad kay Christian na kung maaari ay pumunta ito sa bayan at magtanong-tanong at sa kalaunan na kapag may nasagap na siyang balita ay ipapalagay nilang galing ang binata mismo sa poder nila Christian.
Malakas ang kutob ni Don Miguel na anak ito ng kanilang kalaban sa negosyo dahil sa may medyo pagkawangis nito kay Ignacio ang kanyang mortal na kaaway noon pa man kahit na sa larangan ng pagnenegosyo. Baka kasi isiping siya nag naglagay sa trahedya sa binatilyo at magiging isang malaking gulo iyon para sa kanya kahit na sa huli ay mapapatunayan din kung ano ang totoo.
Walang pagdadalawang isip na sumang-ayon agad sa kanya si Christian at sinabing tutulungan siya nito. Huwag lang daw munang sabihin ito kay Ligaya at hayaang siya na ang kumausap.
Lingid pa roon ay sinabi rin ni Don Miguel na tila nagkakagusto na rin daw ang kanyang anak sa binata. Bagay na medyo ikinagalit at bahagyang nasaktan si Christian.
Matagal ng may lihim na pagtingin ang binatilyo sa dalaga noon pa man. At siya lamang ang babaeng gusto niyang pakasalan.
"Hoy! Ayos ka lang? Tulala ka na naman diyan," puna ni Ligaya sa kanya dahilan upang bumalik sa huwistiyon si Christian.
Ngumiti naman ito sa kanya at ginulo ang buhok ng dalaga. "Kulang lang siguro ako sa kain. May makakain ba riyan?"
Inayos naman ng dalaga ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri bilang suklay. "Nagpunta ka ba rito dahil namumulubi ka na dahil sa lakwatsa mo? Ni pasalubong nga hindi ka nag-abalang bilhan ako tapos papakainin kita rito? Ayos ka lang? Ang kapal mo rin ano?" wika ni Ligaya dahilan upang matawa ng husto ang binata sa kanyang tinuran.
Iyon ang bagay na isa pang nagusthan niya sa dalaga dahil matapang ito ngunit prangka nga lang minsan.
"Hiya naman ako sa taong nanunuluyan diyan ngayon at pinapalamon mo. Ako na matalik mong kaibigan hindi mo man lang kayang pakainin. Ikaw kainin ko gusto mo?" wika naman ni Christian sabay talikod at kamot sa kanyang batok.
Natigilan naman si Ligaya dahil tila hindi iyon naproseso ng kanyang utak.
"Dali! May mga pinamili ako kamahalan! Tiyak akong magugustuhan mo naman lahat. Hala! Pagmeryendahin mo na ako," sigaw ni Christian at pansin nito ang pamumula ni Ligaya at bago pa man siya makatakbo ay agad siyang dinakmal ni Ligaya at sinabunutan.
"Magdahan-dahan ka nga sa mga salita mo sa susunod," wika ni Ligaya at dali-daling tiningnan ang mga pinamili sa kanya ni Christian.
"Kababasa mo 'yan ng mga pocketbook mo. Kung ano-anong mga kamalisyahan ang nasa utak mo unless-" Bago pa man maituloy ni Christian ang kanyang sasabihin ay natabunan na ito ng siopao sa kanyang bibig.
Natigilan ang dalawa sa pagbabangayan nang may nagsalita mula sa kaniang likuran.
"Magkasintahan ba kayo?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top