Special Update #7

Special Update Chapter 7

"Happy birthday!" Bati ko kay Marcus at Ethan, September 14 ngayon at fifteen years old na ang dalawa, kagagaling lang nila sa school pero hindi nila alam na may hinanda kaming simpleng party para sakanilang dalawang magkapatid.

Nauna na ang mga malalapit nilang kaibigan dito sa bahay.

Hinalikan ko sa pisngi ang dalawa, unang nilapitan ni Kyle si Marcus, ginulo niya ang buhok nito at niyakap ito, strikto siya sa mga anak namin, pero masasabi kong sobrang mahal na mahal niya ang mga ito.

"Binatang binata na ang mga anak ko." Natatawang sabi niya, hinila naman niya si Ethan para silang tatlo ang magyakapan. Nakakatuwa silang pagmasdan.

"Nakakahiya Dad." Bulong ni Ethan sa ama atsaka humiwalay sa pagkakayakap. Ngumisi naman ang asawa ko at inakbayan na lang ang dalawa papasok sa loob ng bahay, sabay sabay nagkantahan ang mga kaibigan nila.

Pero ang mga mata ni Marcus nakatuon lang sa iisang babae, at kay Bianca iyon. Pero masasabi kong tama si Ethan, dahil sakanya naman nakatingin ang babaeng pinag awayan nila last year. Second year high school na sila ngayon, hindi ko na naririnig na nag aaway silang dalawa, pero naikukwento sa akin ni Monique na madalas pa rin sa school.

Nakinig sila sa Daddy nila na h'wag mag aaway dito sa bahay dahil talaga namang magagalit siya.

Kinuha ni Kyle ang regalo namin para sa dalawa. "Saxophone, para hindi ka na manghihiram sa Mommy ni Bianca..." Nakangiting sabi ko kay Marcus.

Excited na sinubukan niya iyon at napangiti ako dahil sa galing niya sa pagtugtog non. "Galing saamin ng Daddy mo yan... Ingatan mo at mas galingan mo pa ang pagtugtog." Sabi ko sakanya, tumango siya at ngumiti.

Bagong model naman ng Xbox ang regalo namin kay Ethan, madalas kasi niyang banggitin saamin ng Daddy niya, pero hindi pinagbibigyan ni Kyle dahil baka pabayaan daw ang pag aaral, nangako naman si Ethan na mag aaral siyang mabuti.

"Tsk! Astig talaga!" Sigaw ni Ethan.

Masayang kumakain ang mga malalapit nilang kaibigan, simpleng party lang, parang family gatherings na rin dahil nandito ang mga Lola at Lolo nila.

"Kyle...fifteen years old na yung dalawa." Bulong ko habang nakayakap kay Kyle, nakangiti naman niyang pinapanood ang dalawa habang nakikipaglokohan sa mga barkada nila.

"Binata na." Natatawang bulong niya.

Magsasalita pa sana ako pero natigilan ako nang marinig ko ang malakas na pagsigaw ni Marcus! Masayang masaya siya! Bumaling kami ni Kyle sakanya at halos manlaki ang mata ko nang makita kong yakap yakap niya si Bianca.

"Tayo na!" Sigaw ni Marcus, nagpalakpakan yung mga barkada nila at naghiyawan.

"Hmp. Bitch please." Napakunot ang noo ko kay Monique kaya sinuway ko siya.

"Panira kasi Mom, hindi ko alam kung anong plano niya. Kitang kita naman she doesn't like Kuya Marcus." Reklamo ni Monique.

"Anak, masama yan. Pabayaan mo ang Kuya mo." Suway ko sakanya, tumikhim naman si Kyle.

"Come here Princess..." Tawag sakanya ng ama, nakangusong lumapit saamin si Monique, inakbayan niya ito at hinalikan sa ulo.

"Hayaan mo lang ang Kuya mo, kapag nasaktan yan matututo yan." Bulong ni Kyle, napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Haay..." Buntong hininga ni Monique.

"Sandali nga, ikaw ba nagpapaligaw ka na?" Suway ni Kyle sa anak! Mabilis na umiling si Monique.

"Daddy! Hindi noh! Grade six palang ako. Tsk, hindi ako gumagaya sa mga classmates ko na may mga boyfriends na!" Nanlaki ang mata ko, my God, grade six may boyfriend? Anong nangyayari sa lipunan ng Pilipinas?

"Good girl, h'wag mo silang gayahin. Mag aral ka lang mabuti." Sabi ni Kyle sa anak, tumango naman si Monique at yumakap sa baywang ng ama.

Alas nuwebe na rin natapos ang birthday party nila Ethan, pero nagpaiwan si Bianca, tutulong daw siya sa pag aayos.

Habang abala ako sa pag aayos sa kusina narinig ko ang boses ni Marcus.

"Ako na, magpahinga ka na lang." Natatawang sabi ng anak ko sa girlfriend.

"Marcus ano ba? Birthday mo ngayon hayaan mong gawin ko 'to." Sabi ng dalaga, natahimik ang dalawa at napapitlag ako nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Monique.

"My god Kuya! Pwede ba irespeto niyo 'tong bahay natin?! Dito pa kayo naghahalikan!" Namilog ang mata ko sa narinig ko, mabilis namang sumulpot sa kusina si Bianca at kitang kita ko ang pamumutla ng mukha niya dahil sa hiya.

"Ah...eh, saan ko po pwede itapon 'to?" Nauutal na tanong niya.

"Dito na lang hija." Mahinahon na sabi ko saka itinuro ko yung malaking trash bag, nanginginig ang kamay niya sa pagtatapon, ibinuka ko yung trash bag para matulungan siya.

"S-salamat po!" Nakatungong sabi niya, hinawakan ko ang kamay niya at hinila ko siya paupo sa maliit na mesa dito sa may lababo.

Hindi siya makatingin sa akin dahil siguro alam niyang narinig ko ang sigaw ni Monique, wala akong balak na mangialam sa issue nilang tatlo nila Ethan, ang sa akin lang h'wag silang magmadali.

"Hija, bata pa kayo." Sabi ko sakanya.

"S-sorry po! Hindi na po mauulit..." Paumanhin niya, ngumiti ako ng marahan. Maganda ang dalagang ito, kaya siguro pinag aawayan ng magkapatid.

Dahan dahan siyang nag angat ng tingin sa akin. "Sa ngayon sana mag aral muna kayong mabuti, yang pagboboyfriend makakapag hintay yan hija... Hindi ko naman sinasabi na hiwalayan mo si Marcus, ang sa akin lang maging maingat kayo sa mga ikinikilos niya, laging unahin ang sinasabi ng utak kaysa sa puso." Payo ko sakanya, kinagat niya ang ibabang labi at saka tumango tango.

"Sorry po talaga..." Paumanhin niya, inayos ko ang buhok niyang nakatabig sa mukha, iniipit ko yon sa tainga niya.

"Aalis na po ako. Salamat po." Paalam ni Bianca saamin, ngumiti ako at tumango.

"H'wag ka ng babalik." Narinig kong bulong ni Monique, marahan namang humagikhik ang asawa ko kaya siniko ko siya!

"Ihahatid ko lang siya Ma." Paalam ni Marcus saamin, tumango ako.

"Mag ingat kayo ha?" Sabi ko.

Isinara ko na ang pinto at hinarap ko si Monique na ngayon ay nakakapit sa braso ni Ethan.

"Monique." Maawtoridad na tawag ko sakanya, "Hindi maganda yang inaasal mo ha." Suway ko sakanya, ngumuso siya at nag iwas ng tingin sa akin.

"Haha, hayaan mo na yang anak mo..." Bulong ni Kyle mula sa likod ko atsaka yumakap siya sa akin, ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko at hinalikan ang pisngi ko.

"Kasi naman Mom, hindi sila bagay. Mas gusto ko pa yung cheer leadersa school namin para kay Kuya, at least yun mabait." Bumubulong na reklamo ni Monique.

"Hindi mo mapipigilan ang Kuya mo kung sinong gugustuhin niya. Kagaya ng sinabi ng Daddy mo hayaan mong masaktan ang Kuya mo para matuto." Mariin na suway ko sakanya, hindi na siya nagsalita pa, yumakap na lang siya sa Kuya Ethan niya, ngumisi si Ethan atsaka ginulo ang buhok ng kapatid.

"Ang baby Princess namin may gustong ireto saamin ah!" Natatawang sabi ni Ethan.

"Meron Kuya, pero syempre sabi ni Mommy hayaan kayo." Natatawa ako sa bunso ko panay ang nguso niya sa tuwing naiirita siya.

"Ayaw mo kay Bianca para kay Marcus?" Kunot noong tanong ni Ethan.

"Ayaw. Kasi halata naman ikaw yung gusto nung Bianca." Reklamo nito...

"Ano ba yang bunso natin Mommy, daming nalalaman." Natatawang bulong ni Kyle sa tainga ko, kinurot ko ang braso niya.

"Iba na ang mga kabataan ngayon, kung mag isip akala mo mas matanda pa sila saatin." Bulong ko kay Kyle.

Hinayaan na lang muna naming maglaro ng Xbox yung tatlo doon sa baba.

"Ahh! Masakit baby!" Sigaw ni Kyle...

"Oh, sorry Dad..." Bulong ko...

"Ugh, a-ayan Mommy diyan... Hoo sarap." Ngumingising sabi ng asawa ko, nakadapa siya ngayon habang ako naman nakaupo sa balakang niya at minamasahe ang likod niya, mukhang napagod sa dami ng ginawa sa opisina at dito sa bahay dahil sa birthday nung dalawa.

Nakaboxer shorts lang siya at topless.

"Dad, nahuli ni Monique na nagkikiss si Marcus at Bianca." Simula ko.

"Ahh... Diyan Mommy masakit diyan." Sabi niya atsaka mas diniinan ko ang masahe sa balikat niya.

"Kinausap mo ba yung Bianca?" Seryosong tanong niya.

"Hmm, oo." Sagot ko.

Huminga ng malalim si Kyle. "Mahirap na kontrolin ang mga bata ngayon." Bulong niya, tinapik tapik niya ang gilid ng hita ko.

"Tama na Mommy okay na, salamat baby. I love you..." Paglalambing niya, naku ganyan yan sa tuwing pagkatapos ko siyang masahihen, mas lalong lumalambing. Dumapa ako sa likod niya at yumakap ako sakanya, ang init talaga ng katawan ng asawa ko.

"Hmm, Mommy." Tawag niya sa akin.

"Kyle, natatakot ako..." Bulong ko at bumuntong hininga ako. Natatakot ako para sa mga anak namin, unti unti na silang napapalayo saamin dahil lumalaki na sila.

"Mommy...h'wag ka ng matakot, ako na ang bahalang magdisiplina sa apat. Alam ko naman na malambot yang puso mo pagdating sa mga anak natin." Litanya niya, sandali kong sinilip ang gwapo niyang mukha mula sa pagkakadapa ko sakanya, nakapikit na ngayon ang asawa ko.

Gumalaw siya at hinanap ng kamay niya ang kamay ko mula sa dibdib niya, pinagtagpo niya iyon at marahan na pinisil.

"Basta Mommy...lagi mong tatandaan na mahal na mahal ko kayong lima. Pero sana, patawarin mo ako kapag nasasaktan ko minsan ang mga bata." Bulong niya.

"I love you too Dad..."

Gumalaw siya kaya naman umalis ako sa likod niya, tumihaya naman siya at pinadapa niya ulit ako sa ibabaw niya, napapikit ako nang halikan niya ang labi ko sandali, tinignan niya ang mata ko.

"H'wag ka na masyadong mag isip. Magtutulungan tayong dalawa, ano ka ba? Asawa mo ako, nandito ako at hindi ko hahayaan na mangyari lahat ng negative na naiisip mo sa mga bata." Paninigurado niya sa akin, tumango tango ako. M

Dinampian niya ulit ng halik ang labi ko.

"Ganda mo pa rin." Pambobola niya, hinampas ko naman ang dibdib niya pero tinawanan niya lang ako, humilig na ako sakanya at ipinikit ko ang mata ko...

Maya maya lang...

"Dad! Mom!" Magkakasabay na sigaw nung tatlo sa labas. Parang nakarinig din ako ng pag-iyak.

"Kyle!" Sigaw ko. Kaagad siyang tumayo at hinila yung isang shorts na mahaba at sando saka isinuot iyon.

Mabilis kaming bumaba at halos magwala ang puso ko nang makita kong duguan ang mukha ni Marcus.

"Shit! Anong nangyari?!" Nag-aalalang sigaw ni Kyle. Bumaling ako kay Bianca na ngayon ay panay ang iyak!

"Anong ginawa mo kay Kuya?!" Sigaw ni Monique sa kanya. Hinila ni Troy ang kapatid.

"Princess, calm down!" Sigaw nito sa kapatid.

"Ate Yolly! Yung first aid kit! Pati kumuha ka ng towel!" Sigaw ni Ethan. Lumapit ako sa anak ko at nanginginig ang kamay ko dahil sa takot, kalat kalat na ang dugo sa mukha niya.

Awtomatikong tumulo ang luha ko...

"Anak...anong nangyari..." Umiiyak na tanong ko.

"Kei...relax." Suway sa akin ni Kyle atsaka umupo sa tabi ni Marcus, mabilis niyang hinila ang towel kay Yolly at pinunasan ang mukha ng anak.

"What happened?!" Aligagang tanong ni Kyle, pero hindi sumasagot si Marcus. Namumutla na siya.

"Ospital...dalhin natin siya sa ospital..." Nanginginig na sabi ko, damn! Natutuliro ako sa itsura ng anak ko.

"No...no Mom, a-ayos lang po ako."

"Shit Marcus! Tignan mo yang itsura mo!" Galit na sigaw ko.

"So-sorry po!Iniligtas po kasi ako ni Marcus, m-may humila po kasi sa akin na dalawang lalaki dun sa kanto... M-may dala po silang balisong kanina." Nanginginig na kwento niya.

Hindi ko siya pinagbigyang pansin, nag aalala ako sa anak ko.

"Mom..." Umiiyak na tawag ni Monique.

"Shit! Kyle! Hindi lang yan ang tama ni Marcus!" Sigaw ko nang makita ko ang pagkakahawak ni Marcus sa kaliwang bahagi ng tiyan niya!

"Don't panic, Kei! Natataranta rin ako!" Galit na suway sa akin ni Kyle atsaka tumakbo sa taas.

Dala na niya ang susi ng sasakyan, mabilis na inalalayan ni Ethan at Troy ang kapatid para makababa kami.

Hindi ko matitigan si Bianca, god... Wala naman sanang mangyaring masama sa anak ko, hindi ko alam ang gagawin ko.

"Hey baby...uminom ka muna ng tubig." Pag aalo sa akin ni Kyle umiling ako.

"Kyle...si Marcus." Umiiyak na bulong ko. "Shh, inaasikaso na siya sa Emergency Room." Sabi niya.

"So-sorry po talaga." Panay ang hingi ng paumanhin ni Bianca saamin.

"Umuwi ka na! Hindi ka kailangan dito!" Sigaw ni Monique.

"Princess!!!" Sigaw ni Troy.

"Totoo naman eh, kung hindi ka nag inarte edi sana hindi nangyari 'to ngayon." Sumasakit na ang ulo ko sa nangyayari kaya wala na akong panahon para suwayin sila, ang inaalala ko ngayon ang isang anak kong nasa emergency room.

"Bianca, tinawagan ko na ang parents mo. Mabuti pa hintayin mo na lang muna sa labas, Ethan ihatid mo muna--"

"No, walang maghahatid sa inyo. Baka mamaya may mangyari nanaman." Hindi ko alam kung saan ko hinugot iyon, basta ang alam ko natatakot ako ngayon. Yun nga lang nagkasakit silang magkakapatid halos hindi na ako matulog, ngayon pa kayang ganito ang nangyari?

"Sorry po talaga." Umiiyak na sabi ni Bianca atsaka naglakad paalis. Panay naman ang haplos ni Kyle sa likod ko.

Inabot kami ng kinabukasan sa ospital dahil sa pagbabantay kay Marcus, sabi ng Doctor mabuti na lang at mababaw lang ang saksak sakanya. Yun nga lang mananatili yung peklat doon sa may kilay niya, yung sa bandang tiyan naman maliit lang ang tinahi kaya hindi masyadong kita, yung mukha talaga ang natamaan sa anak ko.

"Mommy pahinga ka na, hindi ka pa natutulog." Suway sa akin ni Kyle, inayos ko ang kumot ng anak ko at hinalikan ko ang noo nito, tulog kasi ito ngayon dahil sa ininom na gamot.

"Babantayan ko si Marcus..." Bulong ko...

"Ikaw naman ang magkakasakit niyan..." Suway niya, umiling iling ako.

Gusto kong masiguradong maayos ang anak ko.

Gabi na rin nung pinayagan kaming umuwi ng Doctor.

Katatapos lang naming kumain ng dinner.

"Sa tabi ako ni Marcus matutulog." Paalam ko kay Kyle. Tinignan niya lang ako at sinundan sa kwarto ng anak namin.

"Mom, ayos na ako." Reklamo ni Marcus.

"No Marcus, ano ka ba 2 weeks kang hindi makakapasok dahil diyan sa tahi mo." Suway ko sakanya, huminga siya ng malalim.

"Ma, kaya ko nanaman. Opo alam ko nag aalala ka, pero kasi Ma... Malaki na po ako, thank you sa pag aalaga. Kailangan ko po kayo pero hindi naman pati sa pagtulog, Mommy naman." Halata ang iritasyon sa boses ng anak ko, talagang lumalaki na sila at nagbibinata na.

Naramdaman ko ang yakap ni Kyle sa baywang ko.

"Tama ang anak mo, kaya na niya yan. Tatawagin ka naman niya kapag may kailangan siya, hayaan mo na..." Bulong niya sa akin.

Tumayo si Marcus sa higaan at lumapit sa akin, hinalikan niya ang pisngi ko.

"Thank you sa pag aalaga Ma, pero binata na ako Ma para magtabi tayo. Tuli na nga eh!" Natatawang biro niya, akmang kukurutin ko siya sa baywang pero naalala kong may tahi siya.

Huminga ako ng malalim. "Basta kapag may masakit katok ka lang sa kwarto namin ng Dad mo ha? O kaya hindi ko na lang isasara yung pinto para marinig kita..." Sabi ko.

"Ma!" Sigaw niya saka nagkamot ng ulo.

Hinalikan ko na ang mga anak ko atsaka tumulak na kami ni Kyle sa kwarto namin.

"H'wag mong isara yung pinto Dad, baka tumawag si Marcus mamaya." Sabi ko atsaka humiga na ako sa kama.

Hinayaan lang ni Kyle na nakabukas iyon, tumabi na siya sa akin at yumakap.

"Masyado kang nag aalala." Bulong niya.

"Dad, natakot ako. Akala ko kung ano nang mangyayari." Totoong sobrang takot na takot ako, hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nawala kahit isa sa mga anak ko.

Hinigpitan ni Kyle ang yakap sa akin.

"I love you Mommy... Salamat sa lahat." Bulong niya at hinalikan niya ang leeg ko.

Ganito talaga siguro kapag may anak ka na, wala ka ng pakialam sa kahit ano basta alam mong maayos sila magiging masaya ka.

"I love you, Dad..."

"Magpahinga ka na, kagabi ka pa walang tulog..." Suway niya sa akin at inayos ang buhok ko.

"Yes, Dad..."

"Ang swerte ko naman talaga at ikaw ang ina ng mga anak ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top