Chapter 8

Chapter 8

KEI'S P.O.V


Naitulak ko si Tom nang mahagip ng mata ko si Kyle na nakasilip doon sa pintuan. Nag-aalab sa galit ang mga mata ni Kyle na para bang kahit anong oras ay sasabog na ito. Ibinaling ko ang mata ko kay Tom at bakas sa mukha niya ang pagkagulat at mukhang napansin niya kung saan ako nakatingin.

Kaagad tumayo si Tom upang lapitan si Kyle.

"What the fuck are you doing here?" bulalas ni Tom kaya naman mabilis din akong lumapit sa kanila upang pumagitna.

"Tom, please, tama na," pakiusap ko pero nanatiling nakatuon ang mga mata ko kay Kyle.

"Isasara ko lang yung pinto. Masyado kasing exposed yung paghahalikan niyong dalawa," inis na sambit niya na nagpalunok sa akin.

Magsasalita na sana ako pero isang malakas na pagtalpak sa pinto ang ginawa ni Kyle na siyang nagpabagsak sa balikat ko.

Tatlong araw na rin ang lumipas, hindi ko nakikitang lumalabas si Kyle ng unit niya. Gusto ko siyang kausapin pero natatakot ako. Bakit ba hindi ko magawang ibuka ang bibig ko kapag kaharap ko na siya?

I took a deep breath at pumikit ako.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, hija ah?"

Napalingon ako sa katabi ko dito sa elevator. Kararating ko lang kasi sa tower ng condo galing sa trabaho. Mukhang mag-asawa sila. Para ngang familiar sa akin ang mukha nilang dalawa. Ang ganda at ang gwapo nila. Nakapulupot ang kanang braso ng lalaki sa kasama niya at nakakainggit ang ka-sweet-an nila.

Ngumiti ako.

"Ah, hindi po," pagsisinungaling ko saka ngumiti sa kanila.

"Parang ganyan ka dati, Love. Kapag nag-aaway tayo kung makahinga ka ng malalim akala mo may nakabara sa dibdib mo." Narinig kong may halong pang-aasar na sambit ng lalaki. Love? Natawa ako sa sarili dahil muli ko na namang naalala si Kyle.

Narinig kong tumawa ang babae at hinampas nito ang dibdib ng kasintahan niya.

"Ano ka ba, Michael?" naiinis na sabi nito. Nanlaki ang mata ko nang mag-sink in sa akin ang pangalan na iyon. Muli akong humarap sa kanila.


"M-Michael Cando?" hindi makapaniwalang sambit ko at para akong tanga na napanganga dahil sa paghanga.

Ngumiti ang babaeng kasama niya.

"Sabrina Briones?" sambit ko ulit. Sila ang mga magulang ni Kyle na kilalang modelo dito sa Pinas. Hindi ko akalain na mukha pa rin silang dalaga't binata dahil napakaganda at gwapo pa rin nila.

"Ah, hija. Mrs. Cando na siya," pagco-correct sa akin ni Mr. Michael Cando na siyang nagpainit sa mukha ko.

"Ah...so-sorry po... a-ano po idol ko po kayo! Ang gwapo at ang ganda niyo pong dalawa," nauutal na sambit ko.

"Thank you, hija," nakangiting sabi nila sa akin. Ngayon ko lang napansin na kamukhang kamukha ni Kyle ang Daddy niya.

Bumukas na ang elevator, at pinauna ko silang lumabas. Hindi pa rin naaalis ang pagpulupot ng braso ni Michael Cando kay Sabrina. May dala-dala silang plastic at halatang pagkain iyon dahil naamoy ko pa iyon.

"Magugulat si Kyle nito," magiliw na sambit ni Sabrina.

"Kung hindi pa tayo tumawag sa studio niya hindi pa natin malalamang may sakit 'yang panganay natin. Hindi na nakakatuwa ang pagsisikreto ni Kyle," ani ni Michael Cando.

Natigilan ako. May sakit si Kyle? Sinadya kong bagalan ang pagbukas ko ng unit ko nang magdo-doorbell na sila sa pinto ni Kyle. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang marahang pagbukas ng pinto niya.


"Surprise!" masayang sambit ng Mama niya.

"Love? Dad?" pagtataka ni Kyle saka umubo-ubo. Halata nga sa boses niya na may sakit siya, so hindi nga siya nagsisinungaling. Mama niya nga ang tinatawag niyang 'Love'. Para akong tanga na nakatayo sa tapat ng unit ko na nakikinig sa usapan nila.

"Bakit hindi mo sinabing may sakit ka? Tatlong araw na pala 'yan. E di hindi ka nakakapag-exercise? Bumalik ba ang hika mo?" sunod-sunod na tanong ng Mama niya na may halong pag-aalala.

"Ma, I'm fine. Hindi niyo na nga kailangang pumunta ni Dad dito eh," naiinis na sabi ni Kyle. Medyo husky ang boses niya.

Napatalon ako nang marinig kong nagsalita ang Daddy niya.

"Hija? Ikaw pala ang kapitbahay ni Kyle?"

Pumikit muna ako at dahan-dahang humarap sa kanila.

"Ah...o...opo," nauutal sagot ko.

Biglang sumilip si Kyle sa may pintuan at nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Walang emosyon niya akong tinitigan ng malalim. Palihim akong huminga ng malalim nang mapansin kong gulo ang buhok niya dahil kagagaling lang sa pagkakatulog. Walang suot na pang-itaas si Kyle. Naka-pajama lamang siya na puti dahilan upang mas lalo kong mapansin ang magandang hubog ng kanyang katawan.

"So, ikaw pala si—"

"Love!!!" sigaw ni Kyle at akmang hihilahin ang parents niya papasok sa unit, pero nagpumiglas ang Mama niya.

"Why? I want to meet her anak! Sandali!" ngiting-ngiting sabi ng Mama niya at namilog ang mata ko nang lumapit siya sa akin saka hinila ako sa aking kamay.

"Halika, hija! Sumabay ka sa amin mag-dinner," excited na anyaya nito sa akin at parang may sariling desisyon ang paa ko na hinayaan na lamang magpatianod sa paghila sa akin ng Mama niya.

"Po?" pagtataka ko.

"No more questions!" magiliw na sabi nito at hinila na ako papasok sa unit ni Kyle.

"Aish!" naiinis na sigaw ni Kyle at itinalpak ang pinto ng unit niya saka pumasok sa kwarto niya.

"Saan ka pupunta?" suway ng Mama niya.

"Magbibihis lang!" sigaw ni Kyle sa loob ng kwarto niya.

"Maupo ka muna, hija." Tumungo sa mini kitchen ang parents niya upang ayusin ang mga dalang pagkain.

Inilibot ko ang paningin sa unit niya. Ngayon lang ako nakapasok dito. Matagal na niya akong niyayaya dito pero hindi ako pumupunta. Puro black ang gamit niya at puti naman ang kulay ng unit niya. Malinis ito, 'di katulad sa akin makalat. May malaking frame din na nakasabit sa wall ng sala niya, at katulad iyon ng picture sa kotse niya, yung family picture. Maya-maya lang lumabas na si Kyle. Naka-white sando na siya. Bakat na bakat yung katawan niya at kitang-kita ko ang form ng biceps niya. Hindi ko maiwasang mapalunok dahil doon. Namamanyak ba ako? Shit, ano ba itong mga napapansin ko?

"Naglalaway ka na niyan?" pagsusungit niya sa akin. Napansin kong medyo nagkaroon na ng emosyon ang mga mata niya kahit pa may nababalot pa ring lungkot doon.

"Ano? Naglalaway? Kapal ng mukha mo ha." Defend ko sa sarili.

Ang bilis nang tibok ng puso ko. Sana ay hindi niya ito marinig.

"Yan na nga ba sinasabi ko. Kaya nagbihis ako, baka mamaya malaglag na 'yang panga mo," pagbibiro niya. Hindi ko alam pero may kumalabit na saya sa puso ko nang marinig ko na ang muling pang aasar niya sa akin.

"Ewan ko sa'yo." Nahihiyang pag-iwas ko sa kanya. "M-may sakit ka raw?"

Humalukipkip siya, at napatingin ako sa braso niya. Bakit ba ang ganda ng katawan niya? Nakaka-distract!

"Love sick lang ito," seryosong bulong niya.

Tinignan ko siya sa mata. Parang nangungusap ang mata naming dalawa. Para bang sinasabi ng mata ko na 'sorry' at sinasabi naman ng mata niya na 'na-miss kita.' Or masyado lang akong nag-a-assume?

"Mamaya na kayo magtitigan jan, kakain na!"

Bumalik ako sa ulirat nang marinig ko ang sigaw ng Mama niya.

"Halika na," aniya saka nag-iwas ng tingin sa akin. Sumunod naman ako sa kanya.

"Oh hija, maupo ka na sa tabi ni Kyle," sabi ng Mama niya dahilan para mag-init sa kahihiyan ang mukha ko.

Napansin ko namang gumalaw ang ulo ng Daddy ni Kyle at itinuturo ang upuan sa tabi ni Kyle. Napakamot siya ng ulo at tumayo. Hinila niya ang upuan sa tabi niya at hinawakan ang kamay ko para makaupo ako ng maayos. Para akong nakuryente sa init ng kamay niya.

Sinigang ang nakahain sa mesa at mukhang masarap 'yon.

"Paborito ni Kyle 'yang sinigang kapag may sakit siya. Alam mo ba nung bata pa 'yan, hindi siya kumakain kapag may sakit siya? Ang gusto niya puro sinigang lang. Pero ang paborito niya talaga yung caldereta ko. Itinuro kasi sa akin ng Lola ni Kyle kung paano iluto 'yon." masayang kwento ng Mama niya habang sinasalinan ng kanin si Kyle.

"Love, ako na."

Napatingin ako kay Kyle. 'Love' talaga ang tawag niya sa Mama niya. Ang Daddy naman niya kumakain na, pero nakangiti ito habang nakikinig sa asawa niya. Bagay talaga sila. Kitang-kita yung pagmamahal sa kilos nilang dalawa.

"Ano ka ba, anak? Hindi mo na nga sinabing may sakit ka." Nasa tono nito ang pagtatampo.

"Okay lang ako, Love. Malaki na ako," paninigurado ni Kyle saka humigop siya ng sabaw.

"Siya nga pala hija, sayo ba dinala ni Kyle yung caldereta?"

Nasamid ako nang itanong sa akin ng Mama niya iyon. Paano ko ba sasabihing napanis lang sa fridge ang calderetang binigay niya dahil sa pag-aakala kong babae ni Kyle ang nagluto nun?

"Ah, opo..." hindi mapalagay na sagot ko.

"Buti naman kung ganon. Maganda ka pala talaga. Madalas kang—"

"Love!" putol ni Kyle sa sasabihin ng Mama niya kaya naman napabaling ako sa kanya. Magkadikit na ang kilay niya at para bang irritable na siya.

"Love, h'wag mo namang ibuking ang anak mo," bulong ng Daddy niya.

"Bakit ba? Buti nga ikinukwento ko. Alam mo Michael, kaming mga babae gusto naming nalalaman yung mga ginagawa niyo habang nakatalikod kami."


"Alam ko naman 'yun, Love, pero tignan mo nga yung itsura ni Kyle ngayon. Namumula na yung tenga niya sa kahihiyan," natatawang panunuya ng Daddy niya.

Muli akong napatingin kay Kyle. Namumula nga ang tenga niya.

"Hindi na naalis sayo 'yan, anak. Tuwing nahihiya ka namumula tenga mo," natatawang sabi ng Mama niya. Napahawak naman si Kyle sa tenga niya at umiling-iling.

Biglang iniharap ng Daddy ni Kyle ang Mama niya at napangiti ako nang halikan niya ito sa labi sandali.

"Tama na, Love. Kumain na muna tayo. Okay? Baka mamaya lalong mahiya si Kyle niyan."

Namula naman ang pisngi ng Mama niya. Nakakatuwa sila dahil kitang-kita sa mga mata nila ang pagmamahal sa isa't isa.

Mga alas otso na rin umalis ang parents ni Kyle. Nagkwentuhan pa kami ng Mama niya. 16 years old pa lamang siya nang ipanganak niya si Kyle, kaya pala 39 palang siya at 23 na si Kyle. Hindi ko man lang naisip 'yon nang sinabi sa akin ni Kyle na 39 years old palang ang mga magulang niya. 19 years na rin silang kasal ng asawa niya.

Nag-usap naman si Kyle at ang Daddy niya dun sa kitchen. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nilang dalawa pero mukhang seryoso 'yon dahil nakita kong nakatungo lang si Kyle habang nakikinig sa sinasabi ng Daddy niya. Hindi naman mukhang galit ang Daddy niya. Napapangiti pa nga ang Daddy niya habang tinitignan si Kyle.

Ibinilin rin sa akin ng Mama niya na painumin ko ng gamot si Kyle. Mabait ang magulang niya. Kumbaga masarap silang maging biyanan—hala kung ano-anong sinasabi ko!

Nakahiga ngayon si Kyle sa couch niya, at nakapikit lang siya. Lumapit ako sa kanya at kahit hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos hinawakan ko ang noo niya. Medyo mainit pa siya. Natigilan ako nang imulat niya ang mata niya.

Titig na titig siya sa akin.

"I miss you," bulong niya. Para akong bato sa kinauupuan ko. Gusto kong sabihing na-miss ko rin siya pero hindi ko magawa.

Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay iyon sa kaliwang dibdib niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya, parang may nagwawala sa loob n'on. Kahit nakasando siya ramdam ng palad ko ang init doon.

"I'm sorry. Alam ko masyado akong naging pakielamero sa mga gusto mo. Pero gusto kong sabihin sayong kahit hindi mo ako magustuhan, yung pagpintig nitong puso ko para sayo hindi magbabago." Sobrang seryoso ng mukha niya, at yung mga mata niya parang sinasabi nitong mahal na mahal niya ako. Ngayon ko lang narinig na magsalita ng ganyan kaseryoso si Kyle.

Marahan niyang pinisil ang kamay ko. Itinaas niya 'yon papunta sa labi niya at hinalikan isa isa ang daliri ko.

"Kung bibigyan mo ng chance si Tom, sana ako rin. Bigyan mo rin ako ng pagkakataon na ipakita sayo kung gaano kita kagusto at kamahal. I'm dead serious, Kei. I love you, to the point na parang sasabog na ako sa pagmamahal ko para sa'yo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top