Chapter 49

Chapter 49


KEI'S P.O.V



Nandito ngayon ang parents ni Kyle pati na rin ang tatlong kapatid pa niya, kaya naman naexcite si Misha dahil miss na rin niya ang mga ito.



"Malapit ka ng manganak hija..." Nakangiting sabi ni Mama Sab... 10 days na lang at manganganak na ako.


"Oo nga po eh, ang likot likot ng kambal ko..." Natatawang sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko.

"Naku ganyan talaga kapag lalaki, nung ipinagbubuntis ko si Kyle sobrang likot niya kahit limang buwan palang siya, ginawa ba namang play ground ang tiyan ko!." Natatawang kwento ni Mama, napangiti na lang din ako, kahit pala nung nasa tiyan palang siya ng Mama niya napakaharot na niya.


"Siya nga pala, sigurado na ba kayo sa ipapangalan niyo sa bata?" Biglang tanong ni Daddy Michael.


"Naku, Daddy ayoko sana nung gusto ni Kyle eh... Parang anime kasi ang dating, maganda sana pero hindi naman bagay sa kambal..." Natatawang sabi ko.

"Eh kung ganon h'wag iyon ang ipangalan mo..." Nakangiting sabi ni Daddy.


"Oo nga Ate! H'wag kang makinig kay Kuya! Haha!" Natatawang sabi ni Cassandra.


"Pwede bang Marcus Liam na lang anak? Hinahabulan pa sana namin noon ng isa pang lalaki si Kyle kaya lang nagsunod sunod na puro babae na..." Sabi ni Mama.

"Marcus Liam po? Okay lang po Mama, tapos yung isa Ethan Luke..." Masayang sabi ko, sumang ayon naman sila. Napag usapan namin na h'wag ipaalam kay Kyle na iibahin namin ang pangalan dahil alam kong hindi papayag yon. Wala na siyang magagawa kakampi ko ang parents niya.



Gabi na rin at naglalaro ng baraha yung apat na magkakapatid ng tumawag si Kyle sa akin.

[Baby? Gising ka pa rin? Ten na ng gabi diyan ah?] Bungad niya ng itap ko yung call niya. Oo alas diyes na ng gabi dito, at umaga naman don.

"Oo baby...nandito sila Mama Sab, maya maya uuwi na rin sila...teka kausapin mo muna." Inabot ko kay Mama yung cellphone at kinausap si Kyle.


"Mag iingat ka jan... Okay lang kami ng Daddy mo... Ha? Oo h'wag kang mag alala hindi namin pababayaan ang asawa mo pag manganganak na... Ano? Cloud saka Sky?" Nagkatawanan kaming lahat.


"Oo anak Cloud at Sky... Yun ang gusto mo eh." Natatawang sabi ni Mama...

"Sandali ang Daddy mo kausapin mo..."


"Kumusta ang trabaho jan? Baka nambababae ka diyan?... Siguraduhin mo lang, ako wala akong ibang minahal bukod sa Mama mo, siya din ang first ko sa lahat..." Napangiti ako ng kurutin ni Mama ang tagiliran ni Daddy Michael, kitang kita parin ang kasweetan nilang dalawa.


"Mag ingat, eto na yung asawa mo..." Iniabot sa akin ni Daddy yung cellphone ko at kaagad kong itinapat iyon sa tenga ko.


"Hello Kyle?"

[Baby...malapit ka ng manganak, pag hindi mo na kaya isigaw mo lang na gwapo ako, lalabas na yang kambal!] Natatawang sabi niya!

"Napakayabang mo talaga Daddy!!" Sigaw ko sakanya.


[Biro lang baby...kinakabahan lang ako, hindi nga ako magkandaugaga dito sa trabaho ko dahil iniisip kita... Gusto mo ba CS na lang baby? Mas okay daw yon sabi nila Mama...] Suhestiyon niya.

"Ano ka ba Ky--"

[Aish...CS na nga lang baby, at least yon tulog ka... May number ako ni Doctora, tatawagan ko mamaya.] Pangungulit niya.


"Kyle ang mahal mahal non..." Reklamo ko sakanya.

[Mas mahal kita. H'wag ka ng makulit.]

"Hihiwain yung ilalim ng puson ko Kyle!" Sigaw ko sakanya!


[Ano naman baby? Nag aalala ka ba dahil baka mapangitan ako? H'wag kang mag alala baby maganda pa rin sa paningin ko yang katawan mo.] May halong pang aasar na sabi niya, napapailing na lang ako. Ang yabang yabang kasi niya.


"Bahala ka nga."

[CS na baby ha? Makinig ka sa akin ha? Wala naman akong pakialam sa pera, ang importante maging maayos yang panganganak mo... Tatawagan ko na ngayon si Doctora, mag ingat kayo jan... I love you! Pakiss!] Sigaw niya sa kabilang linya, napangiti na lang ako.


"I love you more Kyle... Pakiss."


[Ang sarap talaga kumiss ng asawa ko. Sige na baby 20 minutes lang ang break ko eh, I love you ulit.]


_____


8 days bago ako manganak pina-admit na ako ni Doctora dahil CS na daw ako, si Kyle pa rin ang nasunod. Kaya mas maaga tuloy lalabas ngayon ang kambal.


"Sis...makikita nanatin ang kambal." Masayang sabi ni Marie, kasama niya ngayon si Drake, wala silang ginawa dito sa kwarto ko sa ospital kundi ang mag asaran.


"Gusto mo gumawa na tayo ngayon na!" Sigaw ni Drake, napangiti na lang ako kasi iba yung titigan nilang dalawa ni Marie kahit na nag-aasaran lang sila madalas. Kung iba ang tingin ni Drake kay Misha, mas iba kay Marie, para bang punong puno ng saya yung mata niya.


"Letche ka Drake!"

"Sus..."


Maya maya lang pumasok na si Misha kasama sila Mama Sabrina, kasunod din nila sila Mama Kristina. Mukhang nabigla pa si Misha ng makita si Drake. Napatingin din si Drake kay Misha at nakita ko nanaman ulit ang kakaibang tingin niya dito. Ang gulo nila, hindi ko sila maintindihan.


"Ah...Ate after one hour ipapasok ka na sa Operating Room..." Balita ni Misha sa akin. Talaga namang sinusunod niya ang lahat ng bilin ng Kuya niya, grabe kung alagaan niya ako.


Nginitian ko na lang siya bilang sagot.


"Ma!" Tawag ni Marie kela Mama at yumakap siya sa mga ito, sumunod naman sakanya si Drake.


"Good Afternoon po Tita..."

"Oh Drake? Nandito ka rin?" Pagtataka ni Mama Faye...


"Tita talaga joker, pinsan kuno ko ang asawa ng anak niyo." Natatawang sabi ni Drake.

"Girlfriend mo ba si Marie, Drake?" Pag uusisa ni Mama Sabrina, napansin ko namang tahimik lang na inaayos ni Misha yung mga gamit ko sa bedside table at parang walang naririnig.

"Malapit na Tita Sabrina, bukas siguro!" Natatawang sabi nito, at napatingin kaming lahat kay Misha ng malaglag yung bote ng alcohol.


"Okay ka lang Misha?" Tanong ni Daddy Michael...

"Ah... Oo naman Dad."


"Surprise!!!!" Napatingin kaming lahat ng biglang pumasok si Jade at Jelly, kasama rin nila si Tom. Nanganak na rin pala si Jelly nung isang buwan.


Tamang tama ang pang-gugulo nitong si Jade, medyo awkward na ang scene dito eh.


Nagkwentuhan muna sila, samantalang ako kinakabahan na sa CS ko mamaya.

Lumapit sa akin ang Mama namin ni Marie at hinawakan ang kamay ko.


"Kinakabahan ka hija, h'wag kang mag alala ipagdadasal namin na maging maayos ang panganganak mo..." Sabi nito at hinalikan ang pisngi ko.


"Thank you Ma..."


"Ipapasok na po ang pasyente sa OR..." Anunsyo ng nurse, nagsigawan naman sila Jade na mas excited pa sa akin.


______


Parang may kung anong mainit na dumapo sa noo ko... At kahit ang bigat bigat ng mata ko pinilit kong imulat ito, medyo naramdaman ko yung kirot sa may puson ko, pero nawala yung kirot na nararamdaman ko ng makita ko ang gwapong mukha niya na sobrang lapit sa mukha ko.


"Nagawa mo baby..." Bulong niya at muling hinalikan ang noo ko... Yung labi pala niya yung dumapo sa noo ko kanina...

"Kyle...pa-panong--"

"Pinaasikaso ko muna kay Felix yung mga naiwan ko,bhindi ko kayang magtiis dun sa New York ng hindi ko nakikitang maayos ka." Bulong niya at hinalikan ang kamay ko.

"Pero yung trabaho mo?"

"Don't worry baby...babalik din ako after two days..." Bulong niya at sunod na hinalikan ang labi ko, hindi ko napigilan na tumulo ang luha ko, nandito talaga siya... Pumunta siya para sa panganganak ko.


"I miss you baby..." Sabi niya, sandali siyang humiwalay sa akin at parang may kinuha dun sa couch.


Napangiti ako ng ipakita niya sa akin yung malaking kerokeroppi na pinakita niya sa akin nung nagskype kami.


"Hindi ba sabi ko naman sayo malapit mo ng mayakap 'to?" Nakangiting bulong niya at iniabot sa akin yung stuff toy.

"So, nakaplano na talaga ang pag uwi mo kapag nanganak ako?" Maluha luhang tanong ko sakanya, tumango siya bilang sagot.


"Ang daya mo! Kaya pala hindi ka tumatawag nitong mga nakaraang araw!" Bulyaw ko sakanya, pero tinawanan niya lang ako at hinalikan ulit ang labi ko.


Natahimik kaming pareho. Nilaro laro niya yung kamay ko, at napapangiti ako sa tuwing hahalikan niya ang bawat daliri ko. Namiss ko siya, namiss ko ang gwapong mukha niya, ang mabangong amoy niya, basta lahat namiss ko sakanya.

"Kyle yung kambal?" Naeexcite na tanong ko ng bigla kong maalala na nanganak na nga pala ako! Masyado akong naaliw sa asawa ko.

Biglang nagliwanag ang mukha niya.

"May kasalanan ka sa akin baby..." Biglang sabi niya, napakunot ang noo ko.

"Ano yun?"

"Bakit Marcus Liam at Ethan Luke ang pangalan ng kambal?" Natatawang tanong niya, tinawanan ko naman siya!

"Ang weird naman kasi ng gusto mo..." Natatawang sabi ko.

"Ikaw baby hindi ka nakikinig sa akin ha? Pero...ayos lang, ang importante malusog yung kambal... Ang taba nila baby, tapos ang gwapo manang mana sa kagwapuhan ko."


"Haay nako ang yabang mo..."

Tinawanan naman niya ako, napahiyaw ako ng buhatin niya ako ng pabridal style at maingat na inupo sa wheel chair.


At napangiti ako ng magsalita siya...

"Alam kong excited ka na rin makita ang anak natin."



Pagkadating namin sa tapat ng window ng nursery nandon sila Jade, pinagkakaguluhan nila ang anak namin ni Kyle.


"Sabi ko na nga ba si Kyle lang ang makakagising sayo eh!" Hiyaw ni Marie, tinawanan ko lang siya.


"Teh! Ang gwapo gwapo ng anak niyo! Tuwang tuwa nga yang asawa mo eh!" Pag iingay ni Jade.


Dahan dahan akong itinayo ni Kyle para makita ang anak namin... Hindi ko mapigilan ang sarili ko na h'wag umiyak... Ang gwapo ng dalawang prinsipe ko.


Baby Marcus Liam & Ethan Luke Cando

"Kita mo na baby, ang gwapo. Mana saating dalawa... Kanina buhat buhat ko sila, parang ayoko na silang bitawan..." Bulong niya sa tenga ko at hinalikan ang pisngi ko, yumakap siya mula sa likod ko at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.


"Palalakihin natin sila ng maayos baby... At alam ko namang magiging mabuting ina ka sa mga anak natin..." Masayang bulong niya sa akin... Hinawakan ko ang kamay niya...


"Sobrang saya ko Kyle... Gusto ko silang buhatin..." Bulong ko.


"Sure baby..." Aniya, at lumapit siya dun sa may pinto at kumatok, tumango naman yung nurse na nagbabantay, inalalayan ako ni Kyle at sabay kaming pumasok sa loob, ang daming baby, pero nangingibabaw ang kambal namin sakanilang lahat.


Maingat na ipinabuhat sa akin ng Nurse si baby Ethan Luke.

"Siya po ang unang nakuha nila Doc..." Nakangiting sabi nito sa akin, ibinigay naman niya si Marcus Liam kay Kyle.


Kumatok sila Misha at sumenyas na pipicturan kami mula sa window, kaya naman nagtabi kami ni Kyle para makuhanan kami.


Hinalikan ko ang pisngi ng dalawang anak ko. At napapikit ako ng halikan naman ni Kyle ang labi ko habang buhat buhat namin ang kambal. At halos lumapad ang ngiti ko ng kindatan niya ako at binulungan sa tenga.


"Naka-jackpot talaga ako sayo baby..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top