Chapter 45


Chapter 45

KEI'S P.O.V


Pagkadating na pagkadating ni Marie sasakay na sana ako sa backseat para malaki yung pwesto ko pero hinila ni Kyle ang kamay ko! Bwisit talaga, bat kasi kinakausap pa yung mga ex!



"Baby, h'wag maupo sa back seat. Dito ka na lang sa passenger seat baka mapano ang kambal, reckless driver pa naman yang kapatid mo. Di bale sana kung ako yung driver." Nakangiting sabi niya, aba't nakuha pa talagang maging masaya eh naiinis na nga ako!



"Hoy!Mr.Kyle Cando hindi ko ipapahamak ang mga pamangkin ko!" Sigaw sakanya ni Marie, pero tinawanan lang siya ni Kyle, punagbuksan na niya ako ng pinto sa passenger seat.


"Ingatan mo ang asawa ko Marie!"


"Ewan ko sayo ginawa niyo pa akong driver! Psh!!" Sigaw ni Marie saka pinaandar na ang kotse niya.


Bwisit na Kyle yan. Napatingin ako sa cellphone ko dahil biglang may nagtext, sino pa nga bang magtetext?!


From: Kyle <3

Misis kong selosa. Mahal na mahal kita. Di mo manlang ako kiniss bago kayo umalis. Pero okay lang, lagot sa akin mamaya yang lips mong sexy.


Kainis talaga. Bakit ba ang saya saya pa rin niya kahit na inis na inis ako.


"Hoy! Saan ba tayo pupunta?" Natauhan ako ng sumigaw si Marie!


"Gusto ko ng lansones!" Sabi ko sakanya.


"Hmm, sa super market siguro meron non..." Sabi niya at tahimik na lang na nagmaneho.



Pagkarating namin sa mall, imbis na sa supermarket kami dumiretso sa department store nanaman ako hinila ni Marie!


"Alam mo sis ang takaw mo! Tignan mo nga ang chubby chubby mo na!" Natatawang pang aasar sa akin ni Marie, inirapan ko lang siya at tumingin tingin na lang din ako ng mga gamit ng baby, check up ko na next week, lalaki o babae? Nakakaexcite!


"Anong gusto mong gawin ko? Sa nagugutom ako palagi... Saka isa pa ikaw kaya mabuntis!" Sigaw ko sakanya.


"Hmm... Wish ko lang pwede pa." Lumungkot ang boses niya pero nakangiti parin siya.


"Natanong mo na ba yung doctor mo?" Pag uusisa ko sakanya.


"Well...pwede naman daw, kaso mahihirapan ako gawa ng sakit ko."


"Ha? Akala ko ba medyo magaling ka na?" Sabi ko sakanya.


Tinignan niya ako.



"Ewan... Simula kasi ng mawala yung baby ko hindi na ulit ako bumalik sa Doctor ko. Nakakatakot kasi." Ang kakambal ko na ubod ng taray may kinatatakutan din pala, sabagay kung buhay mo na ang pinag uusapan hindi ka pa ba matatakot?


"Gusto mo samahan kita?" Suhestiyon ko.


"NO WAY!" Pagtanggi niya!


"YES WAY!" Pang aasar ko sakanya, gusto ko lang naman na maging masaya siya, saka isa pa sa tingin ko naman kakayanin niyang magkaanak, sa pagkilos niya palang mukhang malakas naman siya. Saka isa pa may mga nabasa nga ako noon na yung ibang may sakit sa puso nagkakaanak minsan nga dalawa o tatlo pa.


Hinila ko siya at bumulong sa tenga niya.


"Nakipag ano ka na ba?" Bulong ko sakanya! Dahilan para tawanan niya ako!


"Hahaha! Pinapatawa mo ba ako Kei? Sa tingin mo ba mawawalan ako ng baby kung hindi ako nakipag ano!" Sigaw niya! Napatingin ako sa paligid namin at ang daming nakatingin saamin dahil sa sigaw ni Marie! Hinila ko siya palabas ng department store! Nakakahiya grabe! Sorry naman di ba? Nawala lang sa isip ko, hindi ko nga alam bat bigla kong natanong yun eh siya na nga ang nagsabi buntis siya noon, natural meron na nga.




"Grabe sis ha? Nakakatawa ka sobra, in fairness magaling ka mag joke." Tumatawang sabi niya! Hinampas ko naman siya sa braso niya at tinignan ko siya ng masama. Ngumiti siya at isinabit niya ang braso niya sa braso ko, ang sarap lang sa pakiramdam na talagang okay na kami nitong kakambal ko.


"Alam mo kasi sis, yung gagong first boyfriend ko ang nakakuha sa akin. Sa tingin mo ba may sseryoso pa sa akin sa lagay na 'to? Ang dami ko na kayang naka--" Pinutol ko ang sasabihin niya!



"Marie! Ano ka ba naman! H'wag nanatin pag usapan yan kung ilan man yang mga nakaano mo." Suway ko sakanya, ang awkward lang.


"Haha! Napaka conservative mo. Siguro si Kyle ang nakavirgin sayo noh?" Nanlaki ang mata ko at nag init ang mukha ko!


"Hahaha! I knew it!Si Kyle nga ang--" Tinakpan ko ang bibig niya!Grabe bakit ganito 'tong kakambal ko? Magkabaliktad na magkabaliktad kami!


Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya at ngumiti siya!


"In fairness malaki." Nakangiting sabi niya, nanlaki ang mata ko!!!


"May nangyari sa inyo ni Kyle?!!" Sigaw ko!!


"Hahaha! Relax wala sis, let me say nahawakan ko lang naman. Yun yung panahon na inggit na inggit pa ako sayo. Galit na galit nga sa akin yung asawa mo nung nahawakan ko." Tumatawang sabi niya!


"Nakakainis ka Marie!!"


"Hahaha. Sorry na sis, at least ngayon alam ko ng hindi ka minalas sa napang asawa mo, bukod sa gwapo, mayaman, sweet, mabait, macho, eh mala--" Mabilis kong hinampas ang braso niya!


"Nakakarami ka na sis ha!" Hiyaw niya sa akin! Nasa gitna lang naman kami ng mall!


"Kasi naman ang bastos mo." Naiinis kong sabi sakanya.


"Nagsasabi lang ako ng totoo sis. Geez, kakambal ba talaga kita? Anong panahon ka ba ipinanganak ni Mama?! Bakit ang conservative mo. Duh." Natatawang sabi niya.


"Hindi ako conservative, ayoko lang na pinag uusapan ang ganun." Paliwanag ko sakanya, naglakad na ulit kaming dalawa.


"Okay, sorry na. Alam mo naman sanay lang ako sa mga bitch friends ko na ganun ang mga pag uusap pagdating sa lalaki." Magiliw na sabi niya.



"Hindi mo ako bitch friend! Best friend mo ako!" Sigaw ko sakanya, napatigil naman siya paglalakad.


"Anong nangyari sayo?"


"Best friend?! My gosh!Best friend ko na ang kakambal ko!!" Nagsusumigaw nanaman siya kaya nakatawag pansin nanaman kaming dalawa dito sa mall! Grabe nakakahiya talagang kasama 'tong si Marie!


Hinila ko ang kamay ko at nagmadali na akong maglakad.


"Best friend!Hintayin mo ako!!" Sigaw niya! Nagtakip ako ng mukha at mas binilisan ko ang lakad ko!


"Mga Ate mga Kuya!Best friend ko yun oh! Yung chubby na bilog na bilog ang tiyan!!" Sht! Sige lang Marie!


Maya maya pa naabutan na rin niya ako at sumabit nanaman siya sa braso ko. Siguro kung mayroon kaming pagkakapareho nitong si Marie bukod sa mukha, yun ay yung pagiging isip bata. Ngayon ko lang kasi napansin na sabik sa best friend 'tong si Marie. Anong klase ba yung mga tinatawag niyang bitch friend? Sabagay, hindi ko pa naman nakikilala yung mga yon kaya hindi naman tama na husgahan ko sila, sabi nga don't judge the books by it's cover. Kagaya nitong si Marie halos lumitaw na ang kaluluwa sa suot niya pero hindi naman siya yung as in mukhang kaladkarin, nasa nagdadala din yan, ang sexy kaya niya. Edi ibig sabihin ang sexy ko din kung hindi ako buntis. Hala grabe kung ano ano nanamang sinasabi ko.



Magdidilim na rin nung umuwi kami ni Marie sa unit namin ni Kyle, buti na lang wala siya nako kung hindi mag iinit nanaman ang ulo ko sakanya, hindi purket naaliw ako dito sa kapatid ko eh nakalimutan ko na yung pakikipag kaibigan niya sa mga ex niya. Sino ba naman kasing magaling ang makikipag kaibigan sa dati mong kahalikan?! Hindi lang yon! Kilala ko si Kyle! Hindi lang halikan ang nangyari sakanila noon! Sigurado ako dun! Napaka pervert kaya niyang si Kyle... Kainis bat kasi ang dami niyang ex lahat yata ng nagbabasa nito naging ex ng asawa ko! Si Ash siguro ex niya rin! Si Clarisse, si Trish, si Khaye, si Joy, alam ko may dalawang kambal din na nagbabasa nito si Alyanna at Iza! H'wag niyong sabihin na ex niyo rin ang asawa ko?! Pati yata yung sikat na author na idol ni Ash na si Casper ex din ni Kyle balita ko pa naman mahilig sa number 69 yung Casper! Ano ba yan! Ugh! Nakakainis bakit kasi ang playboy ni Kyle noon!


Nakahiga kami ni Marie sa kama habang siya may kausap pa rin sa phone, kanina pa niya kausap yon at wala siyang ginawa kundi ang magtaray.


"Wala akong pakialam sa ipinaglalaban mo Drake." Mataray na sabi niya, ano bang pinaglalaban nung Drake?


"Kausapin mo muna 'tong kapatid ko! Mag-c-cr lang ako!" Sigaw ni Marie saka ibinato sa akin yung cellphone niya! Nanlaki ang mata ko at dahan dahan kong itinapat iyon sa tenga ko.


"He-hello?" Bati ko.


[Hey Mrs.Cando!] Kilala niya ako? Yung boses niya lalaking lalaki.


"Sino ka?"


[Soon to be boyfriend ng kapatid mo. Nga pala hindi kita nabati nung kasal mo, umalis na rin kasi kaagad ako. Congrats!]


"Huh?" Nandun siya sa kasal namin nung asawa ko na kaibigan lahat ng ex! Oo dapat paulit ulit, nakakainis kasi.


[Haha! Sorry, hindi pala ako nakapag pakilala. I'm Drake, pinsan ni Kyle.] Nanlaki ang mata ko.


"Bakit hindi ka pinakilala sa akin ni Kyle?"


[Seloso yung asawa mo eh. Ayaw na mapapalapit ka sa kahit kaninong lalaki, h'wag ko daw mahawakan kahit dulo ng buhok mo. Alam kasi non matinik ako sa chicks.] Napataas ang kilay ko.



"Well, magpinsan nga kayo. Pareho kayong mayabang!" Sigaw ko! Tinawanan naman niya ako!



[Hahaha! Biro lang Mrs.Cando, alam mo ba kung ilan na naging girlfriends niyang asawa mo bago ka niya makilala?] Nagkainteres naman ako.


"Ilan?"


[Bilangin mo yung daliri mo sa kamay at paa. Lagpas pa dun!] Tumatawang sigaw niya! Ano? Lagpas bente? Edi ibig sabihin lahat yon kaibigan niya?!


Maya maya lang lumabas na si Marie sa cr, napansin niyang nakatulala ako kaya hinila niya sa akin yung cellphone niya.


"Hoy! Anong sinabi mo sa kapatid ko bakit tulala 'to?..... Ano?!Sira ulo kang lalaki ka! Pag aawayin mo pa yung mag asawa!!... Ewan ko sayo! Inggitero ka!"



Dumating na siya! Kaagad siyang lumapit sa akin at akmang hahalikan ako sa labi, sinampal ko naman ng mahina ang pisngi niya!


"Badtrip ka pa rin?" Nakangising sabi niya.


"Hahaha! Good luck bro! Aalis na ako kanina pa yan naghihimutok diyan!" Sigaw ni Marie saka lumabas na ng kwarto, narinig ko din ang paglock niya ng pinto sa sala.



Nakahiga ako kaya naman tinalikuran ko siya, akala ko ba si Tine lang yung naging kaibigan niya sa mga ex niya eh mukhang lahat yata kaibigan niya.


"Ang asawa ko nagtatampo pa rin." Narinig kong parang umungol pa siya, nilingon ko siya at nakita kong nakaupo siya sa gilid ng kama, nakahubad na siya ng tshirt niya, naghuhubad na siya ngayon ng sapatos niya.


Maya maya pa humarap na siya sa akin at hinila ang braso ko. Pumaibabaw siya sa akin pero nakaangat siya ng kaunti para hindi madaganan ang tiyan ko.


"Ano pong problema natin ha Mrs. Cando?" Paglalambing niya, inirapan ko naman siya. Hinawakan niya ang kamay ko at nanlaki ang mata ko ng pagapangin niya ang kamay ko sa chest niya pababa sa mga abs niya!


"Kyle ang manyak mo." Sabi ko sakanya, pero napapalunok ako dahil sa ginagawa niya at alam kong napapansin niya yon.



"Hindi naman baby... Alam ko kasing matatanggal yang tampo mo kapag nahawakan mo na yang abs ko." Pagyayabang niya sabay kinindatan pa ako! Hinila ko ang kamay ko at malakas kong hinampas ang dibdib niya! Pero nginisian niya lang ako ng sexing ngisi niya!



"Kasi naman...ang dami mong ex..." Bulong ko.


"And?"


"Kyle naman..." Bulong ko...


"Baby...oo nga madami akong ex, pero nakaraan na yung mga yon. Alam mo naman siguro na hindi ako nagseryoso noon..." Nakatitig na sabi niya sa akin, iniwas ko ang mata ko, dun na lang ako tumingin sa dibdib niya.


"Pero si Tine di ba sineryoso mo?" Huminga siya ng malalim.



"Baby...kaibigan lang ang tingin ko kay Tine, wala na kami matagal na nga di ba?"


"Sineryoso mo pa rin siya."


"No baby... Siguro nga sa mga naging ex ko siya yung tumagal yun ay dahil nagkakaintindihan lang kami noon." Paliwanag niya...


"Sabi ni Drake, yung pinsan mo. Lagpas bente raw lahat ng naging girlfriends mo." Pagsusumbong ko.



"Gagong Drake yon, saan mo nakausap?"


"Sa phone..."


"Nag usap kayo sa phone?! May number ka niya? Burahin mo baby!" Sigaw niya.


"Hindi sa phone ko!Kay Marie! Edi totoo nga lagpas bente nga tapos lahat kaibigan mo pa!!" Sigaw ko sakanya! Ngumisi nanaman siya.


"Ang ganda magselos ng asawa ko. Siguro nga madami akong naging girlfriend pero ikaw lang yung minahal at minamahal ko hanggang ngayon. H'wag ka ng magselos." Bulong niya at binasa ng labi niya ang labi ko.


"Pero kaibigan mo silang lahat?"


"Hindi baby...si Tine lang..."


"Yung Hana at Jerx?!"


"Wala yun baby, oo kaibigan ko din sila pero nito na lang kami nagkausap usap para sa project ko." Sabi niya.


"Ano ba kasi yang project mo?!!" Sigaw ko sakanya! Hindi na yata natapos yung lintik na project na yon!



"Basta baby...tama na yang selos mahal kong asawa..." Bulong niya at hinalikan ang leeg ko, napapikit ako dahil kinagat niya ng marahan ang gilid ng leeg ko.


"Bampira." Bulong ko.


"Bampirang gwapo baby..." Bulong niya sa tenga ko at nagtayuan ang balahibo ko ng halikan niya ang punong tenga ko.


Tumingin siya sa akin at hinalikan ang noo ko, ilong at huling huli ang labi. Matagal at malalim na halik, kahit kailan talaga ang init ng labi ni Kyle, kaya nakakabaliw siyang halikan eh. Yung tipong nag aalab yung bibig naming dalawa! Ang oa ko. Napaungol ako ng magtaas baba ang kamay niya sa hita ko, lahat yata kay Kyle mainit. Pati kasi palad sobrang init! Pati abs mainit! Ano ba naman ako.


Sandali niya pang hinalikan ang labi ko ng mas mariin bago siya tumayo, napansin ko ang sunod sunod na paglunok niya.


"Kailangan ko ng maligo ulit baby, para mabawasan 'tong nararamdaman ko ngayon... Buntis ka na nga naaakit mo pa rin ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top