Chapter 44

Chapter 44



KEI'S P.O.V


Parang may kung anong gumagapang sa hita ko...



"Uhmm..." Umiba ako ng higa pero mas lalo akong nakiliti ng lumipat sa leeg ko ang gumagapang na yon.


Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at napangiti ako ng makita kong hinahalikan niya ang leeg ko...


"Good morning Mrs. Cando..." Halos lumundag ang puso ko ng tawagin niya ako sa ganung paraan.


Iniyakap ko sakanya ang kaliwang binti ko at nagsumiksik ako sa dibdib niya...


"Inaantok pa ako Kyle..." Nakapikit na bulong ko, naramdaman ko ang pag gapang ng kamay niya sa likod ko, suot suot ko ngayon ang white long sleeves niya, pagkatapos kasi nung nangyari saamin kagabi ito ang isinuot niya sa akin, ang sarap lang sa pakiramdam.


"Aalis tayo baby..." Bulong niya habang dahan dahan hinahaplos ang likod ko, umagang umaga naman 'tong si Kyle...



"Gusto ko pa matulog..."


"Alright baby..." Pag sang ayon niya.


Napangiti ako, inaantok pa kasi talaga ako... Pero nagulat ako ng halikan niya ang labi ko, nanatili akong nakapikit habang tinutugon ang halik niya, napangiti ako ng marinig kong hinila niya yung blanket para matakpan ang ulo naming dalawa.



"Hmmm..." Ungol niya at mas lalong bumilis ang paghaplos niya sa likod ko, napasinghap ako ng lumipat iyon sa dibdib ko... Dahan dahan niyang pinaghiwalay ang labi namin, iminulat ko naman ang mata ko at nakita kong titig na titig siya sa akin.


"Why?" Nakangiting tanong ko.


"Wala... Mas lalo kang gumaganda kapag suot suot mo ang damit ko..." Nakangiting sagot niya sa akin.


Niyakap ko na lang ulit siya! Ang sarap niya kasing yakapin ng ganito kahigpit! Tapos yung abs niya bumabalandra pa sa akin, ang swerte ko naman talaga!


"Baby...maliligo na ako..." Natatawang bulong niya.


"Ayoko... Tulog pa tayo."


"Baby kapag ganitong nasa kama tayo baka hindi kita patulugin." Pagbabanta niya, kaagad akong lumayo sakanya at tumalikod! Nakapikit pa rin ang mata ko, pumasok nanaman ang kamay niya sa loob ng suot ko at maingat na hinahaplos ang tiyan ko.


"Good morning mga anak... Aalis kami ngayon ni Mommy, kaya sana h'wag niyo naman hayaang antukin siya..." Biro ni Kyle, naramdaman kong humalik siya sa batok ko at doon bumulong.


"Maliligo na ako baby...dapat pag labas ko gising ka na, kung ayaw mong ako mismo ang gumising sayo..." Natatawang pagbabanta niya!


Naramdaman ko namang tumayo na siya sa kama at pumasok na sa cr! Kainis talaga! Inaantok pa kasi ako, anong oras na kaming natulog kagabi, hindi lang dalawang beses yung nangyari saamin, tatlo pa! Sinusulit niya lang daw yung honeymoon naming dalawa dahil alam niyang paglumaki pa lalo ang tiyan ko mamimiss nanaman daw niya ako, napaka talaga niyang si Kyle... Pero at least habang ginagawa namin yon pinaparamdam niya sa akin na nag iingat siya, hindi ko nga mabilang kung ilang beses niya hinalikan ang tiyan ko para iparamdam sa kambal namin kung gaano siya kasaya na mag kakaanak na kaming dalawa.



Nakaupo na ako sa paanan ng kama ng lumabas siya sa cr... Kaagad siyang lumapit sa akin, umupo siya sa harap ko, may nakapatong pa ngang towel sa ulo niya eh, pero nakatop less siya.



"Inaantok ka pa rin?" Nakangiting tanong niya... Tumango tango ako.


"Matulog ka na lang sa biyahe mamaya baby..." Suhestiyon niya...


"Saan ba kasi tayo pupunta?" Walang ganang tanong ko.


"Basta..." Pilyong sagot niya, hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan akong pumasok sa cr.


"Dahan dahan baby baka madulas ka." Suway niya sa akin bago isinarado yung pinto ng cr.


____


Kumain muna kami sa restaurant ng hotel bago kami umalis. Nakasakay na kami ngayon sa kotse niya, hawak hawak niya ang kaliwang kamay ko habang nagmamaneho siya.



"Matulog ka na baby..." Sabi niya, isinandal ko ang ulo ko sa upuan at tinignan ko siya.


"Nawala na yung antok ko nung naligo ako... Saan tayo pupunta?" Pag uusisa ko ulit, pero imbis na sagutin niya ako hinalikan niya lang ang kamay ko.




____


KYLE'S P.O.V


Napangiti na lang ako ng makita kong tulog pa rin siya. Hindi daw siya inaantok pero buong biyahe tulog siya, naiintindihan ko naman yun eh, buntis ang asawa ko kaya sobrang antukin.

Medyo chubby na rin siya dahil sa lakas niyang kumain, dahil yon sa tatlo silang kumakain, mas lalo akong naiinlove sakanya sa tuwing maiisip kong dinadala niya yung magiging anak namin. Medyo malaki na talaga ang tiyan niya kaya naman kagabi hindi ako nag aksaya ng oras para maangkin itong asawa ko, matatagalan pa ulit bago ang susunod na kambal.


Ipinarada ko na ang sasakyan ko sa parking area ng studio ko. Hindi ko alam kung magugustuhan niya yung surpresa ko ngayon, tae nakakakaba. Oo! Kahit na mag asawa na kami kinakabahan pa rin ako sa tuwing magpaplano ako para maging masaya siya, paano na lang kung hindi niya magustuhan.


Humugot ako ng malalim na hininga at marahan ko siyang ginising, dahan dahan naman siyang gumalaw.


"Nandito na tayo baby..."


Iminulat niya ang mata niya. Bumaba na ako para mapagbuksan siya ng pinto... Inalalayan ko siya pababa, nakakatawa, bumabagsak pa rin yung mata niya sa antok kaya naman hinalikan ko siya!


"Kyle!!" Sigaw niya sa akin!


"Wake up baby..." Paglalambing ko sakanya, pero inirapan niya lang ako, takte nakakainlove talaga lalo.


Pumasok na kami sa loob, kagaya ng sinabi ko sa mga employees ko walang pasok ngayon.



Sumakay na kami ng elevator at pinindot ko ang rooftop... Nakahilig ang ulo niya sa braso ko, natutulog ng nakatayo. Kakaiba talaga.


Maya maya lang bumukas na ang elevator, napasigaw naman siya ng buhatin ko siya!

"Ibaba mo ako!!" Sigaw niya!


"Hindi baby, kesa matulog ka ng nakatayo bubuhatin na lang kita." Nakangising sabi ko.


"Hindi na ako matutulog!!"



Nginitian ko lang siya pero hindi ko pa rin siya ibinaba, dahan dahan kong binuksan ang pinto ng rooftop... Patalikod ko siyang ibinaba at tinakpan ang mata niya.



"Step forward baby..." Bulong ko sa tenga niya, sinunod naman niya ako.



Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ko sa mata niya... Narinig kong napasinghap siya at tinakpan ang bibig niya.



"Do you like it?" Kinakabahang tanong ko... Humarap siya sa akin at tumango tango, napapikit ako ng yakapin niya ako! Langya nakakabaliw talaga yung mga yakap niya.


"Sobra Kyle..." Bulong niya... Hinila niya ako palapit sa bahay, oo isang bahay na hugis palaka nanaman. Napapangiti na lang ako sa tuwing iisipin ko kung bakit gusto niya si kerokeroppi, pero dahil gusto siya ng asawa ko, gusto ko na rin.


Pinagawa ko 'tong bahay na 'to nung unang beses akong nakarating sa bahay nila sa Laguna, napansin ko kasi na kulay green ang kwarto niya, pati lahat ng gamit, at nagkalat ang kerokeroppi na sticker sa pader ng kwarto niya. Kung tutuusin parang bata 'tong asawa ko, pero wala eh... Kasama yung mga bagay na yon na minahal ko sakanya.



Mabuti na lang talaga bago kami ikasal, natapos na rin 'tong bahay... Kulay green lahat ng labas, pero yung loob puro puti ang gamit, yung nga lang yung kwarto naming dalawa kulay green din.


"Pasok tayo sa loob." Yaya ko sakanya, kumapit siya sa kamay ko, namamawis yung kamay niya, kinakabahan siguro siya.


Pagkapasok palang namin sa loob, bumungad naman kaagad saamin yung unang picture namin sa office ko... Tinignan niya ako at hinalikan sa labi!


"Thank you Kyle..." Bulong niya.


"Basta para sa asawa ko nanginginig pa!" Biro ko sakanya dahilan para hampasin niya ang tiyan ko!


Dumiretso siya sa may hagdan...



"Kyle, bakit lima yung kwarto?" Tanong niya sa akin, nginitian ko siya.



"Gusto ko ng apat na anak baby..." Bulong ko sakanya... Napansin kong namula nanaman ang mukha niya, nak ng putcha talaga ubod sa ganda 'tong asawa ko.



"Yung unang kwarto, yun ang saatin..." Sabi ko sakanya, tumango tango siya at naglakad papunta sa unang kwarto...



Sumunod ako sakanya, hindi ko maawat yung puso ko sa pagwawala ngayong nakikita kong masayang masaya siya sa mga nakikita niya. Yung headboard ng kama namin si kerokeroppi dun... Sabi ko naman sa inyo, basta asawa ko nanginginig pa.



Niyakap ko siya mula sa likod niya at hinalikan ang leeg niya...

"Dito natin gagawin yung susunod na kambal..." Bulong ko sakanya, hinampas niya ang braso ko.


"Apat lang Kyle ha..." Suway niya...


"Yes baby...may dalawa pa akong natitira..." Pang aasar ko sakanya, humarap siya sa akin at tinitigan ako sa mata, kumapit siya sa damit ko.


"Kyle...natatakot ako..." Bulong niya, napakunot ang noo ko.



"Bakit?"


"Pa-paano kung bigla na lang tayo magbago? Masyado tayong masaya ngayon..." Kita ko sa mukha niya ang pag aalala, hinawi ko ang buhok niya at hinawakan ko ang baba niya para mas lalo ko siyang matitigan.



"Hindi naman ako magbabago baby...Kung gaano tayo kasaya ngayon, pinapangako kong hindi magbabago yon..." Pinagtagpo ko ang kaliwang kamay namin at ipinakita ko sakanya ang singsing naming dalawa sa kasal.


"Kasal na nga tayo baby, ano pang dapat mong ikatakot?"


"Gwapo ka. Pangit na ako. Ang taba ko na. Macho ka." Dire diretsong sabi niya habang nakapout, takte ang sarap siilin ng halik ng labi niya kaya naman binasa ko ang labi niya ng labi ko! Aish! Nakakaadik siyang halikan.


"Baby...para sa akin ikaw ang pinaka maganda at sexyng babae!" Seryosong sabi ko sakanya, wala naman akong pakialam kung maging chubby siya, ang importante sa akin yung magkasama kaming dalawa kasama yung mga magiging anak namin...


"H'wag ka ng mag isip ng kung ano ano baby... Isipin mo na lang yung kagwapuhan ko para sayo lang." Pagyayabang ko sakanya saka kinindatan ko siya!



"Napakayabang mo talaga!!" Sigaw niya sa akin, tinawanan ko na lang siya at niyakap.


"Baby, promise magpapagawa ako ng bahay na mas maayos pa dito... Yung hindi sa rooftop ng studio ko..." Paninigurado ko sakanya, humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin!


"Ano ka ba Kyle!Maayos na nga 'to! Sobrang laki nga eh, ang cute pa... Ang importante sa akin masaya tayo." Suway niya sa akin...



Napakamot ako ng ulo...


"Ah...baby...nakabili na kasi ako ng lupa... Saka nasabi ko na rin sa nag design nitong Frog House na gawan niya tayo ng bagong design..." Paliwanag ko, nanlaki ang mata niya!


"KYLE!!"


"Alright! Ganito na lang baby, kung ito na talaga ang gusto mong bahay natin, dito tayo... Ngayon yung bahay na balak kong ipatayo sa anak na lang natin..." Sabi ko sakanya para hindi na siya magalit.


"Ang gastador mo." Naiinis na sabi niya sa akin...


"Sorry na baby..." Paglalambing ko sakanya, napakasimple talaga nitong asawa ko. Buti na lang talaga medyo kaunti lang yung nagastos ko sa kasal, kung hindi baka pagalitan ako nitong asawa ko!



Bumaba na kami sa parking area dahil gusto niya daw ng lansones, maghahanap tuloy kami ngayon ng lansones. Pero hindi pa man din kami nakakasakay narinig kong may tumawag sa akin.


"Hana? Jerx?" Nakangiting bati ko sakanila...


"Hindi ka namin macontact kaya naman kami na ang sumadya sayo dito... So, ito na yung usb!" Agad kong kinuha yon.


"Salamat."


"Congratulations Kyle!" Sabay na bati nila.



Bumitaw sa akin si Kei, tinignan ko siya at napangisi ako ng makita kong naiinis nanaman siya.


"Haha! Pano mauna na kami mukhang nagseselos nanaman siya..." Biro ni Hana saka sumakay na sila ni Jerx sa kotse nila.


Tinignan naman ako ng masama ng asawa ko! Hinila ko ang kamay niya.


"BAHALA KA SA BUHAY MO!" Takte ang lakas ng sigaw niya!


"Baby kaibigan ko lang yon!" Natatawang sabi ko sakanya...


"Ewan ko sayo!Kaibiganin mo lahat ng ex mo!!" Sigaw niya at naglakad palayo!


Tae ang selosa talaga! Hinawakan ko ang kamay niya!

"Ayaw kitang kasama ngayon! Tawagan mo si Marie!!" Utos niya sa akin.


"Baby naman..." Humina na ang boses ko.


"Tawagan mo na si Marie! Ayaw kitang makita ngayon nakakainis ka!" Pero imbis na maasar ako natatawa nanaman ako, inis na inis kasi siya sa akin.


"Alright baby...para sayo!" Sabi ko sakanya at tinawagan ko si Marie.


[Hello?] Takte mukhang bagong gising pa!


"Marie, gusto kang kasama ng asawa ko ngayon..."


[Tss, Kyle ano ba inaantok ako! Samahan mo!]

"Ikaw nga ang gusto nagseselos nanaman kasi."

Nakatingin parin sa akin ng masama si Kei.

[Tsk... Aray! Drake ano ba?!!] Sigaw niya, napailing ako, nung isang araw ko lang nalaman na si Drake na pinsan kuno ko ang best friend niya na parang boyfriend niya.


[Magshower ka na!!] Sigaw pa ni Marie sa kabilang linya... Hinawakan ko yung tiyan ng asawa ko pero natawa ako dahil tinaboy niya yung kamay ko sa sobrang inis sa akin.



[Kyle! Nasaan ba si Kei? Bakit kasi hindi mo pa sabihin sakanya kung bakit kinakausap ka pa rin nung dalawang ex mo!]



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top