Chapter 41


Chapter 41


KEI'S P.O.V



Tatlong araw na ang lumipas simula ng magpa ultra sound ako. Nakipag hiwalay sa akin si Kyle. Pero joke lang yon. Tawa na. Hehe.



Nasa studio siya ngayon, isasama niya dapat ako kaya lang hindi ako makatayo sa higaan, para bang antok na antok pa rin ako.


Bumangon na ako sa kama namin ni Kyle, oo kama namin... Dahil simula ng maging maayos na ulit kami pinagawan niya ng connecting door ang unit naming dalawa at pinagduksong namin ang kama namin, kumusta naman yon di ba ang laki ng kama namin.



Pagkahilamos at tooth brush ko lumabas na ako ng kwarto, nakakapanibago talaga ang linis linis ng paligid ko ngayon. Pero nakita kong preskong preskong nakaupo si Marie sa couch at nanonood ng tv habang kumakain ng chichiria.


"Kailan ka pa dumating dito?" Bungad ko sakanya!

"Hmm, hindi mo manlang ako kukumustuhin my dear twin sister?" Nakangiting sabi niya ng hindi inaalis ang tingin sa panonood.


"Psh..." Yun lang pumunta na ako sa kitchen, napangiti ako dahil may pagkain sa mesa, may maliit na papel pa dun. Kaagad kong kinuha yon at binasa.


--Para sa maganda kong asawa... I love you baby... I always do...--


Mas lalong lumapad ang ngiti ko, binuksan ko na yung nakatakip na pagkain sa mesa. Picodillio & Chicken Fillet with Egg & Fried Rice, umupo na ako at nagsimulang kumain, may gatas pa sa tabi ko. Maya maya lang umupo sa harapan ko si Marie.


"Is it true? Kambal daw ang anak niyo?" Usisa niya, medyo naiilang pa rin akong kausapin siya dahil sa nangyari saaming dalawa, saka isa pa sakanya ko itinaboy noon si Kyle.


Tumango lang ako bilang sagot at kumain na lang ulit, pero titig na titig siya sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.



"A-are we okay?" Biglang tanong niya, napainom naman ako ng gatas at tinignan ulit siya.


"Yeah... O-Of course..." Nauutal na sagot ko.



"You sure? Well, alam ko hindi naman ganun kadali ang maging magkasundo tayong dalawa... Pero I'm hoping na makalimutan na lang natin yung mga nangyari noon...besides, magkakapamangkin na ako!Hindi ka ba nae-excite?!" Halos lumuwa ang mata ko ng makita kong tuwang tuwa siya ng banggitin ang pamangkin.


"Bakit mas masaya ka pa sa akin?" Usisa ko... Medyo nabahiran ng lungkot ang mukha niya, huminga siya ng malalim bago ako tinignan ulit... Masaya rin naman ako, pero yung saya niya kasi iba.


"Hmm...masaya lang ako para sayo..." Malungkot na sabi niya, napakunot ang noo ko, binitawan ko ang kutsara at tinidor ko saka tinitigan siyang mabuti.


"Alam ko hindi tayo ganon kalapit sa isa't isa... Pero pwede mo namang ikwento sa akin di ba? Kapatid mo pa rin ako, at gaya ng sinabi mo noon Ate mo pa ako." Pinilit kong ngumiti kahit na naiilang pa rin ako sakanya, ngumiti rin siya sa akin yung tipong totoong ngiti mula sakanya.


"Well, sad to say... Nawalan na ako ng baby..." Bulong niya nanlaki ang mata ko sa narinig ko, maya maya pa dumukot siya ng yosi sa bag niya at sinindihan iyon saka humithit, nanginginig ang kamay niya habang hawak yung yosi. Napatakip ako ng ilong at bibig dahil bawal sa akin ang makalanghap non, hello? Buntis ako noh.



"Aww... I'm sorry nakalimutan ko..." Paumanhin niya saka nagmadaling tumayo mula sa mesa, tumakbo siya sa kusina at binuksan yung exhaust fan, humithit muna siya ng dalawang beses bago itinapon iyon sa lababo.



Bumalik siya sa upuan at nginitian ulit ako.


"Hindi ba masama din sayo yang pagyoyosi? May sakit ka sa puso..." Suway ko sakanya pero nagkibit balikat lang siya at iniba ang usapan.



"Maswerte ka kay Kyle...tatanga tanga ka lang eh, pinamimigay mo pa siya alam mo namang baliw na baliw sayo yung tao." Natatawang sabi niya... Umiling iling na lang ako at ngumiti, totoo naman yun maswerte ako sa asawa ko.


Ang sarap lang banggitin. ASAWA KO.



"As I was saying... 2 years old na dapat ngayon ang anak ko, pero too bad namatay siya dahil sa gago niyang ama, nilagyan niya ng pampalaglag yung pinainom niya sa akin na juice..." Garalgal ang boses niya, at hindi mapakali ang kamay niya habang nagkukwento siya, mabilis kong hinawakan yon, napatingin siya sa akin.


"Haha... Sorry ha?" Tumatawa pero umiiyak na sabi niya, umiling ako at pinunasan ko ang luha niya.


"Kalimutan mo na yung nangyari saatin... Ang mahalaga maayos na tayo ngayon..." Bulong ko at marahan kong pinisil ang kamay niya, mas lalo siyang umiyak at nagulat ako ng yakapin niya ako.



"Hi-hindi alam ni Mama ang nangyari sa akin Kei... Ang totoo niyan, muntik ko na ring ikamatay yon... Pero pilit lang akong lumaban... Gusto kong maghiganti pero...naisip ko para saan pa? Wala na nga yung anak ko...at alam kong kahit kailang hindi na ako pwedeng magkaanak dahil sa lintik na sakit ko..." Ngayon ko lang nakita na ganito kahina si Marie, dahil ang kilala kong Marie matapang at hindi basta basta mag aaksaya ng luha para sa isang bagay... Parang kinukurot ang puso ko ngayong umiiyak siya, iba din pala yung pakiramdam kapag may kapatid kang nagsusumbong sayo... Hindi ko alam na may ganung bagay pala siyang pinagdaanan, at alam kong hanggang ngayon dala dala niya pa rin yung sakit na yon.



"I'm still here Marie... Kung gusto mo ipapatawag pa kitang Mommy Marie sa kambal ko..." Pag aalo ko sakanya, bigla na lang din tumulo yung luha ko.


Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako.


"Talaga?!" Kitang kita ko ang excitement sa mukha niya, tumango tango ako... Yumakap ulit siya sa akin!


"Thank you so much sis..."


______


Nakasakay na kami ngayon ni Marie sa elevator dito sa studio ni Kyle. Sinubukan ko siyang ipagluto ng lunch para naman makabawi ako sa palaging pagluluto niya ng breakfast ko.


"Eh kung Paris and America kaya kapag babae?!" Magiliw na sigaw ni Marie, pinagtitinginan kami ng mga kasabay namin, dahil na rinsa magkamukhang magkamukha kaming dalawa.


Kanina pa kasi nag iisip si Marie ng ipapangalan sa kambal ko.



"Hahaha! America?! Are you kidding me? Hoy nabasa ko na ang The Selection at Elite, balak mo pang ipangalan sa anak ko yung bida dun ha!" Natatawang sabi ko.


"Haha! Ano ka ba nakakakilig kaya yon... Dapat baligtad naman, kung yung Prince dun sa The Selection ang namimili ng mapapang asawa niya sa 35 na babae, dapat mangyari din kay America yon! Siya ang mamimili!" Nakangiting sigaw niya, umiling iling na lang ako.


Maya maya pa bumukas na ang elevator, kaagad kaming lumabas. Pinauna ko namang pumasok si Marie sa office ni Kyle para malaman ko kung hindi na ba siya naguguluhan saaming dalawa.


"Hahaha! Kyle ano ka ba ang tagal na non!" Natigilan ako ng may marinig akong tawa ng isang babae.


"I know Jerx, pero hindi ko pa rin makakalimutan iyo... Oh! Hi Marie! Napadalaw ka?" Aba't ang lambing ng boses nitong lalaki na 'to ah!



"Actually hindi lang ako..." Narinig ko ang pagkapikon sa boses ni Marie, pumasok na rin ako sa loob ng office niya. May dalawang babae dun na ubod ng ganda. Medyo nanliit rin ako sa height nito, at napahawak ako sa tiyan ko ng makita ko ang balingkinitan na katawan ng dalawang ito.



"Baby?!" Kaagad siyang tumayo sa pagkakaupo sa swivel chair niya, hinapit niya ako sa bewang at siniil ng sandaling halik sa labi.


"Kumain ka na ba ng lunch?" Tanong niya sa akin.


"Hmm... Hindi pa... Nagdala ako ng lunch para saatin nila Marie." Mahinang sabi ko habang itinataas ang hawak kong paper bag na may lamang pagkain.



Kaagad niyang kinuha sa akin yon!


"Wow. Tamang tama gutom na rin ako, ah! By the way baby, si Jerx at si Hana, mga kaibigan ko." Pakilala niya sa akin, ngumiti sa akin yung dalawa, kaya naman gumanti rin ako ng ngiti. Ngayon ko lang nalaman may kaibigan papala siyang babae bukod kay Felix at kay Tine...



Inalalayan niya akong maupo sa couch, ipinatong niya yung paper bag sa lamesa. Umupo naman si Marie sa isa pang couch at nagcross legs pa siya, hindi niya inaalis yung tingin dun sa dalawa.


"Okay Kyle, babalik na lang kami ni Hana after lunch... Mukhang hindi mo kami mati-treat ngayon." Nakangiting sabi nung Jerx.


"Yeah, tapos ituloy natin yung plano later..." Pag sang ayon nung Hana at sabay na silang tumayo, plano?! At may plano pa silang nalalaman?


Nakipag beso pa sila kay Kyle bago tuluyang umalis ng office nito.


"Maghuhugas lang ako ng kamay baby..." Paalam ni Kyle saka tumungo doon sa mini kitchen niya.


"Hoy babae, ano? Ganyan ka na lang? Manonood ka lang sakanila? Obvious naman na may gusto yung dalawang yon sa asawa mo!" Pabulong na sigaw ni Marie sa akin!


"Ha? Hayaan mo na..." Pero sa loob loob ko naiinis ako.


"Bwisit ka talaga... Alam mo kakalbuhin na kita sa katangahan mo! Alam mo kapag naagaw pa ng iba yang si Kyle nako magagalit talaga ako sayo." Pagbabanta sa akin ni Marie, magsasalita pa sana ako kaso bumalik na si Kyle na may dala dalang tatlong plato at mga kutsara, saka dalawang baso.


Umupo siya sa tabi ko at napapikit ako ng halikan niya ang ulo ko.



"Ang sweet naman ng asawa ko..." Bulong niya saka nagsimulang buksan yung dala dala kong pagkain, napatingin naman ako kay Marie dahil bigla niyang sinipa ang paa ko! Pinandilatan niya ako at binigyan niya ako ng -magtanong-kang-tanga-ka-look- umiling iling ako pero akmang sisipain nanaman niya ako kaya naman nagsalita na ako!


"Kyle sino sila?!" Hindi ko alam kung anong tono ng pananalita ko.


"Yon? Wala... Kaibigan ko lang." Sabi niya at sumubo ng afritada...



"Hmm... Ang sarap baby ah... Mukhang nagpapractice ka na ah." Natatawang sabi niya, akmang susubuan niya ako pero umiling ako at nagtanong pa ulit.



"Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan bukod kay Felix at sa ex mong si Tine?" Tanong ko sakanya, para namang natatawa siya na ewan.


Lumunok muna siya bago nagsalita ulit. "Nagseselos ka ba?"



"Obvious ba?!!" Biglang sigaw ni Marie! Pero tinawanan lang siya ni Kyle.



"Wala ka namang dapat ipagselos Miss.Gonzales..." Nakangising sabi niya sa akin.


"Miss.Gonzales?! Akala ko ba inaangkin mo ako? Pero bakit Miss.Gonzales pa rin ang tawag mo sa akin?!" Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para tarayan ang boses ko! Maybe nahawa na ako kay Marie!



Ngumisi siya. Sht! Bakit kasi napaka sexy ng ngisi niya, nawawala ang concentration ko! Galit ako! Galit!


"Alright. Mrs. Soon To Be Cando--"


"Kailan pa nagkaroon ng Soon To Be ang apelido mo?!!" Hiyaw ko sakanya dahilan para mas lalo siyang matawa! Ano ba?! Galit ako di ba?! Pero bakit tinatawanan niya lang ako?!!



"Hahaha! Okay. MRS.CANDO! Ayos na ba yon?" Nakangiting sabi niya akmang hahalikan niya ang labi ko pero umilag ako.


"Hindi okay hangga't hindi mo sinasabi kung sino at saan mo nakilala yung dalawang yon!!" Sigaw ko sakanya. Ibinaba niya yung kutsarang hawak niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.


"Si Hana at Jerx...ex ko sila baby..." Mariin niyang pinagtama ang mata naming dalawa! Mas lalo akong nakaramdam ng inis.


"Ganyan ka ba talaga Kyle?! Nakikipag kaibigan ka sa mga ex mo?!Nakakainis ka!!" Sigaw ko sakanya at nagmadali akong lumabas ng office niya! Sumunod naman sa akin si Marie na kanina pa pinapanood ang away namin.


"Baby!!" Sigaw ni Kyle! Mabilis niyang nahila ang braso ko at hinarap ako sakanya!


"Baby ex ko na lang sila...ikaw na yung ngayon,bukas at sa susunod na mga araw pa! Kaya ko lang sila kinakausap dahil nagvolunteer sila na tulungan ako sa importanteng project ko..." Pambobola niya! Hinila ko ang braso ko sa pagkakahawak niya!


"Bwisit ka Kyle Cando! Kung kailangan mo ng tulong edi sana ako na lang yung pinatulong mo!Bwisit!I hate you!!"


"I love you baby!" Ganti niya sa akin!


"I hate you so much!" Sigaw ko!


"I love you so much asawa ko." Nakangiti pa rin siya! Nakakainis! Bakit ba hindi maalis alis ang ngiti sa labi niya ang sarap bugbugin ng halik yung labi niyang mapang asar!!



"Bwisit!" Huling sigaw ko at sumakay na ako ng elevator, sumakay din siya at hinatid niya kami ni Marie sa parking area.


Si Marie yung magdadrive. Hindi ko pa rin pinapansin si Kyle na nakatayo sa gilid ng kotse ko, nakababa yung bintana nito kaya naman ramdam kong titig na titig siya sa akin, at alam kong ngiting ngiti pa rin siya!


"Marie, paki-alagaan muna yung asawa ko, galit sa akin eh. Promise babawi ako." Nakangising sabi niya, kainis talaga.


"Psh, bahala ka sa buhay mo." Bulong ni Marie at pinaandar na yung kotse ko.


Napatingin ako sa cellphone ko ng may magtext.


From: Kyle <3

Kaya mahal na mahal kita eh, napaka selosa mo. Ikaw lang naman yung nag iisa sa puso ko kaya wala kang dapat ipagselos. Nakatali na ako sayo habang buhay.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top