Chapter 40




Chapter 40


KEI'S P.O.V



"Ayoko!" Sigaw ko!


Oo sumisigaw nanaman ako ngayon! Kasi naman si Kyle pilit na nilalagyan ng sinulid yung noo ko, nilawayan niya muna yung sinulid bago niya akmang ilalagay sa akin.



"Baby! Isa, dali na... Wala namang mawawala kung susubukan natin di ba? Natatandaan ko kasi nung bata pa ako kapag sinisinok ako nilalagyan ni Love ng sinulid yung noo ko." Seryoso siya habang sinasabi yon! Nakakainis kasi kaninang umaga pa ako sinisinok, mag-gagabi na hindi pa rin naaalis.


"Pero hindi na ako bata." Sabi ko.



"Baby naman kita di ba? Dali na baby h'wag ng matigas ang ulo." Pakiusap niya, umayos ako ng upo sa kama, nilawayan niya ulit yung sinulid tapos idikit na niya sa noo ko.


"*hik!!"


"Hahaha. Cute mo baby." Sabi niya sa akin.



Nandito na nga pala ulit kami sa Manila, nung isang araw kami umuwi. Hindi ko alam kung anong pinag usapan nila ni Papa, basta ang narinig ko na lang sa sinabi ni Kyle ay...


"Iuuwi ko na po ang asawa ko."



Nanlaki nga ang mata ko nun eh, sabagay magkakaanak na kami kaya asawa na.


Nakasandal kaming pareho sa head board ng kama, ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko, ramdam na ramdam ko yung mainit na paghinga niya sa leeg ko. Itinaas ko ang kamay ko para haplosin ang mukha niya. Yung hugis ng mukha niya hugis ng gwapo, haha may ganun pala.


"Hmm, namiss kita." Bulong niya, ngumiti ako, kahit naman ako sobrang namiss ko siya.


"Ako rin..." Sagot ko, humigpit ang yakap niya sa akin at naramdaman ko ang dahan dahan na paghalik niya sa pisngi ko pababa sa leeg ko.



"Kyle..." Tawag ko sa pangalan niya...



"Yes baby?" Bulong niya habang hinahalikan pa rin ako, pumikit ako ng maramdaman kong gumapang ang kamay niya sa dibdib ko.


"Kyle naman..." Reklamo ko, pakiramdam ko nag iinit ang mukha ko sa ginagawa niya. Narinig kong ngumisi siya ng mahina.


"Baby...tumataba ka na." Pang aasar niya! Itinulak ko siya at tinignan ko siya ng masama! Baliw pala siya eh, buntis kaya ako.



"Ano naman kung tumataba ako? Hindi mo na ako mahal?" Naiinis na tanong ko, ganun ba talaga ang mga lalaki kapag buntis na ang girlfriend pagtatawanan na lang?! Kainis.


"Hahaha. Hindi baby..." Malambing pa rin ang boses niya, lumapit ulit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.



"Kahit lumobo ka pa hinding hindi ako magsasawa sayo." Nakangiting sabi niya sa akin, inirapan ko naman siya.



Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako sa mata ng sobrang lalim. Hinihigop nanaman ako ng mata niya.


"Ang sungit naman ng misis ko, ganyan ba talaga pag buntis? Pero ayos lang, kahit gaano ka pa kasungit ikaw pa rin ang mahal ko... Ikaw lang...wala ng iba..." Bulong niya at saka inangkin ang labi ko, mabagal at masarap na halik.


Napadausdos ako sa kama kaya naman nakahiga na ako ngayon habang hinahalikan niya ang labi ko... Nasa ibabaw ko na siya pero medyo nakaangat siya ng kaunti na para bang iniiwasan niyang madaganan ang tiyan ko, napasinghap ako ng pumasok sa loob ng tshirt ko ang kamay niya at dahan dahan na hinimas ang tiyan ko.


"Uhmm..." Ungol ko, sobrang init talaga ng kamay niya.


"My baby..." Bulong niya sa pagitan ng halik naming dalawa, pinaghiwalay niya ang labi naming dalawa at bumaba siya ng kaunti para mahalikan ang tiyan ko.



Napapangiti ako sa ginagawa niyang paghalik sa tiyan ko para bang sobrang saya niya dahil magkakaanak na kaming dalawa, binubulungan pa niya iyon.



"H'wag mong pahihirapan si Mommy baby... Kung babae ka dapat kasing ganda ka niya, at kung lalaki ka naman dapat mas gwapo ka kay Daddy." Bulong niya at hinalikan ulit ang tiyan ko.



"Hahaha! Kyle ang yabang mo!" Sigaw ko sakanya! Nag angat siya ng tingin sa akin at hindi ko nagustuhan ang ngiting ibinigay niya sa akin! May halong pagbabanta kasi iyon!



"Pakiulit nga baby?" Pagkukunyari niya.



"Sabi ko ang yabang mo!" Sigaw ko sakanya habang tumatawa siya!


"Ahhh!!" Napatili ako ng kilitiin niya ako sa tagiliran ko!


"Mayabang ako baby?! Paparamdam ko sayo kung anong ipinagyayabang ko!" Natatawang sigaw niya!


"K-Kyle!!" Sigaw ko!


Tumaas siya at sinimulang halikan ang labi ko! Ramdam kong nakangiti siya habang hinahalikan ako!



Lumayo siya ng kaunti at tinitigan ang mata ko.


"Ang pinaka gusto kong ipagyabang sayo ay yung pagmamahal ko." Seryosong bulong niya, napangiti na lang ako at niyakap ko siya! Napasubsob siya sa leeg ko.


"I love you Kyle..."


"I'm crazy for you baby..." Natatawang kanta niya!


"Sira ka talaga...matulog na tayo, punta tayo bukas sa Doctora ko... Hindi pa ako nakakapagpa ultra sound... Dahil gusto ko sabay nating makita..." Bulong ko, naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa akin sa ibabaw ko. Totoo yon, nung panahon na malayo kami sa isa't isa ayokong magpaultra sound hangga't hindi siya ang kasama ko... Umasa pa rin ako na makakasama ko siya sa importanteng araw na yon, mag tee-three months na akong buntis, alam ko hindi pa makikita kung babae o lalaki yung anak namin, pero syempre iba pa rin yung makikita ko ang unti unting paglaki niya sa sinapupunan ko.



"Thank you baby, dahil hindi ka sumuko..." Bulong niya...


"Muntik na nga di ba?"


"Muntik lang. Magkasama na ulit tayo ngayon kaya naman masasabi kong hindi mo ako isinuko." Paliwanag niya, niyakap ko na lang siya ng mahigpit... Tumagilid siya at hinila ako, napatingin siya sa noo ko at tinanggal yung sinulid.


"Sabi sayo effective yung sinulid ni Love eh, tignan mo wala ka ng sinok." Pang aasar niya sa akin.


"Yung sinulid ba talaga nakatanggal ng sinok ko o yung masarap mong halik?" Nakangiting tanong ko sakanya, para namang nagliwanag ang mukha niya.


"Syempre yung masarap kong halik." Pagyayabang niya, hinampas ko siya sa dibdib niya at sumiksik na ako dun, sinimulan na niya akong tapikin sa likod para makatulog na ako.



____


Kinabukasan, hindi ko makausap si Kyle dahil nakatulala siya sa akin. Iwinagayway ko ang kamay ko sa mukha niya.



Maging si Doctora natatawa na sakanya, katatapos ko lang kasi magpaultra sound, ganun pala ang pakiramdam, hindi mo maiiwasang hindi maiyak dahil sa saya kapag nakita mo na yung dinadala mo.


"Kyle!" Sigaw ko sakanya, tinignan niya pa rin ako ng mas mariin, para bang sobrang paghanga ang laman ng mga mata niya.



"Kei, mukhang na-amaze ang asawa mo ah. Kaya ba ayaw mo magpaultra sound last month dahil alam mo ang magiging reaction niya?!" Natatawang sabi sa akin ni Doctora, ngumiti na lang ako, hindi ko naman ineexpect na magiging ganyan ang reaction ni Kyle kapag nakita na niya, pero nakakatuwa talaga siya.


"Congratulations sa inyong dalawa..."




Ibinigay na sa akin ni Doctora yung baby book ko kung saan nakalagay din yung resulta ng ultra sound ko, saka yung listahan ng mga vitamins ko.


"Sige po Doctora salamat po!" Nakangiting paalam ko at hinila ko na palabas ng clinic ni Doctora si Kyle dahil may mga naghihintay pa.


Sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko hanggang makalabas na kami ng ospital. Hinarap ko na siya dahil ang tahimik pa din niya.


"Kyle ano ba?!" Sigaw ko sakanya habang tumatawa ako, yung titig niya sa akin nakakatuwa para bang hindi siya makapaniwala, simula ng makita niya ang ultra sound ko ganyan na siya, tulalang tulala.


"Kyle--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil hinila niya ang kamay ko at hinalikan ang noo ko...



"Thank you baby..." Bulong niya ng hindi inaalis sa noo ko ang labi niya... Yumakap ako sa bewang niya.


"Lalo lang akong nabaliw sayo..." Patuloy niya, sumubsob siya sa balikat ko at mas hinigpitan ang yakap sa akin, kaya naman napangiti ako...



"Hindi mo lang alam baby... Pero yung nagwawalang puso ko, mas doble pa ang pagwawala ngayon..." Bulong niya at pahigpit pa ng pahigpit ang yakap niya sa akin, may mga taong tumitingin saamin pero binabalewala lang namin lahat ng yon.



"Magkakaanak na tayo baby...hindi lang isa...dalawa pa..."


Napangiti ako, kambal ang magiging anak namin ni Kyle, kahit ako sobrang saya ko talaga. Mas lalo nga akong naeexcite na malaman kung babae o lalaki ang magiging anak namin.


Humiwalay siya sa pagkakayakap ko at tinitigan ako sa mata, inayos niya ang nakatabig na buhok sa mukha ko, hinawakan niya ang kamay ko at itinapat ito sa kaliwang dibdib niya, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon dahil sobrang bilis talaga ng pintig ng puso niya.


"Tama nga si Dad... Kung sino yung taong nakasakit sayo siya rin yung hihilom ng sakit na yon... Yung dating sakit na nandito baby...punong puno nanaman ng pagmamahal dahil sayo... Miss. Kei Fernandez Gonzales, ikaw lang talaga ang nakapag pabaliw sa akin ng ganito..."



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top